Chapter 5. Fools

1826 Words
HANNA APRIL BRILLENTE "Bili nga tayo inumin sa labas para mawaglit man lang sa paningin ko si Kim. Baka mabuntal ko 'to nang 'di oras." Sabay tayo ko sa aking kinauupuan habang nakasimangot. Oo, thankful ako na nalaman ko ang mga 'yon dahil at least nagkaroon ako ng kaunting idea kay Gino. But at the same time, hindi ko rin ikinatuwa dahil ang sakit sa dibdib. "Hindi ka talaga marunong maka-appreciate ng tsismis!" ganti niya sa akin. Pero hindi ko na siya pinansin dahil mabilis ko silang tinalikuran. "Sa susunod, kahit pa may sabihin sa akin si Julian na tungkol sa Gino mo, asahan mong hindi ko na ibubulong sa'yo! Pangit mo ka-bonding!" Narinig ko ang pag-atras ng kanilang upuan kaya sa palagay ko ay tumayo na rin sila para sundan ako palabas. "Zujin, lalabas lang kami saglit. Babalik din kami agad," narinig kong paalam ni Phoenix sa kaniyang bodyguard bago ako tuluyang makalabas sa pinto. Kasunod ko na rin silang lumabas. "Bili tayo, libre ko na lang kayo. Kawawa naman mga beshy ko. 'Yung isa, hindi pa sure kung mahal ng asawa. 'Yung isa naman, may saltik." Natatawang napailing si Phoenix nang magsimula na kaming maglakad. "Wow! Nahiya naman kami sa'yo!" apila agad ni Kim sabay lingon sa kaniya. "H'wag ka magpanggap na matino, Nix, Hindi mo bagay!" "Kaya nga. Epal 'yan..." sang-ayon ko rin kay Kim, ngunit si Phoenix ay natawa lamang. Patuloy pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang stall na nasa gilid ng kalsada. Puro mga street foods ang tinda, at kahit walang nagsalita sa amin na gusto namin iyon ay sabay-sabay huminto ang aming mga paa sa tapat no'n. Bigla ko tuloy na-miss noong elementary days namin na tanging street foods ang pantawid gutom namin. "Walang bawian, Nix. Sabi mo libre mo," nakatawang sabi ni Kim at saka na siya nagsimulang magturo sa tindera ng mga gusto niya. Ganoon din ako, at si Phoenix. Ipinainit muna ng tindera sa kawali ang mga itinuro namin bago niya kami bigyan ng disposable cups. Pero sa dami ng naituro namin ay hindi iyon kinaya ng isang baso lamang. Tig-tatlong cups kami. Dahil hindi rin namin iyon kayang hawakan lahat sa kamay ay pinili na lamang namin manatili sa harap ng cart ng tindera habang kumakain. Ang iba naming cups ay nakapatong muna sa tabi ng mga paninda niya dahil may space naman doon. "Mamaya kapag nakauwi na kami ni Jake, tatanungin ko rin s'ya about kay Gino. Itatag mo sarili mo, Hanna. Dahil baka mas malala pa ang mga malalaman ko," ngumunguyang sabi ni Phoenix habang nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang kinakain. "Kung alam n'yong makakasakit sa 'kin, itikom n'yo na lang mga bibig n'yo. Pagod na pagod na 'kong umiyak noong bago pa kami ikasal ni Gino. 'Wag n'yo na hayaang may umagos na namang luha sa mga mata ko dahil sa mga hatid n'yong balita. Maawa kayo sa 'kin," litanya ko. "Ayos lang 'yan, Hanna. Gano'n talaga. Baka kailangan mo munang lumuha ng dugo bago tuluyang mapasa'yo ang puso ni Gino," natatawa namang sagot ni Kim, namumuwalan pa dahil punung-puno ng itlog na orange ang kaniyang bibig. Ano na nga kasing tawag sa itlog na 'yon? Basta 'yon! "Kailangan mo rin siguro munang magkandangiwi-ngiwi sa pag-iyak bago mo makamit ang ngiting tagumpay!" dagdag pa niya na ikinatawa ni Phoenix. "H@yop ka talaga, Kim! Maganda ako kapag umiiyak, 'no! Ikaw siguro ang ngumingiwi kapag umiiyak! Baka tumutulo pa uhog mo!" pang-aasar ko sa kaniya sabay halakhak pa. "Luh. Ang dugyot n'yo! Kumakain tayo!" reklamo ni Phoenix, kasunod ang bahagyang pagtawa ng tindera dahil mukhang kanina pa niya kami naririnig. Hindi kasi kayang mag-volume down ng dalawa, eh. "Magkakapatid ba kayo?" Nakangiting bumaling sa amin ang tindera nang saglit kaming tumahimik. Si Phoenix naman ang agad na sumagot. "Opo. Pero ang totoo po n'yan, ampon lang po itong dalawa." Sabay turo sa amin ni Kim. "Ako lang po ang legitimate child." Seryosong nakatingin ang tindera kay Phoenix, at base sa kaniyang reaksyon ay naniwala ito. "Ito pong si Hanna," tinuro niya ako, "napulot lang po siya ng mga magulang ko sa harap ng gate ng bahay namin. Alas dose ng gabi na po no'n. Akala nga raw po ni papa, tyanak." Hayop na 'yan. Naging tyanak pa ako. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan si Phoenix kung saan siya masaya. "At ito naman pong si Kim," sabay turo kay Kim, "napulot naman po s'ya ni mama sa basurahan, sa harap ng simbahan. Amoy bulok pa nga po s'ya no'n." Sabay tawa pa niya. "Paano mo naamoy? Eh, mukhang magkakaedad lang naman kayo. Ibig sabihin baby ka pa rin no'n," nagtatakang sabi ng tindera. "Hmm. Ayan, loko. Lusutan mo 'yan ngayon, tutal bida-bida ka..." natatawa kong bulong nang pasimple ko siyang balingan. "Base lang po sa kuwento ni papa," nakangisi niyang sagot. "Magkano po pala nakuha namin?" she suddenly asked, trying to change the topic. "Siento-sitenta lang, 'neng." Pare-pareho kaming nagkatinginan habang patuloy na ngumunguya. At kahit hindi ako magtanong sa kanila ay mukhang iisa ang mga nasa isip namin. Magkano 'yon? Bahagyang lumapit sa akin si Phoenix, maging si Kim. Nagkumpulan kaming tatlo habang magkakaharap ang mga mukha namin. "Magkano 'yon?" takang tanong ni Phoenix. Si Kim naman ang sumagot. "Magbigay ka na lang one thousand para sure. 'Di ko rin alam, eh." "Baka walang panukli si ate sa one thousand. Kahit five hundred na lang bigay mo. Mukhang hindi naman aabutin ng five hundred lahat ng nabili natin," dagdag ko. Hindi naman nagdalawang-isip si Phoenix at naglabas na ng five hundred pesos sa kaniyang wallet at saka niya hinarap ang tindera para inabot 'yon. "Bayad po, oh." "Wala pa akong panukli, 'neng. Saktuhin n'yo na lang. Siento-sitenta lang naman." Sabay ibinalik ng tindera ang pera sa kaniya. Muli namang humarap sa amin si Phoenix nang may pag-aalala. Maging ako ay medyo natataranta na dahil hindi ko naman din alam kung magkano ang siento-sitenta. "Tanong mo si Jake," bulong ko sa kaniya. Iyon lang ang naisip kong paraan. Ayoko kasing magtanong kay Gino at baka ma-turn off pa sa akin. Baka isipin niyang iyon lang ay hindi ko pa alam. Sumunod naman agad siya sa Phoenix. Ipinahawak muna niya kay Kim ang cup niya upang makapag-type ng message sa asawa niya. At dahil marites nga kami, pareho pa kaming sumilip ni Kim sa screen niya. "Dadi ko, magkano ba 'yung siento-sitenta in english?" "170, mami. Bakit?" reply agad ni Jake. "Salamat, dadi. Hulog ka talaga ng langit. May mwamwa ka sa akin mamaya. Haha." "Luh. Kadiri..." Napairap na lumayo si Kim sa screen ni Phoenix, at ganoon din ako nang mabasa namin ang reply niya. Natatawa naman siyang sumilip sa wallet niya ngunit one hundred pesos lang ang smaller bill niyang nakuha. "Sa akin na 'yung fifty." Sabay labas ng fifty sa wallet ko. "Pasensya na kayo. Bente lang kaya kong iambag." Natatawa ring nilabas ni Kim ang coin purse niya at dumukot doon ng twenty pesos. "Ayan, sakto na. Ukinanang siento-sitenta 'yan. Bobo na nga tayo, nabobo pa lalo," dagdag pa niya. "H'wag mo nga kami dinadamay, Kim!" maagap na sagot naman ni Phoenix nang makolekta na sa amin ang pera. Muli niyang binalingan ang tindera at inabot na iyon bago niya kuhanin sa akin ang cup niya. "What of bilhan n'yo si Zujin? Kahiya naman kung babalik tayo na walang pasalubong sa kaniya?" suhestyon ko. Hindi sumagot si Phoenix ngunit tumango ito at nagsimula na magturo sa tindera ng mga bagong isasalang sa kawali. Nang matapos 'yon at mailagay na sa cup ay muli siyang nagtanong. "Magkano po?" "Sisenta lang." Napabaling agad sa amin si Phoenix nang kunot ang noo. "Si Jake. Bilis," mahina kong sabi dahil kahit titigan niya pa kami ni Kim ay hindi namin alam ang isasagot sa kaniya. Medyo nakakalito na rin kasi dahil kanina ay sitenta ang sabi ng tindera, ngayon naman ay sisenta. Muli siyang humingi ng tulong kay Jake sa pamamagitan ng chat. Ilang sandali pa ay nilingon niya kami nang nakangiti at saka siya naglabas ng one hundred sa wallet niya. Nakita naming sinuklian siya ng tindera ngunit hindi namin alam kung magkano. Pinagtulung-tulungan na rin naming bitbitin ang cup na para kay Zujin bago kami tuluyang nagpaalam sa tindera. At habang naglalakad kami pabalik sa shop, hindi ko napigilang magtanong kay Phoenix. "Ilan 'yung sisenta?" "Secret," sagot ni gaga, natatawa pa. "Paepal 'yan," reklamo naman ni Kim. "Joke! Sixty mga mhie!" natatawa niyang sabi. "Sixty? Okay, noted. Hanggang singkuwenta lang kasi ang alam ko. Pero ngayon hanggang sixty na." Bahagya rin akong napatawa bago muling magtanong. "Ano naman kaya 'yung seventy?" "Sampo, bente, trenta, kuwarenta, singkuwenta, sisenta, seventa..." Sabay baling sa akin ni Kim matapos niyang magbilang sa kaniyang daliri. "Seventa siguro mhie!" proud pa niyang sabi. Wala naman akong naging komento, maging si Phoenix dahil hindi namin alam kung tama ba si Kim o hindi. Pero mukha namang may sense ang sinabi niya dahil naroon pa rin ang word na seven. Hindi na masama. "Mukhang hinihintay na 'ko ng asawa ko," litanya ko nang matanaw ko si Gino na ngayon ay nakatayo sa harap ng shop ni Phoenix. "Sumama ka na pauwi tapos mag-usap kayo." Si Kim. "Balitaan mo na lang kami sa group chat. Babalitaan din kita kapag may nalaman ako kay Jake." Hindi na ako kumibo pa sa sinabi ni Phoenix dahil malapit na kami. Baka kasi marinig pa kami ni Gino. Nang tuluyan na kaming makalapit sa kaniya ay si Kim ang nagtanong. "Sinusundo mo na ba si Hanna, Kuya Gino?" Bahagya naman siyang ngumiti sa dalawang kaibigan ko. "Oo sana, kung hindi n'yo mamasamain." "Aba, hindi! Go lang!" Si Kim muli ang sumagot. *** Hanggang sa makarating kami ni Gino sa bahay ay tahimik ako. Gusto kong magtanong kanina sa kaniya habang nasa sasakyan kami ngunit hindi ko magawa. Parang natatakot akong i-open ang tungkol sa ex niyang matagal niyang nakasama dahil baka bumalik lamang din sa kaniya ang lahat. Baka maalala niya kung paano sila nagmahalan at nag-plock-plock. Napailing ako nang sumagi iyon sa isip ko. Sa loob ng nine years nilang pagsasama, imposibleng walang nangyari sa kanila lalo pa at sa kuwento ni Kim ay ikakasal na sila dapat. "Babe?" Napalingon kay Gino habang paakyat kami sa hagdan dahil bigla siyang huminto. Naidaan na namin sa kusina ang mga pinamili namin at si Donna na ang mag-aayos ng mga iyon. "Huh?" "Mukhang malalim iniisip mo. I'm asking you, kung kailan ka papasok sa school." "Nine years..." "What?" Nagsalubong ang mga kilay niya sa naging sagot ko na hindi ko rin namalayang iyon pala ang lumabas sa bibig ko. "Ah. W-Wala. Ibig kong sabihin, sa isang araw." Bahagya pa akong ngumiti bago kami nagpatuloy sa pag-akyat, papunta sa kwarto. "Okay, good. Masusulit pa kita ngayon at bukas," malandi niyang sabi sabay abot sa kamay ko. Hawak niya iyon hanggang sa makapasok kami sa kwarto. "Pahinga lang tayo konti, babe. Then, we'll start."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD