Chapter 43

1345 Words

Nakatingin ako sa pintuan nang kwarto ko. Kanina pa dapat ako matutulog, pero hindi mawala ang tingin ko sa pintong nakasara. Nasanay na akong pumapasok sa kwarto ko si Six para dito matulog, pero mula nang umuwi ako galing ospital ay hindi na siya pumapasok dito. Napahinga ako nang malalim bago pilit na ipinikit ang aking mga mata. Pinilit kong makatulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Kagabi naman ay nakatulog ako siguro dahil sa mga ininom kong gamot pero ngayon hindi ako mapakali sa higaan ko. Asar na bumangon ako para magtimpla ng gatas. Baka kapag nakainom na ako ng gatas ay antukin na ako. Madilim na sa buong kabahayan nang lumabas ako ng kwarto ko. Tanging ang mga maliliit na ilaw sa pader na lang ang nagsisilbing ilaw. Dahan-dahan akong bumaba sa kusina at nagtimpla ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD