HANNA APRIL BRILLENTE Kalalabas ko lang sa banyo, nakasuot ng kulay puting bathrobe at nakabalot pa ng tuwalya ang buhok ko nang lapitan agad ako ni Gino. Napahinto tuloy ako at tiningala siya. Nakangiti siya sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko. "Papatuyo muna ko ng buhok, babe. Basa pa." Inunahan ko na agad siya dahil mukhang gusto na niya akong sunggaban. Nilagpasan ko na rin siya at tinungo ko ang vanity mirror na sinadya niyang ipa-customized para sa akin ilang araw bago kami ikasal. May upuan din iyon at table kaya doon ako pumuwesto. Halos nagmistulang kwarto na nga ng babae itong kwarto niya simula nang maging mag-asawa kami dahil mas marami pa akong gamit kaysa sa kaniya. "Babe?" Naramdaman ko ang paglapit niya. "Bakit parang ang cold mo na sa 'kin? Sawa ka na?" Isasaksak k