Nagtungo ako sa may garden kung nasaan si Kuya Elias. Ito ang hardenero dito sa mansyon, tumulong ako sa kaniyang mag-ayos ng mga halaman. Medyo may edad na ito, siguro mas nauna pa ito kay nanay na magtrabaho dito sa mansyon. Binungkal ko ang lupa ng isang flower bed para taniman iyon ng panibago. "Mahilig ka talagang magtanim. Para kang ang nanay mo noong nabubuhay pa siya. Kapag tapos na siyang maglinis, nakikigulo siya sa akin dito," nakangiting saad nito habang pinapanood ang ginagawa ko. Tila inaalala nito ang mga panahong buhay pa ang nanay. "Mahilig po talaga siyang magtanim. Saka madali siyang makabuhay ng halaman," pagmamalaki ko. Kahit wala na ang aking ina ay hindi ko pa rin malilimutan ang mga hilig niya. Sampong taon man na ang nakakalipas mula nang mamatay siya, pero sari