Chapter 16

1767 Words

RIRI'S POINT OF VIEW Hanggang sa bayan lang ako hinatid ni Kuya Marlon. Tapos nagkita kami ni Anikka at sabay na kaming nagtungo sa birthdayhan na pupuntahan namin. Sumakay lang kami ng tricycle at bumaba sa tapat ng isang bahay na may tolda sa harapan. Meron ng ilang bisita na naroon. May mga nagbi-videoke na rin at nag-iinuman sa isang table. "Nakakahiya, wala man lang tayong dalang regalo," bulong ko kay Anikka. "Okay lang iyon. Saka Attendance mo ang regalo natin sa kaniya," malaki ang ngiting saad nito. "Huh?" "Wala, halika na. Pasok na tayo sa loob." Hinila ako papasok ni Anikka. "Gido!" Lumingon ang isang lalaking medyo kulot ang buhok at medyo katangkaran, siguro nasa 5'11" ang taas nito. May hitsura naman ito, hindi nga lang gaya ni Six na talagang agaw pansin ang kagwapuhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD