1

2276 Words
Knowing the asshole "Ano na naman ba ang problema mo? May nakahuli na ba sa isang lingo mong mga boyfriend? Si Monday ba? Tuesday? Wednesday ? Thursday?Fri— "Wala. They wont caught me. That's not my concern now." Putol ko sa kaibigan ko na kakapasok lang ng kwarto ko. Nakasalampak ako sa kama ko habang kaharap ang screen ng laptop ko. I need her help right now. "You mean? May bago kana namang target? God Abbey! Magtino ka nga! Sumusobra kana!" Umupo siya katabi ko habang nakabusangot ang mukha, suot ang isang cream A-line dress plus her high ponytail hair. Sandaling umarko ang aking kilay pero di ko na ito nilingon. Kung makapagsalita ang babaeng 'to na magtino ako eh mas malala naman siya. "Stop making a fuss Autumn. Are you familiar with the Delafuente cousins?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko ang ekspresyon niyang gulat na gulat na parang may nabanggit akong napakaimportanteng tao. Tama nga ang tinawagan ko. "Umamin ka nga! Nasa magpipinsan ba ang next target mo?!" she asked on a high pitch voice. Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. Umupo ako nang maayos at inilapit sa kanya ang laptop ko. Pagdating talaga sa mga lalake ang raming alam ng babaeng 'to tapos kung makapangaral sakin akala mo hindi niya rin gawain ang pangongolekta ng gwapo. "May isa sa magpipinsan ang bumastos sakin Autumn. I don't know his name but I'm familiar with the jerks face. Alam mong hindi ako magiging interesado sa isang lalaki kung walang ginawa saking masama. Ipakita mo nga sakin ang magpipinsang yan,"sabi ko. Nagtaas siya ng kilay. Napatitig lang siya doon sa keyboard na parang nagdadalawa siyang isip na itype ang apelyidong nabanggit ko. Pinaningkitan ko siya ng mata na nagtulak sa kanyang itype iyon. "Okay! Okay! My God Abbey! Sa lahat ng lalaking pagkakainteresan mo yung magpipinsan pa. Mas sakit sila sa ulo! Sikat sila bilang mga playboy..." pagbubunganga niya habang may tinatype doon at nasa screen ng laptop ang tingin. Napatingin narin ko sa screen ng laptop ko. Tumambad sakin ang isang page na may pitong mukha ng lalaki. May fanpage sila? Well, hindi na nakakapagtaka lalo na't sikat silang magpipinsan. At ang rami nilang fanpage pero puro stolenshots. Yung tipong naglalakad lang sa hallway ng school, natutulog sa desk nila o kahit ano pang picture na hindi naman sila nakatingin ng buo sa camera. Ang creepy naman ng mga kumukuha ng litrato nila. Mga nasobrahan na siguro sa pagpapantasya. "Saan dito sa pito?" tanong niya sakin, ang mga mata ay naninimbang na. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat mukha nila hanggang tumigil ang atensyon ko sa isang mukha katabi ng isang maputing lalaki. Hindi ko makakalimutan ang mga mata niya pag ngumingiti siya. Itinuro ko iyon. "Who is this asshole?" naiirita kong tanong. Kitang kita ko kung paano nalaglag ang kanyang panga dahil sa itinuro kong Delafuente. Isa ba 'to sa mga mga lalake niya? Kaya ba pinagbubungangaan niya ako na sa lahat ng lalaking pagkakainteresan ko ay ang magpipinsan pa dahil nilalandi niya rin pala? "Nasisiraan kana ba ng bait?! Of all the Delafuente why him Abbey?! Makontento kana nga lang sa pito mo! Kalimutan mo nalang kung ano man yang ginawa niya sayo." Iritado niyang sabi sakin. Ilang beses niya na akong tinaasan ng boses ngayong araw at konte nalang ay kakaladkarin ko talaga ang babaeng ito palabas ng kwarto ko. Nakakabingi na. "Dahil binastos niya ako! Pinahawak niya sakin ang..." Sandali kong natikom ang bibig ko dahil sa sumagi sa utak ko. Damn that day! "Ang alin?! Yuck! Kadiri ka! Hinawakan mo naman." Disgust is shown all over her face. Umaandar na naman ang pagiging madumi ng utak ng babaeng 'to. "Patapusin mo ako gaga. Pinahawak niya sakin ang abs niya! That bastard! Akala niya naman purket ang ganda ng tiyan niya ay natutukso akong hawakan yun! The nerve!" Pinagulong ko ang mga mata ko. Tinaasan niya agad ako ng kilay at nagcross arms pa. Akala niya siguro may interes ako sa Delafuente na yan. I want him to pay big time yun iyon! Ang lakas ng loob niya! "Hinawakan mo naman gaga ka rin. Teka nga... kung wala kang interes sa Delafuente na yan. What are you planning to do then? You mean Abbey's ways on boys ganun ba?" Kumunot ang noo niya. A wicked smile was plastered on my face. "Bingo! Aakitin ko siya. I want him to feel that he's messing with the wrong person." Ngumiti ako ng pilya. Napapailing niyang ibinalik sa screen ng laptop ang atensyon niya at may isinearch doon hanggang lumabas ang isang account na tanging mukha nalang nito ang nakalagay. Jame Brancen Delafuente is the name of the asshole. My target. "Hindi ka uubra sa kanya Abbey. Kung marami kang lalake mas marami siyang babae. Sa magpinsan siya ang napakababaero. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil narin sa karisma niya. If you're planning to seduce him then you're making a very wrong decision. We're talking about Brancen Delafuente here not just anybody. Hindi basta basta ang Delafuente na 'yan Abbey. Kung ikaw ay napapaikot mo ang pito mong boyfriend na patay na patay sayo at mga dakilang tanga ibahin mo ang lalaking 'to. He's good at playing games like you." Puno ng kasiguraduhan niyang sabi. Pumakawala lang ako ng isang nanunuyang ngiti sa kanya. Now I'm getting more interested with that asshole. "He's good but I'm better. Don't you know me Autumn? Ilang taon na ba tayong magkakilala at parang naiignorante kana sakin." Tumawa ako. Napabuntong naman siya ng hininga. Now she gets what I'm pointing out. "Yeah right. Abbegail Roquero. The most playgirl I know. Ewan ko nalang kung sinong mananalo sa inyong dalawa Abbey. Maling lalaki ang binabangga mo. Alam kong magaling kang maglaro pero wag ang Delafuente na yan. I know you're heartless but he can easily break your heart in just one snap. Baka hindi mo kayanin." Pumungay ang mga mata niya. Okay? Anong meron sa kanila ng Delafuente na yan? At kailan pa siya natakot sa isang lalake? Siya ba talaga ang kaibigan kong si Autumn? She's the one who taught me how to play safe. Playgirl rin yan pero ewan ko kung anong nagtulak sa kanyang maging ganoon. She's secretive. Limitado lang yung alam ko sa kanya. "Ex mo ba yan?" Mapanghinala kong tanong. Mabilis siyang napailing. And one thing about her, she can't lie to me. Nangongolekta lang yan ng mga gwapo pero hindi niya binoboyfriend unlike me. I need to act as their girlfriend to get what I want. At sa pitong lalaking iyon ay wala pang nakakakuha sakin. Yes, ako lang ata ang b***h na virgin. They call me b***h, well I know bitches. "Ofcourse not. Concern ako sayo Abbey! Wala pa akong naririnig na sineseryoso ng Delafuente na 'yan. May issue na may scandal daw na kumalat sa school nila at sangkot siya habang may kahalikang isang babae, his cousin's girlfriend if I'm not mistaken. Hinagilap ko yung video kaso nabura na eh. Pero nakita yun lahat ng mga estudyante sa paaralan nila. See?" Paliwanag niya. Girlfriend ng pinsan niya nilandi niya? What an asshole. Katulad lang siya ng mga lalaking pinaglalaruan ko. I'm their karma. Gusto kong iparanas sa mga walanghiyang yan kung ano ang pakiramdam ng mapaglaruan. They're good at playing around while I'm better at bitching around. Hindi ako nakokonsensya sa pinaggagawa ko dahil nararapat rin naman yun sa kanila. "But the most interesting part here about him is, he never had a girlfriend. A serious one Abbey." Paanong hindi maggigirlfriend eh gustong nangongolekta ng babae. I know them too well... their whims and tactics. They gonna make you fall inlove and when they get what they want then they will leave you easily. Parating single para parating available sa mga babaeng nakikita nila. Tss. Pagkatapos kong makakolekta ng impormasyon sa kanya ay pumasok narin kaming dalawa sa paaralan. We're already college students. All girl's ang pinasukan naming paaralan. Mas mabuti yun para walang asungot. Makakaconcentrate ako. "Nagtext si Monday. Nakikipagkita sakin." Pumangalumbaba ako sa upuan ko. Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain. It's lunch. "Kailan mo ba yan hihiwalayan? Masyado mo na yang napaglaruan Abbey. Siguro naman sapat na bilang kabayaran iyon." Sabi niya sakin habang pumapapak siya ng fries. Hindi ko na pinakinggan ang pagbubunganga niya. Kailangan kong makipagkita sa lalaking iyon. Sikat yun bilang basketball player. And the word 'player' describes him too. Napakababaero rin ng lalaking yan pero napatino ko. I'm good at those things. Taming an asshole is my goal. And when they're tamed that's the time I'm gonna let them go. Kung gaano ko sila kadaling sagutin ay doon ko naman sila kadaling hihiwalayan. "Baby, kanina ka pa?" Bungad ko sa kanya nang makarating ako sa isang Restaurant kung saan niya gustong makipagkita. Malapit lang rin kasi ito sa pinapasukan niyang paaralan. Sinalubong niya ako at hinalikan sa pisngi. Nakauniporme pa ako ganoon rin siya na nakasuot ng jersey. I forgot his name though. That's the purpose of calling him as baby. He's my Monday boyfriend. Ang buo niyang akala kaya hindi ako nakikipagkita sa kanya sa ibang araw dahil gusto kong magfocus sa pag-aaral ko yun pala nakascheduled siya dahil iba naman kinabukasan. Yun naman lahat ng dahilan ko sa kanilang pito. "You're on time baby." Pumakawala siya ng nakakaakit na ngiti habang inaalalayan niya akong umupo. Sikat siya sa school na pinapasukan niya bilang isang captain ng basketball team nila pero dahil narin sa angkin niyang kagwapuhan. "What do you want to eat?" tanong niya sakin nang sinenyasan niya ang isang waiter para lumapit sa amin. "Decide for me. I like your taste." Ngumiti ako ng matamis at kinindatan siya ng nagpalapad ng ngiti sa labi niya. Abbey is good at this thing... Making them feel damn on me. Nagsimula rin kaming kumain pagkatapos iserved ng pagkain. Sinusubuan ko pa siya paminsan minsan habang hindi nawawala ang matamis kong ngiti sa labi. They fall on my smile, this angelic face is purely evil inside. Siya naman ang sumubo sakin. Kakabuka ko pa lang ng bibig ko para salubungin ang pagkain na isusubo niya nang may kumuha ng atensyon ko na kakapasok pa lang sa Restaurant. What a coincidence. Mas lalo kong tinamisan ang ngiti ko nang maisubo iyon sakin ng Monday boyfriend ko. I want to show him how attractive I am when smiling. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sakin. "Brancen! Nagugutom na ako. Umakyat na tayo." Hinila siya ng isa niyang pinsan. Nakikita ko naman paminsan minsan ang kanyang mga pinsan sa 3DBar pero hindi madalas. At ngayon na natatanaw ko sila... I can't lie that they're really attractive. And Jame Brancen has the sexiest awra. Para lang sa akin. Those eyes... And his pump lips. Isang VIP na ata sa taas. Nakauniporme pa silang lahat. Hindi sila kompleto at may babae rin akong napansin na kasama nila. Magaganda nga ang taste ng magpinsan na 'to. I like their standards. Pasadong pasado ako. Ngayon ko lang rin napansin na may mga nakadikit na posters dito ng magpipinsan pero mas nakuha ng solo picture ang buo kong atensyon. His topless naked body caught my full attention. What the hell. Sa kanila ba ang restaurant na 'to? "Why are you staring at that picture? Are you attracted on his abs?" tanong niya sakin. Halata sa mukha ang selos kahit kalmado iyong tingnan. Ako attracted diyan?! No way! "Ofcourse not. I find it offensive. Nakakawala ng gana. Why are they posting that kind of picture? Hindi na nila inalala ang mga babaeng kumakain. It's inappropriate. Tss." Humalukipkip ako sa upuan ko habang magkasalubong ang kilay. Anong inaarte arte mo Abbey? Napalingon narin siya doon saka ibinalik sakin na may ngiti sa labi. "Okay... I'm gonna do something about it." Tumayo siya sa upuan niya at naglakad papunta doon sa counter. Pinanood ko siya kung paano niya kinausap yung manager ata ng Restaurant na 'to. Napalingon sila sa direksyon ko kaya mas lalo kong ipinagsalubong ang kilay ko para makita nila kung gaano ako naalibadbaran sa litratong iyan. I find him hot on that picture and too sexy for me to catch a girls attention but I'm Abbegail Roquero. I'm good at pretending. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa upuan niya. Ngumiti siya sakin ng malapad na para bang nasolusyunan niya ang problema ko. "Sabi ng manager ay ipapatanggal na daw nila yan. Kakausapin ka raw ng anak ng may-ari ng Restaurant para humingi ng tawad." Paliwanag niya. Sayang naman yung picture kung tatanggalin. Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ilang sandali lang ay may lumapit sa amin. Kung pwede lang malaglag ang panga ko ay kanina ko pa ito dinampot sa plato ko. Ba't siya ang nasa harap ko ngayon? Ibig sabihin... "Sa lahat ng costumers ditong babae ay ikaw lang ang nag-iisang nagreklamo sa picture ko, Miss..." Itinukod niya ang dalawa niyang mga kamay sa lamesa at marahang umabante para tingnan ako ng mariin. "Are you blind again?" tanong niya sakin na may nanunuyang ngiti sa kanyang labi. Sinikap kong maging kalmado. Ngumiti ako ng mapang-akit sa kanya, iyong tama lang na hindi niya mahahalatang inaakit ko siya sa pamamagitan ng ngiti ko. Gusto kong burahin ang huli niyang sinabi. Ayaw kong mamula ang pisngi ko. "I can see it clearly and obviously it's not that attractive." Sabi ko. Nilingon niya ang picture niya saka ibinalik sakin ang tingin. I hate that eyes! It's too attractive for an asshole like him! "Ganun ba? Mas gusto mo ba yung nakita mo sa personal kaysa diyan?" May makahulugang ngiti ang lumabas sa labi niya. Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako sa pinagsasabi niya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. "Girlfriend ko ang kinakausap mo Brancen. Wag kang bastos." Sinamaan niya ito ng tingin. Tumayo ito ng tuwid at ibinulsa pa ang mga kamay. Hindi nawawala sa mukha ang mapang-akit na natural niya atang karisma. Magkakilala silang dalawa? His eyes remained on me. Wait... is he hitting on me? No Abbey. He's trying to ruin you infront of your boyfriend. "Girlfriend mo pala Charles? Nagkita kami nung isang gabi sa 3DBar. Diba nandoon ka rin? Ba't hindi ata kayo magkasama?" Kunot noo niyang ibinaling ang atensyon niya sa boyfriend ko at painosenteng ikinurap ang mga mata. What the hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD