“THANK you so much,” nakangiting sabi ni Isla sa mga nag-deliver ng mga furnitures na binili nilang mag-asawa, dalawang araw na ang nakakaraan.
Mabuti na lang at mabait ang mga nag-deliver dahil tinulungan siya ng mga ito na iayos ang mga iyon sa lugar na gusto niyang paglagyan. Nang makaalis na ang mga delivery men, sinarado niya ang pinto at nang humarap ay bumungad sa kanya ang mga plastic na pinagbalutan ng mga furnitures. Hindi lang iyon, may mga gamit kasi siyang pina-courier niya mula London at hindi na kaya kung isasama nila sa eropleno, at kararating lang din niyon kaninang umaga. Nagkataon din naman na mag-isa lang siya nang mga oras na iyon dahil bumalik sa shop nito.
Clyde is both an architect and a businessman. May sarili itong firm doon sa Aberdeen. Dahil may malaking proyektong tinatapos ang team nito, kinailangan nitong pumasok agad.
Bumuntong-hininga siya. “Mukhang hindi ako makakapag-trabaho ngayon,” sabi pa niya sa sarili.
Kinuha niya ang mug ng kape na kanina pa niya iniinom bago sinimulan iligpit ang mga kalat. Pagkatapos ay binuksan niya ang mga boxes. Napangiti si Isla nang makita ang mga paintings niya. Bukod sa pagiging manunulat, isa sa naging libangan niya ay ang pagpe-painting. Wala naman siyang professional knowledge sa pagpi-pinta. Talaga lang mahilig siya doon at naisipan na subukan niya mismo ang mag-paint. She was twenty-two years old when she did her first ever painting. Hanggang sa lumipas ang mga taon ay unti-unting nahasa ang skills niya.
Isa-isa niyang nilabas ang mga gamit mula sa box. Pumili siya ng ilang paintings na isasabit niya sa pader. Habang ang iba naman ay ihehelera at isasandal lang niya sa pader. Bago iyon, sinimulan na niya ang pag-aayos sa sala. Naglagay siya ng tatlong level ng string sa may pader, gamit ang mga wooden clippers, sinabit niya doon ang mga pictures nilang dalawa ni Clyde. Sa isang maliit na coffee table, nilagyan niya ang dalawang silya ng fur fabric at potted bonsai plant bilang centerpiece sa mesa. Katabi lang niyon ay pinuwesto niya ang isang easel stand at naglagay doon ng isang landscape painting. Sumunod naman niyang inayos ay ang dalawang book shelf na kasama sa mga binili nila. Marami kasi siyang libro at kulang ang isang book shelf. Nang matapos ang pag-aayos niya sa libro, ay saka niya lang naharap ang mga paintings na isasabit niya sa pader. Gumamit siya ng double sided tape dahil ayaw niyang magbutas doon.
Kumuha ng silya si Isla at doon tumungtong saka sinabit ng maayos ang painting sa pader malapit sa front door. Pababa na lang siya nang mawalan ng balanse at mahulog doon. Nang bumagsak siya sa sahig at kasamang bumagsak ang silya. Dahil wood ang flooring nila, naglikha ng ingay ang pagbagsak niya. Napapikit si Isla at napahawak sa puwitan nang maramdaman ang sakit doon.
“Ouch, solid ‘yon,” daing niya.
Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Spencer. Agad bumakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita siyang nasa sahig.
“Oh, anong nangyari?!” tanong nito pagkatapos ay agad siyang nilapitan at inalalayan sa pagtayo hanggang sa makaupo siya sa sofa. “Kakalagpas ko lang sa pinto n’yo nang marinig ko ‘yong ingay.”
Pinigilan ni Isla ang dumaing at pinilit na ngumiti, daig pa niya ang nagle-labor, sunod-sunod siyang humihinga dahil namamanhid at kumikirot talaga hanggang sa balakang niya.
“Nahulog ako sa upuan,” sagot niya.
Napalingon ito sa painting na sinabit niya. “Bakit hindi ka humingi ng tulong? Nasa bahay lang ako.”
Nahihiyang ngumiti siya. Ang totoo ay medyo naiilang pa rin siya sa lalaki.
“Eh baka busy ka, saka kaya ko naman. Ako talaga ang nagsasabit ng mga paintings ko sa wall. Minalas lang talaga ako ngayon.”
Natawa pa ito sa huling sinabi niya. “Ano? Okay ka lang? Gusto mo tawagan ko si Clyde?”
Mabilis umiling si Isla. “Naku, huwag na. Mawawala rin ‘to.”
Mayamaya ay napalingon ito sa maraming paintings na nakasandal lahat pader. Kinuha nito ang isa at pinakatitigan ang lower right side ng canvas.
“Ikaw ang may gawa nito? Lahat ‘to?” gulat pa na tanong ni Spencer.
Nakangiti at marahan siyang tumango. “Hobby lang, stress-reliever sa tuwing nakakatapos ako ng libro.”
“Wow,” manghang reaksiyon lang nito. “I love paintings too. Hindi nga lang nabiyayaan ng talent sa painting.”
“Hindi ko rin naman alam na marunong ako. Naisipan ko lang subukan isang araw, tapos ayun, tuloy-tuloy na.”
Mayamaya ay natigilan ito nang makita ang isang particular na painting. It was a painting of a male dancer, his facing the audience and the spotlight is on him. May mga music notes din niyon sa paligid. Iyon ang pinakauna niyang original piece.
“This…”
Huminga siya ng malalim. “My very first original piece,” aniya.
Lumingon ito sa kanya. “Don’t tell me…”
Ngumiti siya saka marahan tumango. Ngumiti ito at bakas sa mukha ng lalaki ang saya. Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan lang niya na titigan nito iyon. Ang painting na iyon ay Spencer. She painted that piece during the height of his career in showbiz. Noon pa niya balak ibigay ito sa lalaki pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na ibigay iyon dito.
“I miss dancing so much,” sabi pa nito.
“Puwede ka naman bumalik kung gugustuhin mo, ‘di ba?? Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakakalimutan ng mga tao.”
“Alam ko naman ‘yon, pero iba na kasi ang panahon ngayon. May pamilya na ako at hindi ko sila pwedeng iwan dito. Isa pa, masaya na rin naman ako na ganito. Pribado ang buhay at maraming oras sa asawa’t anak ko.”
“I understand. Sabagay, kahit ako rin naman. Kaya bihira ako mag-entertain ng TV interviews dahil ayokong masakripisyo ang private life ko, lalo ngayon kakakasal lang namin ni Clyde.”
“Kaya sa social media na lang ako sumasayaw, kahit paano may marami na rin naman akong followers,” sabi pa ni Spencer.
Ngumisi siya saka tinaas ang kamay. “Subscriber here.”
Tumawa ito at nakipag-high five sa kanya. “Salamat.”
“By the way, you can take that.”
Napamulagat ito. “Talaga?”
Tumango si Isla. “Oo, kunin mo na. Sa iyo naman talaga ‘yan, ginawa ko ‘yan noon, sabi ko ibibigay sa’yo kapag nakita kita ulit sa personal. Kaso, nawalan na ng chance. Hindi ko naman akalain na makikita nga tayo after all these years. Alam ni Clyde na para sa’yo talaga ‘yan.”
“Thank you, Isla. I appreciate this.”
“You’re welcome.”
“Siguradong matutuwa si Josephine kapag nakita ‘to.”
Hindi agad umalis si Spencer, sa halip ay tinulungan siya nitong magkabit ng mga paintings sa pader.
“Natutuwa ako sa asawa mo, she’s so kind and very supportive.”
Napangiti ito sa mga sinabi niya. “Salamat. And yeah, I agree with you. Kaya siguro na-in love din ako sa kanya. Sobrang understanding pa.”
Bumuntong-hininga siya. “I hope I can do that with Clyde. Ang problema kasi sa akin, may pagka-selosa ako.”
Natawa si Spencer. “Hindi naman mawawala sa babae ‘yon. Kahit ganyan si Jo, may mga oras na nagseselos din naman siya, though, bihira mangyari ‘yon kasi depende din sa taong pagseselosan.”
“And I’m happy you’re here. Malilibang na kahit paano si Jo dahil may makakausap na siya na malapit sa amin. Malayo kasi ang mga kaibigan niya dito kaya madalas bahay-trabaho lang siya. Gusto ko naman na kahit paano ay malibang siya.”
Ngumiti siya sa lalaki. “Huwag kang mag-alala, akong bahala. By the way, kelan ba ang free time niya? Magpapasama sana ako sa kanya mag-grocery. Hindi ko pa kabisado dito sa Aberdeen, medyo busy kasi si Clyde, may new project silang tinatapos,” pag-iiba na niya sa usapan.
“This weekend, walang pasok ‘yon.”
“Okay, kausapin ko na lang siya mamaya.”
“Oo nga pala, bago ko makalimutan, sinabi mo kanina na balak mo ibigay sa akin iyong painting kapag nagkita tayo ulit. Ulit? Nagkita na ba tayo noon sa personal?”
Natigilan siya. Mayamaya ay napangiti at umiling.
“Kung hindi mo matandaan, akin na lang ‘yon.”
“Wow, ang daya, sige na sabihin mo na!” pamimilit pa nito.
“Ayoko, saka ko na sasabihin sa’yo.”
Mayamaya ay napatingin ito sa oras. “Sige, saka na kita kukulitin. Kailangan ko nang sunduin si Noah sa school.”
“Sige, salamat ulit. Ingat.”
Nang makaalis si Spencer ay napailing na lang si Isla. Parang panaginip pa rin para sa kanya ang lahat, hindi siya halos makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon. Harap-harapan na niyang nakakausap ng kaswal ang taong iniidolo niya simula noon. He seems comfortable talking to her, medyo guilty si Isla dahil hindi pa talaga siya komportable sa presensiya nito. Nakakaramdam pa rin siya ng hiya at pagkailang sa tuwing nakatingin ito sa kanya.
Pinilig niya ang ulo saka tumayo pagkatapos ay inikot-ikot ang balakang.
“Pero masakit talaga eh,” sabi pa niya.
Nang masiguro na mas maayos na ang pakiramdam saka niya pinagpatuloy ang pagliligpit at paglilinis sa bahay.