Wrong Laman ng utak ko ang ginawa ni Jame Brancen sakin hanggang dalawin ako ng antok. Ngayon naman ay ang nasa utak ko ay lagasin ang Wednesday boyfriend ko lalo na't kinukulit na ako nito na makipagkita sa kanya noong nakaraang linggo. Napansin ko na wala na masyadong pumipeste sakin. Nakalimutan mo na ba Abbey? You told them to give you space! Yun pala ay busy sa pang-aakit kay Jame Brancen na hindi naman natatablan. "May lakad ka ngayon? It's Wednesday." sabi ni Autumn, nandito na naman kami sa cafeteria. Nagpapalipas kami ng oras dito. Ayoko sa library. Walang tao at puro nerds ang nandoon. Hindi ko mairarampa ang ganda ko. Mas mabuti dito dahil ang raming estudyante kahit puro naman babae. Gusto ko lang silang inggitin thats all. "May plano ako." sabi ko habang hinahanap ang nu