"Palagi ka na lang sa kwarto ko natutulog. Sooner or later, mahuhuli tayo dahil sa ginagawa mo." Kasalukuyan itong nakaunan sa dibdib ko na natatakpan lang ng puting kumot. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya sa may batok. "As if I care," balewalang saad nito. Marahan ko siyang tinapik sa balikat dahil sa sinabi niya. Hindi man lang ba talaga siya nag-aalala? Pareho kaming malalagot kapag nagkataon. "Magagalit si Lolo. Tapos ano na lang iisipin ng mga tao?" nag-aalalang saad ko. Umangat ang ulo nito at tumingin sa akin. "Don't think about it. I will not coax you to be in our situation now if I can't handle it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumisi naman ito sa akin. "You can save yourself. Paano naman ako?" Siya alam ko mapapatawad agad ni Lolo pero paano ako? Inampon niya ak