Matapos ang nangyari sa amin ni Six ay lumabas ito na parang walang nangyari habang ako naman ay ipinagpatuloy ang paliligo ko. Siguro isa sa advantage niya, kaya mabilis siyang nakakapasok sa kwarto ko dahil magkalapit lang ang kwarto naming dalawa. Kaya mabilis lang sa kaniya ang magpalipat-lipat ng walang nakakapansin. Matapos kong maligo ay nagsuot lang ako nang simpleng oversize na t-shirt at tokong na short. Nagtungo ako sa opisina ni Lolo Rio. Alam kong nandoon siya dahil hindi siya pumunta sa taniman ngayon. May opisina rin naman sa hacienda, pero si Six na ang gumagamit noon. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago pinihit ang seredura. Naabutan ko si Lolo na nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Narinig ko na naman ang tunog ng paborito niyang panoorin. "Hindi ba k