Prologue

799 Words
SOBRANG lakas ng kaba ni Isla habang naghihintay sa grupong Turbulence. Isa sa pinakamagaling na dance group sa bansa. Kung dati ay napapanood at inaabangan lang niya ito noon sa TV. Ngayon, heto siya sa harapan ng dance studio kung saan nag-eensayo ang mga ito, kasama ang mga kapwa niya fans at gaya niya, umaasam din ang mga ito na mapansin o kahit masulyapan lang. Nagsigawan sila nang sa wakas ay bumukas na ang pinto at isa-isang naglabasan ang mga miyembro ng Turbulence. Dahil nasa unahan si Isla at kagustuhan na rin makita ng iba pang fans ang grupo. Hindi naiwasan ang pagtutulakan. “Spencer!” malakas na sigaw niya at nagtatalon sa tuwa nang lumabas ang pinaka paborito niyang miyembro. Ngumiti ito sa gawi nila at kumaway. Lalo silang nagtilian ng mga kaibigan niya. Dahil doon ay mas lalong nagkagulo ang mga fans. Namalayan na lang ni Isla na naitulak na lang siya ng mga tao sa likod kaya sumubsob siya sa semento. “Aray ko! Bakit ba kayo nanunulak?!” galit na sigaw niya. Hindi agad niya nagawang tumayo dahil unang-una at halos dumugin ng mga fans ang Turbulence, pangalawa ay nakaramdam siya ng sakit sa tuhod. Nang tingnan, doon niya lang nakita na may sugat na siya at nagdudugo iyon. “Ouch… ang sakit! Hoy, ano ba?! May tao dito!” daing niya habang halos matapakan siya ng mga ito. Nagulat na lang si Isla nang biglang may humawak sa braso niya. “Miss, okay ka lang?” Ganoon na lang biglang dumagundong ang dibdib niya sa lakas ng kaba at bilis ng pintig ng kanyang puso nang makilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Dahan-dahan siyang tumingala. Natakpan niya ang bibig nang bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Spencer Morales, looking down at her with worry in his eyes. Isla’s fifteen-year-old young heart beat crazy fast for the very first time. Para siyang aatekihin sa puso at hindi makahinga ng maayos dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Ano ba iyong nararamdaman niya? Hindi normal pero masaya siya. “Ayos ka lang?” tanong pa ulit nito. Doon siya biglang natauhan. “H-Ha? O-Opo,” sagot niya. Inalalayan siya nitong tumayo. “Oh, itali mo ‘yung panyo diyan. Ingat ka sa susunod, ha?” bilin pa nito pagkatapos ay ngumiti sa kanya bago tuluyan sumakay sa loob ng van. “Miss… Miss daw… tinawag niya akong Miss…” halos tulala at wala sa sariling sabi niya sabay lingon sa kaibigan niyang si Sibby. Ilang segundo na tulala silang magkaibigan bago bigla silang nagtatalon habang tumitili ng malakas sa sobrang tuwa. “Ngumiti siya sa akin! Sa akin lang!” hindi makapaniwalang bulalas ni Isla. “Tapos ingat ka daw tapos binigay n’ya ‘yung panyo n’ya sa’yo!” Hindi makapaniwala si Isla, nakaalis na ang service van ng grupo at nag-aalisan na rin ang mga fans. Silang dalawang magkaibigan ay naroon pa rin at hindi magkamayaw sa kakatalon at kakatili. Baliw na kung baliw, basta masaya siya. “Teka… aray… masakit ‘yong tuhod ko…” bigla ay daing niya ng maramdaman ang hapdi ng sugat doon. Napatingin siya sa panyo, mahigpit niya iyon hinawakan at maluha-luha siyang napangiti. Nang amuyin ni Isla ang panyo, parang dumikit sa ilong niya ang amoy niyon. “Ito siguro ang favorite perfume niya,” sabi pa niya sa sarili habang nakatingin sa panyo. Mayamaya ay naupo siya sa gater, sa gilid ng kalsada saka tinali ang panyo sa tuhod niya. “Hoy! Sayang naman ‘yan, ipangtatali mo lang talaga sa sugat mo?! Bili na lang tayo ng band aid sa tindahan!” saway sa kanya ni Sibby. Nakangiti siyang lumingon sa kaibigan matapos niyang maitali iyon ng maayos. “Sabi niya, itali ko daw sa sugat ko eh. Halika na!” That was the first and last time she ever saw Spencer Morales in person. Nang mga sumunod na mga araw ay nawalan na siya ng pagkakataon na manood ng mga live shows nito dahil naging abala na rin siya sa pag-aaral. Pero sa TV ay palagi niyang inaabangan ang Turbulence. She even bought their posters and attach them to the wall in her room. Nang kalaunan, hindi na lang sa sayaw napapanood ni Isla si Spencer. Napanood na rin niya ito sa mga pelikula kasama ang buong ka-grupo nito sa Turbulence pagkatapos ay ang sumabak din ito sa mga drama, and later won a Best Actor Award for his performance on a TV Drama. Mid-year two thousand, unti-unting naging abala sa mga sariling project ang bawat miyembro ng Turbulence. At si Spencer, bigla na lang nawala sa limelight, and Isla never heard anything from him, until this day.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD