Chapter 21 TOHOM
KEIRA
IT'S MY last day today with the former HR, medyo kabisado ko na rin ang trabaho ko dahil pangatlong araw ngayon akong nag-aactual. Pamilyar na rin ako sa mga basic terms sa loob ng opisina connecting to Head Office in Manila. Parang ang hirap noong una pero kapag sinubukan mo pa lang ang dali lang gawin at sundin.
"Handa ka na Kei?" tanong ni Ma'am Wilma sa akin. Hindi pa matagal na nakapasok ako pagkatapos naming kumain sa karinderya.
We had been away for almost an hour, but I was pre-occupied with what she told me that we're having official business outside the company.
"Yes Ma'am, I'm ready", I answered her reassuringly.
"Ok then,let's go."
Hindi kami nag-aksaya ng oras. Lumabas kami papunta sa Receiving Area kung nasaan ang company car na maghahatid sa amin.
Pagkarating namin, nandoon na rin ang driver. Sinabi lang ni Ma'am Wilma kung saan kami pupunta at agad kaming umalis.
Habang nasa daan kami, ipinaliwang niya sa akin ang sadya namin sa Philippine National Red Cross, base sa orientation niya sa akin kahapon, ang company ay yearly na nagsasagawa ng blood donation operation para sa mga empleyadong willing mag-donate ng dugo. In partnership of the company and Red Cross.
"Most of them are promodisers and team leaders, hindi sila nagpapahuli sa padodonate. As per what they said they donate blood because they feels good to help others, and volunteering have been linked a positive health outcome. Including risk for depression and greater longevity", humahangang pahayag niya. I saw how her eyes screamed so proud to those employees.
Nakakahanga sa mindset na mayroon sila. Kahit pagod at pressure din sila sa mga trabaho nila they didn't hesitate to help other people kahit hindi nila alam kung sino ang gagamit at hindi kilala.
"Wow.! This isn't a one offer-exercise Ma'am, knowing also they have other pressures outside work", I exclaimed and made a point.
"Yes, so its in your hand also not only to offer support work-related issues, but also for health and well being issues".
Tumango lang ako sa mga sinabi niya. Alam ko iyon, its not my job only to offer advice or solutions, but also directing employees to appropriate external support networks.
Hindi nagtagal na nakarating kami sa building ng sadya namin. Pinakita lang namin ni Ma'am Wilma ang aming company identification card sa receptionist. Binigyan niya kami agad ng instruction kung saan kami pupunta.
Hindi ako pamilyar sa lugar para akong batang masunurin na sumusunod kay Ma'am Wilma. As we entered to the Director's room, someone approached us. At kilala pala siya ni Ma'am Wilma.
"Good afternoon, Ma'am", magalang na bati ni Ma'am Wilma.
"Kei, si Ms. Aquino, secretary ng Directress. Ms. Aquino, si Keira po, ang bagong HR na papalit sa akin. Siya na po ang makakatransact niyo sa mga susunod na may collab sa operation."
"Hello Ma'am, pleasure to meet you", magalang na sabi ko.
Matapos kami ipinakilala sa isa't-isa ay inanyayahan niya kaming pumasok sa loob ng opisina nila at tinurong umupo kami sa dalawang upuan sa harapan ng kanyang mesa.
Nang matapos kaming umupo may kinuha siyang mga papel sa loob ng drawer at nakalagay iyon sa sliding folder.
"Heto na lahat ang signed ni Ma'am for approval sa operational plan. Kung may nakaligtaan o kulang tawag ka na lang dito sa opisina para maidagdag bago ang araw na gagawin ang donate operation", pagpapaliwanag ni Ms. Aquino.
After Ma'am Wilma scanned all the papers, we bid our good bye as a wrapped up for the handling of operational plan papers.
Saktong dumating kami sa office coffee break na. Kaya pala ang tahimik at walang tao. We didn't have enough time to have our CB kaya hinarap ko na lang agad ang computer to do the payroll slip. Sana all sasahod na.
I was still busy typing from the keyboard when the lasengga team came to my table.
"Di ka pa uuwi?" Si Shirley
"Ano yan overtime?" Vicky
"Bukas na yan, 5 na" Maria
Napaangat ako bigla ng mukha ko dahil sa pagkakasabay-sabay nilang sabi.
Hinarap ko sila sa tagiliran ko bago ako umiling, "hindi ko pwedeng iwan to, wala kayong sahod, sino magbabayad ng alak niyo bukas?" natatawa kong sabi.
"Diyan ka na muna pala, mauuna na kami", sagot ni Shirley bago sila nagkukumahog na lumabas.
Nag-inat muna ako at nagmessage kay Khian na mag-oovertime ako.
To: Khian❤️❤️❤️
OT ako bhie, wait for me a little bit kung nasa baba ka na. Drive safely.
After my message was sent, I went back to my work. Not later than 30 minutes, I'm done. Naglinis pa ako sa table ko, pinatay ang CPU at monitor. Nang masiguro kong natanggal ko rin ang lahat ng plug ay lumabas na ako.
Palinga-linga ako sa labas ng building na walang sasakyan ni Khian na makita ko. Naisip ko baka mas late siyang lumabas kaya nag-message lang ulit ako na nasa harap nakaupo at maghihintay sa kanya.
Napayakap ako sa sarili ko habang inabalang nakatingin ako sa buong lansangan. Ang iba ay may pagmamadaling maglakad at ang iba naman ay normal lang sa pag-hakbang ng kanilang mga paa. Most of them are walking alone and some are with companion. I can even tell how many cars already passed by.
It's been an hour since I was out waiting for him. Pero sa isip ko baka mas siya ang nag nag-overtime kaysa sa akin.
Another minutes passed by again, still no sign of Khian, and I'm started to got worried. So I decided to composed and sent him again messages
To: Khian❤️❤️❤️
Bhie? Are you off now?
Nasaan ka na? Reply please. I'm starting to get worry.
Are you okay?
Still doing something?
Just one reply, para alam ko po kung okay ka lang.
After a couple of minutes again, still no Khian. Nagsisipaglabasan na rin ang mga pang-closing na nasa selling area. Naramdaman ko na rin ang malamig na ihip ng hangin. Muli kong niyakap ng mahigpit ang sarili. Bawat minutong lumilipas ay para akong pinapatay sa takot dahil wala akong mabasa na galing sa kanya.
Another more minutes, I called him already. But to my dismay his phone was cannot be reach at the moment. Dahil nawalan na ako ng pag-asang makontak siya nagdesisyon na akong maunang umuwi na.
Nang makarating ako ng bahay ay sinalubong agad ako ni Papa ng tanong bakit ako ginabi at tinanong kung hinatid ba ako ni Khian. Sinabi ko na lang na nag-overtime ako at pati rin siya kaya nagcommute akong umuwi. Sinabihan rin ako ni Mama na tapos na silang mag-hapunan kasama ni Kuya, kaya ako na lang ang mag-isang kakain, bago siya nagpaalam na magsasara muna siya ng tindahan niya sa harapan.
Nilapag ko muna ang mga gamit ko bago ko tinungo ang kusina para kumain. Nagutom din ako sa paghihintay. I ate silently and finished fast my food. Niligpit at hinugas ko ang ginamit kong kumain saka ako pumasok sa kwarto ko.
Naligo pa muna ako bago ko naisipang tumambay sa sala, wala pa naman ang aking ina na nagsabing magsasarado lang siya ng tindahan.
I was lying on our sofa when Khian quietly opened our main door. His eyes was directed to me the moment he stepped inside and made an appearance. Napaupo ako nang maayos ng makita ko siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
I just stared at him with an intense gaze before I c****d my head side and crossed my arms, thinking if I should let go him near me or not.
Binigyan niya ako nang alanganing ngiti. Nakita ko pa kung gaano siya kinakabahan habang palapit siya sa akin. Masakit iwasan ang taong mahal mo, but I was driven by my annoyance that I didn't think about my action. Kung gaano ko kadererminadong ipakita sa kanya na naiinis ako.
Nang makarating siya sa harapan ko ay binati niya ako at tahimik siyang umupo sa tabi ko. Tinanggal ko din ang mga kamay ko sa pagkakahalukip. Halos magkadikit ang balat ng mga braso namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
"Hi" malambing niyang sambit. Hinalikan pa niya ako sa ulo ko. Saka niya kinuha ang kamay ko para hawakan.
Hindi ako bumati pabalik sa kanya at bigla kong binawi ang kamay kong hawak niya. Tinaasan ko pa ng kilay ko. Para naman siyang napahiya sa itsura niya, pero hindi ko pinansin.
"I came to pick you up, but the lady guard told me you already left", mahinahon niyang hayag. "That's why I came here directly", dugtong niya.
Hindi pa rin ako umimik. Dahil kapag naaalala ko ang nangyari kanina, mas lalong umuusbong ang inis ko sa kanya.
"Talk to me, please. Kahit di mo ako kausapin basta pansinin mo lang ako", he pleaded.
"I've waited for you", walang ganang sabi ko na lang. Hindi ko na dinugtungan pa. Takot na may masabi akong hindi maganda sa kanya.
Para namang napaisip siya kung magpapaliwanag siya sa akin o hindi. Dahil parang wala siya sa tabi ko kung umasta ako. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago siya nagsalita.
"I was about to leave the office when I received your message na mag-oovertime ka. Then suddenly Zyann appeared and invited me to have some drink with him." he started voicing out his explanation.
Nakayuko ako habang nagsasalita siya. Nakikinig sa mga sasabihin niya. Waiting for him to say something more.
"Since I cannot pick you up yet, pinagbigyan ko siya. Becuse I prefered to be with you, I always declined his invitation to jam with him. Napasarap na kami sa kwentuhan at hindi ko namalayan ang oras" he added explaining.
I can even see from my peripheral vision kung gaano niya ako titigin. Nagpipigil lang ulit na hawakan ako.
"You could just have sent me a message na di mo ako madadaanan para hindi ako tangang naghintay sayo", madiing sabi ko. Napapakit pa ang mga mata ko.
I slightly irritated to his reasons. Hindi ko naman siya pinagbabawalan, ang akin lang lang naman sana sinabi niya. More than two hours akong naghintay. Halos maiyak ako kanina ng hindi ko siya makontak. Pumasok pa sa isip ko na baka may nangyari nang masama sa kanya.
"My cellphone was drained", he silently wisphered.
"Given that your phone was drained, sana nakigamit ka kay Kuya Zyann to inform di ba?", may sarkasmong tono sa paraan ng pagkatanong ko. Tumaas na rin ang boses ko.
His lips parted in disbelief the way I answered him. Napatayo pa ako sa harapan niya. Sinusubukan niya pa ring kunin ang dalawang kamay ko pero nagpumiglas ako.
"I tried, but I cannot reached you," sumbat niya. "I'm sorry, bb. It was my fault." Mapagpakumbabang dagdag niya. I just stared straight to his eyes emotionless, and he sighed because he knew already that I was really upset.
Im still trying to control my emotions not to talked to him rudely. This was the first that he did, pero hindi ko maiwasan ang sarili kong mainis at magalit talaga sa kanya. Ang babaw lang nang rason para sa iba, pero sa akin big deal. Wala akong kaalam-alam kung saan siya nagpunta at kung sino ang kasama niya. Dahil hindi naman niya gawain that he will not tell me his whereabouts. Naka off pa ang cellphone niya, tapos nag-inuman sila ng pinsan. What if's came rushing to my mind to the possibility that might happened to him. Tendencies are, we do not know what happen next in a blink.
"Right. You did try, in after how many hours? You are perfectly fine having a drinking session with my cousin, while I was there freaking worried about you." tumaas na ng tuluyan ang boses ko. Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko.
"Do not shout, please"
"I purposedly turned off my phone, the moment that I got home, dahil naiinis talaga ako sayo.", I told him honestly.
"This is just the first time, bb", he defended himself. "Hindi na mauulit", he sincerely told and stared at me, trying to figure me out to my reaction to what he said.
" Yeah, this is just the first time", pagak akong napatawa. "Should I clap my hands to give you credit on that?", tuluyan ng tumaas ang boses ko dahil nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. First time huh.
"That's not what I meant", he lazily drawled. Trying to control his emotion also to answered me back more that might lead us to prolonged our argument.
I raised my eyebrows while staring at him. Mas mahaba pa sa kahabaan ng trapik sa EDSA ang pag-iintindi ko sa kanya dahil mas naman siya sa akin, pero mas mataas rin sa tuktok ang inis ko sa kanya ngayon.
"Umuwi ka na, saka na lang tayo mag-usap kapag hindi na ako naiinis sayo." I told him bluntly shoving him away.
"No.! Pag-usapan natin to, please. Para maayos ko ang pagkakamali ko", worridly, he stood up to make step closer to me.
"I can't", maikling hayag ko. I was being difficult, I used to be cool no matter what big our misunderstanding sometimes. Ngayon talagang beast mood ako. Tatalikod na sana ako at maglakad paalis ng mas mabilis pa sa alas kwatrong pinigilan niya akong kumapit ang kamay niya sa braso ko.
"Sorry", usal niya. He took a deep breath as a sign of retirement from our argument. Ngumiti pa siya sa akin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang unti-unting pagmuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. He tried his best not to blinked his eyes, until his tears it finally escaped. Yumakap siya sa baywang ko.
"Magalit ka lang sa akin, I will gladly accept it. Just let me hug you. Just let me hug you, bb" napakislot niyang sabi. Ramdam ko na ang mga luha niyang nagsisipaglaglagan sa mga balikat ko.
Nang maramdaman niyang hindi ako kumilos. Binitawan niya ang pagkakayakap sa baywang ko. Wala din akong salitang kahit ano na binitawan.
"Susunduin kita bukas at ihahatid," sumusukong sabi niya.
"No need, dont bother. Baka maghintay lang ulit ako sa wala" malamig kong sabi.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya sa sinabi ko. Pero hindi siya nagpatalo "susunduin pa rin kita", pinal na sabi niya.
Dahan-dahan ko siyang iniwan, napalingon lang ako nang marinig ko ang boses ng aking ina na nagsalita, nasa kalagitnaan na siya ng daan niya papunta sa gawi ni Khian.
"Hindi mo nasuyo?", takang tanong ni Mama kay Khian.
Wala akong marinig na sagot ni Khian sa aking ina.
"Sa lahat ng anak ko, siya ang pinaka-maunawain pero pinaka-mahirap ding suyuin. Pero kapag lumipas ang dala niyang emosyon sa ngayon, siya mismo ang kusang lalapit sayo. Na parang walang nangyaring nag-away kayo", natatawang rinig kong sabi niya ulit kay Khian.
"Uwi na po ako, Tita. Salamat po at good night", magalang niyang paalam. Laylay ang mga balikad niyang tinungo ang pintuan at naglakad palabas ng bahay.
Pumasok na rin ako ng tuluyan sa kwarto ko, nahiga sa aking kama at natulog na. Too much for this day.
Kinabukasan, dahil sabado at half day lang free dress ang kompanya. Naisip ko ang lakad ng mga lasengga at pumayag ako sa kanilang sasama ako. I wore only my skinny pants with pink stripe polo shirt saka ako lumabas ng bahay. Tinotoo ko ang sabi ko kay Khian kagabi, dahil hindi ko siya inantay na daanan niya ako. Bumati din siya nga "good morning" at sinabing susunduin niya ako, pero di ako mag-abalang replyan siya. Nagpaalam muna ako kay Mama na nasa tindahan niya bago ako lumabas sa gate ng bahay at naglakad papunta sa terminal ng tricycle.
Nang makarating ako sa kompanya, nakita ko si Shirley na papasok pa lang din. Maaga pa pero mukhang maaga ding pumasok ito.
"Good morning, Shirley", I greeted her.
Saglit siyang tumigil sa paglalakad at hinintay ako makalapit sa kanya. Napansin niya atang wala ako sa mood kasi ang tingin ay nakapirmi sa akin. I saw her smirked, when I was just greeted her.
"Parang biyernes santo ang mukha mo, Maam HR, may problema ka?", nababahalang tanong niya.
Tinitigan ko lang din siya sa mata at sinabing " napakapormal mo Shirley, don't be, just call me Kei."
Iyon lang ang sinabi ko pero pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan.
"Ang bait naman, iyong iba kapag tinatawag na may Ma'am gustong-gusto, kinikilig pa. Ikaw sapat ka na sa Kei lang", sabi niya bago ako nag-iwas ng tingin.
Since the office hours is not yet started, I fixed everything on my table. Ito talaga ang pinakalamesa ng HR since wala na si Ma'am Wilma dahil huling araw niya kahapon.
I was too engrossed organizing when Shirley called my name. Isa isa na ring nagsipagdatingan ang iba.
"Kei, pwede ka naman hanggang hapon di ba? Mamaya sa alam mo na", tanong nitong may nakakalokong ngiti.
"Oo naman, huwag lang tayo gabihin sa hanggang wala tayong masakyan pauwi."
Nagparte ang aking mga labi sa biglang sinabi ni Maria at Vicky ng sabay.
"May LQ ata kaya biglang prinoblema ang sasakyang pauwi."
My eyes squinted a bit "No, hindi ah" pag-deny ko." Siyempre kung lasing na kayo noon di kawawa akong mag-uwi sa inyo" sagot ko ding natatawa.
Mabilis naman silang umiling at sinusuri ako kung totoo ba ang sagot ko. Nagkatinginan silang tatlo sa paraang sila lang ang nagkakaintindihan kung ano ang ibig sabihin ng ganoong klaseng tingin nila sa isa't isa.
"Okay, sabi mo eh" sumusukong sabi nila.
I started to work, natapos ang sandaling chika minute sa mga marites. Ginawa ko ang final print out ng attendance sa lahat ng mga empleyado. Kahit kahapon ko pa naemail sa Head Office. Busy din sa kanya-kanyang gawain pero naiisingit nila ang tsismis.
Not long after that, I saw the girls stood up on their chairs. I quickly spun around to check and saw them one by one getting their things ready to end the week.
Sabay-sabay kaming lumabas sa office, niyaya nilang tatlo ang iba pero umayaw sila. Dahil sila ay may anak na naghihintay pag-uwi nila sila ay mga kapwa ko wala pang mga asawa.
Pagkatapos sa sandaling yayaan ta pagpapaalam we directly went to the place where we planned to hangout.
On our way to Choco Surf Caoayan, I saw a message from Khian, and read it.
From: Khian❤️❤️❤️
"Hihihintay kita dito sa sasakyan labas ng office mo. Are you off now, bb?"
Katulad kaninang umaga, hindi ako nag-abalang magreply.
Bahala ka, manigas ka diyan.