Arietta's POV DALAWANG araw na akong hindi pinapansin ni Reed after niyang marinig 'yong sinabi ni Steven sa amin. Hindi ko naman magawang lapitan siya dahil natatakot ako sa sasabihin niya. Kapag sabay kaming kakain kasama sina Mimi ay hindi rin siya nagsasalita. After kumain ay dumi-diretso na siya sa kaniyang kuwarto at alam kong may kasalanan ako kung bakit siya nagkaganoon. Mabuti na lang ngayon at Friday na. Nakasuot kami ng P.E. uniform kaya nakakagalaw ako ng maayos kumpara doon sa school uniform namin. Nasa kalagitnaan kami ng klase nang pumasok ang principal sa loob at may sinabi sa teacher. Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa nang pumasok ang isang babae na nakasuot ng civilian. "Is that Zeina Carter?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyla sa katabi niya. "Zeina? 'Yong m