Arietta's POV NAGISING ako nang mapansin ko na nasa kuwarto na ako habang nakatingin naman 'yong parents ko sa akin. "Baby, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mimi. Ang huling natatandaan ko ay sakay ako ni Jaypee sa kaniyang likuran. Mabilis akong napatingin sa tuhod ko at may benda na 'yon, pero 'yong suot ko ay ganito pa rin. "Ano pong nangyari?" "Tulog ka nang ihatid ka ni Reed ditto. Ano bang nangyari? He's very worried for you." Lumapit sa akin si Mimi and she's caressing my face. Nakita kong pareho silang nag-aalala sa akin, pero ayoko nang mag-alala pa sila. Ayoko sabihin sa kanila ang totoo dahil sigurado akong hindi na nila ako papayagan na mag-commute mag-isa. "Nadapa po ako at nakatulog ako sa kotse ni Kuya Reed dahil sa paghihintay," pagsisinungaling ko. "Are you sur