Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nakarating ba kami sa Dalampasigan. Nagbayad lang kami sa entrance bago pumasok at nakita ko na si Anikka na kumakaway sa akin mula sa malayo. Mabilis kaming lumapit sa kanila. Nandito na rin sina Gido at ang dalawa niyang Kaibigan na si Bryan at Yael, maging ang babaeng dati ay nagtatanong tungkol kay Six noong birthday ni Gido ay narito rin. "Akala ko hindi na kayo darating," salubong sa amin ni Anikka. Pero kumunot ang noo nito nang makita ang binti ko na may benda. "Anong nangyari sayo? Naaksidente ka ba?" "Nalaglag sa puno. Mabuti nga nasalo, baka mas malala pa riyan ang inabot niya," saad ni Fred habang naiiling at ibinababa ang mga dala namin mula sa tricycle niya. "Hi, Riri," napatingin ako Kay Gido at ngitian ko siya. "Hello. Kanina pa