Naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Six. Anong nakaharang ang sinasabi niya? Ang lawak-lawak ng space na pwede niyang daanan pero binagga talaga niya ako.
Nananadya siya. Masama ang tingin ko na nakasunod sa kaniya. Lumapit siya kay Lolo Rio at May ibinulong lang ito sa matanda tapos ay umalis rin.
Hindi ko mapigilang mainis. Papansin talaga ang bwes/t na lalaking iyon.
"Salubong na naman iyang kilay mo," puna sa akin ni Fred. Bumaling ang tingin ko sa kaniya.
"Papansin talaga ang bwesit na iyan. Dapat kasi na siya umuwi ng Pilipinas para hindi walang epal," inis na saad ko. Hinayaan ko pa nang suntok sa hangin si Six, pero muntik na akong mabuwal kaya inalalayan ako ni Fred.
Noong nasa America si Six, tahimik ang buhay ko. Kaso tatlong buwan na mula nang makabalik ito. Akala ko nagbago na siya matapos ang ilang taong pananatili niya sa ibang bansa pero ganoon pa rin. Wala pa rin itong pinagbago. Masama pa rin ang ugali.
Sumulyap ito kay Six na may kausap na isang babaeng kulang na lang ay lumingkis sa braso nito. Anak ito ng isa sa mga bisita ni Lolo Rio.
"Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon ang pakikitungo sa iyo ni Sir Six. Mabait naman siya sa iba, pero mukhang nakasanayan na niyang i-bully ka palagi," komento nito.
Lalo akong napasimangit sa sinabi niya. Bata pa lang kami, wala nang ginawa si Six kundi ang asarin ako. Ilang beses na ba akong muntik malunod sa pool dahil itinulak niya ako. Nagasgas rin ang tuhod ko dahil itinulak niya ako sa lupa. Minsan kinakain niya ang pagkain ko, o kaya naman sinisira niya ang mga laruan ko o bagay na nagugustuhan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya, palagi niya akong inaaway. Pero may isang bagay na hindi ko rin maintindihan sa kaniya. Kapag ibang tao ang aaway sa akin, ipinagtatanggol niya ako. Minsan nga nakipag-suntukan pa siya dahil tinawag akong malandi ng isa sa mga basketball player sa school. Ang gusto yata niya siya lang bu-bully sa akin.
"Hindi siya mabait, Fred. Hindi mo ba nakikita ang invisible na sungay niya?"
Natawa ito sa sinabi ko. Isa siya sa mga nakakaalam kung gaano ako kainis kay Six. Minsan nga nag-away inaway na rin siya ni Six dahil sa akin. May sayad talaga ang lalaking iyon, madalas hindi na siya nakakatuwa.
"Hayaan mo na lang siya," wika nito.
Umismid ako sa kaniya. Kung siya mabait at palaging nagpapakumbaba kay Six, ibahin niya ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid.
"Wala ka pa bang natitipuhan sa mga bisita ni Lolo?" pag-iiba ko ng usapan. Maraming dalagang bisita ngayon. Meron pang mga anak ng mga negosyante rito sa San Carlos.
Tumingin ito sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Umiling ito bago ngumiti. "May gusto na ako."
"Sino? Kilala ko ba?" Close kaming dalawa pero wala naman siyang nabanggit sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko nang medyo napapikit ako. Tumatalab na talaga ang alak na nainom ko.
Ngumiti ito sa akin pero hindi ito nagsalita kaya pabiro ko na lang siyang inirapan. Hindi ko naman siay pipilitin kung ayaw niyang sabihin.
Muli akong tumingin akong muli kay Fred. Babatiin ko nga pala siya kaya umalis ako sa mesa nang matatanda kanina. "Lapit lang ako kay Lolo," paalam ko sa kaniya. Tumango lang naman ito kaya iniwan ko na siya.
Nakangiting yumakap ako sa leeg ni Lolo Rio mula sa likuran.
"Happy birthday!" bati ko sa kaniya bago ako humalik sa pisngi niya.
Natatawang tinapik nito ang braso ko. "Salamat. Akala ko hindi kana lalapit sa akin para batiin ako," kunwari ay nagtatampong saad nito.
"Pwede ba naman po iyon? Madami lang bumabati sa inyo kanina kaya hindi ako lumalapit," nakangiting saad ko sa kaniya. Ayaw ko namang makipag-unahan kanina dahil kapag lumapit ako siguradong kailangan ko rin makihalubilo sa iba pa niyang mga bisita.
Hindi ko mapigilang mapapikit. Inaantok na talaga ako. Parang hinihila ako ng higaan bigla pero pinipilit ko pa ring imulat ang akong mga mata.
Maagap pa, ayaw ko namang umalis ako sa party ni Lolo para matulog. Naupo ako sa tabi ni Lolo.
"Dapat lumapit ka para naipakilala sana kita sa anak ng mga kakilala ko. Pero bawal ka pa mag-boyfriend, nag-aaral ka pa," biglang bawi nito.
Napatakip ako ng bibig habang humahagikhik. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Sanay na ako na medyo strikto si Lolo Rio, wala naman akong problema roon dahil alam kong para sa kapakanan ko lang ang iniisip niya.
"Lasing kana yata?" puna nito. "Namumula kana."
Umiling ako sa kaniya habang nakangiti ng malapad. "Nakainom lang po, Lo."
Pero pakiramdam ko talaga pipikit na ang mga mata ko. Madami akong nainom sa table na kinaroroonan ko kanina dahil hindi yata nauubusan ng laman ang baso ko kaya sunod-sunod ang tungga ko.
"You should not drink too much, sasakit ang ulo mo kinabukasan," paalala nito sa akin kaya nakangiting tumango ako sa kaniya.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita kong marami nang nagsasayaw sa gitna. Tatayo sana ako para sumali sa kanila pero muntik na naman akong mabuwal mabuti na lang at may brasong nakasalo sa akin.
Suminghot ako nang may maamoy akong mabango. Pero nang makita ko kung sino iyon ay napasimangot ako. Mabilis akong umayos ng tayo at muling naupo dahil pakiramdam ko matutumba na ako.
"I think you should bring her in here room. She's drunk," ani ni Lolo kay Six.
"No, Lo. Hindi pa po ako lasing," tangi ko habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam pero hindi ko makontrol ang pagngiti ko. Napapangiti ako kahit wala namang nakakatuwa.
Bigla naman akong hinila nito sa braso. "Let's go."
"Ayoko," nakangusong sagot ko kay Six. Hindi pa nga kasi ako lasing. Kaya ko pa.
Isa pa makahila siya sa braso ko walang ka-gentle-gentle.
Bumaling ako kay lolo para magpakampi. "Lo, hindi pa po ako lasing," pilit ko ko at ngumiti ako habang bahagyan nang pumipikit ang mga mata ko.
Bakit ba antok na antok na agad ako?
"Don't lie. You keep on smiling like an idiot," saad naman ni Six kaya tiningnan ko siya ng masama.
"I am not idiot."
Napasinok ako. Kaya napatingin sila pareho sa akin. Nginitian ko si Lolo Rio para ipakita sa kaniya na okay lang ako.
"Just carry her, Six. I doubt if she can even walk properly," utos ni Lolo.
Nakita kong napabuga ng hangin si Six habang inis na tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at nang-aasar na itinaas ang kamay ko para magpabuhat. Sabi ni Lolo carry daw, e. Sure naman ako na hindi niya ako bubuhatin kaya hayaan na lang muna niya ako rito.
Ngunit muntik nang lumabas lahat nang nainom ko nang walang babalang parang sako niya akong inilagay sa balikat niya. May ilang napatingin pa sa amin dahil sa ginawa niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang muntik nang lumuwa ang dib/dib ko dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Naka-tube lang ako buti na lang naagapan ko bago pa man mag-hello sa lahat ang mga bundok ko. Tinakpan ko ang dibd/b ko ng isang kamay ko, habang ang isa ko namang kamay ay hila-hila ang taas ng dress na suot ko pero bigla akong napatakip sa bibig ko para hindi ako masuka. Mas bumaliktad ang sikmura ko dahil sa pagbuhat niya.
Hinampas ko siya sa likod.
"Put me down!" saad ko nang makapasok na kami sa loob ng kabahayan. Mas mabuting maglakad na lang ako kahit kaysa buhatin niya ng ganito.
Pero hindi man lang ako nito pinakinggan at nagsimula nang umayat sa hagdan.