HANNA APRIL BRILLENTE "Gano'n talaga, mhie! Kailangan namin magsipag. Ang dami kasing bayarin, eh. Minsan nga sa dami ng bayarin, parang gusto ko na lang maging bayaran." Si Kim, nagawa pa nitong humalakhak sa biro niya. "Ako unang magtatakwil sa'yo," maagap kong sagot sa kaniya kahit abala ako sa paghahanda sa gagamitin niyang laptop. "Punta lang ako sa stock room. Kunin ko ili-live n'yo. Mga beauty products tayo ngayon." Tumayo na si Phoenix sa kinauupuan niya at tinungo ang stock room. Maagap namang sumagot si Kim. "Oo nga. 'Yan ang kailangan ng mga tao ngayon at naglipana ang mga pangit sa mundo. Parang itong sa Hanna. Sarap regaluhan ng tsinelas. Mukha kasing paa! Kaya siguro hindi minamahal ni Kuya Gino." "Shutang ina ka talaga, sagad!" Pinukol ko agad siya ng masamang tingin da