Chapter 16 CELEBRATION

3234 Words
Chapter 16 TOHOM KEIRA "YOU made us beyond proud, baby" sabi ni Papa ng salubongin niya ako sa may sala. Nandoon din si Khian na nakaupo. Nang matapos kasi ang graduation program ko at kunting picture picture sa labas ng gymnasium ay umuwi kami dito sa bahay. Sinabi ko na kay Mama, kahit walang salo-salo para sa pagtatapos ko basta magkakaroon kami ng family outing, I will be enough with that. Pero dahil sadyang mahirap sawayin ang nanay ko ay naghanda pa rin siya. Family and close friends lang naman daw ang mga inimbita niya. "Alam ko Pa, at maraming salamat po. Isa kayo sa mga maraming rason why I made this far", sabi ko sa ama ko. Hindi nila alam kung gaano ako nagpapasalamat sa Diyos sa araw-araw dahil sila ni Mama ang naging magulang ko. Sila kasi yong klase ng mga magulang na nanaisin ng isang anak na magkaroon. Istrikto sila sa ibang bagay, oo, pero yon ay kung alam nilang ikakapahamak namin. Magkayakap kami ni Papa, nang sakto namang lumabas si Mama sa kwarto nila ni ng aking ama. "Bakit kayo lang?", boses ng aking ina na parang nagtatampo, pero agad naman siyang lumapit sa amin ni Papa para makiyakap. Pagkatapos ng aming yakapan tumayo si Mama sa aking harapan at hinalikan niya ako sa aking noo. "Congratulations on your achievement. Continue to show that you can accomplish the impossible. Lagi mong tatandaan na nandito kami palagi ng Papa mo, at mga kapatid mo, isama mo pa si Khian" maluha-luhang sabi ni Mama sa akin. Yumakap ako sa kanya at hindi ko napigilan ang mga luhang bumuhos sa aking mga mata. "Thank you so much, Mama. You guys are the best" I told her sincerely. My mother may be my greatest critic, pero siya rin ang unang-unang taong palaging nakasuporta sa akin sa lahat ng bagay. She never gave me any idea that I couldn’t do whatever I wanted to do. "Wala kaming kahit anong hindi gagawin, para inyong tatlo ng mga kapatid mo" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay tumayo rin siya sa kabilang gilid ko. Pinagitnaan nila akong dalawa ni Papa. Umakbay naman ako sa mga magulang ko at pareho ko silang nginitian. Nakita ko naman si Khian na kinukuhanan niya kami ng mga pictures. Ngumiti ako sa kanya at nagthumbs-up siya. "Tara na sa labas, andoon na mga bisita mo" aya ni Mama sa amin. Nagpatinaod naman kaming sumunod sa kanya. Nakaakbay naman ang kamay ni Papa sa balikat niya. Bahagya kaming tumigil sa tapat ni Khian ng tumayo doon si Mama. "Dito ka na magpalipas ng gabi mamaya, Khian, huwag ka ng uuwi sa apartment mo. Total bukas naman maaga din tayong aalis" biling sabi ni Mama kay Khian. Mukhang alanganin pa ang mukha dahil sa sinabi ng aking ina. "Uuwi na lang po ako, Tita. Agahan ko na lang po bukas ang pumarito." Nahihiyang sagot nito na napakamot pa sa ulo niya. As if di ko alam, gustong-gusto din naman niya ang suggestion ni Mama. "Kung pamalit mo ang problema mo, hihiraman kita kina Clive o Clyde. Sa kwarto ka na lang ni Kei matulog, sa amin siya makikitulog mamaya." Pamimilit pa rin na sabi ni Mama. Walang nagawa si Khian kundi umoo na lang. Kahit kailan wala kang panalo sa isang Crista Avila. Nauna ng lumabas silang lumabas, sumunod naman kami ni Khian na nakaakbay din sa akin. Pagdating namin sa veranda pa lang ng bahay may mga tao na sa kanya kanyang lamesa. Naagaw lang ang pansin ng mga tao ng magsalita ang aking ama. "Magandang gabi sa lahat" pag-uumpisa niya. "Maraming salamat sa pagdalo sa munting salo-salo para sa pagtatapos nang baby Keira ko". Nasa akin ang mata ni Papa habang tahimik naman ang lahat. "Parang kailan lang noong isinilang ka" "Papa, anong imamarites mo" nginitian lang naman ako nito at nagtawanan ang mga bisita. "Ngayon tapos ka na sa kolehiyo. At si Papa ang isa sa mga taong sobrang proud sayo. Pero huwag ka munang mag-aasawa. Paghintayin mo si Khian ng tatlong taon pa" pagtatapos niya na nakatingin kay Khian na tumatawa. Nagtawanan din lahat ng tao, pero ako nahihiya sa huling sinabi niya. Wala pa naman sa isip ko ang pag-aasawa. Isa-isa sa mga kamag-anak ko ang bumati sa akin, nagbigay din sila ng cash na nakasobre at mga regalo. Pinakilala ko din si Khian sa mga kamag-anak sa side ng nanay ko na di pa niya nakikilala. "Tatlong taon na naman daw anak, wala na bang katapusan ang paghihintay mo?" natatawang tanong ni Tita Creza kay Khian. Nanay siya nila Kuya Zyann at panganay na kapatid ni Mama. "Ok lang naman po, Tita, basta sa akin pa rin siya hanggang sa finish line" natatawang sagot naman ni Khian sa Tita ko na nakangiting pinamgmamasdan kami. Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran, pumapatol eh. Pero kinilig ako sa sagot niya. Willing to wait ang lolo niyo. "May plano ka bang magtrabaho agad Kei?" tanong din ni Ate Zia na kumakain ng fresh lumpia. Tipid akong ngumiti sa kanya pero si Mama ang sumagot sa tanong niya. "Review daw muna para sa board niya. Pagkatapos ng board niya saka siya maghahanap nang trabaho niya" paliwanag ni Mama na naglalagay ng ulam sa lamesa nila Ate Zia. "May review center ka na?" tanong niya ulit sa akin. Actually, wala pa dahil hindi pa naman ako nakakapag-inquire kung saan ang mas maganda at mas mura. Magsasalita palang sana ako ng unahan ako ni Khian. "Meron na ate. Malapit lang lang sa opisina ko. 87% ang reviewees na galing doon ang pumapasa sa mga board exams in any degree" sagot ni Khian kay Ate Zia bago siya niya ako tinignan. Wala din akong ideya doon na may nakita siya. Plano pa lang sana naming maghanap pagkatapos ng graduation ko at makapag-rest ako kaunti. "I will explain it later" bulong ni Khian sa akin nga makita niya sa mukha ko ang pagtataka, bago siya humalik sa sentindo ko. Hindi kami nagtagal sa mga lamesa ng mga kamag-anak ko. Inakay ko si Khian kung nasaan sila Mama dahil hindi ko rin napansin si Zareen at Jamine. Missing in action na naman ng dalawang gaga. Di pa nagtagal na pinaghila ako ni Khian at umupo may sumigaw bigla sa pangalan ko. "Keiiiiii" sigaw na natatawa ni Jamine na palapit sa lamesa namin. Pang grand entrance talaga ito ang eksena nito. Kasama niya si Zareen, si Irish at Raine. Nakauwi na pala dito sa probinsiya ang isang to. Inalalayan naman akong tumayo ni Khian para salubungin sila. Medyo tumakbo pa ako kunti to meet them half way. "Congrats, pashot ka naman diyan " pasaring ni Jam. May regalo din siyang inabot sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at hinarap si Raine. Niyakap ko din siya at kinumusta. Childhood friend ko si Raine hanggang maghigh school kami. Saka lang siya humiwalay noong nagkolehiyo kami kasi mas gusto ng mga magulang niya na sa probinsiya siya ng tatay niya mag-aaral. "Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya sabay irap. Tinawanan lang naman niya ako. "Kaninang tanghali lang. Sasama sana kami sa school mo pero tong dalawang pinsan mo nakasalubong ko at sinabihan akong huwag na dahil uuwi naman daw kayo pagkatapos" mahabang lintanya niya, may inabot din siya sa akin na nakapaper bag. Tahimik lang si Zareen at Irish parehong may inabot din sa akin. Inaya ko silang apat kung saan ang lamesa na pinag-iwanan ko kay Khian. Nadatnan na namin siyang kumakain. Bigla naman niyang naramdaman na nasa gilid niya ako dahil bigla siyang nag-angat ng mukha. Ngumiti pa siya bago niya sana ako hihilain pero nagsalita ako. "Bhie si Raine, Raine si Khian" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Tumango lang naman si Khian. Bumati pa ang mga pinsan ko at si Irish sa kanya, na nginitian niya saka niya binalik ang tingin sa pagkain niya. Sabay sabay kaming umupo sa pabilog na lamesa at kumain. Nagkumustahan at nag-usap usap sa mga future plans. Sa susunod na linggo pa kasi ang graduation day ni Zareen at Jam. "Ikaw Raine, doon ka din hahanap ng maging trabaho mo pagkatapos ng graduation mo?" tanong ni Jam kay Raine habang gumunguya. "Dito ako maghahanap ng trabaho" sagot naman ni Raine kay Zareen. Napatigil sa pagsubo ng pagkain. Di ko lang alam kailan ang graduation day niya. Kumukuha kasi siya ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Cagayan State University. Nasa kasarapan kami ng pag-uusap ng sumulpot sa lamesa namin si Kuya Zyann, may hawak itong bote ng red horse. "Bro, lika doon. Nandoon din sina Kuya Clive" pag aya niyang sabi kay Khian pero nasaan ang tingin. Nginisihan naman ako nito na ikinasimangot ko. Hindi sumagot si Khian bagkus itinuro niya ako. Parang sinasabi niya sa pinsan ko na dapat sa akin siya magpaalam. "Kei, hiramin ko muna, di kami iinom ng marami. Half case lang yon" may halong paglalambing sa boses niyang nagsalita sa akin. "Malasing lang yan, ipupukpok ko sayo ang mga bote ng red horse na mauubos niya" sabi ko kay Zyann na seryoso ang boses at mukha ko. Tinawanan lang naman ako nito at ginulo ang buhok ko. "I'm not bluffing Zyann. Makikita mo pag nilasing mo yan" senugundahan ko agad ang sinabi ko. "Kalma, alam niyang ayaw mo ang amoy ng alak kaya di yan sosobra sa isang bote" natatawa pa ring sagot sa akin ng pinsan ko. Talaga, noong nag-beach na nga lang kami ilang beses ko pa siyang pinagtooth brush. "Pagbibigyan ko lang sila. Babalik din ako" bulong ni Khian sa akin bago siya tumayo. Humalik pa sa noo ko bago sila umalis ni Zyann the ungas. "Gago din talaga minsan ang kapatid mo, Zareen" natatawang sabi ni Jam kay Zareen pagkaalis ni Khian at Kuya Zyann. "Anong minsan, palagi ka mo" sagot naman ni Zareen. Lately lang kasi pinagalitan siya ni Zyann. Nakita kasi ng kuya niya na kausap niya ang boyfriend niyang si Scott sa may waiting shed. Pinagalitan daw siya ni Zyann at sinumbong kina Tita Creza kaya ayon. Nasabon din ng bongga. The talked went on kung saan-saan napunta ang usapan. Paisa-isa na ring nagsisipag-alisan ang mga kamag-anak namin. Gumagabi naman na kasi. "Uuwi na rin kami, ihahatid namin si Raine sa kanila" tayong paalam ni Zareen. Bumulong din ako sa kanya " Usap tayo kapag may time ka." Gusto kong malaman ang nangyari noong sinumbong siya ni Zyann. Sabay-sabay kaming tumayo at hinatid ko sila sa may gate. "Congrats, ulit" isa isa silang bumati bago nilang maisipang umalis na. "Mag-iingat kayo. Hang out with you soon, Raine." sagot ko. Pagkapasok, wala ng tao, nakita ko si Mama na nagliligpit na kayo tinulungan ko siya. Pagkaligpit namin sa lahat ng mga ginamit ay nagpaalam na si Mami na matutulog na sila. Bahala na lang daw kami magsara ng mga pintuan. "Kuya mo at si Clyde natutulog na. Sumunod ka din mamaya. Nag-uusap pa naman si Zyaan at Khian sa may garahe" pang-imporma sa akin ni Mama bago siya pumasok sa kwato nila ni Papa para matulog na. "Good night Ma, tsaka thank you ng marami" sabi kong yumakap pa sa bewang niya. Yumakap naman ito pabalik sa akin. Bago niya ako iniwan. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng TV sa sala, habang inaantay ko si Khian. Humihikab na nga ako dahil inaantok na rin ako. Akmang hihiga na sana ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan sa main door. "Hey, akala ko tulog ka na" ani Khian na umupo sa tabi ko. Medyo may distansya pa kaunti ang pagitan namin. "Inaantok na ako" tugon ko kay Khian. "Mamaya na, dito pa tayo kahit saglit lang" aniya niya ulit at pinagmamasdan akong papikit na mga mata ko. "Kung ayaw mo pa akong makatulog, entertain me then para magising ang diwa ko" Pinagmasdan naman ako ni Khian ng maigi. Naninimbang kung tama ba ang hamon kong rinig niya. "Seryoso ka, bb? Baka mamaya maihi ka diyan sa kilig" pagmamayabang na sabi nito sa akin. "Bakit anong gagawin niya sa sinabi kong entertain me" piping naiusal ko sa isip ko. Bigla naman siyang tumayo sa harap kong nakaupo sa sofa. Lumayo siya kaunti sa akin saka siya palinga-linga sa paligid ng buong bahay. Mukhang tanga na akala mo'y member ng akyat bahay gang. Di ko napigilang tumawa ng mahinang kumanta siya. Ang kinanta niya ang chorous ng Macho Papa by Masculados. Kung macho papa ang hanap mo Nandirito lang ako Kung macho papa ang hanap mo Pwedeng pwede naman ako Kung macho papa ang hanap mo Ako na ang macho papa mo (macho papa) Gumigiling siya habang kumakanta na may kasama pang pag-flex ng muscle niya sa harap ko. My goodness, tinalo pa niya mga sexy dancer sa mga club. Napatakip tuloy ako sa bunganga ko para maiwasan ko ang paghalakhak. Lalo na ng mas lumapit pa siya sa akin at sa harapan ko na siya mismo gumiling. May pakagat labi pang kasama sa pagkanta niya. Kung macho papa ang hanap mo Nandirito lang ako Kung macho papa ang hanap mo Pwedeng pwede naman ako Kung macho papa ang hanap mo Ako na ang macho papa mo (macho papa) Humawak na siya sa mga balikat ko na gumigiling na may kasama pang pagkindat. Mas lalo akong umusog palayo sa kanya na ikinatawa niya. "What? You told me to entertain you, I just did what you have said" ani nito na parang nagrereklamo ang tono niya. Hindi ko na napigilan ang tumawa talaga, ang lambot lang kasi ng katawan niyang sumayaw. Isama mo pa ang matambok niyang puwet na pinapalo-palo niya. Nang hindi ko na siya sinagot dahil tumatawa ako, kiniliti niya ako at pumaibabaw sa akin. "Bhie, enough na" natatawa pa ring sabi ko kay Khian. Baka kasi mamaya sa kakatawa ko magising mga tao sa bahay. Hindi pa rin niya ako tinantanan, kundi mas lalo siyang naghanap ng kiliti ko sa katawan. "Dito pa pala may kiliti ka" sabi niya ng pinuntirya niya ang leeg kong kiniliti. Mas lalo akong tumawa at inipit ang kamay niya sa pamamagitan ng leeg at baba ko. Kung may kiliti ako sa baywang, mas malala kasi sa leeg ko. "Ang harot mo KJ. Utang na loob, matulog na tayo" sabi kong natatawa. Parang ang laswang tignan nakapaibabaw pa rin kasi siya habang patuloy na kinikiliti ako nito. Tumigil naman ito sa sinabi kong yon. Hinawakan niya ako at tinulungan niya akong makaupo ng maayos. Sandali siya sumulyap sa akin at nagnakaw ng halik sa labi ko. "Teka bb, may kukunin lang ako sa sasakyan" paalam ni Khian sa akin. Agad siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Naiwan na akong nanood lang ulit sa TV. Pagkaraan ng ilang sandali, pagbalik niya may dala na siyang maliit na kulay red paper bag sa isang kamay at isang maliit na spare bag sa kabila. Binaba niya sa maliit na lamesa ang mga hawak niya bago ulit siya umupo sa tabi ko. Hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko at iginaya niyo akong tumayo sabay hila niya ako paupo sa kandungan niya. My legs are on his sideways. He took the small red paper bag and he handed to me, urging me to open it. I did what he told me. Habang binubuksan ko ang graduation gift niya ay naramdaman kong pumulupot ang mga braso niya paikot sa baywang ko. Humahalik-halik ang labi niya sa isang balikat ko. Buti na lang kami na lang dalawa ang gising. Ang akward sana kung may makakakita sa amin dahil sa aming posisyon. Pagkabukas ko sa regalo niya, ganun na lang ang reaksiyon ko. Napasinghap ako. His graduation gift was a real 14k solid gold, minimalist psychology symbol pendant with my personalized name on the back of the pendant. My dream necklace. Napanganga lang akong nakatingin sa hawak kong necklace. Hindi ako materialistic na tao, pero noong minsang makita ko ito sa mall dati, sabi ko kapag may trabaho na ako, ibibili ko ng ganito ang unang sahod ko. Khian just bought it for me, kahit wala naman akong sinabi sa kanyan tungkol sa ganitong necklace. "You okay, bb? Hindi mo ba nagustuhan?" banayad na tanong ni Khian sa akin. Hinawi pa niya ang mga buhok ko na inilagay sa kabilang side para makita niya ang mukha ko. Hindi ko lang nagustuhan ang regalo niya. Gustong-gusto ko. "Hindi ko lang nagustuhan. I loved it" aniko na may sobrang ngiti pa sa labi ko. Itinaas ko ang mga braso ko sa leeg niya at dinampihan ko ng halik ang mga labi niya. Di siya agad nakapagreact sa ginawa ko. "I love you" madamdaming bulong ko kay Khian "I love you more, bb" Ako naman ang nabigla nang siya ang humalik sa mga labi ko. Masuyo niya akong hinahalikan na agad ko naman tinugunan ng buong pagmamahal. Ilang sandali din ang naging halikan namin bago kumawala ang mga labi namin sa isa't isa. "Turn your back on me, bb. Ilalagay ko" utos ni Khian sabay kuha ng kwintas sa pulang kahong hawak ko. Pinataas niya sa akin ang buhok ko saka niya sinuot sa leeg ko. "It suits you well, bb", paghangang sabi ni Khian sa akin bago niya ako hinalikan sa noo ko. "Thank you" paglalambing ko na yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ito sa akin ng yakap bago siya nagsalita, "anything for you, bb. Another target was unlock. And I will be with you for more to come. Mahal kita, sobra" buong pagmamahal na sambit niya na siyang mas lalong ikinasaya ng puso ko. Ilang sandali pa kaming magkayakap ni Khian nang mapagdesiyonan na naming matutulog na. Kinuha niya ang maliit na bag sa lamesa na hawak niya kanina dahil may spare clothes daw siya na nasa trunk ng sasakyan niya. Magkaagapay kaming tinungo ang kwarto ko saka nauna niya akong pinapasok sa loob. Kumuha ako ng pamalit kong pyjama at tuwalya saka ako lumabas para makaligo. Nauna akong gumamit ng banyo bago siya. Pagkatapos kong maligo nadatnan ko si Khian sa kama ko na nakaupo. "Your turn, bhie. Ito ang extra na toothbrush at towel" sabay abot ko sa kanya ang mga gagamitin niya. Nagpasalamat naman ito bago din niya tinungo ang banyo. Nang maiwan ako sa loob kinuha ko ang suklay ko sa drawer at sinuklay ang buhok ko. Mamaya pang konti pumasok na si Khian, nakashort na at naka-t shirt ng kulay blue nakasabit pa sabalikta niya ang tuwalya. "Akala ko magagapang na kita" natatawang biro niya. Tinutuyong maigi ang buhok niya. Mabalis akong nag-blushed sa sinabi niya. Umirap ako kunwari pero biglang hindi ako mapakali. Lokong to, he just polluted my innocent mind. "Akala mo lang yon" sagot ko naman at may kasama pang pagngisi. Lumapit naman siya sa kinaroroon ko bago niya hawakan ang magkabilang pisngi ko. Tumingala ako sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. "I'm just kidding. I will not do that, bb, hanggang sa araw na dala-dala mo ang apilyedo ko sa pangalan mo" taos-puso niya sabi bago niya ako hinalikan sa tungki ng ilong ko. "Good night bhie, I love you" titig na titig ako sa mga mata niya pagkasabi ko yon. Ako din ang humalik sa noo niya bago niya ako ihatid sa kwarto nang mga magulang ko. Another day has passed. And every new beginning is a blessing. Big or smal there is always a reason to celebrate every second of the day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD