“MABUTI nagtagal kayo kahit long distance ang relationship n’yo?” tanong ni Jo sa kanya habang naglalakad sa aisle ng supermarket.
“One-year lang naman kami LDR, tapos ‘yong second-year nag-live in na rin kami sa London.”
Napalingon siya ng huminga ito ng malalim. “Ang ganda ng love story n’yo, ano? Imagine, iyong writer, na nagsusulat ng mga love stories, nahanap ‘yong real-life leading man niya.”
Natawa si Isla. “Kinikilig pa rin ako kapag iniisip ko,” sagot niya.
“Pero alam mo, each couple has their own love story and they’re all beautiful, kasi kayong dalawa ang nag-design ng memories n’yo.”
Napangiti si Jo. “Gusto ko ‘yang sinabi mo.”
“By the way, salamat pala sa pagsama sa akin dito ha? Naabala pa tuloy kita.”
“Ano ka ba? Wala ‘yon, saka balak ko naman talaga mag-grocery eh.”
Matapos mabili ang lahat ng kailangan ay agad silang dumiretso sa counter para magbayad. Imbes na umuwi, niyaya muna niya ito sa isang coffee shop at para mag-bonding sandali. Halos sabay silang napalingon sa labas nang dahan-dahan bumagsak ang mga snow.
“Winter na talaga, sanay ka ba sa snow? Mahirap pa naman mag-drive kapag ganito,” sabi pa ni Jo.
“Marunong akong mag-drive pero hindi ako sanay sa right-hand drive. Sabi ni Clyde, samahan daw niya ako mag-practice mag-drive para masanay ako.”
“Totoo kasi may mga pagkakataon talaga na ikaw ang kailangan magmaneho.”
“Kapag siguro natapos na ‘yong pag-aayos ko sa bahay.”
“Oo nga pala, pinakita sa akin ni Spencer ‘yong painting na bigay mo.”
Natawa siya. “Ah, wala matagal na ‘yon. Kasagsagan ng career n’ya noon,
alam mo na fan.”
“Ang ganda nga eh. Thank you, ha? Kasi napasaya mo siya, tuwang-tuwa talaga siya doon sa painting kaya dinisplay agad.”
“Really? I’m glad he liked it.”
Ilang sandali pa ay natahimik si Jo na para bang kaylalim ng iniisip.
“Hey, are you okay?” tanong pa niya.
Agad itong ngumiti. “Oo naman. Naiisip ko lang ang asawa ko.”
“Bakit? May problema ba?”
“Naku, wala. Naalala ko lang kasi ‘yung mga sinakripisyo niya para sa amin. He sacrificed his career for us. Kahit mahal na mahal niya ang pagsasayaw, tinalikuran niya iyon. Noong dumating siya dito, nagtrabaho siya as waiter. But now he’s working on an Engineering Company. Wala pa nga siyang kaalam-alam noong una, dahil hindi naman siya nakatapos ng college dahil mas naging priority niya noon ang career niya. But his boss helped him, nag-aral siya dito ng Engineer hanggang sa unti-unti natuto siya at na-develop ang skills niya.”
Ngumiti si Isla. “You must be so proud of him,” komento niya.
“Sobra. Noong kasal n’yo, dapat pupunta kami at doon ka isu-surprise ni Clyde. Pero biglang dinala sa ospital ang Mama ko kaya sabi ko hindi na ako sasama siya na lang. Kaso ayaw pumayag, ayaw akong iwan. Sabi ko nga, paano na lang kapag nawala ako? Hindi puwedeng lagi tayong magkasama.”
Natawa siya. “Ang sweet naman niya,” sabi pa niya.
“Oo, super,” sang-ayon ni Jo. “Mahal na mahal niya ako, ramdam ko ‘yon. Kaya nga naiisip ko minsan, paano nga kaya kapag bigla akong nawala?”
“Hoy! Grabe ka, huwag ka nga mag-salita ng ganyan!” mabilis niyang kontra.
Tumawa ito ng malakas. “Magkaibigan naman na tayo, di ba? Kapag nangyari ‘yon, kayo na ni Clyde ang bahala sa kanya.”
“Ay naku, oo na, kaya tigilan mo na ‘yan pagsasalita mo ng ganyan at
kinikilabutan ako.”
Tumawa na naman ito. “Pareho kayo ni Spencer ng reaksiyon kapag binibiro ko siya ng ganito. Nagagalit pa nga ‘yon.”
“Eh nakakatakot naman kasi ‘yang joke mo. Ang mabuti pa, umuwi na tayo at baka nag-aalala na ‘yong mga asawa natin,” sabi pa niya saka hinila palabas ng coffee shop si Jo.
JANUARY. One month has quickly passed by, hindi namalayan ni Isla ang paglipas ng mga araw dahil madali siyang nakapag-adjust sa buhay doon sa Aberdeen. Hindi niya alam na mas lalo silang magiging masaya ngayon kasal na sila. Ang level ng pagmamahal nila sa isa’t isa ay mas tumaas. It’s a whole new experience. Laking pasalamat niya kay Clyde dahil tinulungan siya nitong masanay doon. He allowed her to explore on her own, pero malaking tulong sa kanya si Jo.
They became a lot closer. Madalas ay sabay silang mag-grocery. May mga pagkakataon na niyayaya nila ang buong mag-anak nito na mamasyal at pumupunta sila sa Villa ni Clyde sa Lunan Bay. O kaya naman, kapag nag-iinuman si Clyde at Spencer, silang dalawa naman ay panay ang kuwentuhan. May mga gabi o weekends na nagdi-dinner silang mag-asawa kasama ang pamilya ni Spencer. Kapag busy ang dalawa sa trabaho, may mga pagkakataon na iniiwan ni Jo sa kanya si Noah. Natutuwa naman si Isla dahil napakabait na bata nito. Naging interesado ito sa painting dahil sa kanya matapos siyang panoorin ni Noah na mag-paint isang beses.
Nagising si Isla nang umaga na ‘yon mula sa tunog na nanggagaling sa banyo. Agad siyang bumangon at bumaba ng kama.
“Sweetie?” she called.
“I’m right here in the bathroom.”
Napalingon siya sa oras. “What time you should be in the office? I think you’re already running late.”
“I know. Our meeting will start at exactly eight.”
Pumasok siya sa banyo, naabutan niyang nagshe-shave ang asawa. Yumakap muna siya sa beywang nito mula sa likod saglit bago nag-toothbrush. Nang matapos ito sa pagshe-shave ay ito naman ang tumayo sa likod niya at niyakap siya sa beywang.
“Good morning, gorgeous,” bulong nito.
“Morning,” sagot niya.
Humarap siya sa asawa matapos mag-toothbrush at yumakap dito.
“Did you know why I got up late from bed?” tanong nito.
“Why?”
“I spent my time staring at you while you were sleeping. You sleep like an angel. You are so beautiful and I thought marrying you is one of the greatest decisions I’ve ever made.”
Ngumiti siya dito pagkatapos ay masuyo itong hinalikan sa labi.
“Aw, that’s so sweet. I love you,” sabi niya.
“I love you more.”
“You should hurry.”
Malalim itong bumuntong-hininga. “I hate to go. I want to stay here with you.”
Natawa si Isla. “But you have to go to work. You said that meeting is very important.”
“Fine,” tila labag pa sa loob na sagot nito.
“I’ll go prepare your sandwich so you can eat later.”
“Thanks, sweetie.”
Sa loob ng pitong minuto ay nakapag-bihis si Clyde. Sakto naman na natapos niya ang paghahanda sa pagkain nito.
“Drive safely, okay?” bilin pa niya bago umalis.
Paglabas nito ng pinto, narinig nila na nag-uusap si Jo at Spencer. Kaya sumilip siya sa labas.
“Magba-bus na lang ako, idadaan ko muna si Noah sa school tapos sa ako deretso sa trabaho,” sabi pa ni Jo.
“O sige, mag-iingat kayo ha?” bilin pa ni Spencer. Ngumiti ito sa kanilang mag-asawa nang mapalingon sa kanila.
“Good Morning,” bati nito.
“Morning.”
“Are you going to work?” tanong pa niya sa kaibigan.
“Yeah, but we’ll just take a bus. The car needs to go to the repair shop,” paliwanag ni Jo.
“Come on, I’ll give you guys a ride. It won’t take long to drop off Noah at school. And your office is just a few blocks away from mine.”
“Oh really? Can you do that?” masayang bulalas ni Spencer.
“We’re friends, mate. Of course, it’s fine,” nakangiting sagot ni Clyde pagkatapos ay nag-high five pa ang dalawa.
“Thank you,” sabi ni Jo.
“You guys should go, you’re both late,” paalala pa ni Isla.
“Okay, see you later.”
Sinundan ng tingin ni Isla ang papalayong asawa at kaibigan. Lumingon pa ang mga ito sa kanila at kumaway. Bago tuluyan bumaba ay lumapit pa ulit sa kanya si Clyde at muli siyang hinalikan sa labi. Nagkatinginan sila ni Spencer nang makaalis na ang mag-ina nito at asawa niya.
“Wala kang pasok?” tanong niya.
“Nag-leave ako ngayon araw. Ang sama kasi ng pakiramdam ko eh.”
“Ah, sige, pahinga ka na. Una na ako,” paalam niya.
Pagpasok ni Isla sa bahay ay saka siya naligo at nagbihis ng pambahay bago nag-prepare ng breakfast niya. It was roughly about one hour later, still, she hasn’t heard from Clyde. Nasanay na kasi siya na palagi itong nagte-text sa kanya kapag nakarating na ito sa trabaho kahit noong nag-start silang maging mag-boyfriend at magkalayo sila. At fifteen minutes lang ang layo ng opisina nito doon sa bahay nila. Nang subukan niya itong tawagan, cannot be reach ang phone nito. Doon nagsimulang kabahan si Isla, at sa paglipas pa ng bawat minuto ay unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi ugali nitong mag-off ng phone, kahit nga i-silent nito iyon ay hindi nito ginagawa.
Mayamaya ay pinilig niya ang ulo at kinalma ang sarili.
“Hindi. He’s okay. Kasasabi lang niya kanina na late na siya sa meeting, baka dumiretso na iyon doon at nawalan ng oras mag-text tapos hindi niya namalayan na lowbat na siya. Tama. Ganoon nga iyon,” pangungumbinsi niyang pilit sa sarili.
Matapos iyon ay inabala ni Isla ang sarili sa paglilinis at pag-aayos doon sa bahay. Lumipas ang mahigit isa’t kalahating oras, sa kabila ng mga ginagawa, panay pa rin ang tingin niya sa phone. Kahit anong taboy niya ng takot, bumabalik iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba niya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla siyang makarinig ng katok mula sa labas. Agad niya iyon binuksan at nagtaka siya dahil tumambad sa kanya ang tatlong pulis. Bukod doon ay naroon din si Spencer at bakas din sa mukha ang pagtataka.
“Good Morning, Ma’am, Sir,” bati pa nito.
“Good Morning, is there a problem, officer?” tanong pa ni Spencer.
Napansin niya ang bigat nang bumuntong-hininga ito.
“Are you the family of Clyde Aikman and Josephine and Noah Morales?” tanong pa nito.
Nakatinginan ulit sila. “Yes, I’m Clyde’s wife and he’s Josephine’s husband,” sagot niya.
Ang kaba na kanina pa hindi nagpapatahimik sa kanya ay tuluyan nauwi sa
takot. When the police officer paused for a few seconds and sighed. Isla thought that was the longest few seconds of her life.
“W-What happened? Where are they?” lakas-loob niyang tanong.
One of the police officers sighed too. May lungkot at pag-aalala sa mga mata nito, tila hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
“Ma’am, Sir, I’m so sorry to inform you that your husband, Clyde Aikman, and your wife and son, Josephine and Noah have passed away.”
Tulala. Walang kahit anong salita ang lumabas sa kanila ni Spencer. They just looked at each other in disbelief. Umagos ang luha ni Isla at napasandal na lang sa pader. Spencer laughed in disbelief.
“Is this a prank? This is not funny,” sabi pa nito.
“I wish it was a prank, Sir. But we’re telling the truth,” sagot ng isa sa mga pulis.
Isla’s body started to tremble. Paulit-ulit niyang tinatanggi sa kanyang isipan ang lahat ng narinig na balita.
“T-That’s impossible! They just more than an hour ago! They are alive and well What are you saying they passed away?!” angil na tanong ni Isla. Habang ang dibdib ay walang tigil sa pagkabog at unti-unting nababalot ng matinding takot at kaba.
“No! That is not true, aren’t you mistaken?” hindi makapaniwalang tanong ni Spencer. Mataas na ang boses nito. Namumula ang mukha sa galit habang panay din ang agos ng luha mula sa mga mata.
“They can’t passed away, they just left to go to school and work, what are you saying?!” galit na sigaw ni Spencer.
Nasa ganoon silang tagpo nang maglabasan ang mga kapitbahay nila. Lumapit ang mga ito sa kanila at inalam ang nangyayari.
“I’m sorry, Sir. But we already confirmed the identity with the identification cards that we got from the victims. They were involved in a huge accident,” sabi pa ng pulis at pinakita sa kanila ang IDs ni Clyde, Josephine at Noah na nasa zip lock bag at may bahid pa ng dugo.
Doon siya napaghagulgol ng iyak at napaupo na lang silang dalawa sa sahig. Agad siyang inalalayan ng mga Scottish na kapitbahay at sinubukan siyang kalmahin. Gayundin ang iba kay Spencer. Pilit niyang pinikit ang mga mata, nagbabaka-sakaling isang masamang panaginip lang ang lahat. Hinablot ni Isla ang laylayan ng pantalon ng isa sa tatlong pulis at sunod-sunod na umiling.
“Please tell me this is not true. Clyde can’t leave me, it hasn’t been two months since we got married. I beg you, tell me that you’re just joking,” pagmamakaawa niya.
Habang wala siyang narinig mula kay Spencer kung hindi ang malakas na palahaw ng iyak nito at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng mag-ina nito. One of the officers crouch down and held her on both shoulders.
“Please calm down, because you have to come with us. Your husband needs you.”
She grabbed the sleeves of his uniform and cried hard.
“I want to see my husband and my friend,” umiiyak na sabi niya.