4

2761 Words
His territory   "Kagabi pa yan nakabusangot ang mukha mo ah. Hindi ba naging maganda ang pang-aakit mo kay Jame Brancen?" May nanunuyang ngiti ang lumabas sa labi ni Autumn kinabukasan. Nanatili akong walang imik at ipinagulong nalang pataas ang mga mata ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria,naglulunch. Sumubo ako ng pagkain. Palibhasa ang ganda ng kinalabasan ng kanya. Nagtetext na nga sila ng lalaking 'yon eh. Pumipintig lamang ang aking utak sa sakit sa t'wing naiisip ko ang mga nangyari kagabi. s**t talaga ang lalakeng iyon! Nabitiwan ko ang kubyertos at napatingin ng seryoso kay Autumn dahil sa pumasok sa utak ko. Nagkasalubong agad ang dalawa niyang kilay nang mapansin ang titig ko sa kanya at dahan dahang napasubo. "Why don't you seduce Jame Brancen Delafuente? Baka sayo matablan 'yon." Seryoso kong sabi. Nauubo siyang uminom ng tubig at pinaningkitan ako ng mata pagkatapos makabawi sa pagkasamid. She won't agree, I knew it. "Are you out of your senses Abbegail?! No way! Oo he's not but I'm not yet crazy to seduce someone who's more seductive than me! 'Tsaka wag mo ngang pinapasa sakin yang Jame Brancen na yan. Alam ko mga gwapo ang mga Delafuente at napakagood catch nila pero ayokong pumasok sa isang laban na alam kong sa huli ay matatalo rin naman ako. Hindi sila basta basta Abbey." Puno ng kasiguraduhan niyang sabi. Seductive than her? Ang lalakeng iyon? Seductive? At saang parte Autumn? Iyong mga mata niyang lumiliit sa t'wing ngumingiti o tumatawa siya? Iyong pump lips niya?! Iyong panga niya?! Iyong abs?! Fine, fine... But he's not that hot! Hindi.  Hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagsubo ng pagkain. But somehow I agree with Autumn. Maski ako ay nahihirapan sa labang ako mismo ang gumawa. Parang ako tuloy ang lumalabas na pinaglalaruan niya. Are you up to something Jame Brancen Delafuente? Or you're just simply pissing me off? Pagkatapos naming maglunch ay dumeritso na kami sa BTSU. Kasama ko parin si Autumn. Hindi pa naman finals kaya pwede kong mabitbit ang babaeng 'to. Nakakabenefits rin naman ang bruha dahil makikita niya naman si Gab doon. Lalandi lang siya habang ako ay magmamasid kay Viane. Nasa hallway na kami ng school nila nang may umagaw ng atensyon ko. Oh great, nakalimutan kong dito pala nag-aaral ang lalaking 'to. Lalagpasan ko nalang sana siya nang bigla niyang hinawakan ang pulso ng kamay ko at ipinabalik sa harapan niya. How dare him touch when we're already done? Hindi purket naging boyfriend ko siya ay may karapatan na siyang ganituhin ako. Agad kong binawi sa kanya ang kamay ko. Blangko ang ekspresyon ko ngunit magkasalubong ang dalawa kong kilay. Im irritated and I want him to know that thing. Sinenyasan ko si Autumn na mauna nalang kaya tinanguan lang ako nito at nagsimulang maglakad paalis. "Abbey, let's talk please." Pumungay ang mga mata niyang bumagsak sakin. Masyado nang maamo ang mukha at kaya atang pagbigyan lahat ng aking kapritso sa oras na 'to. Napakurap ang mga lalaking nasa likuran niya na parang nagulat sa inasta ng leader nila. Mga teammates niya ata. Nakajersey kasi silang lahat. "We're done. What kind of talk do you want? Reminiscing our past? I'm busy." Matabang kong sabi at pasimpleng pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Maglalakad na ulit sana ako paalis nang hinawakan niya ulit ang kamay ko at ipinabalik sa harapan niya. Now I'm pissed! It's shown all over my face. Ito yung pinakaayaw ko sa break-ups. They chase you, they keep on chasing just to win you back. They can't get over it. "Ba't napakadali mong bumitaw Abbey? Give me a chance, please..." Pagod na bumagsak ang tingin niya saking puno ng pagsusumamo at namumungay pa. Nagkatinginan naman ang mga teammates niya. Parang tinitimbang nila kung totoo ba ang nakikita nilang kinikilos ng leader nila. Yes, I tamed this asshole. "Stop it. Tapos na tayo. I won't make up my mind." I said full of diction. Nilagpasan ko ulit siya nang hawakan niya sa pangatlong beses ang kamay ko at hilain ako pabalik sa harapan niya. Nang makarating ulit ako doon ay mabilis kong binawi ang kamay ko at sinalubong siya ng sampal saka ko ulit pinagpatuloy ang paglalakad ko paalis. Naiwan ang gulat sa mga ekspresyon ng teammate niya. He provoke me to do so. Ang ayoko sa lahat ay 'yong pinipilit ako sa bagay na hindi ko gusto. Sa sobrang pagkayamot ko ay hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko kaya bumangga ako sa dibdib niya. Naamoy ko agad ang napakapamilyar na pabango. I know this scent too well. Paano ko makakalimutan ang pabangong 'to eh may-ari ito ng lalaking hindi ko lubos maakit. Agad akong napaatras at nakita ang mukha niyang nakangiti, isang  malademonyong ngisi. Nakapamulsa siya at nakasuot ng uniporme. Damn that look! "You're here. Are you stalking me?" sabi niya sa isang nakakaakit na boses at lumalim agad ang tingin sa akin. Iblinangko ko ang ekspresyon ko. I wont get mad. Ayokong matalo ulit ng lalaking 'to. "No, I'm here for some important matters. Get out of my way. Nagmamadali ako." Kalmado kong sabi. Nanatili siyang nakatayo doon habang nilalaro ang pang-ibaba niyang labi. Dinidilaan niya ito ng walang tigil. Sinikap kong hindi ituon ang atensyon ko doon pero namamagnet nito ang mga mata kong manatili doon. God! "Ganun ba?" Humakbang siya sa gilid ng isang hakbang para makadaan ako.  Tinitigan ko muna siya ng huling beses saka ako naglakad paalis. Did I win? No Abbey, he let you pass through him. Hindi ko na talaga alam kung paano aakitin ang lalaking 'yon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dinedma nalang ang kanyang manly na amoy. Medyo kabisado ko narin iyon nitong mga nagdaang araw. Palagi na ata kaming pinaglalapit ng tadhana. Pagdating ko sa meeting room ay tumambad sakin ang iba't ibang estudyante na nanggaling sa iba't ibang school. Namataan ko si Autumn na kausap na nga si Gab. Nasa pinto pa lang ako nang napatingin silang lahat sa direksyon ko at sa likuran ko. Napansin ko ang imahe ni Viane kung paano unti unting namula ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. "Get out of the way. Papasok ako." Bulong ng isang pamilyar na boses ng lalake sa likuran ko. Tumayo ang balahibo ko sa likuran dahil sa pagdampi ng hininga niya doon. Agad akong napahakbang papasok. Nilingon ko siya at nakita ang imahe niyang nilagpasan na ako. Anong ginagawa niya dito? Napapansin ko na kung ano ang ginagawa ko sa kanya ay 'yon rin ang ginagawa niya sakin. Ibinabalik niya ang mga bagay na binibigay ko at hinihigitan pa iyon. Halatang gumaganti siya. O pakiramdam ko lang ang bagay na 'yon? He's really hard to read! Hindi ko nalang pinansin ang imahe niya at itinuon sa prof na nagsisimula nang magsalita sa harap. Wala nang mga upuan dito dahil magpapractice ata kami para sa magiging alignment ng gaganaping event. Bawat minuto ay sinusulyapan ko siya na nakasandal lang sa pader habang nakapamulsa at nakatingin sa isang babae, Viane. Napasimangot agad ako. Ano ba talagang meron sa babaeng 'yan na kumukuha ng buo niyang atensyon?! Kung pagandahan lang naman ang laki ng lamang ko! This is pissing me off. Pinilit kong magmukhang kalmado kahit na hindi ko na maiwasang ipagsalubong ang dalawa kong kilay. Isa nalang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. I need to win this competition. In that way, malalamangan ko ang Viane na 'to. Bwesit talaga. Pinagpahinga muna kami ng isang oras. May namumuo nang pawis sa noo ko. Napataas ako ng kilay nang lumapit si Jame Brancen kay Viane at may inilahad na panyo sa kanya. Lahat na ata ng dugo sa katawan ko ay umakyat. Pero kahit ganoon ang nararamdaman ko sa loob ko ay iblinangko ko parin ang ekspresyon ko. Pinapalabas ko na walang epekto sakin lahat ng nakikita ko. Natapos rin ang practice kaya naglalakad na kami ni Autumn palabas ng BTSU. Ang lapad ng ngiti niya habang blangko naman ang ekspresyon ko. "Ang sweet ni Jame Brancen kay Viane kanina ah. Tinalbugan ka ng babaeng 'yon." Tumawa siya ng malutong at mukhang nang-aasar na. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaso hindi natinag sa kakatawa. Sumakay kaming dalawa sa taxi habang ganoon parin ang ekspresyon ng mukha ko. Bukas na magsisimula ang event kaya bukas ko na malalagas ang babae na 'yon.  "Hindi ka ba makikipagkita sa Wednesday boyfriend mo? Anong nangyari sa mga fake boyfriends mo Abbey? Hindi ka ata pinepeste." Sabi niya habang nasa hawak na cellphone ang tingin. Paano ako pepestehen eh sinabihan ko lahat na wag muna akong disturbohin dahil busy ako at napakamasunurin naman nilang lahat.  "Makikipaghiwalay na ako sa mga lalaking 'yon. I need to stick on my plans. Kailangan kong maakit ang Delafuente na 'yon at kailangan kong ituon ang buo kong atensyon sa kanya." Iritado kong sabi. Sa lahat ng lalaking inaakit ko ay siya itong pinapahirapan ako ng todo. I'm more challenge. Tinaasan agad ako ng kilay ni Autumn at naninimbang na ang mga mata sa akin nang lingunin niya ako. "Alam mo Abbey ako ang kinakabahan sa pinaggagawa mo. Jame Brancen is not an easy guy. He's a Delafuente. Normal lang yang nangyayari sayo na nahihirapan kang makuha ang atensyon niya. Hayaan mo na nga lang ang lalaking 'yon. Wala kang mapapala sa kanya." She rolled her eyes. Paano ko hahayaan ang lalaking 'yon kung masyado niya nang nakukuha ang atensyon ko. He's getting into my nerves! I want him to pay real bigtime! Pinapakulo niya ang dugo ko! Binalewala ko ang sinabi ni Autumn. Someday... he's going to bend on his knees and beg for something. Mababaliw rin ang lalakeng iyon sa akin at sisiguraduhin kong mapapaikot ko siya sa aking kamay. Humanda ka talaga Jame Brancen pag nalaman ko kung paano ka maaakit.  Kinontak ko ang Tuesday boyfriend ko para makipagkita sa kanya. Uunti untiin ko ang paghihiwalay sa mga lalaking 'to. Sapat na siguro ang mga ginawa ko sa kanila para matauhan sila sa pagiging babaero nila. May mas kailangan ng tulong ko ngayon. That Delafuente will be tamed. I assure that thing. Pagdating ko sa café ng Mall kung saan ako makikipagkita sa kanya ay natanaw ko agad ang imahe niya na nakaupo doon. Napakaamo ng mukha niya at napakalinis tingnan ng hitsura niya dahil sa 2by2 cut ng buhok niya at sa matangos niyang ilong. I can't deny the fact that my boyfriends are handsome as f**k.  Syempre... Hindi naman ako pumapatol ng patapon na. "Hey, kanina ka pa? I'm sorry I'm late." Ngumiti ako ng matamis sa kanya pero isang ngiting pilit ang isinagot niya sakin. What's his problem? Tuluyan akong umupo sa harapan niya. He didn't kiss my cheeks. Nakasanayan ko pa naman iyon sa kanyang sa t'wing nagkikita kami. Something is off with him. Don't tell me... "Abbey, dederitsuhin na kita." Sumeryoso ang ekspresyon niya. "Let's end this. I'm breaking up with you. Narealize ko na hindi ako ang nararapat na lalake para sayo. I'm sorry." Nag-iwas siya ng tingin sakin at lumunok pa ng laway. Nalaglag ang panga ko. Did he broke up with me? Kahit malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya ay hindi iyon maproseso ng utak ko. Siya ang nakikipagbreak sakin sa halip na ako? The nerve! He can't do that! "No, ako dapat ang nagsasabi niyan sayo. Hindi ko rin naman pinapangarap na ikaw ang lalaking para sa akin. We're done now and I'm not sorry." Ngumiti ako ng nakakaloko at sobrang tabang na ng pananalitang iyon. Tumayo agad ako at naglakad palabas ng café.  Hindi ako makapaniwalang nakikipaghiwalay siya sakin. For what reason? Dahil hindi siya ang para sa akin? That's bullshit! Ngayon niya pa lang napagtanto ang bagay na 'yan? Really?!  Sa sobrang pagkayamot ko ay hindi ako dumeritso sa bahay at nagtungo sa 3DBar. Wala akong pakialam kung nakauniporme lang ako. I'm still hot. Nakakakuha parin ako ng atensyon. Gusto ko lang ilabas ang masamang loob sa sistema ko. Namimintig hindi lamang ang aking utak kundi pati narin ang aking kilay dahil sa galit na dumadaloy sa aking sistema. How dare him! "Ang aga mo ata ah." Bungad sakin ng bartender nang makaupo ako sa counter habang may pinupunasan siyang inumin.  Tiningnan ko ang relo ko. 6pm pa lang. Madalas kasi akong pumunta dito ng 10pm. Oh well... "Gusto kong magpalamig ng ulo." Sagot ko at kinuha ang inilapag niyang isang shot na madalas kong orderin saka iyon nilagok. Sandali akong napangiwi nang nanuot agad sa lalamunan ko ang alak. "Tungkol ba yan sa lalake?" Natatawa niyang sabi. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at ipinagpatuloy ang pag-inom. Nakakailang shot na ako nang may kumuha ng atensyon ko. The jerk is here! That's better. Ramdam ko na ang namumungay kong mga mata dahil sa tama ng iniinom ko sakin. Medyo hindi pa crowded sa kabuuan ng paligid dahil maaga pa naman pero may mga sumasayaw na sa dancefloor.  "Kanina lang nandoon ka sa school namin tapos ngayon naman nandito ka sa Bar namin. Admit it, you're stalking me..." Bungad niya sakin nang umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ang pamilyar niyang pabango ay nakarating agad sa aking lugar. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang hitsura niyang walang kapintasan. Dala dala niya na naman ang mukha niyang palaging nang-aakit at nakakaakit. "Ba't ko naman 'yon gagawin? Madalas ako dito. Pumunta lang ako sa school niyo dahil representative ako ng school namin." Naiiling akong tumawa at nahawakan pa ang aking noo. Napansin kong hindi siya nakauniporme at isang khaki shorts ang suot habang kulay itim parin yung tshirt niya. He's always hot. "Kaya ka ba naglalasing dahil sa pagsampal mo sa boyfriend mo? Nag-away kayo?" tanong niya sakin sa banayad na boses. Nakita niya pala ang ginawa ko kanina. At mukhang wala siyang kaalam alam na hiniwalayan ko na ang lalaking 'yon. Wala nga siyang pakialam. Nilaro ko ang hawak kong wineglass habang pinapaikot ang alak sa loob nito. "Anong pakialam mo? Sino kaya ngayon ang mukhang stalker sa ating dalawa? Binabantayan mo ba ang bawat galaw ko?" Ngumiti ako ng pilya nang nilingon ko ito sa aking gilid. Isang mahinahon na ekspresyon ang isinalubong niya sakin. Tumaas pa ang isa niyang kilay. Hindi ko talaga mabasa ang isang 'to. Delafuente's are hard to read. And looks like they're hard to please... "Ba't ko naman gagawin 'yon. You're on my territory. Hindi maiiwasang hindi kita mapansin." sabi niya. Nagtaas ako ng kilay.  "You find me attractive right? Kaya hindi mo maiwasang hindi ako mapansin." Tumawa ako ng marahan. Gusto kong maging kalmado ang pag-uusap na 'to. I want to know him more. I need to know who's the asshole I'm dealing with. You should befriend your enemies. Nilagok niya ang inilapag ng bartender sa harap niya. Parang normal lang iyon sa kanya dahil hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Yumuko siya at mukhang may ibubulong sa akin. Ang labi ay may nakaukit na namang malademonyong ngisi na akala mo ay palaging may masamang binabalak sa'yo. "Lahat ng pumapasok sa teritoryo ko ay kinakabisado ko. Alam mo bang lahat ng nangangahas na pumasok sa teritoryo ko ay hindi na nakakalabas ng buhay? They all die in pleasure... Nakakamatay ang imahe ko," halos pabulong niyang sambit. Pilit kong pinroseso sa utak ko ang pinagsasabi niya kahit na hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa mga mata niya na kalebel ko. Those deep gaze were blazing. Masyadong nakakaakit ang mga mata nito na mahuhulog ka talagang makipagtitigan sa kanya. "I'm still breathing. I will survive." Sabi ko ng wala sa sarili at hilaw na ngiti na ang naibigay. Humalakhak siya sanhi para maiwala ko ang tingin ko sa mga mata niya. Sinundan ko iyon pero naitulak niya na naman ang kanyang ulo sa likod. He's laughing again. Iyong tawa niyang nakakainsulto! Anong nakakatawa sa sinabi ko? I mean it! "Really? Are you sure about that thing woman?" Saka niya muling inilebel ang mukha niya sa'kin at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi.  "I'm irresistible. My abs, my lips, my eyes. Everything about me is dangerous. I'm hot as hell." Dagdag niya sa halos pabulong na boses. Mabilis ko siyang itinulak papalayo sakin. Hindi ko kayang tagalan ang imahe niya na napakalapit sa akin. Pakiramdam ko ay walang kahirap hirap niyang hinihigop ang lakas ko para manghina ako sa kanya. Ba't ba ako nagkakaganito sa lalaking 'to? "See? Nadidikit nga lang ako sayo ng konte ay nagwawala kana. You're dying inside right?" tanong niya sa isang nakakaakit na boses. Sa sobrang inis ko sa kanya ay tumayo nalang ako at naglakad palabas ng Bar. When will I win over him?! Yung tipong siya naman ang magw-walk out dahil hindi siya manalo sakin hindi iyong parati nalang ako ang umaalis dahil sa pagkayamot sa kanya. I'm totally defeated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD