Chapter 17 Family Plus You

3872 Words
Chapter 17 TOHOM KEIRA THE FOLLOWING morning, maaga akong gumising dahil ngayon ang family outing naming mag-anak kasama si Khian. Kuya Clive arranged everything for us to where we spend the whole day. Iyon na rin ang pinaka-graduation gift niya sa akin. Alam na alam ng kapatid ko na I'm more on memories than in material things. Simula noong mga bata pa kami nakagawian ng mga magulang ko ang ganitong family bonding namin kahit twice a month lang dati. Natigil lang noong nagkatrabaho na si Kuya at sa ibang lugar na nag-aral si Clyde. Parang ngayon lang ulit mangyayari ang ganito. It still different when growing up you need to fill your life with experiences and have stories to tell, not stuff to show. It added more because Khian is with us his time. Bumangon ako sa kama mula sa kwarto ng mga magulang ko at naglakad papasok sa kwarto ko. Nakita kong wala na si Khian sa loob at nakaayos na rin ang hinigaan niya kagabi. Tinungo ko ang banyo para magtooth brush at maghilamos sa ako lumabas dumiretso sa kusina. Nadatnan kong nag-uusap si Mama at Khian. Nagluluto ang aking ina patalikod sa gawi ni Khian na nakaupo. "Good morning" agaw kong atensiyon sa kanilang dalawa. Napalingon naman sila pareho sa direksiyon ko. Nakita ko ang pagbuka ng mga braso ni Khian, kaya agad naman akong lumapit sa kanya. "PDA sa harap ng nanay ko to" nasa isip kong sabi. Naglalambing siya yumakap sa baywang ko at diniin ang mukha nito sa bandang tiyan ko. "Good morning, bb" mahinang sabi nito sa akin "Kanina ka pa gising?" tanong ko kay Khian habang sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang aking isang kamay. "Kanina pa, nakauwi at nakabalik na ngang kumuha ng mga gamit niya sa apartment niya" sagot ni Mama na humarap sa lamesa. Tumingin naman ako sa kanya, at prente ding siyang nakatitig sa akin. Sa mismong leeg ko. Nakuha ko naman ang ibig sabihin nang mga tingin na yon kaya nagsalita ako. "Regalo niya" ngiwi kong tumingin kay Khian. "Spoiled girlfriend huh" may panunudyong pagkasabi niya. Ngumiti lang naman ako nang tipid saka ko binigay kay Khian ang atensiyon ko. "Anong oras ka nagising bhie? "Past 4 na. Umuwi ako sa apartment, then I jogged a bit, naligo saka ako bumalik dito" Napansing kong nakasuot ito ng boardwalk short na kulay blue at manipis na t-shirt stripe with black and white. "Ganoon ka kaaga nagising?" parang gulat na tanong ko. "Oo, wala naman akong gagamiting sasama sa inyo kung hindi po ako uuwi" sagot naman nito. Tumango tango naman ako sa kanya. Tumayo siya at humalik sa labi ko bago niya ako pinaupo at tinalikuran. Wala na rin pala si Mama na nagluluto. He knows already my early beverage kaya pagharap niya sakin nilapag niya ang isang tasa ng kape sa harapan ko. "Here's your hot coffee Ma'am, but you're hotter" seryosong sabi nito. Naramdaman kong biglang naging kulay kamatis ang buong mukha ko sa sinabi niya. Napatingala akong tumingin sa kanya. Alam niya talaga paano ako kiligin pero ang laswa ng hotter niya. Ilang sandali akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Natauhan lang ako nang humagalpak siya ng tawa. "Uy, my baby is blushing. Huwag kang kiligin, bb. Joke lang yon" kita kong pigil na pigil nitong humagalpak pa ulit nang tawa. Inikotan ko siya ng mata. "Pinagbibiruan mo ba ako Real?", medyo inis na na sabi ko. Bigla naman siyang naging seryoso at tinitigan ako ng maigi. Pigil-pigil pa rin nito ang tawanin. Tumayo ako sa lamesa at kinuha ko ang kape kong tinimpla niya sako ko siya inirapang tinalikuran. Naglakad ako palabas sa kusina papuntang garahe dahil doon ko nakita ang mga magulang ko kasama nila si Kuya. Hinabol naman ako ni Khian at pinatigil sa pamamagitan nang pagyakap niya sa akin sa likuran ko. Napahinto ako sa paglalakad. "Sorry, I just wanted to see your reaction." "Bitaw." madiing utos ko. "Sorry , please," hirit pa niya. Masama ang tingin kong tinignan siya. "Sorry, hindi na mauulit, promise" ingos nito. Di ko siya pinansin at naglakad ako ulit. Tahimik naman na siyang sumunod sa akin. Pagkarating namin sa garahe naglalagay na ng dadalhin si Papa sa likod ng 4wd drive car niya. "Khian, ipasok mo na sasakyan mo dito sa garahe. Eto na lang ang gagamitin nating apat. Magmomotor ang dawalang barako" sabi ni Papa na hinarap si Khian. Mas convenient kasi sa amin kung yong sasakyan ni Papa ang dadalhin. Mas maluwang sa likod na paglalagyan ng dadalhin. "Sige po, Tito. Ipapasok ko na lang po kapag aalis na tayo" sagot naman ni Khian kay Papa. "Bihis na nang makaalis tayo ng mas maaga. Mas sulit ang resort", sabad naman ni Mama. Nakita kong bihis na sila ni Papa. Nakasummer romper above the knee si Mama ng kulay yellow. Nakaboardwalk short naman si Papa ng kaparehong kulay sa aking ina na tinernohan niya ng sandong kulay puti. "Alis na ba tayo" tanong ni Kuya na biglang sumulpot sa garahe. Hawak ang cellpone at susi ng motor niya. Napatingin ako sa kanya at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng aking ama. Aba, pareho sila nang get up. Dumating din si Clyde na ganoong din ang suot. May pagtataka akong tumingin sa kanila. "Ideya ng kuya mo to. You will also wear like mine nasa ibabaw na ng kama mo. Binaba ko na rin ang gamit mong dadalhin mo" sabi niyang medyo tumawa pa. Napailing ako. Nagpaalam naman ako sa kanila para maligo saglit at magbihis. Inubos ko muna ang laman ng tasa kong kape, nilapag ko sa lababa ang tasa bago ko tinungo ang banyo at maligo. Saglit lang ang naging ligo ko, dahil mamaya sa resort maliligo lang din naman ulit. True to my mother's word, pareho nga kami ng susuotin. Anong nakain ng Kuya ko. Dapat ba matching pag pupunta nang resort. I just grabbed my phone then I went out from my room. Dumiretso ako sa garahe namin sa pag-aakalang nandoon pa sila pero sasakyan na ni Khian ang nakagarahe doon. Pumasok ako ulit sa bahay, palabas sa main door. Nagsara ako sa lahat ng pintuan at tinungo sa may gate namin. Nandoon na pala silang lahat na naghihintay sa akin. Nakita ko pa paano ako pinagtaasan ng kilay ni Kuya. Akala ko magrereklamo na naman na bakit ang tagal ko. Pinagbuksan naman ako ni Khian ng pintuan , inalalayan niya akong humawak pa sa ulo ko para di ako mauntog. Di ko pa rin ito inimikan. Sa likuran kami ni Mama na magkasama. Pagkasara ni Khian sa pintuan pumunta naman siya sa shotgun seat. Sa tabi ni Papa na siyang magmamaneho. Nauna na ang dalawa kong kapatid na lalaki at sinusundan namin sila. Tahimik naman kami sa likod habang ang dalawa sa harap ay nag-uusap patungkol sa trabaho ni Khian. "Di ka naman ba nahihirapan sa mga nakaraang araw? Trabaho mo at ang anak ko ang pinagkakaabalahan mo pareho" tanong ni Papa kay Khian, pero ang tingin nasa kalsada. "I can still manage, Tito. Kung para naman po kay Keira, kaya kong iwan at isantabi ang iba" balik na sagot ni Khian sa aking ama. Sa sagot ni Khian na iyon siniko naman ako ni Mama na nasa tabi. Kilig na kilig akala mo teenager. Nagpapalapad ata ng papel ito sa tatay ko. Pero deep inside, kinilig ako. Alam ko naman ang mga efforts niya simula naging kami. Nagpalipat pa nga siya sa trabaho niya para mas malapit siya sa akin. Kahit sa mga maliliit na bagay na nagagawa niya sa akin sobrang na- aappreciate ko. "Tinanggalan ko na yan ng curfew, but it doesn't mean na kahit anong oras na gusto mo ay saka mo lang iuuwi ang anak ko kapag ilalabas mo", sunod na sabi ni Papa. Napasulyap pa siya sa gawi ni Khian. "Makakaasa po kayong hindi mangyayari yan, Tito", magalang na sagot ni Khian. Kung anu-ano pa ang sinasabi ng aking ama sa kanya. Hanggang makarating kami sa resort. Nakapag-park na rin ng motor ang mga kapatid ko. Pinaderetso naman ni Kuya ang sasakyan ni Papa, dahil may nakareseved na na parking space para sa sasakyan. Sinalubong naman kami ni Ma'am Gigi na siyang Resort Manager. "We are delighted to have you with us here in Alad Bar and Resort, Sirs and Mesdames" pagsalubong bati sa amin nang Manager. Napalibot naman ang tingin ko sa paligid, maaliwalas at mayroon ding mga naglalakihang puno na berdeng berde ang mga dahon. The area was actually shaded due to the trees around. There is also wide pool area na naakikita kong well maintained dahil sobrang linis. Sabay-sabay kaming lahat na pumasok nang ihatid kami ng Manager sa magiging cottage namin. Sa harapan mismo ng pool area. "The staffs already prepared the videoke as requested by Mr. Clive, we have also rooms for rent and also have dine in services where you can order from our menu if the food you bought is not suffiecient" nakangiting imporma nito na nakatingin kay Mama. Nagpasalamat din ang mga magulang ko sa kanya bago niya kami iniwan sa pinareserved ni kuya na cottage. Nagsabi rin siya na huwag daw kaming mag-dalawang isip na tumawag sa reception nila kung may kailangan kami. Nilapag namin ang mga gamit na bitbit namin sa pang-walohang lamesa. Umalis din si Khian at Clyde para kunin ang gagamitin para sa barbecue. Umupo naman ako sa isang monoblock chair habang nakatingin kay Papa na naghahalungkat sa song book ng videoke. Hindi na ako nagtaka kung bakit nagrequest si Kuya ng videoke. Kung nasa bahay kasi kaming lima, madalas karaoke ang bonding moment namin. Hindi ako magaling kumanta katulad nila. Hindi ko masyadong nakuha ang galing ng Llanza at Avila pagdating sa pagkanta. Mga kapatid ko ang marurunong, na pati sa mga instruments magaling sila katulad ng aking ama. "Tabi ka dito, Ma. Duet tayo sa isang paborito nating kanta ", aya ni Papa kay Mama na inabot pa nito ang isang palad niya para maakay niya palapit sa kanya. Nagpatinaod naman ang aking ina at tumabi sa aking ama. Nakatingin lang ako sa kanila na nakangiti. Di pa sila nagsisimula ang kanta nila nagsipagdatingan naman ang mga kapatid ko at si Khian sa paghakot. Itinabi ni Khian ang barbecue stand sa gilid saka siya tumabi ng upo sa tabi ko at umakbay sa balikat ko. "Peace na tayo" sumamong bulong nito sa tainga ko. Habang humahalik-halik siya sa ulo ko. "Bwisit ka, palagi mo na lang akong pinagtitripan" inirapan ko siya. "Sorry na, promise last na yon" pamimilit niya. Di na ako umimik. Nakakabadtrip lang yong ganoong banat niya tapos babawiin niya agad. Di pa nanunot ang kilig ko mapupurnada lang din ng ilang segundo. Hindi na rin siya humirit pa, pareho lang kaming nakatingin sa mga magulang kong nakahawak ng mic. Kahit din si Kuya at Clyde, iisa ang direksiyon ng mga mata namin. "Kapag naka-95 ang score niyo, madadagdagan allowance ko next school year" si Clyde na binatukan ni Kuya. "Mukhang pera" si Clive "Lalampas pa sila yan sa 95. Mag-deal ka na Kuya" sigurado sigurado si Clyde. Kahit ako man din, agree ako. Crista and Kristoff tandem sa kantahan di mo sila matatalo. Napapailing na lang si Khian sa tabi ko na nakatingin sa mga kapatid ko. The Best of Me by: David Foster and Olivia Newton So many years gone, still I remember How did I ever let my heart believe In one who never gave enough to me Pag-uumpisa ni Mama, nakatingin pa kay Papa na ang lapad ng ngiti niya. Sa second stanza ng kanta pumasok sa pagbirit si Papa. Nakatitig lang din kay Mama. Yong tinging inlove na inlove sa kapareha. And so many years gone, a love that was so wrong And I can't forget the way it used to be And how you changed the taste of love for me Watching my parents singing together in the chorous part of the song made me cry. Tears suddenly brimming to my eyes. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Khian sa aking kamay at marahan niyang pinipisil. I know how much they endured and surpassed so much trials in their relationship before, bago sila natanggap nang mga magulang ng aking ina bilang mag-asawa. Praise God they end up together up to this time, both still healthy and strong. Magkaharap silang dalawa na sabay na kumakanta, si Papa ang nakahawak sa mic. You were my one more chance I never thought I'd find You were the one romance I've always known in my mind No one will ever touch me more I only hope that in return I might have saved the best of me for you Pagkatapos sa ending ng chorous, humalik si Papa sa ulo ni Mama bago humiwalay sa pwesto ang aking ina. "Ibigay mo kay ate ang mic, Papa" sigaw ni Clyde na ngayon ngumunguya na ng chips. Wala talagang GMRC minsan ang batang to. And we'll have no ending If we can hold on And I think I've come this far because of you Could be no other love but ours will do Kumakanta na lumapit si Papa sa pwesto namin ni Khian. Bago matapos ang linya ng kanta , bago mag-chorous inabot niya sa akin ang mic. Ako ang nagpatuloy. Kinuha ko naman ang mic mula sa aking ama at tumayo ako. Hindi rin binitawan ni Khian ang kamay ko. You were my one more chance I never thought I'd find Tumingin ako kay Khian na may malapad na ngiti sa aking mga labi bago ko kinanta ang sunod na linya. You were the one romance I've always known in my mind No one will ever touch me more I only hope that in return No matter how much we have to learn I've saved the best of me for you Kasabay ng pagtapos ko sa kanta, Khian lovingly whispered me "I love you". Sumunod na kumanta ang mga kapatid ko, nagpaalam naman ako kay Mama na magbabad kami ni Khian sa pool habang nag-iihaw si Papa. Pagkatapos magpaalam, tinanggal ko ang romper ko, wearing only my sleveless rashie with short, saka inaya ko si Khian papuntang pool. Naunang lumusong si Khian sa pool, habang inaantay niya akong sumunod sa kanya para magtampisaw. Nag-aalanganin akong bumaba kasi di ako talaga marunong lumangoy. Mainam pa sa pangbata na pool ko na lang sana siya inaya. "C'mon bb, hindi masyadong malalim, tsaka alalayan naman kita" Kita kong pinipigilan niya ang kanyang pagtawa habang pinapanood niya akong medyo natatakot bumaba. Medyo napasimangot ako. Ngiting-ngiti naman siya habang tinititigan akong nakasimangot. He positioned himself infront of the pool stairs, waiting for me to go down to where he stands. Nang makababa ako sa harapan niya, naglakad siyang paurong pagitna sa pool habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Nang tumigil siya sa medyo kalalimang bahagi, I slowly clung my arms on his neck as I leaned my body on his chest. Narinig ko pa ang pagtawa niya nang mahina. "I love you" he tenderly wispered, before he kissed my head. "I love you" I answered him back. We are rooted in a place where our body touched. Feeling his body made me want to hugged him tight. I just did what's on my mind, as he returned to hugged me tighter. Not minding the people in the pool. Nang maghiwalay ang mga katawan naming magkayakap, maigi niya akong tinitigan bago siya nagsalita. "Malapit na ang 1st anniversary natin, may plano kang gustong gawin, o gustong puntahan?" malambing niyang tanong. Wala akong naisip sa kahit ano sa tanong niya. Alam ko kasing sa mga susunod na araw magiging busy na ako sa pagrereview ko. Baka siya mataon din naman na may trabaho. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ako sumagot agad. Hinayaan niya lang akong di umimik pansamantala. "Ikaw, ano ang gusto mong gawin sa araw na yon?" pagkuwan ay tanong ko. "I just want to be with you the whole day on that day, bb. Enough for me to celebrate our first anniversary" he softly told. And like we weren't close enough for him, he rested his chin on my shoulder as he sunk into silence with me. I cannot think any word to answer him. "Ganito na lang", panimula ko. Nag angat naman siya nang mukha. "Kung mataon na may trabaho ka sa araw na yon, ipagpaliban na lang natin sa araw ng off mo. Pwede sa saturday. Siguro naman sa araw na iyon wala din siguro akong magiging schedule for review" matamaan ko siyang tinititigan kung ano ang maging reaksiyon niya sa sinabi ko. "It settle then, we can do that way, basta magkasama tayo" patapos niyang sagot. "Thank you, for understanding" I told him with apologetic voice. Sa isip ko kasi lately palagi na lang siya ang umuunawa at umiintindi. Tumango siyang nakangiti " I understand, bb. No worries, we are in this together, we should handle our relationship in a state of equilibrium. We will try our best to put a balance scale ,to be equal in order to have a better understanding" Napapikit ako sa sobrang sarap pakinggan ng mga salita niya. "Are you happy?" I suddenly asked him. "I have never been this happy, Kei" huminga ako nang malalim sa sagot niya, to keep myself relaxed and composed. Naging biglang abnormal ang pagtibok nang puso ko sa sinabi niya. I snuggled myself closer to him and hugged him again. Yumakap naman siya sa akin ng mas mahigpit at saka hinalikan ang aking ulo. "Mahal kita", madamdaming bulong ko. "I know, and I love you twich as much, bb" he softly said as his hands released from hugging me and he wrapped his arms around my waist. Nakasubsob naman ang mukha ko sa dibdib niya. "Ay bold" hiyaw bigla ni Clyde na lumusob sa pool malapit sa amin ni Khian. Naramdaman ko naman ang pagyugyog kunti ng katawan ni Khian sa pagtawa dahil sa sinabi nang kapatid ko. "Kakain na daw, mamaya na ulit kayo magloving-loving" tudyo niya sa amin ni Khian. Sinimangutan ko siya. Kahit kailan talaga ang batang to kung hindi pahamak, panira. Nauna siya umahon din bago kami. "Wait here, bb. I will get first your towel." Umalis siya palakad, pagbalik niya may kulay pink na towel na hawak niya. Inalalayan niya akong makaahon mula sa pool bago niya ipinaikot ang twalya sa katawan ko. Humalik pa siya sa noo ko bago kami naglakad papunta sa cottage. Nadatnan na naming nakahanda na ang mga pagkain. Saktong nilapag naman ni Papa ang barbecue. Kumuha ako ng isa sako isinubo kay Khian na kinagatan naman niya at agad na nginuya. Sabay-sabay kaming dumulog sa mesa. Pinaghila muna ako ni Khian ng upuan bago siya umupo sa tabi ko. Sa bandang kanan ko si Cyde na nakisiksik pa. Inabot ni Mama tig-isa kami ang paper plate saka ni nikatag ang ang dispossable na kutsara sa mesa mismo. "Anong gusto mong ulam?" tanong ni Khian habang linalagyan niya ng kanin ang paper plate sa harap ko. "Ako na bhie, thank you" sagot ko dito. Inabot ko ang chicken curry, inuna ko ding linagyan ang paper plate ni Khian bago ang akin. Linagyan ko din ng chop suey saka salted egg. Buong durasyon ng pakain ay medyo tahimik kami, saka lang may umiimik kung magtatanong si Papa sa amin. Minsan sinasali din niya si Khian. Nang matapos kaming kumain, tinulungan ko si Mama na nagligpit at naglinis sa mesa. Nagyaya din si Kuya Clive na maglaro ng baraha. Lahat ay umoo pati din si Papa. We played big two. Kanya-kanya si Kuya at Clyde. Kami ni Khian at si Mama at Papa. Nakaupo si Khian sa upuan, nasa kandungan naman niya ako. "Okay, ang matalo, mapipitik. Pitig-bulag ang consequence sa matatalo" , paliwanag ni Kuya. Umayon ang lahat. Nang unang round, natalo si Clyde. "Ang sakit ni Mama pumitik, parang suntok naman ang ginagawa niya", reklamo ni Clyde ma tinawanan namin. Sutil din naman kasi si Mama, hindi talaga pitik , parang kumakatok lang sa pintuan. Same game ulit. Kami ni Khian ang sumunod na natalo. Kaibihan lang hindi ako ang pinitik nilang apat. Khian took my consequence. "Ganon? Kung kayong mga babae ang matatalo, mga partner niyo ang mapipitik at manghuhula?" napapailing si Kuya sa rant niya. "Di kayo na ang mag lovelife" dugtong niya na tinawanan ulit namin. "Uunahan ka ni Kei kung turtle move kang manuyo sa nobya mo" pang-aasar ni Papa kay Kuya. Cool off kasi sila ni Lyzette, na girlfriend niya. "Luh, mauuna muna si Kuya" agad kong depensa. Banayad namang pinipisil ni Khian ang kaliwang braso ko. Walang nagsalita, pero nakatingin si Papa kay Khian. Nagtuloy-tuloy kami sa paglaro hanggang nagsawa kami. Puro tawanan lang naman at reklamo pagdating na sa consequence. Naglaro pa ng chess boards si Papa at Khian. Habang kaming magkakapatid at si Mama naman ay nagbabad sa pool. Nakatayo kami ng aking ina sa gilid ng pool habang pinapanood ang dalawa kong kapatid. "Inaya ka na ba ni Khian na ipakilala sa pamilya niya" tanong ni Mama sa akin. Sinulyapan ko ang aking ina dahil sa biglang pagtanong niya. Wala naman na siyang inulit noong minsan sinabi niyang gusto nila akong makilala. "Wala naman siyang sinasabi, Ma." sagot ko sa kanya. Totoo naman, o baka di na niya inulit kasi naging busy kami pareho. "Pinagpaalam ka niya sa Papa mo bago ang araw ng graduation mo", sabi niyang nasa cottage ang tingin kung saan si Papa at Khian. Wala naman akong alam na ginawa niya yon. "Wala akong alam, Ma. Wala man siyang sinasabi" rason ko rin dito. "Antayin mo lang, baka sasabihan ka din niya. Inuna lang niya ang ipagpaalam ka sa amin" katwiran nito. Hindi ako umimik. Sinabi niya sa akin dati na gusto nila akong makilala. Wala akong isinagot na kahit ano. Handa na rin ba ako, kung sakaling gagawin ni Khian yon? Gusto kong malaman ang desiyon ni Papa na ganun. Kaya tinanong ko ang aking ina. "Ano pong sabi ni Papa?" "Pumayag siya, basta hindi ka lalagpas ng dalawang araw at isang gabi sa kanila", hayag nito. Napangiti naman ako sa nalaman ko mula sa kanya. Mas lalo nadagdagan ang pagmamahal ko kay Khian dahil sa ginawa niya. Though it seems so impossible that my father will agree, Khian at least tried it. "Thank you, Mama. For everything" , taos puso kong pasasalamat sa nanay ko at naglalambing akong yumakap sa tagiliran niya. "You know that I will not stand in your way, the three of you, if its your happiness. Basta makita at alam kong masaya kayo sa mga tinatahak niyong desisyon, nandoon ako. Kahit masaktan kayo sa mga maging desisyon niyo, asahan niyong nandoon pa rin ako" malumanay na saad ng aking ina. Tahimik lang akong nakayakap sa kanya. Ninanamnam ang moment na ganito. Dahil walang nakakaalam kong kailan ulit mangyayari ang mga ganitong ganap. Family is one of the most important, if not the most important thing in our lives. It not always that you have all the time in the world to spent it to your loved ones. Taking time every day to appreciate your loved ones for all that they do helps us to reconnect as a family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD