Arietta's POV NAGKASABAY na naman kami ni Jaypee sa bus papunta sa school. Nagulat pa nga siya nang tumabi ako sa upuan niya. "Maraming vacant na seat." Turo niya sa kabilang upuan, pero umiling ako at tinignan siya. "Bakit hindi ka pumasok kahapon?" "Kailangan ba alam mo? Close ba tayo?" "No, pero ako ang boss mo. Hindi mo ba i-explain sa akin?" Nakita ko ang pagngisi niya at tumingin sa labas ng bintana. "Bawas na ang sahod ko at hindi mo na siguro kailangan pang malaman." Lumingon siya sa akin na siyang kinagulat ko kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. "Isa pa ay hindi kita boss ngayon." Inilayo ko ang mukha ko at napanguso. "Defensive masyado." Kinuha ko ang earphone ko at nag-play ng music. Nagulat ako nang kinuha ni Jaypee 'yong right earpiece ko at inilagay sa ten