Meeting his girl
Ang talim na tingin ng Monday na boyfriend ko sakin ay tumagos na ata sa likod ko. Sinundan ko ng tingin ang likod ng Delafuente na tuluyan nang tumalikod sa amin. I can't believe he provoked me to end this relationship.
"Nandoon ka ng gabing iyon? I thought you're studying?" Iritado niyang sabi sakin, ang makapal na kilay ay nagkakasalubong pa.
"Pinapaniwalaan mo ang lalaking iyon? Sino ba ang girlfriend mo?" Nagpanggap akong malungkot.
I know he wont fall with that kind of reason and I don't want him to fall on that expression either. Gusto kong magalit pa siya sakin.
"Kung wala ka doon sa Bar na yun edi sino ang nakilala ni Jame Brancen?" Nanatili ang talim ng tingin niya sakin at pati sa tono ng pananalita niya ay bakas ang pagkairita niya. He's jealous and he's pissed. He thought he caught me lying... I wont let him caught me.
Hindi ko alam na ganito ko pala hihiwalayan ang lalaking 'to. Well, Jame Brancen is giving me a favor. Hindi niya ako pinahirapan kung paano ko siya hihiwalayan. Sayang ang access ko sa mga basketball events. Tss.
"Kung mas paniniwalaan mo siya then fine. You don't trust me so what's the purpose of this relationship? Let's end this. I'm breaking up with you." Mabilis kong dinampot ang purse ko at tumayo. Agad akong tumalikod at rumampa palabas ng restaurant.
Ganoon lamang iyon kasimple. Iniwan ko siyang gulat at halos malaglag ang panga dahil sa sinabi ko. I think I have my vacant day now.
Ginigigil rin talaga ako ng bastardong iyon. How dare him butt in like we're close? You want a war Jame Brancen Delafuente? Then I'm ready for a battle. Wait and see. Ikaw ang nauna pwes magsiraan tayong dalawa.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakabusangot na mukha agad ni Autumn ang bumungad sakin. Mukhang magkatulad kami ng sinapit nito. Yung kaibahan lang sa kanya ay nahuli siyang nakikipaglandian sa isa. She doesn't want to label it. Gusto niya yung mukha lang silang mag on pero hindi naman talaga.
"Spit it and I'll spit mine." Panimula ko. Itinapon ko sa sofa ang purse ko at unti unting in-unbotton ang suot kong blouse.
"Nabawasan na ng isa ang collection ko. Hindi ko inaasahan na magkaibigan pala ang dalawa. Nagparaya yung isa. At yung mas gwapo pa ang nagparaya! Akala naman talaga nila na mapapasakanila ako." Humalukipkip siya sa sofa.
Nanatiling blangko ang ekspresyon ko. Hindi na sakin bago ang pinagsasabi niya. Hindi siya naiinis dahil nagparaya yung lalake, naiinis siya dahil nabawasan na naman ang collection ng mga gwapo niyang lalake. Yeah right, Autumn Formentera. I'm heartless while she's emotionless.
"How 'bout you? Vacant na ba ang araw na 'to?" Pangungumpirma niya at nakaangat na ang isang kilay.
Nagkibit nalang ako ng balikat. I don't have to spit it I guess. Nakalimutan kong nababasa rin pala ako ng babaeng 'to. Pagkatapos kong mahubad ang suot kong uniporme at tanging bra 'tsaka pantyshort nalang ang suot ay umakyat na ako patungong kwarto. Sumunod naman siya sakin habang pinulot yung uniporme kong iniwan ko lang. Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto ko.
"Alam mo ba kung sino ang mga babae ng Jame Brancen na yan? Bigyan mo nga ako ng info's ng mga babae niya. Isa isa." Naglakad ako patungong walk in closet ko. Umupo naman siya sa kama ko at inilapag doon ang aking uniporme.
"Seryoso ka talagang akitin ang lalaking 'yon? Hindi ba natablan ng karisma mo?" Tumawa ito.
Hindi ko man aminin pero halatang hindi nga siya naaapektuhan sa ngiti ko. Wala man lang kareareaksyon ang mukha. Doon lang siya ngumingiti pag ako na ang nabibitag niya sa pakulo niya. I really wonder what's his taste? And he's getting into my nerves! Real big time.
Lumabas ako ng walk in closet ko na nakapambahay na. Isang baggy shirt at shorts ang aking isinuot.
Nadatnan ko siyang may kausap naman siya sa phone niya. Sandali niya akong tiningnan pero iniwas rin ang mga mata. Marami siyang connection. Kaya napapakinabangan ko rin ang pangongolekta niya ng gwapo dahil nakakabenefits rin ako. Minsan ay nakakapasok kami ng libre sa mga mamahaling party events dahil kalandian niya iyong anak ng naghahandle o binibigyan nalang kami ng ticket. Nakakatipid rin kami.
"Mag-online ka. Isesearch natin isa isa yung mga babae niya." Sabi niya nang binaba niya ang tawag.
Binuksan ko agad ang laptop ko at naglog in. Ipinakita niya sakin ang mga pangalan ng babae nito. Mga nasa lima yung mga babae niya. Hindi ko alam kung sino ang kinontak niya para makuha ang mga impormasyon na 'to.
Lima lang? O baka naman iyong iba ay nakaone night stand niya lang. Maybe. Mukha palang noon halatang marupok na.
Una naming sinearch ay ang nagngangalang Viane. Nakuha agad nito ang atensyon ko. Nagkatinginan kami ni Autumn at ibinalik sa wall nito.
"Not bad. Hindi na ako magtataka kung ba't nabingwit niya ang isang Jame Brancen Delafuente." Patango tango niyang sabi.
Maganda ito at may napakaamong mukha. Okay I admit magkalebel kami pero lamang parin ako. Malandi kasi ako. Maganda lang siya. Lamang ang malandi sa maganda. At mas maganda ako.
"Makikipagkita ka sa babaeng yan?" tanong sakin ni Autumn nang hinalughog ko ang mga albums nito. Mukhang hindi mahilig sa party kaya mahihirapan akong hagilapin ang babaeng 'to.
"Pinagpaplanuhan ko pa. Gusto ko iyong kasama niya si Jame Brancen para mas maganda yung entrance ko. Nilagas niya ang isa kong lalake edi lalagasin ko rin isa isa ang mga babae niya hanggang walang matira sa kanya. Hanggang maakit ko siya." Pumakawala ako ng makahulugang ngiti sa labi.
At isa pa... mukhang mabait naman ang Viane na yan kaya hindi ako mahihirapang magsurvey kung paano niya naakit ang Delafuente na 'yon.
"Mas maganda ka naman diyan Abbey pero mukhang wala ka talagang epekto kay Jame Brancen. Dahil kung gusto ka niya edi dapat gumagawa na siya ng paraan para hagilapin ka. He has his ways to catch you Abbey but he didn't. Nagpapahard to get ata sayo." sabi niya at nasundan ng malutong na tawa.
Nanatili akong nakatingin sa mga pictures ni Viane. Napapansin ko sa isang pictures nito ay mga natatanggap niyang awards sa mga sinasalihan niyang quizbee o kung ano ano pa na may kinalaman sa katalinuhan. Yun ba ang nagustuhan ni Jame Brancen sa kanya? Ang pagiging matalino niya? O baka naman napilitan lang si Jame Brancen na idate ang babaeng 'to. I doubt it. Sapat na ata ang mukha ng babaeng 'to para idate ng isang Jame Brancen Delafuente.
Dito na sa bahay natulog si Autumn. Ang Monday na ex-boyfriend ko naman ay binabaha ako ng text at ilang ulit na akong tinatawagan kaya binlock ko na ito sa contact list ko. Ilang lalake na ba ang nab-block sa contacts na 'to? Yung anim na boyfriend ko naman ay sinabi kong hindi ako mahilig magfacebook kaya hindi nila alam ang account na 'to. Nakablock rin naman sila.
"Sa BTSU nag-aaral si Viane, and she's already a 2nd year college student. Anong plano mo?" tanong sakin ni Autumn na nakasuot na ng pantulog ko at nakahiga sa kama habang ako naman ay nakakulob at binablock na ang Monday ex-boyfriend ko sa f*******: ko.
Hindi ako bitter. Mas mabuti yun para hindi niya na ako makita. Hindi ako mahilig magfacebook at nakaprivate ang account na 'to. Kailangan kong mag-ingat.
"Dapat updated tayo sa Viane na 'yan. Siya ang unang babae ng Delafuente na iyon na lalagasin ko. Hindi nalang muna ako makikipagkita sa Tuesday boyfriend ko bukas baka bigla na namang sumulpot ang Jame Brancen na yan at ibuking ako." Sagot ko.
Pagkatapos kong magscan ay isinara ko narin ang laptop ko at tinabihan siya sa kama. Laman ng utak ko ang kahihiyang naranasan ko sa 3DBar hanggang dinalaw ako ng antok.
"Miss Abbegial Roquero, when are you making up your mind? Paano ko ba mababago ang isip mo? Bagay na bagay kang irepresent ng school sa event na 'to. For sure mananalo ang school natin." Pumungay ang mga mata ng prof ko habang nakatingin ng deritso sakin kinabukasan.
Ilang beses ko nang tinanggihan ang offer na 'to. Hindi ako mahilig sumali sa mga ganito. Alam ko namang maganda ako kaya hindi ko na kailangang irampa iyon sa iba. Isa lang 'to sa mga offers sakin na tinatanggihan ko.
"May mas deserving pa naman po sakin eh. Si Autumn nalang." Nilingon ko ang kaibigan kong agad akong pinaningkitan ng mata. Isa rin yan. Ayaw niyang sumasali sa mga ganito dahil naaartehan siya sa pagrarampa habang nakangiti. Nagmumukha daw siyang tanga.
Napabuntong ng hininga ang prof ko. Mukhang susuko na ata siya sa pangungumbinsi sa akin. Mabuti naman.
"Miss Formentera, are you okay with that? Kahit daluhan mo lang yung meeting sa BTSU para may represent ang school natin."
Mabilis kaming nagkatinginan ni Autumn at nagkaintindihan agad sa pamamagitan ng tinginang iyon. BTSU? Doon nag-aaral si Viane! At doon rin nag-aaral ang magpipinsang Delafuente. Sikat ang school nila dahil narin apo sila ng may-ari ng school. The asshole's cave!
Unti unting nabura ang pagtanggi sa hitsura ni Autumn ganoon rin sa akin. We need this. Sa pamamagitan ng tinginan namin ay nagkasundo agad kami.
"Fine Ma'am. Ako nalang ang magrerepresent sa school natin. For sure tatanggihan lang kayo ni Autumn. Natatakot lang kasi ako na baka matalo ako at mapahiya ko yung school natin." Bakas sa mukha ko ang lungkot at umaarte nalang na dahil ito sa school.
Lumiwanag naman agad ang mukha ng prof ko. Bakas sa kanyang mukha na tuwang tuwa siya sa naging desisyon ko.
"Really Miss Roquero? Ofcourse not. Gawin mo lang ang makakaya mo. Just that. Hindi ka naming pinipressure." Sabi niya at may hinalungkat sa loob ng bag niya saka inilabas ang isang folder at ibinigay sakin.
"Just sign this..." sabi niya.
Iginala ko muna ang tingin ko sa mga representative. Bawat year ay may representative at ako naman sa First year. Pagkatapos kong pirmahan iyon ay ibinalik ko ito sa prof ko na may malapad nang ngiting ibinibigay sakin.
Pinaexcuse narin kami sa klase para makapunta na doon sa BTSU. Mas malaki kasi ang school nila kaysa sa pinapasukan namin ni Autumn kaya siguro doon iniheld ang meeting.
"Malaki ang BTSU Abbey. Paano natin hahanapin ang babaeng yan? At hindi ba magtataka si Jame Brancen kung ba't mo kinakausap si Viane?" tanong sakin ni Autumn habang naglalakad papasok ng BTS University College Building.
Ba't parang nabobobo na ang babaeng ito?
"Autumn, hindi ako tanga para kausapin ang babaeng yan dito. May possibility na siya ang representative sa 2nd year lalo na't matalino siya. Pag nagkataon makikita natin siya doon. At ba't parang napakaabsent minded mo ngayon? Alisin mo nga muna sa utak mo yang iba mong lalake. Stick to my plans." Pinaningkitan ko siya ng mata.
Umismid siya sakin. Four students kami na nanggaling sa school namin ang dadalo ngayon ng meeting sa BTSU at isinama ko lang itong si Autumn. Pag-uusapan ata ang mga magiging criteria ng gaganaping event.
Nakakuha agad kami ng atensyon ni Autumn nang pumasok kami sa isang room kung saan gaganapin ang meeting. Maganda kaming dalawa ni Autumn kaya tama lang na makaagaw kami ng atensyon. Umupo agad kami sa bakanteng upuan sa likod. Dito namin naisipan na umupo para makapagmasid masid kami ng maayos.
Sinimulan kong igala ang paningin ko. May natanaw akong isang Delafuente na may katabing magandang babae sa di kalayuan sa kinauupuan namin ni Autumn. What's his name again? Siya iyong Delafuente sa 3DBar na mukhang brokenhearted. Yan ata iyong girlfriend niya. Teka? Ibig sabihin yan 'yong kahalikan ni Jame Brancen sa video?
Pinagmasdan kong mabuti ang babae na ngumingiti dahil kinakausap ng boyfriend niya. She's so pretty! I can't blame Jame Brancen for kissing her. And too bad for her... nadamay siya sa kademonyohan ng lalakeng iyon.
"Abbey, focus your sight on the right corner. I spotted Viane." Bulong sakin ni Autumn.
Mabilis kong inilipat ang tingin ko sa tinutukoy ni Autumn. Nakita ko agad ang isang pamilyar na mukha ng isang babae. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. Mas maganda pala siya sa personal.
Hindi ko maipokus ang atensyon ko sa pakikinig sa nagsasalitang prof sa harap dahil sa kaksulyap kay Viane. Pagkatapos ng elaboration nito tungkol sa magiging criteria ay binigyan muna kami ng oras para makipagkilala sa ibang estudyante. Inilahad ni Autumn ang palad niya sakin saka ko pinalo ang palad ko doon habang nginingitian namin ng patago ang isa't isa. This is our chance.
May mga lumalapit sa akin para magpakilala pero hindi ko masundan ang pinagsasabi nila dahil sa pagnanakaw ng sulyap kay Viane na tumatawa na ngayon sa ibang estudyante na nakikipagkilala sa kanya. Okay, she's attractive. Is that enough to seduce a Delafuente? Naakit niya kaya iyon sa tawa niya? Iyon na ba?
"Abbegail! Ikaw nga."
Natuon ang buo kong atensyon sa lalaking nasa harapan ko. I don't know this guy. Nakilala ko kaya 'to sa Bar? Gwapo siya pero hindi siya familiar sakin.
Napansin niya ang hindi ko pag-imik kaya natawa siya. Okay, gwapo nga siya. Papasa 'to sa standards ni Autumn.
"Gab. Remember me? Sa Rave Party nung nakaraang lingo." Paninigurado niya.
Kahit anong pilit kong halughugin sa utak ko ang imahe niya ay hindi ko talaga matandaan. Kahit gwapo siya ay ang hirap hagilapin ng mukha niya sa alaala ko noong party na iyon.
"And you're drunk on that time." Tumawa siya.
Kaya pala. Ngumiti nalang ako ng pilit. Biglang sumulpot si Autumn sa tabi ko kaya napalingon siya sa kaibigan ko. Mas naging interesado ang ekspresyon ng mukha niya.
"Hey, I remember you." Bungad ni Autumn na nakangiti ng matamis. She's trying to seduce this guy through her smile. And this guy is slowly falling on her trap. Autumn Formentera's asset huh. Sinasabi ko na nga ba at magkakainteres siya sa lalaking 'to.
"Naaalala rin kita. Autumn right?" ngiti ni Gab sa kaibigan ko. Mukhang nagdidiwang na ang kalooblooban ni Autumn dahil nadagdagan na naman ang collections niya. May pamalit na siya sa nawala.
Umalis na ako sa harap ng dalawa dahil nagtatawanan na sila. Ayokong sirain ang diskarte ni Autumn.
"Hey Abbey!" tawag sa akin ng isang boses babae.
Too much fame Abbey! Ikaw na talaga.
Napalingon ako sa direksyon ng pinanggagalingan ng boses. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sakin pero naging interesado agad ang kalooblooban ko dahil isa sa mga babae doon ay si Viane. Someone know me from her group of friends. Nice!