Malinaw na malinaw pa sa akin kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano kami nagkaroon ng sekreto ni Six na hindi pwedeng malaman ng sino man. Birthday noon ni Lolo Rio...
Maaga pa lang ay naghahanda na ang lahat. May mga nagkakatay ng baboy para lutuin at gawing iba't ibang putahe. May nagle-lechon. at kung ano-ano pa. Maaga akong gumising upang tumulong sa paghahanda.
Tuwing birthday kasi ni Lolo Rio ay talagang malaking handaan ang nagaganap sa mansyon kung saan lahat ng mga tauhan sa hacienda ay imbitadoa t mga kilalang tao sa bayan ng San Carlos.
Tumutulong ako sa mgakababaehang nagluluto, kasama ko si Tita Marina. Ako ang naghuhugas nang mga gulay at nagbabalat ng mga sibuyas at bawang. May mga kasama rin kaming mga asawa ng mga trabahador sa hacienda maliban sa mga kasambahay sa mansyon.
Nang mapatingin ako sa second floor ay nakita ko si Six na prenteng nanunood lang sa itaas. Hindi talaga ito mahilig makihalubilo. Nakikipag-usap naman siya pero hindi gaya ni Vincent, ang nakababata niyang kapatid na nakikipagbiruan pa sa mga matatandang trabahador. Ito kasi ay madalas na seryoso at walang imik. Pero kapag ako ang kausap, akala mo palagi bingi ang kausap na minsan sumisigaw pa. Sarap lang talagang pasakan ng bote ng toyo ang bibig niya minsan para matahimik.
Inirapan ko siya pero tumaas lang ang isang kilay nito. Napapansin ko rin na ang ibang kababaihan na naririto ay kanina pa nagpapa-charminng sa kaniya. Naku, kung alam lang nila. Pangit ugali ng lalaking iyan.
Nagtungo ako sa kusina at tumulong kina Nana Ising. Madali lang naman kaming natapos sa pagluluto kahit napakadaming putahe ang pinagkaabalahan namin dahil marami kaming nagtulong-tulong. Nakakapagod pero hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang ayos ng mga paligid.
Ang mga anak ng mga trabahador na dalaga at binata ang nag-ayos ng lugar at naghakot ng mga lamesa at upuan na gagamitin mamayang gabi sa selebrasyon. Malawak ang hardin sa Mansyon ng mga Buenaventura at madalas ay dito nagaganap ang mga events na gaya ng bithday party o kahit ano pa mang party.
Nang masiguradong kong maayos na ang lahat ay nagtungo na ako sa kwarto ko para magpahinga saglit, medyo sumakit ang binti ko sa kakalakad dahil maraming kailang i-abot at kunin. Kinse minuto lang yata akong nagpahinga pagkatapos ay kailangan ko nang maligo dahil pagabi na.
Nagsuot lang ako ng isang white tube dress na abot hanggang sakong ko pero may mataas na slit iyon dahilan para makita ang isang hita ko kapag lumalakad ako. Inilugay ko ang buhok ko na lampas balikat. Kulot ang buhok ko pero maganda ang bagsak nito kaya hindi ko masyadong pinupusod.
Kinagabihan ay doon na nagsimula ang kasiyahan. Matapos ang speech ni Lolo ay nagsimula nang magkainan, magsayawan at mag-inuman ang lahat ng mga bisita.
Habang ako naman ay naupo sa isang tabi dahil medyo napagod ako kanina pero bigla akong hinila ni Tita Marina sa isang table kung nasaan ang ibang kababaihan. Mga matatandang asawa ng ibang mga trabahador.
Bigla nila akong inabutan ng alak na nasa baso kaya hindi na ako nakatanggi. Hindi ko na namalayan na naging sunod-sunod na pala akong pagtungga ko sa baso dahil sunod-sunod din ang paglalagay nila sa baso ko.
Nakikisabay na ako sa kwentuhan ng mga mga kasama ko ngayon sa table. Tumatawa na rin ako kahit hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa. Basta nakikisabay na lang ako sa kanila.
"Heto pa," saad ni Tita Marina at muli niya akong binigyan nang alak. Nakangiting kinuha ko iyon at straight na ininom. Napangiti naman ito ng matamis sa akin. "Enjoy here. I will just go to Papa," paalam niya at tumango lang ako. May ibinulong pa ito sa isang babae na tumango rito bago umalis.
Hindi ko alam na close pala si Tita Marina sa mga ito. Madalang lang naman kasi siya dito sa Hacienda kapag may event lang na gaya nito o kaya kapag bakasyon. Kunsabagay, mabait siya kaya lahat ng tao rito ay gusto siya.
"Riri, wala ka bang boyfriend?" tanong sa akin ng isang matandang babae kaya napabaling sa kaniya ang atensyon ko.
Ngumiti ako. "Wala po sa plano ko ang maghanap ng sakit ng ulo."
Para sa akin stress lang ang magka-boyfriend. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Lalo na kung sasaktan lang rin naman ako sa huli.
"Kow! Iyong sakit ng ulo minsan, kaya noong pasarapin ang pakiramdam mo," saad naman ng isa. "Iyong sarap bang titirik ang mata."
Nagtawanan sila sa sinabi nito.
Napangiti na lang ako habang naiiling. Alam ko ang tinutukoy nila kahit hindi ko pa iyon nararanasan. Ayaw ko namang pumatol sa kung sino-sino lang. Tumitirik naman madalas ang mata ko kay Six, hindi nga lang dahil sa sarap kundi dahil sa inis.
"Heto, inom ka pa." Muli nila akong inabutan ng isang basong alak. Napapangiwi ako sa bawat inom ko kaya dinidiretso ko iyon upang hindi ko malasahang masyado. Humahagod nga lang sa sikmura ko ang tapang ng alak. Mabuti na lang at high tolerance ako sa alak kaya hindi agad-agad ako malalasing pero sa sunod-sunod na tungga ko, duda akong tatagal ako kapag ganito.
"Ang gwapo talaga ni Sir Six, 'no? Kung may anak siguro akong dalaga, ibinugaw ko na sa kaniya. Aba, maambunan lang ang pamilya ko ng lahi niya, para na akong tumama sa lotto," ani naman ni Aling Carina. Ang asawa ng isa sa rin sa mga trabahador sa hacienda na si Mang Lito. Madalas ko na siyang makita dahil palagi siyang nandirito at tumtulong kapag may handaan. May anak ito pero isang lalaki lang, si Fred ang kababata ko at kaibigan. Kapitbahay rin namin sila dati noong buhay pa ang nanay ko.
"Ambisyosa ka naman, Carina. Hindi naman papatol si Sir Six sa mahirap na gaya natin. Syempre ang bagay sa kaniya iyong may sinabi rin sa buhay," kontra naman ng isa sa mga matatandang kasama namin sa lamesa.
Napatingin ako kay Six na nakatalikod sa amin habang may kausap na isang matandang lalaki, ang mayor nang bayan namin, Si Mayor Arnold Pineda. Kasama nito ang anak ni si Grace Pineda. Kahit hindi ko titigan mapapansin na may gusto ito kay Six dahil halata ang pamumula nito kapag nagtatama ang mga mata nila.
Maraming pang ibang kababaehan ang kanina pa nagpapapansin kay Six pero tila wala naman itong pakialam. Lagi naman itong walang pakialam. Alam kong may mga babae na siyang naka-date dati pero wala pa akong babalitaang naging girlfriend niya. Ewan ko na lang noong nasa abroad pa siya, liberated pa naman mga tao doon.
Sinipat ko ito at hindi ko mapigilang mapataas ang kilay ko habang nakatingin ako sa pwetan nito. Ang tambok, kapag humarap ito matambok din kaya?
Tila may nakarinig na demonyo sa isip ko at bigla ngang humarap si Six. Napalunok ako at biglang sininok nang makita ko ang kanina ay kinukwestiyun ko lang. Sa bakat pa lang noon parang nakakatakot nang makita ang nasa loob. Mabilis akong nagtaas ng tingin at nakita ko itong ngumisi nang magtama ang mga mata namin habang sumisimsim ito sa basong hawak na may lamang alak.
Upang itago ang pagkapahiya ay inirapan ko ito. Baka mamaya isipin niya pinagpapatasyahan ko siya.
Muli akong humarap sa mga kasama ko. Bakit nga ba nasa matatandang mesa ako gayong ang mga ka-edaran ko naman ay nasa kabila?
"Gwapo, hindi ba? Hindi ka ba nagkakagusto sa kaniya?" malisyosang tanong naman ni Aling Milagrosa.
Asar na ngumiti ako rito. "Kahit siya na lang ho ang huling lalaki sa mundo. Hindi po ako papatol sa kaniya. Tatalon na lang ako sa tulay," wika ko.
Hindi nga kami magkasundo, magkagusto pa kaya? Kontrabida sa buhay ko ang lalaking iyon. Kaya mainit ang dugo ko palagi sa kaniya.
"Naku, huwag na kayong magulat. Iyang si Sir Six at Riri, para silang aso't pusa. Bata pa lang hindi na magkasundo. Saka mukhang mahilig si Sir sa mapuputi, gaya noong anak ni Mayor," wika ni Aling Carina habang kulang na lang ay humaba ang mga leeg nito sa pagtingin sa kinaroroonan nina Six.
Hindi kasi ako kaputian. Morena ako, habang ang babaeng tinutukoy nila ay labanos. Pero maliit lang ito hindi gaya ko na matangkad. Bakit ba kinukompara ang sarili ko sa kaniya? Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang mga nasa isip ko.
"Ah, oo maganda nga iyang anak ni Mayor. Mukha pang mabait," susuog naman ng isa bago tumungga ng alak. Mga babae sila pero ang lalakas nila uminom.
Sayang naman kung kay Six mapupunta ang babaeng pinag-uusapan nila. Masama ugali ni Six, tapos mukhang inosente si Grace Pineda. Ako na nagsasabi kasi ranas na ranas ko iyon ang kasamaan ng ugali ni Six. Matalas pa ang dila, tapos hindi gentleman. Sa mukha lang ito malaki ang points pero sa ugali bagsak na bagsak ito.
Tumayo ako pero muli akong hinila ni Aling Carina. "Saan ka pupunta? Iinom pa tayo. Madalang ito kaya huwag mo agad kaming iwan," pigil nito sa akin.
Kahit matatanda na sila ay malakas pa rin silang uminom. Parang wala pa nga silang mga tama habang ako ay medyo umiikot na ang tingin ko.
"Lalapit lang po ako kay Lolo," sagot ko kaniya kaya wala na itong nagawa kundi ang pakawalan ako.
Ipinilig ko ang ulo ko nang maramdaman kong parang umiikot na ang paningin ko. Medyo lumalalim na rin ang niyayapakan ko. Muntik na nga akong mabuwal mabuti na lang at may nakahawak sa braso ko kaya hindi ako natuluyang bumagsak sa lupa.
Napatingin ako sa humawak sa akin at napangiti ako nang makita ko si Fred. "Gwapo natin ngayon, ah," bati ko sa kaniya. Nakapolo kasi ito ngayon, malayo sa karaniwang suot nito kapag nasa bakahan na nakajacket at salukot habang nakakupas na pantalon.
Ngumiti ito sa akin. "Ikaw rin, ang ganda mo. Palagi naman."
Inirapan ko siya bago natawa. "Inuuto mo na naman ako."
Natawa rin ito sa akin pero napatigil kami pareho nang may bahagyang bumangga sa akin. Natawa rin ito sa akin pero napatigil kami pareho nang may bahagyang bumangga sa akin. Muntik na akong humalik sa lupa kong hindi ako napahawak sa braso ni Fred.
"Nakaharang," balewalang saad ni Six bago kami nilampasan at lumapit kay Lolo Rio.