Chapter 18 TOHOM
KEIRA
ITS BEEN weeks since our family outing with Khian happened. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mag-review ako para sa aking board exam. I took the block 2 schedule which is Tuesday to Friday, magsisimula ng ala una ng hapon at matatapos ng alas singko. Mas pinili ko ang ganoong oras para hindi rin ako gahol sa umaga, dahil kadalasan late ako gumigising. Since my review was started Khian always had his lunch in our house. Dahil tuwing lunch break niya umuuwi siya sa bahay, sumasabay siyang kumain sa amin, after that sumasabay ako sa kanya at inihahatid niya ako papunta sa review center. Malapit lang din kasi ang review center sa workplace niya, walking distance lang. Pag matapos ang oras nang review, ako ang maghihintay sa kanya sa lobby ng review center hanggang matapos ang office working hours niya, dadaanan niya ako at sabay kaming uuwi para ihatid ako sa bahay.
"Hi, how is your day my future Psychometrician"? ngiting bungad na pambati ni Khian sa akin pagkalapit ko sa sasakyan niya. Kinuha niya sa akin ang mga review materials ko bago siya humalik sa noo ko. I giggled to what he said. Nasa pagrereview pa lang ako, utak niya nasa result na.
Khian opened the door and lead me towards the passenger seat. Sumunod naman siyang umupo sa driver seat. He even put my seatbelt bago siya humalik sa pisngi ko.
Nagpasalamat din ako na ikinangiti niya bago ako sumagot sa tanong niya.
"Bracing and tiring" I made a half smile on him. Sumilay naman ng nakakaasiwang ngiti sa mga labi niya. Hinda pa rin niya binubuhay ang makina ng sasakyan.
"You want some recharge, bb?" he asked me with a playful smile on his lips.
"Anong recharge?" tugon kong tanong kay Khian, kita ko kasing ngiting-ngiti siya na titig na titig sa akin.
He didn't answer me, instead he leaned slowly to my face and he immediately kissed me. I was shocked at first but I didn't protest any further. I slowly wrapped my arms on his shoulder when he gently deepened the kiss.
Returning him with the same intesity.
I gasped when he gently bit my lower lip before he released me. I let out a silent groan. Parang nabitin ako.
"Tama na, baka di ako makapagpigil" Khian said chuckling while holding my chin at titig na titig pa rin sa aking mga mata.
"Heh" inikotan ko siya ng mata. Bago ako sumubsob sa dibdib niya. Ako ang nahiya. Alam kong kakantyawan na naman niya ako. At sasabihin niyang "bitin ka?". Huwag na kayong magtaka, natutunan ko sa kanya how to responsed his kisses everytime he kissed me.
Natatawa naman itong humalik pa ulit sa akin bago siya pumwesto nang maayos para makapagdrive siya. Mabuti na lang walang masyadong sasakyan na dumadaan at walang katao-tao kung saan siya nagparking. Nakakahiya na sana kung may makakita sa amin. "Umayos ka kasi Kei, nakagraduate ka lang naglevel up na ang boldness mo" piping turan ko sa isip ko.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Khian habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay. Hawak niya ang isang kamay kong nakapatong sa hita niya habang siya'y nagmamaneho. Paminsan-minsan itinataas niya ito at hinahalik-halikan.
Bigla ko namang naisipan ang pag-alis namin bukas papunta sa kanila, kaya tinanong ko siya sa oras.
"Anong oras pala tayo aalis bukas, para makapag-alarm ako" natatawa kong tanong sa kanya. Mamaya magising ako kinabukasan, tanghali na.
" Mga 5 na siguro kita susunduin. So that you can get enough sleep. I knew you being a sleepyhead, what to expect?" Khian laughed sarcastically.
"Oh? Shall I say thank you, Real?" I joked. Mahina naman itong tumawa sa sinabi ko.
"Pasalamat ka mahal kita" he laughed again. That made my breath lightly.
"Oo na, ang dami mong alam. Bawiin ko kaya ang pagsama sayo" seryoso kong sabi.
Ilang beses niya kasi akong pinilit na ipapakilala sa pamilya niya. Hindi niya ako tinantanan hanggat hindi ako umoo sa kanya. Parang bata pa na nagtatampo kuno, siya lang din naman ang hindi nakatiis na kausapin ako.
"Uy, huwag kang ganyan, bb. Wala nang bawian. Peksman di ba?" seryoso din niyang saad.
"Tsaka they expect us to be there before lunch" dagdag pa nito. Naninugarado talaga ang loko kahit binibiro ko lang naman ito. Anong akala niya siya lang magaling magbiro.
"Oo na nga, ang kulit mo kahit kailan, Real" sambit ko na medyo tumawa ako ng nakakaloko.
"Bakit ba, Real ka nang Real?" tanong niyang naiinis na hitsura niya. Masarap din asarin minsan to. Makaganti man lang.
"Sige, Avila na lang" tumatawa pa ring turan ko. Hindi na nagreklamo pa ulit. Nag-eenjoy naman akong pinagmamasdan siyang nakasimangot na naiinis. Para siyang inagawan ng lollipop at hindi na binigyan pa ulit.
"Dito na tayo" pagkuwan ay sabi niya. Tumingin naman ako sa labas. Nakarating na pala kami ng bahay. Nawili ata ako sa pang-aasar ko sa kanya.
Binitawan naman niya ang kamay ko saka siya lumabas, para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. Magsasalita pa sana ako para yayain siyang pumasok, pero agad siya umikot papunta sa driver seat.
"Mauna na ako, susunduin na lang kita bukas ng maaga" mahinahong sabi niya, na hindi nagtagal ang tingin sa akin. Iwas na iwas sa akin ang mga mata niya.
Hindi naman agad ako nakapagreact. Narinig ko na lang ang tunog ng sasakyan nyang papalayo kung saan ako nakatayo. I was left dumfounded. Nagtampo na ata nang tuluyan.
I felt like I was drained when I get inside our house. Dumiretso ako sa kwarto at agad na nahiga. What happened a while ago gave me guilt. Sumobra ata talaga ako.
Inabot ata ng isang oras akong nakatunganga sa kisame bago ko maisipang ilabas ang cellphone ko mula sa aking bag. The moment I took it out, sakto naman ang pagtunog nito.
"Bb"
Boses ni Khian sa kabilang linya.
"Bhie.! I'm sorry" I muttered as I forcibly closed my eyes. Marahil katulad ko din siya na guilty sa ginawa niya kanina.
" Sorry, to what I did a while ago. Hindi ko dapat ginawa iyon sayo," he said on the other line. Boses talaga nitong nagsisisi.
Nasaktan ako sa biglang pag-alis niya kanina, pero inaamin ko may kasalanan din ako. Hindi talaga maganda ang dulot sa mga sobra-sobra.
"Naiintindihan kita. Sorry din" sambit kong balik sa mababang tonong boses. I pursed my lips trying surpress my tear.
Akala ko lilipas ang gabi na hindi kami makakapag-usap para maayos ang nangyari kanina.
Natahimik kami pareho. Rinig na rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Khian sa kabilang linya.
"We're okay now, right?", he said softly. Napatango naman ako kahit hindi niya nakikita.
"Yeah", saad ko
There was a defeaning silence again between us for minutes.
"Can I hang up now?", I asked
Ihahanda ko pa mga gamit ko para bukas, bago ako matutulog.
"Okay, bb. I'm sorry again and I love you" he said with heavy breathing.
I inhaled deeply, alam kong ayaw pa niyang babaan ko siya.
"Get enough rest. You will be driving for hours tommorow. I love you", I said before I cut the line.
When I ended the call, I also started packing my things for two days and one night to his family's hometown, before I doozed off to sleep.
*****
I was busy fidgeting my fingers, when Khian walking towards to our sala where I'm sitting waiting for him.
"Morning, bb", he numbled.
Humakbang ito palapit sa akin. Before I knew it, he already kissed my head for a seconds. Mariin akong napapikit dahil amoy na amoy ko ang pabango nito.
When I opened my eyes, he already staring at me with a smile.
"Let's go, daan na lang tayo sa kusina niyo para magpaalam sa Mama mo" he said before he took my things and moving away. Sinundan ko lang ito, papuntang kusina.
"Aalis na po kami Tita/ Mama", sabay pa naming sambit ni Khian na siyang nagpalingon kay Mama. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng bawang para sa kaning isasangag niya.
"Mag-iingat kayo. Khian, dahan-dahan ang pagmamaneho sa daan", maring bilin ni Mama kay Khian at sa akin. Pero sa akin ang tingin.
"Kung aayawan nang pamilya mo ang anak ko, ibalik mo agad dito", out of nowhere biglang sumulpot sa kusina si Papa. Pasimple kong inikot ang mga mata ko. Mahinang tumawa naman si Mama.
"Mababait din po ang mga magulang ko, Tito. So I doubt it po" magalang na depensa ni Khian.
Para wala nang mahabang bilin at salita ako na mismo ang nagsalita at nagsabing aalis na kami. Baka may maisip na naman ang tatay ko, boom na naman. May pabitbit din si Mama na brownies at bibingka na pampasalubong daw sa pamilya ni Khian.
"Its still early than your usual time to wake up, baka gusto mo pang matulog", sabi ni Khian sa mahinahong boses.
Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan niya, at may kinuha siya sa backseat kung nasaan ang mga gamit namin pareho. Nang inabot niya sa akin, agad ko naman binuklat. It was a small pink cotton blanket with my name embroidered on the side.
"I'm okay. Thank you" I told him. Kinilig ako, nagpasadya pa talaga siyang nagpagawa para sa akin. Boy scout ah.
Natawa naman siya na napailing nang makita niyang humikab ako. Inaantok pa talaga ako pero nakakahiya naman sa kanya kung tutulogan ko siya.
"Lets grab a breakfast somewhere, bb, saan mo gustong kumain?", Khian asked glancing at me.
When I checked the time, its already past 8, less than 3 hours na pala kami sa daan.
"Kahit saan, ayos lang naman", nakangiti kong sagot.
After breakfast from restaurant along the way, we continue heading to his hometown. Bumaba lang kami saglit ulit ng may nakita siyang stall na bilihan ng mga pampasalubong. Most of it ay mga delicacies. I need to attend to my personal needs din kaya nagpaalam akong gagamit nang comfort room.
"You ok, bb? In more than 1 hour makakarating na tayo" pang imoporma ni Khian sa akin.
"I think so, oo", ngumiti akong sumagot sa kanya. Bigla akong kinakabahn sa pagsabi niyang makakarating na kami sa kanila.
Napansin niya siguro ang reaction ko sa pagsagot ko kaya kinuha niya ulit ang kamay ko at pinisil-pisil.
Dahil traffic sa Pangasinan, ipinilig ko na lamang ang aking ulo sa headrest. Khian even reclined the seat para kahit papano hindi ako mahirapan kapag makatulog ako.
"Bb, we're here" Khian whispered. Hinahawi niya ang mga buhok kong tumatakip sa mukha ko. Saka siya bumaba sa sasakyan niya.
Biglang tumahip ng malakas ang dibdib ko nang makita ko ang bahay nila. Inilibot ko ang akin paningin, nakapasok na pala kami sa malawak na barukaran sa harapan ng bahay nila. My eyes landed on the maindoor of their house. May nakatayo doon na medyo may edad na rin na babae at lalake. Marahil mga magulang niya. And seem thay they are waiting for us.
I inhaled deeply and slowly emerged from the passenger seat of his car. Malaking bungalow house ang sumalubong sa aking mga mata.
"Tara na, medyo mainit" sabing aya ni Khian. Hawak sa isang kamay niya ang mga gamit namin, his other hand draped around my shoulder. My nervousness calm down a bit when he kissed my head. The we walked together in their house.
"Nice to finally meet you, Keira. I'm Khian's Nanay", Khian's mother said, welcoming me with a wide smile on her lips. Mula sa patio nila sa harap inakay naman ako ni Khian palapit sa kanya. Bago niya sinabing Tatay niya ang kasama nito.
"Magandang umaga po", I greeted them shyly.
"Tita Kamilla, pwede namang Nanay, anak. " natatawang sabi niya. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso sa pagkakasabi niyang anak sa akin. Napangiti ako ng malapad.
"Jack, anak. Di rin ako papayag na hindi Tatay ang itatawag mo sa akin", nakangiti ring sabad ng tatay ni Khian. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa mga labi.
They are very nice and welcoming, contrary to my thoughts before Khian asked me about meeting his family. Biglang akong nabunotan ng tinik. Nakahinga ako nang maluwang.
Humalik si Khian sa tuktok ng kanyang ina at tumango lang sa ama.
Iginaya ako ng nanay niya papasok sa sala nila, nang matapos kaming magsipag batian. Umikot ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Sky blue ang pintura ng buong bahay, may apat na kwarto, halos magkasing laki ng sukat ang dinning area at sala nila.
Nakasunod lang si Khian dala-dala ang mga gamit namin. He told me to put our things in his bedroom , and we stay there together.
"Feel at home, anak", nakangiting saad ng nanay niya nang makita and reaksiyon kong parang nahihiya.
"Thank you, po" saad ko.
"You look like an Indian, I like your eyes, no doubt my son prefer Ilocos than here", mahabang sambit niya na nakatingin sa akin. Nagblushed naman ako sa biglang turan nito sa akin.
I didn't uttered a word. I just gave her a small smile. Nandito lang ako, bigla ng nakulong ang dila ko.
Nagkwentuhan pa kami sa sala nila saglit bago niya ako iwan, para maghain ng tanghalian. Alam ko nang lima silang magkakapatid, may mga sariling pamilya na ang tatlo. Ang tatay niya ay kasalukuyan pa ring Head ng Treasury Department ng kapitolyo nila, at nanay naman nito ay maagang nagretiro sa pagtuturo. May mga maayos din na trabaho ang mga nakakatandang kapatid nito. Ang panganay na babae ay public school teacher din. Iyong bunso nila ay nasa third year college pa lang. She's taking BS Nursing ladderized.
Hindi nagtagal, tinawag kami ni Tita Kamilla na kakain na. Sabay-sabay kaming apat na umupo sa dinning table nila. Magkatabi kami ni Khian, sa dulo naman ang tatay niya na katabi niya. Ang nanay naman niya sa kabilang bahagi, sa harap din ni Khian.
"Kumain ka ng marami, anak", his mother told me. Siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Nakipag-unahan pa siya talaga kay Khian na tumayo.
Magana at masaya kaming kumain, kung anu-ano ang ikwinento ng mga magulang niya sa akin patungkol kay Khian, kaya mas lalo ko siyang nakilala. Minsan umaapela si Khian sa tabi ko kapag nahihiya siya sa mga sinasabi ng mga magulang niya. Binibigyan ko lang naman ito ng ngiting nang-aasar.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming magpahinga konti, dahil sa hapon pa darating ang mga kapatid niya, kasama ang mga asawa't anak.
Nang makapasok ako sa kwarto ni Khian ay agad kong dumiretso ng upo sa kama niya. Malinis ang kwarto niya, gawa siguro na walang ibang umuukupa maliban sa kanya kung nasa Ilocos siya.
When I'm scanning his whole room, something caught my attention from his table inside. Lumapit ako sa mesa at tinignan ang bagay na yon. Napanganga ako ng makita kong picture ko noong nang magtapos ako ng high school yong nakaframe.
Napaisip ako na nagtataka kung bakit meron siyang ganoong kopya. Dahil unang-unang wala naman akong binigay kay Khian na ganito sa hawak ko. Pangalawa, ang kopya na nasa sala ng bahay namin ay nakaframe sa malaki at nakahanging sa pader sa sala.
Napahinto si Khian sa paglakad papunta sa kinaroroonan ko nang makita niya ang hawak ko. Napansin ko ang biglang pagkulay pula ng buong mukha niya. He gave a smile before he scratched the bridge of his nose. Pagkatapos napakamot siya sa kanyang batok.
Humarap naman ako sa direksiyon niya ng nakataas ang kilay ko.
"Bakit meron ka nito?", tanong kong may panunudyo. Pinakita ko mismo sa harap niya ang nasa frame.
Natawa ako sa reaksiyon niya, para siyang bata na nahuling nagnanakaw ng candy.
"Ahmm, wa- wala yan, bb", sagot niyang nauutal. Mas lalong naging pula ang mukha niya.
"Where did you get this?", I asked him again. Ngumisi ako sa kanya, imbes na sagutin niya ako ay bigla siyang yumakap sa akin at isinubsob ang mukha sa leeg ko.
"Don't asked me again.", bulong niya sa may leeg ko na siyang nagbigay sa akin ng kiliti. Mas lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin.
"No, i will not stop from asking you about this, kung hindi mo sasagutin ang tanong ko", seryoso kong dagdag sa kanya.
"Nahihiya ako, bb", saad niya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Binalik ko ang photo frame sa mesa kung saan ko yon kinuha. Saka ako humiga sa kama niya paharap sa bakanteng bahagi ng kama. Matamaan lang naman na tinitignan ni Khian ang bawat galaw ko.
I was about to close my eyes, para magpahinga kahit saglit lang ng naramdamdan ko ang paglubog ng kama sa tabi ko.
"Come here", pagyaya niyang lumapit ako sa kanya ng makahiga siya sa tabi ko.
Hindi ako kumilos kaya napabuntong hininga siya. Nang hindi siya makatiis, hinapit niya ang baywang ko hinila papunta sa dibdib niya. Binuka niya ang isang braso niya at ginawa niyang unan ng ulo ko.
"I was first year college, the first time I saw you in Zyann's house during ate Zia's graduation." pagsisimula niyang magkwento.
Marahan niyang niyang hinahaplos haplos ang ulo ko. Dahil sa sinabi niya mas naging curious ako kaya hinintay ko siyang magpatuloy sa kwento niya.
"You were just fifthteen years old that time. Masayang-masaya ang mga pinsan mong naglolokahan pero ikaw tahimik ka lang sa isang tabi na kumakain. Akala ko nga noong una hindi ka nila pinsan. Ibang-iba ka kasi sa kanila kung paano sila kumilos at manamit. Knowing that you're already on your teenage stage. To topped it, your simplicity caught my attention." kwentong sabi niya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Dahil totoo, sa aming magpipinsan na babae, ako ang hindi mahilig sa mga bagay-bagay na ginagamit ng isang babae para lalong lumitaw ang ganda.
Humugot ulit siya ng malalim na hininga saka siya nagpatuloy.
"Hindi ako nakatiis, kaya tinanong kita kay Tita Creza, kaya nalaman kong anak ka ng nakakabatang kapatid niya na babae. I even asked to Zyann your cellphone number before, but he refused to gave it to me. Katwiran niya masyado ka pang bata para malagay sa mga ganoong stuffs." tumigil siya sa pagkukuwento at napailing. Tinignan naman niya ang reaksyion ko.
"Bakit hindi kita kilala, una kitang nakita noong ikaw ang maghatid ng speaker sa basketball court", lintanya ko.
"Pinagbawalan ako ni Zyann, ang sabi niya niya sa akin, antayin muna kitang mag-eighteen saka ako makalapit sayo. Hindi kami magkaklase noon ni Zyann, nagkakilala lang kami dahil pareho kaming varsity player ng basketball. Mas naging malapit kami, ng magkasama kaming tumutugtog sa band ng campus. He was playing the drum, while I'm on the guitar." napa-angat ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Alam ko si Zyann na magaling magdrum katulad ng mga kapatid ko. Pero hindi si Khian na alam maggitara.
"Mas mahal mo na ako no?", tudyo niyang tanong sa akin dahil sa pagtitig ko sa kanya. " Hayaan mo, one of this days, haharanahin kita", natatawang sabi niya bago siya humalik sa ulo at nagkwento ulit. Hinampas ko naman ang braso niya.
"Ayon nga, dahil sa ganoong sinabi ni Zyann, everytime na magawi ako sa inyo nakatingin lang ako sayo sa malayo. Until your eighteen birthday came, kung naalala mo na may natanggap kang rose gold watch, sa akin nanggaling yon", nahinang sabi niya nang banggitin niya ang tungkol sa relo.
Sa akin pa rin iyon hanggang ngayon, pero ang akala ko regalo yon ni Kuya Zyann.
"Paanong nanggaling sayo, wala ka namang pangalan nakasukat sa wrapper ng regalo?", tanong kong naguguluhan sa kanya.
"Dahil si Zyann ang nag-abot sayo?" umiling siya. "Siya lang nag-abot pero sa akin nanggaling, alam ko kung paano ka kaconcious sa oras. Ayaw na ayaw mong nalelate ka sa oras ng usapan. Na hindi baleng ikaw ang maghintay kesa ikaw ang hinihintay. That's why I gave you a watch" , natatawang depensa niya. Mas lalo naman akong hindi nakareact dahil kinilig ulit ako sa sinabi niya.
"Enough, bb. Masyado ka nang maraming nalalaman, baka sabihin mong patay na patay ako sayo", nahihiya niyang turan bago siya sumiksik sa akin at yumakap sa baywang ko.
Aasarin ko pa sana siya pero pinili kong manahimik. Ayaw kong sirain ang moment niyang magbalik-tanaw.
"Sige, pero itutuloy mo ang kwento mo ha. I want to hear and know everything", paalala ko. Tumango lang siya na nakasiksik sa akin.
After that, we took our short time nap.
My late afternoon with the Real's was okay. Nagsidatingan ang mga kapatid nito para makita at mameet ako. Kasama ang mga pamilya nila. They all extended their gladness sa pagkakataon na makilala ko din sila.
Panay ang kantiyaw ng Kuya Janver nito sa kanya. Na kaya pala daw gustong mapermi sa Ilocos dahil sa akin. Sinegundahan naman ng Kuya Jansen niya, na palagi siyang missing in action tuwing may selebrasyon sa pamilya nila. Hindi rin nagpatalo ang kapatid niyang si Ate Kathy na tinutudyo-tudyo niya dahil noong minsang nabasag ang picture frame ng anak niya ay galit na galit daw si Khian. Nasa kalagitnaan kami ng pagtutukso sa kanya nang dumating naman ang bunso nilang si Janna.
Nakasisik lang sa gilid ko si Khian na pulang-pula ang mukha dahil siya ang hot seat topic ng mga kapatid niya.
We ate our dinner also together. Parang rayot ang lamesa dahil hindi kami magkasyang lahat, isali mo pa ang mga batang nag-aagawan ng pagkain. Looking at them, nakikita ko rin kung gaano ang close bond nilang mag-anak. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang saya sa mga mata ni Khian na kasama niya ang buong pamilya niya. Indeed, home is always where your heart resides.
Kwentuhan, asaran at kantiyawan ang pumuno sa buong tahanan nila bago magsipagpaalaman ang mga kapatid nitong uuwi na dahil gabing-gabi na. Tulog na tulog na din ang mga anak nila.
"Thank you, bb", malambing na pasasalamat ni Khian sa akin ng makapasok kami sa kwarto niya.
"For what?" tanong kong hinarap siya.
"Sa pagsama mo dito para makilala ng pamilya ko"
"At least ngayon, alam kong pareho na tayong legal sa bawat pamilya natin" he added before he holds my both arms.
"Sorry kung natagalan. At salamat din dahil hindi ka sumuko na niyaya ako. Dahil ganito pala kasaya ang makilala ko ang buong pamilya mo. Iniisip ko kasi dati, baka hindi ako magugustuhan ng mga magulang at mga kapatid mo, not that I care also. Dahil tanggap man nila ako o hindi bilang girlfriend mo wala akong pakiaalam, and I don't need their approval on our relationship, dahil hindi naman sila ang pakikisamahan ko" mahabang tugon ko sa kanya. Khian is already enough for me to stay in our relationship ayawan man ako nang buong angkan niya. Ngumisi siya sa sinabi ko bago sumilay ang ngiti niya.
Magkayakap lang kaming nakatayo sa paanan ng kama niya bago niya ako inayang matutulog na.
"Halika ka na, I will put you to bed" sabay kalas at hinila niya ako palapit sa sentro ng kama.
Humiga at kinumotan ako ni Khian bago niya kinuha ang isang unan sa tabi ko. He kissed my lips and murmered good night bago siya lumabas ng kwarto niya at isara ang pinto.
Ilang minuto ang nakalipas nang iwan ako ni Khian sa kwarto niya at nagpabaling-baling ako. Hindi ako makatulog kahit gabing gabi na, namamahay ata ako. Tatagilid ulit sana ako nang higa ng marining ko ang katok sa pintuan.
Tumayo ako at binuksan mo ang pinto.
"KJ" I muttered as I look at Khian holding his pillow ang blanket.
"Itsura mo, para kang pinalayas sa bahay disoras ng gabi na tanging unan at kumot lang ang dala mo" sambit ko at niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan.
"Hindi ako makatulog, dito na ako matutulog" saad nito at dumiretso sa kama.
"Anong dito ka matutulog, sa labas ka" I lazily muttered as I looked at him.
"Hindi ako makatulog sa sala" mahina nitong sambit. Tumitig ako sa kanya. Alam na alam ko ang ganitong tono ni Khian kapag naglalambing.
"Dito ako matutulog, bb, tapos ang usapan" , dagdag nito. Sumampa siya sa kama at humiga.
Inabot naman niya ako at napahiga ako sa dibdib niya. I'm hearing the beat of our hearts for a minute before I laid my back on his soft matress. I kissed him in his forehead and said good night, before I helplessly drew a heavy sigh.