Chapter 10. Earn

2294 Words

HANNA APRIL BRILLENTE Oras na makaalis na si Gino sa bahay, sumulpot naman si mama sa kwarto ko. Wala ng katok-katok na nagaganap pagdating sa kaniya. "Hanna?" Narinig ko ang seryoso niyang pagtawag sa akin pero nanatili lamang akong nakahiga sa kama. Nakatalikod ako sa direksyon niya at yakap ang isang unan ko habang nakapikit, kaya naman hindi ko nakikita ang kaniyang mukha. "Ano'ng problema n'yong mag-asawa?" Sunod kong naramdaman ang paggalaw ng kama dahil naupo siya sa gilid no'n. "Wala po..." tipid at mahina kong sagot. Nahihiya akong magsabi sa kaniya dahil ngayon pa lamang ay nakikini-kinita ko nang sermon lamang ang aabutin ko. Baka isumbat niya pa sa akin na matigas kasi ang ulo ko at pilit na isiniksik ang aking sarili kay Gino. Ayokong mangyari 'yon. Enough na ang sama ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD