Chapter 1

1427 Words
          Aberdeen, Scotland.           “This is where we will live, sweetie.”           Masayang lumingon sa paligi si Isla. The apartment is just perfect for a newlywed like them. Tama lang ang size niyon para sa kanila na magsisimula pa lang bumuo ng pamilya. The whole place was painted white, looks simple, warm, and cozy. Wala pa masyadong gamit sa loob, dahil ang usapan nila ay saka sila bibili kapag naroon na siya.           “It looks really nice; I love it here!” she exclaimed.           “I’m glad you liked it. I was actually quite worried that you wouldn’t like it here.”           Nakangiting lumingon siya sa labas ng bintana at tumanaw sa magandang view sa labas ng apartment nila. Pagkatapos ay lumapit siya sa asawa at yumapos sa leeg nito.           “You know I am very easy to please, sweetie. I like it, really.”           Napapikit siya nang halikan siya nito sa labi.           “I love you,” wika nito.           “I love you too,” sagot niya.           Isla is now married to her longtime boyfriend, Scottish, Clyde Aikman. They dated for two years before they finally got married in November one month ago and moved to Aberdeen. She’s now a successful international Writer. At dahil sa propesyon ay nakilala niya ang asawa. Nasa London siya noon para sa booksigning at isa ito sa nagpapirma sa kanya. Kinabukasan, habang namamasyal mag-isa, hindi sadyang nagkita ulit sila ni Clyde.           He invited her for coffee that day. Then, they exchange numbers, they became long-distance friends, and later they started officially dating. Halos isang taon din silang nagtiis sa long-distance relationship bago lumipad sa London at doon na nagbase. Naroon din kasi ang main office ng publisher niya at mas convenient sa kanya kung naroon siya. From Scotland, Clyde moved to London and they lived in one apartment. And six months ago, he finally proposed to her. Dahil mahal niya, agad siyang umoo. Dahil wala naman na ang mga magulang, tanging mga kaibigan niya ang dumalo sa kanyang kasal. Kasama na doon si Sibby, ang best friend niya na lumipad pa sa Aberdeen mula New York, kung saan na ito nakatira kasama ang pamilya nito.           Nang matapos ang kasal nila. Gaya ng naunang plano, mula London at lumipat sila sa Aberdeen, Scotland. Ang hometown ni Clyde.           “Tomorrow, let’s go furniture shopping.”           “Can I design the whole house?”           Natawa ang asawa. “I knew you would ask that? Of course, you’re good at it.”           “Okay, I’ll make a list of the things we need aside from the furnitures,” sagot niya.           Habang binubuksan ang luggage nila, si Isla naman ay naging busy sa pag-iikot sa buong bahay para alamin kung ano ang kailangan nilang bilhin. Matapos iyon ay sumunod siya sa asawa sa magiging kuwarto nila.           “By the way, my friends prepared a dinner for us tomorrow to congratulate us on our wedding. My friends are excited to meet you.”           “Sure, but you have to stick beside me, you know I’m not good at having conversations with strangers.”           Tumayo ito at marahan pinisil ang ilong niya nang dumaan sa kanyang harapan.           “Introvert problems. Don’t worry, you’ll be fine.”           Binaba niya sa mesa ang notepad at ballpen na hawak kung saan niya nilista ang mga dapat bilhin. Pagkatapos ay tinulungan ang asawa na ayusin ang closet nila.  Mayamaya, natigilan si Isla nang makita ang panyo na ilang taon na niyang tinatago at iniingatan. Wala sa loob na napangiti siya.           “You’re staring at your precious hanky again,” tatawa-tawang puna ng asawa.           “Why? Are you jealous?” nang-aasar na tanong niya.           He smirked and hugged her waist from the back. “Should I? But that’s not necessary since I was the one you chose to marry.”           Natawa lang siya. “I told you everything about Spencer Morales, right? I am just a die-hard fan. That’s it. While you, you’re the one I love.”           Hinalikan siya nito sa leeg. “I knew you love me. But kidding aside, I always want to see you happy and that’s important to me.”           Pumihit siya paharap kay Clyde at puno ng pagmamahal na tiningnan niya ang maamo at guwapong mukha nito.           “I’m so lucky to have you, you know?”           “Me too.” Nang halikan siya nito sa labi ay walang pag-aalinlangan siyang tumugon sa halik nito. Hindi alam ni Isla ang naghihintay sa kanya sa panibagong yugto sa buhay niya doon sa Aberdeen. Pero alam naman niyang magiging maayos din ang lahat dahil kasama niya si Clyde.   “HOW do I look?” tanong ni Isla sa asawa pagpasok nito sa kuwarto nila. Tiningnan siya nito simula ulo hanggang pa, pagkatapos ay ngumiti ng matamis na may labis na paghanga sa mga mata. “You look gorgeous, sweetie.” “But don’t you think my outfit is too much?” “Nah, it’s just perfect! And this dinner is for us so, it’s okay for you to stand out.” Isla is wearing a knitted long sleeve, above-knee navy blue dress, and black long winter coat on top. Pagkatapos ay nagsuot siya ng boots na hanggang tuhod ang haba para ma-protektahan sa lamig ang mga paa niya. It’s December and it’s already winter in Scotland. Kanina lang ay bumagsak na ang snow doon. “I’m ready,” sabi pa niya matapos i-apply ang nude shade lipstick niya. “Let’s go then.” Mula doon sa bahay at nag-drive sila ng humigit kumulang fifteen minutes lang para makarating sa bahay ng isa sa kaibigan nito kung saan gaganapin ang maliit na salo-salo. Pagdating nila, sinalubong si Clyde ng mga kaibigan nito. Binati sila ng mga ito pagkatapos ay pinakilala siya ng asawa sa mga kaibigan. Nakaramdam ng saya si Isla dahil mainit siyang tinanggap ng mga ito at nagulat pa siya noong una dahil halos kalahati ng mga naroon ay pawang mga Filipino. “I can’t believe I’ll meet my favorite author,” sabi ng isang babaeng Scottish na kaibigan ni Clyde. “He never told us anything about you, he always tells us he will surprise us.” Natawa siya. “He really loves to surprise people,” sagot ni Isla. “I know,” sang-ayon niya. “If I knew it was you, I should’ve brought with me my books and ask for your sign,” sabi naman ng isa pang Scottish na kaibigan ng asawa. “There’s always a next time. Actually, you can drop by the house if you want,” sabi pa niya. “Thanks, that’s so kind of you.” Ngumiti siya sa mga ito. Bukod sa mga naunang kausap, nagpasalamat si Isla dahil hindi siya pinabayaan ng mga kapwa Filipino na naroon. Sinamahan siya ng mga ito habang abala sa pakikipag-kumustahan si Clyde sa mga kaibigan na matagal nitong hindi nakita. “Ang sarap ba sa pakiramdam na may nakakausap kang Pinoy?” natatawang tanong ng kasama sa trabaho ni Clyde na si Thea. “Oo,” natawang sagot niya. “Namiss ko mag-tagalog.” “Bakit doon sa inyo di ba may kaibigan si Clyde doon na Pinoy na mag-asawa? Hindi ka pa niya napapakilala?” “Hindi pa eh. Noong isang araw lang kasi kami dumating dito galing ng London, tapos kahapon namili kami ng gamit sa bahay kaya busy rin.” “Ah, naku siguro makakasundo mo ‘yon, mabait ang mag-asawa na ‘yon,” sabi pa ni Thea. Ilang sandali pa ay biglang lumapit sa kanya si Clyde. “Come here, sweetie,” sabi nito saka siya hinila. Nagtataka na tumayo siya lalo na nang dalhin siya nito sa gitna. “I have a surprise for you.” Kumunot ang noo niya. “Surprise?” “Yeah, I’m so sure you’ll love it.” “Clyde, here you go again, stop doing this. You know how I hate surprises; it’s making me feel nervous.” Tumawa lang ito at pinihit siya paharap sa may front door. Ilang sandali pa ang lumipas nang bumukas ang pinto. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Isla nang makita ang taong kaytagal na niyang hindi nakita. Gulat na napalingon siya kay Clyde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD