"Salamat," nakangiting saad ko kay Gido nang bumaba ako mula sa likuran niya. "Walang anuman, salamat sa pagpunta," sagot nito. Tumango ako sa kaniya at inabot ang helmet na sinuot ko kanina. "Happy birthday, ulit. Next time na lang regalo ko." Biglaan kasi ang imbitasyon niya kaya hindi na ako nakabili kahit na ano. Nakakahiya ngang pumunta na wala akong dala, makapal lang talaga mukha ko. "Okay lang, mahalaga pumunta ka," malaki ang ngiting saad nito. "Sige, ingat ka sa byahe," paalal ko sa kaniya at nginitian siya. Madilim na dahil mag-aalas syete na ng gabi kaya medyo kailangan niya ng doble ingat sa byahe. Birthday pa naman n'ya baka mapaano. Dapat nga hindi na niya ako hinatid. "Sige." Nakangiting tinanaw ko muna siya papalayo bago ako pumasok sa malaking gate. "You are s