Nagmamadaling bumaba na ako papunta sa laundry area. Naabutan ko si Ate Sabel na abala sa paglalagay ng mga labahan sa washing machine.
Siguro kanina pa ako nito hinihintay. Pasensya na, may aberya kasi sa taas kaya natagalan ako.
"Bakit ang tagal mong bumaba? Akala ko natabunan ka na ng mga labahan ni Sir Six," wika ni Ate Sabel at tinitigan ako. Palihim tuloy akong napatingin sa sarili ko. Baka mamaya may bakas pa ako ng milagrong ginawa namin ni Six. Medyo pawisan pa naman ako. Sino ba naman ang hidni pagpapawisan sa ginawa namin? "Huhulaan ko, nag-away pa kayo ano? Naku! Kailan kaya kayo titigil sa pagiging aso at pusa ninyo, bata pa lang kayo ganiyan na kayo." Naiiling pa ito.
Nginitian ko na lang siya. Mabuti na lang talaga at iniisip ng lahat ng tao dito sa mansyon na hindi kami nagkakasundong dalawa kaya walang magdududa sa ginagawa namin. Kung alam lang niya kung anong ginawa namin ni Six baka magulat siya pero syempre hindi ko sasabihin sa kaniya iyon o kahit na kanino. Hindi kami nag-away pero nagsalpukan ang mga katawan namin. Ang hilig kasi masyado ng lalaking iyon. Mabuti nga pinakawalan agad ako, minsan talaga kahit tintawag na ako, wala itong pakialam. Buti na lang talaga hindi kami nahuhuli.
Dahil kapag nahuli kami lagot kami kay Lolo kapag panigurado iyon. Baka mapalayas pa ako rito.
Kaya hinahayaan ko ang mga tao dito sa bahay na isiping hindi pa rin kami nagkakasundo. Madalas pa rin naman kaming magbangayang dalawa. Ganoon naman talaga kami dati hanggang ngayon. Madalas pa rin kaming magsabong na dalawa, pagkakaiba lang minsan sa kama na kami nagsasabong, minsan sa cr, minsan sa kotse, sa opisina o kung saan ako hilahin ni Six. Tapos ako naman wala na akong nagagawa kundi ang umungol na lang.
"May sayad kasi iyang si Six, Ate. Akala mo kung sino palagi. Alam mo Ate Sabel, hula ko bakla iyan, e," tsismosang saad ko sa kaniya. "Pumapatol sa babae. Hindi ba bakla kapag ganoon?"
Alam kong nagkakalat ako ng maling tsismis pero syempre para walang makahalata gumawa na lang ako ng kwento. Pang-aasar na rin kay Six. Sinugardo akong uusok na naman ang ilong noon kapag nalaman ang pinagsasabi ko. Pikonin pa naman iyon. Saka sanay na sa amin ang mga tao dito sa mansyon kaya kahit anong paninira ko sa kaniya wala namang maniniwala sa akin. Iisipin lang nila na gumagawa ako ng kwento para makaganti.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Magtigil ka nga. Mamaya marinig ka niya, away na naman iyan. Saka kayong dalawa lang naman ang hindi nagkakasundo. Isa pa mukha namang lalaking-lalaki siya. Nakita mo naman ang katawan, pinaglalawayan ng maraming kababaehan dito sa San Carlos."
'Hindi lang nakita. Natikman ko pa. Masherep.' bulong ng malanding utak ko.
Kunwari ay itinirik ko ang mga mata ko sa sinabi niya. "Okay lang, hindi naman nakakapaglaway," sagot ko at nameywang pa. Umakto ako na hindi interesado. "Mestizo ang gusto ko. Ayaw ko sa moreno," dagdag ko pa.
Siguro wala na akong slot sa langit dahil sa mga kasinungalingan ko. Hindi ko type pero tumitirik palagi ang mata ko sa kaniya.
"Hindi ka rin naman niya type, patas lang kayo."
Napanguso ako sa sinabi ni Ate Sabel. Grabeng manlaglag, wala man lang signal.
Hindi ako type pero lagi ngang nanggigil sa akin ang hudyong iyon. Kahit summer at sobrang init, hindi ko naranasang matuyuan dahil sagana akong masyado sa dilig. Tila gigil na gigil sa akin palagi. Hindi ko siya masisi, ang ganda ko naman kasi. Mahilig talaga ako magbuhat ng sariling bangko ko, ayaw ko iasa pa sa iba.
Pasimple kong dinama ang dibd/b ko. Pakiramdam ko, lumaki lalo iyon sa kakalamas ni Six. Dati naman sakto lang ang laki ng mga ito pero ngayon pakiramdam ko mas lumaki pa. Hindi ko na kailangan magpa-inject. Kamay pa lang ni Six, solve na ako.
Nang maisalang na ni Ate Sabel ang lahat ng mga labahin ay iniwan ko na siya sa ginagawa niya at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Tita Marina na naroon at tumutulong kay Nana Ising.
Nakangiting lumapit ako sa aknila.
"Riri, tikman mo nga itong niluluto ko kung okay na," tawag sa akin ni Tita Marina kaya lumapit ako sa kaniya.
Binigyan niya ako ng isang kutsarang may lamang gata at ube. Binigyan ko siya nang thumbs up nang matikman ko ang lasa ng niluluto niya. Masarap talaga siya magluto, kaya nga pakiramdam ko tataba ako kapag nandito siya sa mansyon.
Kapag bakasyon kasi ay dumadalaw sila rito at nakagawian na niya ang magluto palagi. Kaya palaging masarap ang pagkain namin. Hindi ko naman sinasabing pangit ang lasa ni Nana Ising. Iyong kay Tita Marina kasi may twist palagi, kaya kakaiba ang lasa. Siguro dahil na rin HRM ang natapos niya kaya may alam talaga siya sa pagluluto.
"Perfect na po, Tita. Tama lang ang tamis," saad ko sa kaniya.
Nagluluto kasi siya ng gintaang bilo-bilo. Siguro ay ipapadala na naman niya iyon sa farm para ipameryenda. Mahilig siyang magluto at ipakain sa mga tauhan dito sa hacienda. Maliban sa naging sekretarya siya dati ni Tito Baste ay pangarap daw kasi niyang maging chef dati kaso mas pinili niya ang ama ni Six kaysa sa pangarap niya. Sinasabihan naman siya ni Tito Baste na magtayo ng restaurant pero ayaw na niya. Meron talagang mga babaeng kayang i-give up ang pangarap nila para sa lalaking mahal nila. At hindi ako kasama doon.
Gusto kong maging strong independent woman. Iyong hindi aasa sa lalaki para mabuhay. Baka humingi na lang ako ng sperm kay Six para magka-anak ako pero ayoko talagang mag-asawa.
Napatingin ako kay Six na pumasok sa kusina. Bagong ligo na naman ito. Lihim akong napangiti, huhulaan ko. Nagmariang palad ito sa ilalim ng shower. Kanina pa kasi ako nakababa pero ngayon lang siya lumabas ng kwarto at medyo basa pa ang buhok. Masama ang tingin nito sa akin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
Huwag niyang sabihing galit pa siya, pinagbigyan ko na siya.
Walang imik na nagtungo ito sa ref na may dalawang pinto at kumuha ng malamig na tubig.
"Six, hindi ka ba muna mag-aalmusal? May niluto kami ni Nana Ising, kumain ka muna," pigil ni Tita Marina bago pa ito makalabas ng kusina pero parang wala itong narinig at diretso lang na umalis.
"Hayaan n'yo na siya Tita. Hindi naman iyon mamatay sa gutom," saad ko. Saka nag-almusal na si Six. Ako ang ginawa niyang almusal sa bathroom niya kaya alam kong may energy na iyong buong araw.
"Kailan kaya niya ako papansinin? Kahit anong gawin ko, hanggang ngayon ayaw pa rin niya sa akin," malungkot na saad ni Tita Marina.
"Hayaan n'yo tita, kakausapin ko siya." Nasabi ko na lang kahit na alam ko naman na hindi ako pakikinggan ni Six. Sa kama lang iyon nakikinig kapag sinabi kong isubo niya dibdib ko o ipasok na niya pero maliban doon wala na siyang ibang pinakikinggan pa. Matigas talaga ng puso nito para kay Tita Marina.
Nakita kong ngumiti si Tita pero malungkot ang mga mata nito. Step-mother ni Six si Tita Marina. Ikalawang asawa ito ni Tito Baste. Namatay kasi sa pangangak kay Six ang tunay na ina niya. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw nito sa madrasta nito gayong mabait naman si Tita Marina.
Kahit nga sa akin na inampon lang ni Lolo Rio ang bait-bait niya. Hindi ko lang talaga alam ang problema ni Six kung bakit ayaw niya rito. Kunsabagay sa akin nga ayaw rin ni Six noong unang dating ko rito. Ewan ko ba sa isang iyon, ayaw sa mga tao dito sa mansyon. Kay Lolo Rio lang siya mabait at kay Nana Ising. Pero ako lagi niyang binubully dati. Napakarami kong luha at sipon na nasayang sa kaniya dati noong bata pa kami kasi lagi niya ang inaasar.
Pero ngayong matanda na siya akala ko magbabago. Hindi pa rin pala. Kahit anong gawin ni Tita Marina para dito hindi nito napapansin lagi ang effort ng huli. He treated her like an air.
Bumalik ako sa pagtulong sa mga kasambahay sa mga gawaing bahay. Pwede namang hindi ako tumulong sa kanila pero bata pa lang ako sanay na ako sa gawaing bahay. Dahil nasa trabaho dito sa mansyon si nanay ako lang naiiwan sa bahay minsan kaya bata pa lang ako sanay na akong maglinis at maglaba. Kaso nga nabangga ang nanay ko at hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang hustisya para sa kaniya.
Sampong taong gulang ako nang ampunin ako ni Lolo Rio. Dating kasambahay ang ina ko rito pero namatay ito nang masagasaan ito. Walang nakakita dahil gabi nang mangyari iyon kaya walang nagbayad sa nangyari sa ina ko at hanggang ngayon ay malaya pa rin ang bumangga sa kaniya. Tanging ang ina ko lang ang pamilya ko at akala ko lalaki na ako sa lansangan noong mamatay siya pero bigla akong kinausap ni Lolo Rio kung gusto ko raw bang sa mansyon na ako tumira. Dahil sa takot akong mag-isa ay mabilis akong pumayag sa kaniya.
Wala namang naging problema ang pagtira ko rito sa mansyon. Mababait naman sa akin ang lahat. Maliban kay Six. Noong hindi pa ako nakatira dito at isinasama pa lang ako ni nanay minsan sa trabaho niya ay palagi na niya akong inaasar. Bata pa lang ay palagi na kaming nag-aaway hanggang sa tumira ako dito ganoon pa rin kami. Tapos kapag may kaibigan ako, inaaway din niya. Madalas nga silang mag-away dati ni Fred, ang kababata ko na ngayon ay sa hacienda na rin nagtatrabaho. Bully lang talaga si Six. Walang matinong magawa sa buhay kaya nang umalis ito para pumunta sa America at doon mag-aral ay nakahinga ako nang maluwag.
Mahigit apat na taon na walang nang-aasar sa akin. Pero limang buwan na ang nakakaraan mula nang bumalik ito. At dalawang buwan na ang nakakaraan nang magsimula ang relasyon naming dalawa.
Relasyong kaming dalawa lang ang nakakaalam. Dahil hanggang kama lang naman iyon at hindi na hihigit pa. Alam kong katawan ko lang ang gusto niya, wala namang kaso sa akin. Hindi ko naman siya gusto, kaya alam kong kahit matapos ang relasyon namin. Hindi ako maiiwang luhaan sa dulo.