When Isla first step her foot in Aberdeen, Scotland. Hindi kayang ipaliwanag ng ano man salita ang saya na nararamdaman niya. She’s like living her dream. A successful career as a famous international Romance Novelist. Isang mabait at napaka-supportive na asawa na mahal na mahal siya, Si Clyde Aikman. What else could she asked for?
Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang dumating siya doon. Clyde surprised her. Sa post celebration ng kasal nila ni Clyde kasama ang mga kaibigan nito doon sa Aberdeen, dumating ang taong dati ay sa TV at sinehan lang niya napapanood. Si Spencer Morales, ang miyembro ng isa sa pinakasikat na dance group noong kabataan niya. Her number one idol. Simula TV shows, TV dramas hanggang sa pelikula nito, lahat ay pinanood niya. Mid-year two thousand nang biglang tumamlay ang grupo nito hanggang sa hindi na lumabas ang mga ito sa TV. Fast forward to twenty-seventeen, all these years na nawala ang lalaki sa limelight, naroon na pala ito at namumuhay ng tahimik kasama ang asawa at anak nito. Wala siyang kamalay-malay na malapit na kaibigan pala ni Clyde ang mga ito. Nang tumagal ay naging kaibigan na rin niya ang mga ito, pero mas naging close sila ni Josephine, ang asawa ni Spencer.
Until a tragic accident suddenly changed their lives. Nadamay sa isang karambola ng aksidente si Clyde at ang mag-ina ni Spencer. Dead on the spot ang mga ito at hindi na nagawang iligtas pa ng mga doktor. Sa biglaan pagkawala ng pamilya nilang dalawa ni Spencer. Magkasama silang tumayong muli at pilit na pinagpatuloy ang buhay. They grieved together. Cry on each other’s arms. Comfort and be there with each other. Lumipas ang isang taon, unti-unti silang nakabangon. Natutunan nilang muli kung paano mabuhay, kung paano magkaroon muli ng pag-asa. Isla and Spencer became much closer after what happened.
Hanggang sa magbago ang lahat sa pagitan nila nang isang gabi ay bigla siyang halikan ni Spencer. Sa piling ng isa’t isa, natutunan nila ulit kung paano tumawa at maging masaya. But everything between them seems too perfect. Parang may kulang, parang may mali.