HANNA APRIL BRILLENTE Alas dose ng hating-gabi nang mag-alarm ang cell phone ko. Sinadya kong mag-alarm ng ganitong oras dahil ang sabi sa akin ni Gino kanina bago siya pumunta sa bar ay uuwi rin daw siya ngayon. Kahit masakit ang katawan ko sa tagal ng love making namin kaninang hapon ay pinilit kong bumangon para abangan siya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pa 'tong gawin samantalang mas masarap matulog dahil na rin sa pagod na sinapit ko sa kaniya kanina. Paglabas ko sa kwarto, medyo madilim ang paligid. Ilan lamang kasi ang nakasinding ilaw. Bukod sa malayo iyon sa akin ay hindi pa ganoon kaliwanag dahil pin light lamang iyon. Habang pababa ako sa hagdan, sinubukan kong tawagan si Gino dahil dala ko naman ang phone ko. Gusto ko lang alamin kung malapit na ba siya o kung