Nagsindi ng bonfire sina Fred kung saan nakapalibot kaming lahat. Tumutugtog ng gitara si Bryan habang sinasabyan naman nila iyon ng pagkanta at pag-inom ng beer. Hindi lang kami ang may bonfire dito ngayon. May ilan din sa kalayuan at maraming nagna-night swimming. Marami talagang nagca-camping dito minsan dinarayo na rin ang lugar dahil sa magandang buhangin nito. Nakaligo na ako kanina kaya hindi an ulit ako lumusong sa tubig. Madilim na at nakakatakot na baka kung may ano sa ilalim. "Maglaro tayo, truth or dare," biglang suhestiyon ni Anikka. "Sige-sige," mabilis na pagpayag ni Yael. "Kapag hindi nagawa o nasagot, iinom nito," itinaas ni Anikka ang basong may lamang lagpas kalahating alak. Gamit ang wala nang lamang bote ng beer ay sinimulan nila iyong paikutin. Unang tumapat ay