Never will be
Nakangiti ako ng malapad habang ang magkabila kong kamay ay nasa bawat gilid ng beywang ko. Hindi ko alam kung ilang estudyante kami ang nakatayo ngayon sa stage habang pinagtitilian kami ng ibang mga estudyanteng nanonood sa amin. Namataan ko rin yung sinasabi ni Autumn sakin na kahalikan ni Jame Brancen na girlfriend ng pinsan niya. Isa rin siya sa mga representatives. Yes, she's damn pretty. Maganda rin naman ako kaya confident ako sa kompetisyon na 'to.
Dumating narin ang araw na maglalaban laban na ang bawat eskwelahan. Tumayo ako ng elegante at pinatunayan sa mga manonood na karapat dapat akong bigyan ng atensyon.
Pasimple kong nilingon ang kinaroroonan ni Viane. She's smiling too. Iginala ko ang paningin sa mga estudyante. And there, I spotted the asshole staring at no other than Viane. Gusto ko nang burahin ang matamis na ngiti sa aking labi kaso sinikap kong wag nalang pansinin iyon. Why can't he look at me! Damn you Jame Brancen Delafuente! I'll show you I'm better than that girl!
Nasagutan ko ng maayos ang tanong sa akin ng judges. Nagstanding ovation pa nga mga supporters ko. See? I'm popular! Of course, because I'm Abbegail Roquero. Lamang parin ang malandi. Lamang ako sa kanilang lahat.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang ibang sumasagot ng tanong. Nang si Viane na ang tinawag ay hindi ko pinalampas ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Fine, she's smart.
Nasa backstage kami at naghahanda para mamaya sa rampa. Yun na ang huli. Pasimple ko namang ninanakawan ng sulyap si Viane na tahimik lang at pinapakiramdaman ang paligid. Lumapit ako sa kanya. This is my chance to talk to her alone. Walang magtatangkang sasabat sa amin.
"Nervous?" Tinabihan ko ito pero hindi yung gaanong dikit na dikit na kami sa isa't isa. May space pa naman. Sige Abbey... plastikin mo.
"Sort of." Ngumiti siya sakin. Palangiti ang babaeng ito.
"You're nervous because Jame Brancen is looking at you right? Ba't hindi naging kayo? Maganda ka naman ah, matalino pa. There's no guy can resist that kind of girl." Except for Jame Brancen. Itong babaeng 'to alam niyang babaero gusto niya parin. Anong klaseng pagmamahal yan? Tss.
"Jame Brancen is nice. Kontento rin naman ako sa ganitong set up eh." Kalmado niyang sabi.
Kontento? O baka naman no choice ka kaya wala ka nang magagawa kundi ang makontento nalang. Ako pa ang niloko ng babaeng ito. Masyado siyang mabait. Kaya ayokong may kaibigan na may pakpak eh. Nagpapaapi. Ayokong ako ang inaapi. Mas gusto ko yung ako ang nang-aapi. Si Autumn kahit mukhang mabait tingnan yun may tinatago parin yung sungay. Nagkakasundo kaming dalawa sa pang-aapi.
"Pero nagdidate kayo 'di ba? You're going out with Jame Brancen. Ibig sabihin ay gusto ka rin niya." Pasimple kong atake at mukhang hindi niya naman nahahalata. Just spit it. How did you seduce Jame Brancen Delafuente? I badly want to know dammit!
"I don't know... Because he's a playboy? Si RM na pinsan niya ang humingi ng number ko eh. Pinapahingi daw ni Jame Brancen... And knowing that guy I didn't hesitate to give my number. Isang Delafuente hiningian ako ng number, how can I even say no?" Namula ang pisngi niya at tila kinikilig dahil sa kanyang paghagikhik.
May your soul rest in peace Viane. Patay na patay ka nga sa Delafuente na 'yon kahit na alam mong playboy siya. Kailangan ko pa bang ipamukha sa babaeng ito na kailanman ay hindi susuklian ni Jame Brancen ang nararamdaman niya para sa kanya para lang matauhan siya? I guess I really don't have a choice. She needs to wake up and come back to her senses. Well, I'm here to shake her head and bring her to reality. I'll be your earthquake Viane. Hindi ka lang sa katotohanan magigising kundi sa pagpapakatanga mo rin.
Nang pinarampa na kami ay doon ako bumawi. This is where I can stand out. Hinugot ko na lahat ng meron ako para rumampa ng maayos. This is not new to me. Gawain namin ito ni Autumn pag nasa party kami. We like being the center of attraction. Kahit na hindi naman ito pangbeauty Queen ay itinatak ko sa kokote ko na ako ang makakasuot ng crown. Walang talent portion eh. Sayang, gusto ko sanang sumayaw. Maliit na kompetisyon rin naman kasi ito. Ewan ko ba kung ba't may mga ganito pang kaartehan. Tss.
Natapos rin ang kompetisyon at ideniklara ang mananalo. Nang naunang iannounce ang pangalan ni Viane ay napangisi ako ng malapad. Natalbugan ko si Viane! Now what Jame Brancen Delafuente. Now what?
"Congrats. 2nd Place ka." Humagikhik si Autumn. Wala naman talaga akong pakialam kung anong place ako. Ang gusto ko lang ay mapalapit sa Viane na iyon at makakuha ng impormasyon. Ngayon naman ay lalagasin ko na siya.
"Deserve rin naman nung Julie ba 'yon? As if I care on this competition. Successful naman ang plano ko. Wait, let me get my trophy." Ibinigay ko kay Autumn ang bouquet na hawak ko at rumampa papunta sa kinaroroonan ni Viane. He's talking with Jame Brancen. Better.
"Viane!" sulpot ko sa gitna nila.
Wala akong pakialam kung ano ang pinag-uusapan nila o disturbo ako. I don't care either if I piss her off. Ganoon pa naman pag kausap mo yung gusto mo tapos may biglang sasabat at ang nakakainis pa ay talbog pa ng ganda mo. Hindi ako yung naiinis, ako yung kinaiinisan. Am I a b***h? No, that's too shallow for me. I'm better than that. I'm the villain here. Alam ko ang bagay na iyan at wala rin naman akong planong maging bida. Ayokong maapi. Ako ang kontrabida sa lovestory ni Viane. Kontrabida sa lahat ng babae ni Jame Brancen.
"Abbegail." Ngumiti siya sa akin. Ang bait. Kaya nabiktima ni Jame Brancen.
Ngumiti ako sa kanya ng matamis. I didn't bother looking at Jame Brancen. Drool at me Delafuente, I'll let you anyway.
Pero noong mapansin kong wala namang gumuhit na pagkamangha sa kanyang hitsura, napabusangot rin ako sa aking kaloob-looban. Tss... Walang epekto! Lecheng lalaking ito bulag ata. Hindi marunong mag appreciate ng tunay na magandang view.
"I would like to congratulate you for a good sport! Ang galing mo kanina." sabi ko sa pinakaplastik kong boses. But I'm better. No. Scratch that. I'm the best. Magaling akong pumlastik kaya hindi na ito iba sa akin.
"Ikaw rin naman eh. And you're 2nd place. 3rd place lang ako." Nahihiya niyang sabi pero lumilitaw parin ang ganda. Buti naman aminado siya. She deserves it anyway. Second best of me.
"That's okay Viane. 1st place ka parin para sakin." Ngumisi si Jame Brancen at sumabat na.
Nilingon ko ito at nadatnan pa ang mga mata niyang tila nawawala na. Kitang kita ko kung paano namula ang mga pisngi ni Viane. Naglalandian ba sila sa harapan ko?
Jame Brancen is really good at making a girl blush. And I'm good at taking that away! Hah! Akala niya!
Natawa ako ng malutong kaya napatingin silang dalawa sakin. Gumuguhit ang pagtataka sa mga mukha.
"Seriously? Viane? Ba't ka nagpapaniwala sa lalaking ito? He told me that thing awhile ago too! And don't bother asking him. He'll deny it..." Saka ko hinarap ko si Jame Brancen. "Stop playing games with us Jame Brancen. Nasasaktan mo si Viane. Wag mo siyang paasin. Say it to her directly. Hindi mo ugali ang may pinaninindigan. Even her feelings for you 'di ba?" Ngumisi ako ng matagumpay. Payback time.
Napansin ko ang luhang nangingilid sa magkabilang mata ni Viane. Oh no h'wag kang magsayang ng luha! Jame Brancen doesn't deserve your precious tears! Hindi pa patay, Viane! Ang advance mo namang magluksa!
She's hurt. Hindi ako nakokonsensya. I'm helping her out. She needs to move on. Jame Brancen is no good for her. She's too nice. Matalino sana pero bobo rin pala sa pag-ibig. Puso kasi pinapagana ayan tuloy.
Si Viane na mismo ang umalis sa harapan naming dalawa. Sinundan ko ito ng tingin. Mas lalo akong napangiti ng matamis. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Jame Brancen na nakatingin lang sa akin ng blangko. He's not smiling. Oh look! The playboy is mad I guess. Did I push your limits? That's what you get for playing games with Abbegail Roquero.
"We're even now Delafuente." Ngumiti ako ng pilya saka ito tinalikuran. I don't want to talk to him that long. Ayokong marinig ang boses niya. I hate that voice. It's too good for an asshole like him.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hinigit ang braso ko sanhi para mapalingon ako sa kanya. His serious face looks intimidating as he gripped my pulse, pulling md closer to him even more.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong siniil ng halik. Isang mababaw ngunit may diin iyon na halik na sapat lang para mawala ako sa sarili ko. He didn't move his lips but dammit! Nayanig niya ata ang buong mundo ko! God....dammit! He kissed me! The thickface asshole Jame Brancen Delafuente kissed me!
Humiwalay agad siya sakin habang ako naman ay napakurap. Nahagip ng tingin ko si Autumn na nakatingin lang. Napansin ko na hindi lang siya ang nakatingin sa amin kundi lahat ng estudyante! May mga nalaglag ang panga at meron ring napasinghap. What the f**k Jame Brancen! Is this how you play your shits with me? Ganito ka ba magpabaliw ng babae?
"Is that her girlfiend?" tanong ng isang estudyante. Bumalik ako sa sarili ko. Gusto kong ipakita na wala iyong epekto sakin. Marami na akong nahalikan at wala iyong pinagkaiba sa kanila. Oo wala! Dammit!
Binitiwan niya ang aking pulso at ibinulsa iyon. Ang kanyang mukha ay seryoso ngunit nahahaluan ng ngisi niyang malademonyo na naman. Na mukha siyang galit na ewan.
"No. She's not my girlfriend. Hindi ko ugali ang may pinaninindigan. Even her feelings for me." Sabi niya sa mga estudyante.
They all gasped. Ako ang nagmukhang napaglaruan at napaasa. binalik niya ang tingin niya sakin na parang ipinapamukha niyang nanalo na naman siya. Iyong mga babae naman ay bakas sa mga mukha ang tuwa. Natutuwa sila dahil single parin ang playboy!
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa pangyayaring ito. f**k! Am I defeated again?! And worst, pinahiya niya ako!
Sumeryoso rin naman agad ang kanyang mukha habang nakapamulsa saka dumaan sa aking gilid at huminto rin naman doon.
"You see, we'll never be even Abbegail. I told you, I'm dangerous." bulong niya sakin sa isang nakakaakit na boses bago siya tuluyang naglakad paalis.
Naiwan akong nagugulantang at nawawala na sa aking sarili. Nilapitan naman agad ako ni Autumn at iginiya ako roon paalis. She's rescuing me huh.
Hindi ko na alam kung paano ko natakasan ang kahihiyan na iyon. Ang malinaw lang sakin ay rumampa kami ni Autumn paexit na maganda parin. Umakto akong wala lang ang lahat kahit na pinahiya ako ng lalaking iyon! God! That asshole! That goddamn asshole!
Naitapon ko ang suot kong heel nang makarating kami sa bahay ni Autumn. Ni hindi na ako pumunta sa school para sa celabration ng 2nd place kong nakuha. Ayokong ipakita ang mukha kong nakabusangot at iritang irita sa nangyari. Sinabi ko nalang na biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Umaapoy ako sa init dahil sa Delafuente na 'yon! Pinapakulo niya ang dugo ko at kung pwede ay ihagis ko siya sa nagbabaga kong galit para lumiyab ito ng buhay. How dare him do that to me?! How dare you Jame Brancen Delafuente!
"Damn you Jame Brancen Delafuente!" sigaw ko sa sobrang galit. Pati ang Balenciaga kong bag ay nagawa ko pang ihagis sa sofa. What the hell is wrong with that guy?! How can I seduce you Jame Brancen?! How!
"I told you, if you just listen to me. Mahirap kalabanin ang isang Delafuente Abbey, lalo na si Jame Brancen Delafuente. Sa rami ng babae niya ay expert na talaga siya. He's a playboy. Magaling siyang maglaro. Playing around is a piece of cake for him. That's his asset. Napalabas ka pa tuloy na isa ka lang sa mga babae niya." sabi ni Autumn na inilagay sa maayos na lalagyan ang heel ko.
Pilit kong kinalma ang sarili ko. I've never been this angry before. Siya ang pangalawang lalake na nagparamdam sakin ng galit na ito. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay gumanti.
"I don't care if he's a Delafuente! Hindi ako susuko sa plano ko. I assure that. It's not yet over. Nagsisimula pa lang ako Autumn. Nagsisimula pa lang ako." Tiningnan ko siya ng puno ng kasiguraduhan habang nakakuyom ang aking mga kamay. Nailing lang siya.
Nagmartsa ako patungong kwarto. Sumunod naman siya doon. Tumunganga agad ako sa screen ng laptop ko. Laman ng utak ko ang mga plano na pwede kong iganti sa walanghiyang Delafuente na 'yon. I'm going to seduce you in any ways Jame Brancen. Papatayin talaga kita sa karisma ko. Just wait and see. Hinahamon mo talaga ako ha! You think this war is over? Nagsisimula palang ang tunay na gyera.
"Nalagas mo na ang isa niyang babae pero parang ikaw pa ang napalabas na talo. What's your plan now?" Pumangalumbaba si Autumn sa gilid ko. Tutok sa screen ng phone niya. Ako naman ay inistalk ang Delafuente na 'yon. Baka may makuha akong plano sa post niya. Kaso page ito eh. Puro stolens lang ang nandito. Wala bang mas mapapakibangan dito?
Ang aking mga mata ay napadpad sa isa niyang litrato. Sandali akong napatitig sa picture niyang nakakagat labi habang nakatingala. Kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ay may dating parin ito. Ang kanyang panga na akala mo ay kutsilyo sa tulis.
Bumaba pa ang tingin ko sa labi niyang kinagat niya. Sumagi agad sa utak ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko kanina. Ang lambot ng labi na 'yon. At nakaya niya akong halikan sa napakaraming tao. Goddammit. Ninakawan niya ako ng halik! Walanghiya siya!
"Hey Abbey? Are you even listening? Spit it. Are you occupied because of his kiss?" si Autumn na kinaway pa sa aking harapan ang kanyang kamay.
Pasimple kong pinilig ang ulo ko. Ako?! Affected! Hah! My ass!
"Of course not! Eh smack lang naman 'yon. Parang bata humalik. Walang epekto. I can kiss better unlike him." Kibit balikat ko na ikinataas ng isang kilay niya. She's not convince I knew it! Bahala siya diyan.
"Smack nga lang yun pero nawala kana sa sarili mo. Ano pa kaya kung gumalaw ang labi niya. Baka napasalampak kana sa sahig. Admit it Abbey, he's better than you." Ngumisi siya sakin. I smiled at her sarcastically and rolled my eyes afterwards. I won't admit it. As what I said. Nagsisimula pa lang ako.
Busy ako sa screen ng laptop ko at busy narin siya sa phone niya. Wala akong mapapala dito sa page niya dammit! I really need someone who's close to him. Kailangan ko ng CCTV sa Delafuente na 'yon.
"Looks like you got all the popularity now Abbey. Hindi lang sa Bars ka sikat kundi pati narin sa BTS University." sabi niya habang nanatili parin ang tingin sa screen ng phone niya.
"Dahil may nakakakilala rin sa akin doon." sagot ko. Wala na ata akong lakas. Nahigop na ng walanghiyang 'yon. Makakaganti rin ako. Leche siya!
"No Abbey. They don't know you being a partygirl. May bagong title kana. Abbegail Roquero. 'One of Brancen's girls'."
Nakuha niya ang buo kong atensyon. Sinilip ko narin ang screen ng phone niya. Napatitig ako doon sa picture ko na hinahalikan ni Jame Brancen. Wala na atsng natitirang gulat sakin. Naubos na kanina.
"Ang ganda ko diyan kahit stolen ha." komento ko at hindi apektado sa kumakalat na issue. Inaasahan ko na ang bagay na 'to lalo na't sikat ang Delafuente na iyon. Mas mabuting kumalat ang balita na yan. Ipapamukha ko sa kanilang lahat na hindi niya ako babae. Mahuhulog ka rin sa patibong ko Jame Brancen.
Nakuha ng description ng picture ang atensyon ko. One of Jame Brancen's girl huh.Bumaba ang tingin ko sa mga comments.
I saw this! Nandoon ako nang hinalikan siya ni Jame Brancen! He pulled her! I don't know the girl but there were rumors about her! She's a partygirl! b***h.
OMG! That's Abbegail Roquero! Ba't siya hinalikan ni Jame Brancen? Magkakilala sila?
May rumor na playgirl raw ang babaeng yan eh. Hindi na ako magtataka kung si Jame Brancen na ngayon ang nilalandi niya. b***h.
Sabi ni Jame Brancen may gusto raw si Abbey sa kanya eh. I don't have a say on it. Ang gwapo kasi ni Jame Brancen!
Malandi! Ang kapal ng mukha ng babaeng yan!
Napahikab ako dahil sa mga comments. Kailangan ba talagang ipamukha nila sakin na malandi ako? God! I'm better than that! Ang sabihin lang nila ay naiinggit sila dahil hinalikan ako ng isang Jame Brancen Delafuente sa maraming tao. Insecure bitches. Walang epekto sakin ang mga pinagsasabi nila. Siguro kung may nagcomment diyan na ang panget ko at hindi ko deserve na mahalikan ng isang Jame Brancen Delafuente diyan na siguro ako maapektuhan. Mga mukha nila! Tss.
"Magcomment ka nga. Sabihin mo mas maganda ako sa kanilang lahat." sabi ko.
"No. Hindi pwede." Inilayo niya agad sakin ang phone niya.
Teka? Page yun ng BTSU ah? At mga estudyante lang doon ang pwedeng maging member. Sino na naman kayang ginamit ng babaeng ito?
"Sinong kalandian mo doon sa BTSU?" Bumaon sa kanya ang mapanghinala kong tingin. Hindi siya nagsisinungaling sakin kaya makakasigurado akong lahat ng lalabas sa bibig niya ay totoo.
"Let's just say sa kanya ako kumukuha ng information tungkol sa mga babae ni Jame Brancen. Stop asking me. I won't tell you! We can use him as Jame Brancen's human CCTV. That's your plan right?" Ngumisi siya sakin. Nagtaas nalang ako ng kilay. This girl really knows me too damn well.
Hindi ko na inusisa kung sino man ang human CCTV na yan. Ang mahalaga ngayon sakin ay gumagana ang plano ko. Pero pagdating sa walanghiyang Delafuente na 'yon ay nagiging palpak ang plano kong lamangan siya. God! Anong klaseng kalandian ba meron ang Delafuente na 'yon? I can't pin him down easily.