Chapter 4. Gino's Ex

1465 Words
HANNA APRIL BRILLENTE "Pero 'wag ka muna mag-overthink. Malay mo sasabihin din n'ya sa'yo ang tungkol do'n?" litanya ni Phoenix. Mukhang nakita niya kung paano ako sumimangot kaya sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko. "Akala ko ba may klase si Kim? Bakit nandito 'yang pangit na 'yan?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong sa labas na nakatuon ang kaniyang atensyon. Nang bumaling ako roon ay nakita ko si Kim sa kabilang daan at mukhang tatawid papunta rito. Salamin naman kasi ang harap ng shop ni Phoenix kaya kitang-kita namin ang labas. "Tingnan mo, mamaya pa makakatawid 'yang tanga na 'yan..." bulong ko. Mana rin kasi yata sa amin si Kim, pare-pareho kaming hindi sanay tumawid mag-isa. Kami iyong tipo na kailangan pa ng may makakapitan kapag tatawid kami sa highway. "Sunduin mo na, Nix. Kawawa naman," baling ko sa kaniya. Agad namang nagsalubong ang kilay niya. "Hala. Bakit ako? Buntis ako! Ikaw na lang!" "Ano'ng akala mo sa 'kin? Hindi buntis? Joke lang ba 'tong laman ng tiyan ko?" singhal ko rin sa kaniya. Ngunit pareho kaming natahimik nang marinig namin si Zujin. "Ako na po." Pareho kaming napalingon dito pero hindi na namin siya nagawang sagutin dahil nahatak na niya ang pinto ng shop at tuluyan na siyang nakalabas. "Sana man lang may dalang tsismis 'yang si Kim. Babayagan ko 'yan kapag wala," medyo natatawa kong sabi habang pareho kaming nakatanaw kay Zujin na palapit na sa kaniyang direksyon. "Pupunta pala s'ya rito, hindi man lang nagsabi sa 'tin si beshy. 'Kala mo walang pinagsamahan, ah..." Napailing pa ako nang bahagya. "Baka balak n'ya tayo i-surprise. Kaso medyo tanga s'ya. Dapat lumihis s'ya nang kaunti. Sa gawi ro'n na lang sana s'ya tumawid." Tinuro pa ni Phoenix ang gawing kanan niya. Nang malapitan ni Zujin si Kim ay agad niya itong isinabay sa muli niyang pagtawid pabalik. Kahit malayo ay kitang-kita namin ang malapad na ngiti ni Kimpot sa labi. Hindi ko tuloy naiwasang magkomento. "Tingnan mo si Kim, alembong talaga. May Julian na, wagas pa rin makangiti kay Zujin. Malaglag sana gilagid n'ya..." "Hoy! Mga panget!" bungad niya sa amin nang mauna siyang papasukin ni Zujin sa pinto. Bahagya siyang nakatawa sa amin habang palapit. "Kahit malayo ako, dinig na dinig ko pangba-bash n'yo sa 'kin mga hayop kayo!" Sabay tawa niya. "Pa'no mo narinig? Kapapasok mo lang kaya." Si Phoenix. Si Kim naman ay humila ng upuan niya at pumuwesto sa pagitan namin. "Hindi pa ba kayo sanay? Magkakadugtong na mga bituka natin kaya kahit magkakalayo tayo, naririnig ko mga boses n'yo. That's how telepathy works!" Natatawa niya kaming binalingan ni Phoenix. "H'wag mo kami linlangin, Kim. Sabihin mo na agad kung bakit ka naparito," natatawa ko ring ganti sa kaniya. "Wala kasi tayong klase, mhie. May meeting mga faculty. Pagme-meeting-an nila kung bakit ang rupok mo daw masyado," ganti niya sa akin, ngunit alam kong biro lamang iyon. "Umayos ka, Kim. Nananapak ako kapag badtrip," banta ko sa kaniya. Bahagya namang natawa si Phoenix. "Ito na nga mga mhie." Bigla siyang umayos sa pagkakaupo, ni-rest pa niya ang magkabilang forearm niya sa mesa at bahagyang nilapit ang mukha sa amin. "Wala kasi talagang klase for real. Kaya naisipan ko na lang na pumunta rito kasi may nalaman ako." "Ano?" sabay pa naming tanong ni Phoenix habang seryosong nakatingin sa kaniya. Saglit niyang pinaglipat-lipat ang tingin niya sa amin bago niya ako tuluyang balingan. Ako ang tinitigan niya sa mga mata at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko may hatid siyang sumpa ngayon. "H'wag mo 'ko tingnan nang gan'yan, dudukutin ko mata mo. Sabihin mo na agad!" inis kong sabi sa kaniya. "You're doomed, mhie. As in p@tay ka talaga..." Bahagya pa siyang umiling. "Bigla tuloy akong naawa sa'yo." "Ano nga 'yon?! Hayop ka! Kabado-bente na 'ko rito!" singhal ko sa kaniya. "Spill the tea, Kim! 'Wag ka na magpaliguy-ligoy, nag-o-overthink na 'ko rito!" Si Phoenix. Gano'n na gano'n din ang nararamdaman ko. "May nabanggit kasi sa 'kin si Julian about kay Gino." Lalo kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya lalo pa at involved ang pangalan ni Gino. "Alam ko na ang dahilan kung bakit naging babaero s'ya at hindi nagseseryoso sa kahit kaninong babae." "Ano? Ano? Bakit?" tanong ni Phoenix at mas lalo pang inilapit ang kaniyang mukha kay Kim. Marites be like. Saglit namang bumaling sa kaniya si Kim bago ibinalik sa akin ang tingin nito. "Dahil sa ex n'ya! At ito pa mga mhie! Hindi lang basta ex! Ex-girlfriend n'ya for nine freakin' years!" "Nine years?!" Phoenix exclaimed. Ako naman ay hindi na nakakibo. Natulala na lamang ako kasabay nang mabilis na pagpintig ng dibdib ko. Nine years? "Hala, mhie." Napabaling sa akin si Phoenix, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Ano'ng laban mo sa nine years?" "Shutang inang mga kaibigan kayo, sa halip na palakasin n'yo loob ko, kayo pa nagiging dahilan para mag-overthink ako!" nakasimagot kong sermon sa kanila. "Hindi lang naman ikaw ang nag-o-overthink, 'no! Kami rin!" buwelta ni Phoenix sa akin at saka siya bumalik sa pagkakasandal sa kaniyang upuan, sabay crossed arms. "Nakaka-overthink na, what if hindi ka matutunang mahalin ni Gino dahil nakakulong pa rin hanggang ngayon sa dibdib n'ya si Miss Nine Years? And what if bumalik ang alien na 'yon at—" "Shut the hell up, Phoenix!" Itinaas ko agad ang kanang kamay ko para pigilan siya sa balak niyang sabihin. Nakakasakit na kasi ng dibdib. Shutang inang nine years 'yan! "Hind lang 'yon, mhie. Ito pa!" Muling nagsalita si Kim kaya napalingon ulit kami sa kaniya. "In addition sa nine years, 'yung ex n'yang 'yon ay s'ya ring first love ni Gino!" "Wow! First love at karelasyon sa loob ng siyam na taon! Wow! 'Pag bumalik 'yon mhie, you're totally done!" may pagbabantang sabi ni Phoenix. Hindi ko tuloy alam kung mga kaibigan ko ba talaga sila. Hindi na rin ako makapagsalita pa dahil hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung magagalit ba ako, magtatampo o ano. Pero isa lang ang malinaw sa nararamdaman ko. Natatakot ako. "Oh, akala n'yo tapos na tayo? Hindi pa mga mhie! Meron pa! Hindi ako basta-bastang marites lang. I'm one of a kind!" proud pang sabi ni Kim. Wala sa sarili naman akong napatingin sa kaniya, pareho kami ni Phoenix na nakaabang sa kaniyang sasabihin. "Kasal na lang pala ang kulang sa dalawa. I mean, nakaplano na rin pala silang ikasal dati ni Gino." "Oh, tapos?" usisa ni Phoenix nang saglit siyang tumigil at pagmasdan ako. Iyong mga mata ni Kim ay tila punung-puno ng awa sa akin. "Additionally..." Napalunok siya bago ituloy ang sasabihin. "I found out na, botong-boto ang mga magulang ni Gino sa ex n'yang 'yon. Kaya hindi lang pala si Gino ang na-broken nang maghiwalay sila. Pati mga magulang ni Gino, sobra rin silang nalungkot dahil ine-expect na raw pala nila na ang babaeng 'yon na ang makakatuluyan ni Gin—" "Ayoko na, Kim. Tama na," mahina kong saway sa kaniya. Parang hindi ko na kasi kaya ang mga naririnig ko. Lalong nagkaroon ng pangamba sa dibdib ko dahil sa mga nalaman ko ngayon. Nakakapanghina ng loob dahil, oo, tama si Phoenix. Ano nga ba ang laban ko sa nine years nilang pagsasama? Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Ito? I don't think so. Ni hindi nga niya magawang isuot nang pamalagian sa daliri niya ang wedding ring namin, eh. Paano ako mapapanatag ngayon? "Teka, mhie. 'Wag ka malungkot." Tiningnan ako ni Phoenix. "Wag na natin isipin 'yon. Mukhang wala naman na ang babaeng 'yon. Baka nasa malayong lupalop na kaya be positive lang. At kahit bumalik pa 'yon, hindi na rin naman sila p'wede ni Gino dahil kasal na kayo." Ngayon pa? Ngayon nila pagagaanin ang loob ko? It's too late. Masyado na akong nag-overthink kanina sa mga sinabi nila. "Sumama bigla pakiramdam ko. Parang o-okay lang ako kapag hindi ko na nakikita mga pagmumukha n'yo." Sabay irap ko sa kanila. "Luh. S'ya na nga lang hinatiran ng tsismis, galit pa!" Inirapan din ako ni Kim. "Buti sana kasi kung 'yang tsismis mo ay hindi tungkol kay Gino," sita naman ni Phoenix sa kaniya at saka nito binalik sa akin ang tingin. "Hayaan mo, Hanna. Magtatanong din ako kay Jake. Malay mo may malaman ako na makakapagpagaan sa loob mo, like, what if dedo na pala 'yung gurl, 'di ba?" Sabay halakhak pa ni Phoenix habang pinagmamasdan ako. Pero hindi noon nagawang pagaanin ang dibdib ko. Parang may biglang dumagan sa akin at hindi ko magawang huminga nang maayos. What if bumalik 'yung ex niya? Paano na ako? Paano kami ng anak niya? Lord, ibigay mo na lang sa akin si Gino, please. Magiging mabuting asawa ako sa kan'ya, promise...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD