"YOU'RE kidding me, stop!”
Tumatawa na umiiling ang asawa niya.
“No, I’m not.”
“What is he doing here?” shock pa rin na tanong niya.
“Sweetie, I’m sorry for keeping this to you but, he is actually a close friend of mine.”
“Ah, I hate you!” natatawa na naiiyak na reaksiyon niya, pagkatapos pabiro niyang sinuntok ang braso nito. “Why are you doing this to me?”
“Clyde!”
Nang lumingon silang dalawa. Doon lang napatunayan ni Isla na hindi nga siya nananaginip. Totoo ang nangyayari. Nasa harapan niya ngayon ang number one idol at teenage crush niya, si Spencer Morales.
“Spencer, nice to see you again.”
Nag-handshake ang dalawa. “Sorry, we couldn’t make it to your wedding.”
Nanlalaki ang mga mat ana lumingon siya kay Clyde.
“He’s supposed to be at our wedding?” gulat na tanong niya.
Tumatawa pa rin na tumango ang asawa. “This surprise should happen on our wedding day but his wife got a family emergency so they couldn’t make it.”
“Isla, nice to finally meet you.”
Nang lumingon siya kay Spencer. Hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya. Sino nga ba ang mag-aakala? After all these years, makakaharap niya sa pangalawang pagkakataon ang lalaking inidolo niya noong kanyang kabataan.
“Oh my god, ikaw ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Natatawa rin na tumango ito.
“Ako nga.”
Natutop niya ang bibig nang mag-handshake sila. Nanginginig pa siya nang makipagkamay sa lalaki at literal na nanlalamig ang kamay niya sa nerbiyos. Matapos iyon ay pinakilala siya ni Spencer sa asawa nito, si Josephine at ang anak ng mga ito, si Noah.
“Oh my god, I’m so honored to meet you. I am your number one!” hindi na napigilan ni Isla ang sarili na sabihin.
Ngumiti sa kanya si Spencer. “Nice to meet you too. Palagi kang naiku-kwento sa amin ni Clyde.”
“Oh no, this is embarrassing. I’m so shocked.”
Malamig ang panahon pero biglang pinawisan si Isla.
“Sweetie, their apartment is just right next to us.”
Nanlaki ang mga mata na naman niya sa gulat sabay lingon sa asawa.
“My goodness, you’re giving me the shock of my life. Why are you doing this to me?” she exclaimed.
Tinakpan ni Isla ang mukha saka nagtago bigla sa likod ni Clyde. Nag-iinit na ang mukha niya at alam niyang namumula na rin iyon. Hindi siya handa sa ganitong klaseng sorpresa. Isa pa, nahihiya siya sa tuwing maalala ang naging reaksiyon niya nang pumasok si Spencer. Nawala ang poise niya at automatic nag-switch siya sa pagiging fan na para bang hinila pabalik noong fifteen years old siya.
“Hey, don’t hide, come here.”
Huminga siya ng malalim at pinaypay ang kamay sa sarili.
“Sorry, gulat na gulat lang talaga ako,” sabi pa niya.
“It’s okay. I understand. Actually, pamilyar ka na sa amin, bukod sa palagi kang kinukuwento sa amin ni Clyde palagi niya rin kaming binibigyan ng libro mo at ang asawa ko, number one fan mo naman siya,”
Kung ano ang naging reaksiyon niya nang makita ng malapitan at harapan si Spencer. Ganoon din ang naging reaksiyon ni Josephine sa kanya. Kaya natawa na lang silang apat.
“Bago pa namin malaman na girlfriend ka noon ni Clyde, palagi na akong bumibili ng books mo,” sabi pa nito.
Ngumiti siya kay Josephine at niyakap ito. “Thank you. I’m so happy to meet you.”
“Ako nga dapat ang magsasabi niyan,” nakangiting sabi ng babae.
“Grabe, what a night,” komento niya.
Pagkatapos ay muli siyang bumaling kay Clyde pagkatapos ay yumakap ng mahigpit dito.
“Thank you so much. You really really made me so happy.”
PAGKATAPOS ng dinner ay inulan sila ng mga pahabol na wedding gifts galing sa mga kaibigan ni Clyde. Nang makauwi ay hindi agad sila nagpahinga, sa halip ay niyaya pa silang mag-wine ng mag-asawang Spencer at Josephine at sa bahay ng mga ito nila pinagpatuloy ang kuwentuhan.
Habang nag-uusap ang dalawang lalaki, sila naman ni Josephine ay nasa kusina at hinahanda ang cheeses at cold cuts na partner nila sa wine.
“Josephine, pasensiya ka na sa naging reaksiyon ko kanina pagkakita ko sa asawa mo. Gosh, nakakahiya talaga.”
Natawa lang ito. “Ano ka ba? Ayos lang ‘yon. Sabi naman sa’yo, kahit ngayon ka lang namin nakilala ng personal. Hindi ka na iba sa amin. Matagal nang sinabi ni Clyde sa amin na die-hard fan ka nga daw ni Spencer. Saka sanay na rin ako. May mas malala pa nga sa’yo eh, may iba dyan siyang fans kulang na lang halikan ang asawa ko kahit kasama ako. Saka, Jo na lang ang itawag mo sa akin.”
Natawa na lang si Isla. Mabuti na lang at nakakapag-isip pa siya ng maayos kanina.
“Okay, Jo. But you’re so understanding. Hindi n’yo ba pinag-aawayan ‘yon minsan?”
Bumuntong-hininga ito. “Noong una. Pero kalaunan nasanay na rin ako, wala eh, nag-asawa ako ng sikat eh. Kailangan ko tanggapin kung sino siya. Saka mabait naman siya, faithful, kaya panatag ako.”
Napangiti si Isla. “I feel relieved now,” aniya.
“Bakit naman?”
“Na kahit paano may masasabi na akong kakilala ko dito. I mean, I’m not really good in dealing or talking to people I’m not close with. Pero magaan ang loob ko sa’yo, siguro panatag ako dahil kaibigan kayo ni Clyde.”
“Ano ka ba? Simula ngayon, magkaibigan na rin tayo. Excited nga akong makilala ka dahil dito sa apartment building, wala akong masyadong ka-close.”
Naputol ang pag-uusap nila nang biglang dumating si Spencer.
“Ang tagal n’yo naman diyan,” pabirong puna nito sa kanila.
Gumanti ng ngiti si Isla nang ngitian siya ng lalaki.
“Eh nagku-kuwentuhan pa kami eh!” sagot ni Josephine.
Nang bumalik sila sa sala kung saan sila nagtipon-tipon. Umupo siya sa tabi ni Clyde.
“Sweetie, aren’t you tired?” tanong nito.
“No, I’m okay. I’m actually having fun.”
“That’s great.”
Mayamaya ay tinaas nilang apat ang wine glass at nag-toast.
“Congratulations on your wedding, guys. And Isla, welcome to Aberdeen,” sabi ni Spencer.
“Thank you,” halos sabay nilang sagot ni Clyde pagkatapos ay sabay din nilang ininom ang wine.
“By the way, you should dance together. Remember, you’re dancing your favorite song, the one you said Spencer’s group performed?” biglang sabi ni Clyde.
“Oh no! No! Please don’t do this to me!” mabilis niyang tanggi.
“Really? You dance as well?” gulat na tanong sa kanya ni Spencer.
Bigla siyang ngumiti saka mabilis na umiling.
“Huwag kang maniwala, utang ng loob!” pagmamakaawa na sagot niya.
Natawa ang mag-asawa dahil sa bilis ulit niyang sumagot.
“No, you should dance with him. You dance so well besides this is your chance. Didn’t dream of this moment to happen? To dance with your idol?”
Natigilan siya sabay lingon kay Josephine at sa pamamagitan ng tingin ay kinuha niya ang permiso nito.
“Don’t worry, it’s okay. Go! Videohan ko pa kayo!” sagot nito.
“Let’s go! Let’s go!” malapad ang ngiti na sabi ni Spencer na para bang sumigla ulit ito.
“Tingnan mo na, basta talaga kapag usapan sayaw nabubuhay ang dugo n’yan,” natatawang sabi ni Josephine.
Huminga siya ng malalim saka tumayo.
“Anong gusto mong sayawin?” tanong sa kanya ni Spencer.
Sinabi niya ang title ng kanta.
“Chorus lang ah,” sabi pa niya.
“Sure,” natatawang sagot nito.
Parang dinala si Isla pabalik sa kanyang kabataan nang magsimula ang kanta. At that moment, she’s having the greatest time of her life. A loving, kind, and supportive husband. A newfound understanding and kind friend. Her teenage idol and crush, at naging inspirasyon niya kaya nagpursige siya sa buhay.
Pagdating sa chorus ng kanta, sabay silang sumayaw ni Spencer. Nagulat pa ito nang masabayan niya ang bawat steps ng kanta, kahit siya ay nagulat sa sarili dahil hindi niya alam na kabisado pa pala niya ang dance steps ng kanta. Habang si Josephine at Clyde naman ay tuwang-tuwa na pinapanood silang dalawang sumayaw. Ang dapat sana’y chorus lang at pinagpatuloy nila hanggang sa matapos ang kanta. Nagpalakpakan ang dalawa nang matapos sila. Nag-high five pa sila ni Spencer bago naupo.
“Thank you,” nahihiya pang sabi niya.
“Ako nga dapat ang magpasalamat, matagal na akong hindi active sa showbiz pero hindi nawala ang suporta mo,” sagot nito.
“Hindi na siguro mawawala iyon, fan eh.”
“Ang galing naman! I wish I can dance like that,” sabi pa ni Josephine.
“Nah, not as good as him. Anyway, let’s move on,” natatawang sagot niya.
“By the way, Isla, if you need help and Clyde is not at home. You can come here anytime, right hon?” sabi pa ni Spencer, sabay lingon sa asawa.
“Oo nga, sino pa ba magtutulungan dito kung hindi tayo,” sang-ayon ni Josephine.
“I’ll keep that in mind. Thank you for giving me such a warm welcome. I truly appreciate it.”
“Cheers!”
Pinag-untog nila ang mga wine glass at saka ininom ang red wine. Pagkatapos ay masaya siyang lumingon sa asawa, sinandal pa niya ang ulo sa balikat nito matapos siyang halikan sa sentido.