3

2677 Words
War of hormones   Lumapit ako sa pinanggagalingan ng boses. Hindi ko alam kung saan sa tatlong nakapalibot kay Viane ang tumawag sakin pero isa lang ang nasisigurado ko, they're friends. Malademonyo akong napangisi sa kaloob-looban ko. "Abbegail! Ikaw pala ang magrerepresent ng school niyo?" sabi ng isang babaeng may brownish na buhok. I'm not familiar with her. Nagba-bar rin siguro ito kaya ako kilala. Ngumiti lang ako. Pinagana ko agad ang utak ko sa maaaring impormasyon na makuha ko. I'm gonna take this opportunity. Pasimple kong nilingon si Viane at nagkunwaring pamilyar siya sakin. Of course... she's familiar. One of Jame Brancen's girl. "You look familiar. Nagkita na ba tayo?" tanong ko sa kanya ng painosente. Bakas sa mukha niya ang kunot niyang noo. Pilit niya siguro akong inaalala. I wonder how they worked out together? May nangyari kaya sa kanilang dalawa? Oh please Abbey, stop asking damn questions. Jame Brancen is an asshole. Maraming pwedeng mangyari sa kanila. He even hold your hand just to make you touch his whole naked abs! Iyong ganoon palang na istilo ay halatang marami ng experience sa kama. "Viane is not a partygirl Abbey." Sabat ng babaeng nakakakilala sa akin. Stop butting in girl. Let her talk. She has a mouth. Tsss. "I think I already saw you. I think you're with Jame Brancen that time if I'm not mistaken. Are you his girlfriend?" pag-iimbento ko at nailagay pa ang hintuturo sa ilalim ng pang-ibaba kong labi. Nakita ko kung paano nagkatinginan ang mga kaibigan niya habang napakurap naman si Viane. I know she wants to be claimed as the asshole's girlfriend pero alam niyang imposible iyon. We're talking about Jame Brancen Delafuente here. "We're just dating." Sagot niya. Mabait nga ang babaeng ito. She even blushed. The one that got away huh. Pinaasa ka ng loko lokong iyon at nagpauto ka naman. You'll thank me for saving you anyway. "Pero hindi naging sila." Malungkot na sabi nung isa. I know. At hindi magiging sila. That's impossible. That asshole is now on my list. Pasimple kong iginala ang tingin ko sa direksyon ni Autumn. Nandoon parin siya at nakikipagtawanan parin kay Gab. Kahit saang lugar talaga ilagay ang babaeng 'to ay may nabibiktima. Ibinalik ko ulit ang atensyon kay Viane. "Sayang nga." Nagpanggap akong malungkot. Gotcha! Ngayon alam ko na kung ano ang nagustuhan ni Jame Brancen sa babaeng 'to. She's nice and innocent! Madali niyang makukuha ang babaeng ito ngitian niya lang. Scratch that, no girl can fall for that smile and I'm very proud to say that I'm not a girl. I'm a lady. I wont fall for that Jame Brancen.  Nagpaalam rin ako sa harap nila. Ako na mismo ang humila kay Autumn paalis dahil mukhang wala nang balak umalis ang babaeng 'to. May nakuha na akong impormasyon! "May nakuha ka?" tanong niya sakin nang naglalakad na kami palabas ng meeting room. Isang pilyang ngiti ang isinagot ko sa kanya. Napangiti narin siya habang napapailing. Mukhang kailangan ko atang sumali sa event na 'to para ipamukha sa Jame Brancen na 'yon na kaya kong talbugan ang isa niyang babae. You'll fall for me asshole... wait and see! "s**t Abbey! Si Klent Laurel! Nandito! Kung sineswerte nga naman!" Bakas sa mukha niya ang malapad na ngiti dahil sa natatanaw niyang imahe ng lalake sa dancefloor na kumuha ng atensyon niya nang makapasok kami sa loob ng Bar. Gwapo ang tinutukoy niya kaya nagkakaganyan yan. "Let's dance Abbey!" Hinila niya ako papunta doon pero hindi ako nagpatianod. Hindi ko feel ang pagsasayaw nang hindi nakakainom ng isang shot ng tequilla. Mas gusto ko yung tipsy ako dahil doon ako mas nagiging wild at mas nakakahakot ng atensyon.  "I need to get drunk first before I dance Autumn. Mauna kana lang diyan sa dancefloor. Don't drag me on your bullshits. Baka sakin pa yan mabighani." Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at naglakad patungong counter. I don't like sitting on a couch. Mas madali ko kasing natatanaw dito kung sino yung lalabas at papasok ng Bar. I need to stay alert. Mas lalong naging maingay ang loob nang isang kanta ni Dillon Francis at DJSnake ang pumaibabaw. Nagsimula narin akong uminom. Binabalanse ko ang bawat shots na nilalagok ko. Hindi ako pwedeng mawala sa sariling katinuan sa mga ganitong Bar unless isang rave party ito at kailangan mo talagang magpakawasted.  Nakakatatlong lagok na ako ng shot nang mahagip ng tingin ko ang pamilyar na imahe ng lalaking kakapasok lang kasama ang isa niyang pinsan. He looks hot on his black tshirt, maong pants and black shoes wearing his sexy gaze. His hair were fixed properly revealling his forehead. Oh hot... Para talaga siyang isang makamandag na ahas na napadpad sa kagubatan at naghahanap ng mabibiktima. Iyong bigla ka nalang tutuklawin. Sila lang dalawa noong matangkad na pinsan niya at may maliwanag na ngiti. Hindi ko alam kung ano iyong pangalan ng pinsan niyang yan. Napangisi ako. This night is very exciting. Let the game begin. Nanatili ako sa upuan ko at nagpanggap na walang napapansin. I need to act like I don't really give a f**k on his presence. That will piss him off. No Abbey, you don't even scare the hell out of him. I'm gonna reach that someday, very soon. Not now unfortunately. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang lalake sa bakanteng upuan katabi ko. Medyo nahaluan ng foreign ang hitsura ng mukha nito. Autumn's standards when it comes to her toys. Napalingon siya sakin at isang ngiti ang nabuo sa labi niya. I don't know him but I think he knows me. I can't blame him. I always stand out when I'm on Bars.  "Abbey, right?" tanong niya sakin. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. He's trying to catch my full attention through his smile. I'm sorry but Abbegail Roquero wont fall for that charm. That's too shallow. Ngumiti lang ako ng tipid at nilagok ng konte ang shot ko. I don't need to say something. I don't want to start a conversation on this stranger neither to talk to him.  "I'm Ash." Inilapit niya ng konte ang sarili niya sakin para marinig ko siya. Boy's first move.  "My ass?" bulong ko rin sa kanya sa mga mata kong lumalamya na. Natawa siya ng marahan nang marinig niya ang bulong ko.  "I said I'm Ash. Is that your way on making me fall with you Abbey? Because seriously I'm falling hard." Naging malapad ang ngiti niya at kinindatan ako. Isang pagtataas lang ng kilay ang sinagot ko sa kanya. Sinadya kong magbingibingihan para sabihin iyon sa kanya. Pero mukhang hindi nakuha ng gago. Ba't ba parami nang parami ang mga babaero ngayon?  "Gusto mong sumayaw?" tanong niya sakin sa pamamagitan ng bulong nang hindi na ako umimik. "No tha-"Ash!" Pumaibabaw ang isang pamilyar na boses sa boses ko sanhi para maitikom ko ang bibig ko. Hinanap agad iyon ng aking mga mata lalo na't pamilyar sa akin ang malambing ngunit malanding boses. Nagkasalubong ang kilay kong tumama sa lalaking sumulpot sa gilid ni Ash. Iblinangko ko agad ang hitsura ko. They know each other? Of course Abbey, walang hindi nakakakilala sa walanghiyang Delafuente na iyan dito sa 3DBar. "Jame Brancen, dude." Nagbungguan sila ng balikat sa isa't isa. Lumagok muna ako ng isang shot saka pumakawala ng matamis na ngiti. I know he won't fall for this. I just want to catch his attention. "Girlfriend mo?" tanong niya kay Ash, sinulyapan ako saglit habang ang mga mata ay tila nawawala na dahil sa ngiting ibinibigay. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siyang inosente o sinasadya niya talaga akong inisin. He didn't know that I have six fakeboyfriends. Alam niya lang na girlfriend ako ng schoolmate niyang si Charles, as what he mentioned. "No, but I'm planning to court her. What do you think dude, papasa kaya ako sa kanya?" Tumawa siya. Nagpaparinig ang loko. Hindi purket vacant na ang Monday ko ay magdadagdag na ako ng panibagong siraulo. I still have a goal right now. Hindi ko nalang pinansin ang pagpaparinig niya at nanatiling nakangiti sa kanila pag sinusulyapan ako ng dalawa. "Malabong mangyari Ash. Ligawan mo na ang lahat wag lang ang babaeng yan. Masasaktan ka lang. She's capable of breaking hearts that easily. You deserve someone better." Tinapik niya ang balikat ng kaibigan niya at nginitian ito na ikinaliit ng mata niya. Tuluyang naglaho ang ngiti sa aking labi. Alam kong mali ang ginagawa ko sa mga lalake pero iyong pangaralan ako ng isang lalaking walang pinagkaiba sa mga pinaglalaruan ko ay parang hindi na ata tama. Para niyang ipinapamukha sakin na hindi ako nararapat seryosohin. He's insulting me infront of this guy! You cross the line Delafuente. Wrong move. Pinilit kong maging kalmado sa upuan ko. Pasimple pa niya akong tiningnan at may nanunuya ng ngiti sa kanyang basang labi. Umalis rin si Jame Brancen sa harapan namin at pumunta sa couch kung nasaan nakaupo ang pinsan niya. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa iniinom ko. Nilagok ko iyon ng buo. "He's lying right?" paninigurado niya sakin habang marahang tumatawa. "Ofcourse. I don't break hearts, I play with them." Ngumiti ako ng matamis bago siya iniwan sa counter.  May lumutang na galit sa aking sistema pero pinilit kong ikalma ang aking sarili. Damn you, Jame Brancen. Ramdam ko ang tama ng ininom ko sakin pero maayos parin naman akong maglakad. Sumulong ako sa kumpol ng taong sumasayaw at hinanap ang imahe ni Autumn. Napataas agad ako ng kilay nang makitang ang lapit lapit na nila sa isa't isa ng lalaking tinutukoy niya kanina.  Iginala ko ang tingin ko nang mapansin ko si Jame Brancen na may babaeng kasayaw. Nakalingkis na ang kanyang kamay sa beywang ng babae at tumatawa pa sa gilid ng tenga nito. Now I need to get even. Mas lalo kong tinamisan ang ngiti ko habang naglalakad papunta sa dancefloor. Pasimple akong sumayaw sa direksyon nila hanggang sinadya kong banggain yung babae na mas lalong nadikit kay Jame Brancen. Napalingon sila sakin kaya nagpanggap narin akong napansin ko ang imahe nilang dalawa. I don't know the girl but she's hot. Asshole's type. "Hey Abbey! Ikaw pala yan." Sigaw sakin ng babae para marinig ko siya. Mas lalong naging malakas ang loob ko. Oh wow, kilala niya ako. I don't know her. This is easier than I thought I guess. Hindi ko na kailangang umeksena. "Hey! Boyfriend mo?" Nilingon ko pa Jame Brancen ng inosente. Ang gagong ito!  "I hope so." Tumawa siya.  Napangiwi ako sa aking kaloob-looban. Ang bilis niya naman atang nagayuma ang babaeng 'to. Hindi na ako magtataka lalo na't si Jame Brancen Delafuente ang lalaking lumalandi sa kanya. She'll easily fall on his trap. Lahat naman ata ng babaeng nandito ay pinapangarap na maging boyfriend ang Delafuente na yan. Sinasabayan ko ng konte ang beat ng kanta. Ramdam ko naman ang pagtitig sakin ni Jame Brancen gamit ang mga matang tila nanglilinlang sa bawat babaeng natitingnan noon. Naaakit ba kita sa galaw ko? Ha Delafuente? Pasimple kong hinawi ang aking buhok na nalipat naman agad sa likod. Ang mga mata naman ni Jame Brancen ay natatangay at hindi na gaanong sumasayaw. "That's not a good idea. Why are you ruining your life because of him? If I were you I won't settle for less." Ngumiti ako sa babae. Payback time. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ng babae. Si Jame Brancen naman ay hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha. He's hurt? He's affected? Or he doesn't cared at all? Damn the asshole! Nilingon niya si Jame Brancen at ibinalik sakin. "May galit ka ba kay Jame Brancen, Abbey." Natatawa niyang sabi. "She's mad at me because I didn't let her touch my abs long enough baby." May nanunuyang ngiti ang lumabas sa kanyang labi. Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya. My ass! "Really? Eh sino kaya itong pinilit akong hawakan ang abs niya?" kalmado kong sabi at nakipagtitigan sa kanya. Unti unti nang kumakalas ang kamay niya sa beywang ng babae. Iyong babae naman ay palipat lipat ng tingin sa amin. Kung kanina ay napakalapit nila sa isa't isa ni Jame Brancen ngayon naman ay dumedistanya na siya ng kaonte dahil narin siguro sa tensyon na namumuo sa pagitan namin ni Jame Brancen. "Pinilit? Is that how you describe your action that time? Hinayaan mong dumampi ang kamay mo sa abs ko. Gusto mo naman talaga iyong hawakan 'di ba? Dahil kung hindi ay inagaw mo dapat agad ang kamay mo sakin nang hawakan ko ito." Ngumiti lalo ang mga mata niyang bumagsak sakin at mas malademonyo na ang ngisi. "In your wildest dream! I'm not attracted to your abs to tell you frankly. Walang epekto sakin yang tiyan mo. Marami na akong nakitang abs at yang abs mo ay normal nalang sakin." Kalmado kong sabi at sinipat pa ng tingin ang tiyan niya kahit hindi ko naman iyon makikita. Tumawa siya ng malutong. Napatingala pa ito at dalang dala sa kanyang pagtawa habang ang isang kamay ay nasa noo na at ang isang kamay ay nasa beywang niya na. I hate it! Ba't niya nakukuhang tumawa habang ako ay nagsisimula nang mainis sa kanya?! "So, you're fond of abs huh. Hindi lang pala iyon ang kauna unahang beses na nagbulag bulagan ka? Nice strategy." Kinindatan niya ako nang bumaba ulit ang kanyang tingin sa akin. Tuluyang naglaho ang ngiti sa aking labi. Sa unang pagkakataon ay pakiramdam ko napatiklop ako ng isang lalake. Sanay akong ako ang gumagawa noon sa kanila. Sanay akong ako ang nagpaparamdam noon sa kanila. Ano bang meron sa Delafuente na 'to at napakahirap niyang akitin? Paano iyon ginagawa ng ibang babae sa kanya? Wala naman akong pinagkaiba sa mga babaeng nakikita kong kalandian niya. Mas lamang pa nga ako dahil ako si Abbegail Roquero. Tinitingala ako ng ibang mga babae at maraming naghahangad na maging ako kaya halos ang raming nakakakilala sakin. What's with you Jame Brancen Delafuente? How can I seduce you? Paano kita mapapahulog sa bitag ko? Dammit! Ayaw kong makita niya ang pagkatalo sa mukha ko kaya nakapagdesisyon akong tumalikod nalang nang may biglang bumangga sa likuran ko lalo na't nasa peak na yung kanta at nagiging wild na ang ibang sumasayaw. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga sakin ay nawalan ako ng balanse at sumubsob sa dibdib ni Jame Brancen lalo na't malapit lang siya sa harapan ko. Napahawak siya sa magkabila kong braso para hindi rin siya mawalan ng balanse. Nanuot agad ang pabango niya sa ilong ko nang tumama ako sa kanya. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa maling angat ko lang ng ulo ko ay mahahalikan ko na siya. "Change of strategy? Hindi na ba 'yung abs ko ang target mo kundi yung dibdib ko? O baka naman ang labi ko na ang pinupunterya mo?" bulong niya sakin sa isang nakakaakit at malalim na boses. Sinikap kong panatilihing kalmado ang sarili ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Is this how girls seduce him? I can't believe I'm being ignorant because of this guy! Pakiramdam ko ay hindi ako marunong mang-akit dahil wala akong epekto sa kanya. "Now I get it. You're not attracted to my abs because you're attracted to my lips. Gusto mo rin bang hawakan ang labi ko sa pamamagitan ng labi mo?" dagdag niya. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok ko dahil sa mga binubulong niya sakin at sa pagdampi ng hininga niya sa gilid ng tenga ko.  "Oh really? Sa inaasta mo ngayon sino kaya sa ating dalawa ang attracted sa labi? You want to kiss me right now right?" mapanghamon kong sabi. Bahagya kong itinaas ang tingin ko sa kanya at nagkasalubong ang mga mata namin. "Are you provoking me to kiss you right now? Baka mabaliw ka pag ginawa ko 'yon. Hindi lang ang abs ko ang nakakabaliw, pati ang labi ko." Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin habang binubulong na iyon sa mas malalim na boses. Ang hininga niya ay tumatama narin sa aking pisngi dahil sa sobra naming lapit. Bago pa may mangyari ay mabilis ko na siyang naitulak palayo sa akin habang isang malutong na tawa naman ang pinakawalan niya. How did you do that Jame Brancen Delafuente?! Why can't I win over you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD