Chapter 22 Get Round

4119 Words
Chapter 22 TOHOM KEIRA ANG MALAMYOS na hangin mula sa kapaligiran ang sumalubong sa amin pagkabang-pagkababa namin sa tricycle. With my eyes roamed around, I saw tents on the wide sands blown by the winds. Mataas pa ang sikat ng araw, rinig na rinig pa ang hampas ng alon sa dagat. Ang pagyakap ng tubig sa lupa na tila bang masayang musika sa paligid. Nagsimula kaming maglakad na apat papunta sa talagang parte ng Choco Surf Point, malapit sa dalampasigan. Nakakapagtaka na alam na alam nila ang lugar na ito. Kasama ang lugar na ito sa kinabibilangan ko ding bayan. Its a public beach good to hangout with friends and family, no entrance fee collected upon entering. Black sand but generally clean. There are restaurant also which offers good food, specially sea foods. Sreet foods and fruit shakes are available also in some stalls. Napatawa ako nang marinig ko ang boses ni Vicky. "Fiest ba", natatawang sabi niya. Sa bawat food stall kasi ay puno ng mga nakasabit na pa-banderitas. "May pa-banderitas lang, fiesta na agad?", humalakhak si Shirley. Nakisabay din kami ni Maria. Pumasok kami sa isang resto bar. Umupo kami sa pinakaunang lamesa para tanaw na tanaw namin ang kulay asul na tubig ng dagat. Mas ramdam rin ang sariwang hangin. Naiwan kaming tatlo at si Maria ang nag-order ng mga pagkain namin. Tungkol sa buhay ng bawat isa ang naging paksa namin sa kwentuhan. Kaya pala mas mag-click ang tatlo dahil mga parehong sawi sa pag-ibig. "Ang lakas ng loob mag-timer, di naman kagwapuhan ang gago", nang-uuyam na sabi ni Shirley. Natawa ako dahil may karugtong talaga na mura ang sinabi niya. Gigil na gigil. Wala pang alak nagmumura na. Nang dumating ang pagkain ay agad namin linantakan, silang tatlo parang mga bata na nag-aagawan sa hipon. Ang dami naman nilang ibang choice na ulam pa. "Mabulunan sana kayo namu mga to", bulong ni Maria pero hindi nakaligtas sa pandinig ko dahil kami ang magkatabi. Di kasi ako nakain ng hipon dahil may allergy ako kaya tinatawanan ko lang silang nag-aagawan. Palihim namin tong si Vicky na nangunguha sa plato ni Shirley. Pagkatapos kumain ay sumunod ang mga alak. Nakakatuwa lang isipin na nang dahil sa alak mas naging close silang tatlo. Dahil sa inis ko Khian nadagdag ako, apat na sila, kahit di ako umiinom. "Uy shot" humagikgik na sabi ni Shirley habang nagpapalitan ng banat si Vicky at Maria. "Saglit lang, nakakarami na ng puntos tong si Vicky", sabi ni Maria bago kunin ang shot glass at inunom ang laman non. Natatawa ako sa kanilang dalawa, walang patalo sa pagbanat sa mga walang kwentang sinasabi nila. "Ikaw Kei, ayaw mong subukan?", pormal na tanong ni Vicky. Pinunasan ko muna ang labi ko bago siya sinagot. Taga-ubos lang din naman ako ng pulutan nila. Mas dito pa ata ako nabusog kaysa sa kinain namin kanina. "I'm good, kayo lang uubos niyan", tipid kong sagot. Di naman sila namilit. "Kumusta ang Diser na pagsinta mo Maria?", pagkuwan ay tanong ni Shirley. Parang alam ko na, sa kanilang tatlo siya ang first honor sa pagiging marites. "Oo nga, nahiya ata nanligaw sayo", segundo ni Vicky saka sila sabay na nagtawan. Dahil hindi ko alam ang pinag-sasabi nila kaya nakikinig lang ako at hindi nakikisali. Kaya kwinento nila sa akin. Dahil sa nangyaring annual count ng company, nalaglag daw si Maria at nasalo ng isang diser kaya simula noon naging tukso na kay Maria yong diser. "Jusmiyo marimar, baka mas tangayin ako ng kahanginan niya kaysa sa talagang hangin ng bagyo", depensa ni Maria na nagpahalakhak sa amin. Bigla pa kaming natigil sa pagtawa dahil nakatingin ang mga kumakain sa loob ng resto bar sa kinaroroonan naming mesa. "Malay mo rin, yon talaga ang destiny na ka-pornever mo", natatawa pa ring pilit ni Shirley. Na siyang nagpatagay kaagad kay Maria kahit hindi pa niya shot. Napapailing na lang ako, dala na rin siguro na may kunting tama na ang alak sa kanila. Walang paawat. Banat kung banat ang nangyari sa pagitan nilang tatlo. Nagpaalam lang ako sa kanila na lalabas ako ng makita ko ang cellphone kong may ilang misscalls si Kuya Zyann. Pero hindi lang pala siya, galing din kay Khian at pinuno pa niya ng mga messages niya. Ida-dial ko palang sana ang pangalan niya ng makita kong may incoming call siya. Kaagad ko naman sinagot. "Anyare sayo Amazona, bakit hindi ka sumasagot", iritang bungad niya sa akin sa kabilang lingya. Umikot bigla ang mata ko. "Oh, hi naman sayo Kuya", sarkastiko kong bati. "Where are you?", tanong niya bigla. "Sa loob ng damit ko", pabalang kong sagot saka ako tumawa. Naiimagine ko na itsura nito, nakataas na ang isang kilay. "Matinong sagot, Amazona", seryosong sabi niya. "Bakit ba? Sino ka, si Papa", pambabara kong sagot. Mas lalong lumakas ang tawa ko. "Czerina Keira Llanza Avila", madiin niyang sabi. Naputol na ang pagtitimpi nito dahil kumpleto na ang pangalan kong binigkas niya. Kahit gusto ko pa sana siyang asarin pinigilan ko ang sarili ko. "Choco surf po-", bastos, binabaan akong di ko pa nakukumpleto ang sasabihin ko bulong ko sa sarili ko. Habang naglalakad ako pabalik sa mesa ay nagbabasa ako sa mga messages ni Khian. Sa nga naunang messages niya ilang beses niyang sinabing naghihintay lang daw siya sa labas ng opisina. Sumunod ay dadaan na lang daw siya sa bahay dahil nakaalis na ako. At ang pinakahuli parang nawalan na pasensiya ang message niya. From: Khian❤️❤️❤️ Thanks for ignoring me. Nang makabalik ako sa mesa namin ay ubos na ang alak na iniinom nila. Nagkakasiyahan na lang silang tatlo habang may hawak na red horse na pang washing raw. Hindi naman sila masyadong natamaan, pasalamat ako dahil hindi ako maging baby sitter ng lasing kung sakali. "Pagkatapos nito, uwi na tayo", ani ni Shirley. Walang tumutol sa sinabi niya, at tinuloy nila ang bardagulan. Nakisali din ako dahil talagang mga kengkoy ang mga ito hindi ka ma-a-out of place. Ngayon ko lang sila nakasama sa ganitong paraan pero ramdam ko agad na sila ang kasama na mag-eenjoy ka. Kumbaga no dull moments with them. Saglit kang makalimot sa pansamantalang nararamdaman mo. Kung sabagay sabi nga ng iba, kapag masaya ka enjoy-in mo. Maging totoo kang masaya kung may pagkakataon ka. Dahil ang kasiyahan ay may hangganan. At maging thankful ka kung malungkot ka. Dahil pati ang kalungkutan ay may katapusan din. Lilipas din kumbaga. Lahat ng bagay ay pana-panahon lang. Nilisan namin ang resto bar, we paid our bills equally. Kahit nagpumilit si Maria na siya ang magbayad sa alak, hindi kami pumayag. Hanggang sa daan papunta kung saan kami makakakuha ng masakyang pauwi ay hindi maawat ang tatlo sa kanilang kakulitan. Hanggang makarating kami sa mga mga dumadaan na sasakyan. Napatingin ako sa banda kung saan parang matiyagang nag-aantay si Khian sa labas ng sasakyan niya nang siniko ako Shirley. Nakapark ang sasakyan niya sa gilid ng kalasada. Kilala na nila si Khian dahil pinakilala ko na siya sa kanila noong minsang ihatid niya ako at ang tatlo ay nasa labas pa ng opisina nagka-kape. "Taray talaga, kahit saan sinusundo", bulong niya sa akin. "Baliw", tanging sagot ko. Dumiretso ako sa direksiyon ni Khian ng ang lawak ng ngiti ng makita niya ako. "Anong ginagawa mo dito?", tanong ko na nagtataka ng makalapit ako. Tinarayan ko siya dahil hindi pa nababawasan ang inis ko sa kanya. "Sinusundo ka", sagot nito. "Excuse me, wala akong sinabing sunduin mo ako", mataray ko pa ring sagot. "You dont need to, I told you, I have my ways when it comes with you", dahil sa sinabi niya mas lalo na naman akong naiinis. Naisahan na naman ako ni Kuya Zyann, kaya pala tinanong ako kanina kung nasaan ako. Malapit na talagang buminggo sa akin ang pinsan kong yon. "Hatid na namin kayo", bigla niyang alok sa mga kasama ko. " Huwag na, out of way na kayo ni Kei", sagot ni Vicky "Oo, tsaka magpabalik-balik kayo e nasa kabila lang uuwian niyo", segunda naman ni Shirley. "Salamat na lang, di bale ang bahay namin malapit lang sa boarding house ng dalawa na to", sambit din ni Maria sabay turo sa dalawa. Kahit ipinilit ko din kay Khian na sasama ako sa kanila sa pag-uwi ay hindi siya pumayag. Nakakahiyang nagtatalo kami sa kalsada. Kaya minabuti ko na lang na mapasakay ko ang tatlo bago ako pumasok sa sasakyan niya. Tahimik kaming dalawa sa biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya. Minsan kung nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin ay iniismiran ko siya. "Sorry, kung gina---" "Huwag.! Huwag mo akong kausapin. Ayaw kitang kausap", putol ko sa sasasabihin nito. Oo, sinundo niya ako pero hindi ibig sabihin ay okay na kami. Na nakalimutan ko na ang ginawa niya. Napabuntong hininga na lang siya. Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko na siya inantay pa na pagbuksan niya ako. Kinalas ko ang seat belt ko at nagpasalamat, saka ko siya tuluyang iniwan sa sasakyan niya papasok sa bahay. Pagpasok ko sa kwarto ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Naiinis ako.! Mas lalo pang nadagdagan ng galit.! Akala ko kanina ay medyo okay na ako, hindi pa pala. Dahil kanina habang nasa biyahe kami ay muling bumalik sa isip ko ang ginawa niya, dinagdagan niya pa dahil sa paggamit ng pinsan ko para malaman niya kung nasaan ako. Nang mahimasmasan ako ay naligo ako, pagkatapos kong maligo ay nagkulong ako sa kwarto ko. Saka lang ako lumabas ng tawagan ako para kumain. Tinawagan ko muna ang tatlo at tinanong kung nakauwi ba sila ng maayos. Walang Khian kaya maaga akong natulog. Buong gabi ko ulit inignora ang mga tawag at mga messages niya. Nakatungo ako sa lamesa namin ng madatnan ako ni Kuya Zyann kinabukasan, may bitbit itong isang box ng donut. Kanina pa nakaalis sina Mama na umattend ng sunday church service, hindi ako sumama dahil masakit ang puson at ulo ko. Linapag niya sa mesa ang hawak niya at nakangising humarap sa akin, "peace offering, Amazona", sabi nito. "Gago, mukha mo", di ko napigilang sagot ko. Napahalakhak naman siya sa pagmura ko. "First time to ah, tama nga si KJ, tigress ka pa rin", natatawang turan niya na ikinasimangot ko. Matamaan lang siyang nakatingin sa akin, inaantay ang reaksyon ko. "Ano bang ginagawa mo dito, nambubwisit ka na naman" , reklamo ko. "Gusto ko yan, mabwisit ka lang para palagi kong kabonding ang boyfriend mo", tuluyan na siyang napatawa ng malakas. Kung may hawak lang ako binato ko na sa kanya. Mapang-asar eh. "Di magsama kayo, dapat pala ikaw ang ginawa niyang girlfriend niya", pabalang kong sabi na mas lalo siyang napahagalpak sa tawa. Kunti na lang to matatadyakan ko na siya. "Seryoso nga, ikaw talaga kapag beast mood ka walang lugar ang biro sayo". "I'm sorry, okay? May kasalanan din naman ako kaya nag-mumukhang palaging pasan mo ang mundo", pinipigilan niya ang pagtawa. Naupo siya sa upuang nasa harap ko across our table. " Noong isang gabi, dumaan ako sa opisina niya at niyaya ko siyang mag-inuman kami. Ayaw niya noong una na sumama dahil susunduin ka niya. Pumayag lang siya nang mag-text kang may OT ka. Sa tagal naming hindi nakakapag-bonding humaba ng humaba ang usapan namin, napasarap kami sa kwentuhan. Pero hindi kami gaanong nakainom ng gabing iyon. Binatukan pa niya ako at minura dahil late na pala nang mapansin namin ang oras sa dami ng napag-usapan namin. Na-deat batt ang cellphone niya kaya nakigamit siya sa akin. Hindi ka naman makontak. Pero dinaanan ka pa rin namin pero nakaalis ka na raw. Grabeng paninisi ang ginawa niya sa akin, para akong bumalik sa mga panahon na gusto ka niyang ligawan pero pinigilan ko.", saglit siyang huminto at ngumiti ng may kasamang tudyo. "Kahapon ng umaga, maaga siyang nasa labas ng gate niyo, pero mas maaga ka palang pumasok. Naghintay din siya ng isang oras sa labas ng building niyo dahil pareho kayong half day lang. Sa pangalawang pagkakataon, walang Amazona na nahintay niya. Hindi ka rin sumasagot sa kahit anong message niya pati sa mga tawag niya. Kaya kinulit ako nang kinulit na tawagan ka. Ang gagong yon ginamit pa ako, para malaman kung nasaan ka. Dahil gusto kong bumawi pumayag ako, kaya kita tinawagan ng tinawagan kahapon. Noong malaman kong nasa Choco surf ka, mas mabilis pa sa alas kwatro na iniwan niya ako papunta sayo, ni wala man lang "thank you, brad". Napailing siya sa sinabi niyang huli. Kahit papaano nabawasan ang inis ko sa naalaman ko. "Dahil sa nangyari kahapon akala ko magkaka-bati na kayo. Hindi pa pala, nagulat na lang ako kagabi ng tumawag siya't ayain niya akong mag-inuman kami sa apartment niya. Sino ako para tumanggi, sa isip ko pa nga baka bumabawi sa akin ang kaibigan ko". Napataas ang kilay ko sa kanya sa kwento niya pero siya ay ngumisi lang. Gusto kong matawa sa pagmumukha niya para siyang nanalo ng lotto sa panaginip niya at nahimasmasan pagkagising niya. "Iyon pala, ako lang naman ang uminom at siya ay aligaga kung paano ka niya susuyuin. He's so whipped because of you, you know. Ikaw na, ikaw na talaga ang magandang Amazona", nang-uuyam ulit ang tingin sa akin. Wala akong salitang masabi, parang biglang naumid ang dila ko sa mga nalaman ko. "Kaya ikaw, make peace with him, baka kapag pinatagal mo pa, mauulol na yon. Ayaw kong magkaroon ng kaibigan na may tama ang utak. Madadagdagan ang mental facility ng pasyente", paalala niya bago siya tumayo sa kinauupuan niya. "Iyon lang naman and I, thank you.", parang nasa pagent siya na nag-bow ang ulo niya at mahinhin na ikinaway ang kanan niyang kamay. "Salamat ha, parang kasalan ko pa", irap ko. Yumukod siya sa harapan ko at bahagya niya ng iniyakap ang isang braso niya. "Mahal na mahal ka ni KJ, Kei. We've been friends for how many years now but I've never seen him this happy and problematic". sabi niya bago siya kumalas sa akin. "Pinsan kita at kaibigan ko siya, ayaw kong nanimbang sa inyong dalawa kung hindi naman masyadong mabigat ang kasalanan niya. Kaya huwag mo na siyang tikisan, ha", napatango lang ako ng dahan-dahan. "Aalis na ako, siya nga pala galing sa kanya yan. Dumaan kami sa Mister Donut na bumili pagkatapos naming mag-jogging", sabi niya at tuluyan na siyang naglakad paalis. Nang makaalis ang pinsan ko ay iniwan ko lang sa mesa ang dala niya. Naligo at ako inabala ang sarili kong nanood sa sala. Ganoong senaryo ako nadatnan nila Mama, pero walang Kuya Clive. Si Clyde lang na humihirit-hirit ang umupo sa tabi ko at ngumunguya ng donut. "Hindi sayo, pinakialaman mo na naman", sita kong sabi. "Basta nasa loob ng bahay, walang may-ari. Pag-aari ng lahat", sumbat niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Wala pa din akong ganang makipag-sagutan sa kanya. Hindi nagtagal kumain kami ng tanghalian. Tamang kumustahan lang sa naganap sa amin sa loob ng isang linggo habang kumakain kami. Nang matapos kaming kumain ay ako ang naghugas ang naglinis sa kusina. Nang masiguro kong malinis na ang lahat ayagad akong pumasok sa kwarto ko. Nakatulog ako dahil masakit pa talaga ang ulo ko. "Kei" Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tawag ni Mama sa labas ng kwarto ko habang sunod sunod ang marahang pagkatok nito. Unti-unti kong dinilat ang aking mata saka umupo sa kama Huminga ako ng malalim at hindi nag-abalang ayusin ang aking buhok saka ako tumayo upang buksan ang pintuan. "Ma" sambit ko "Natutulog ka na naman?", hindi makapaniwalang tanong niya, saka ako tinitigan ng nakangiti. "Bakit, po?", magalang na tanong ko dito at bigla niya hinawakan ang dalawang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya na may pagtataka bago ko pinagsiklop ang aming kamay. "Anong meron, Ma" Bumitaw siya sa pagkakawahak sa akin. "Shh", tinakpan ang bibig ko saka ngumiti. "Tara sa labas", aya niyang sabi na hindi nawawala ang ngiti sa labi niya bago niya ako halos kaladkarin palabas. "Ma, anong meron ba", huminga ako ng malalim at nginitian ito. Para kasi siyang excited sa ikinikilos niya. Napahinto kaming dalawa saka niya ako hinarap. Humalik pa ito sa aking noo bago siya magsalita. "Lahat ng nasa relasyon, dumarating sa panahong may mga bagay-bagay na hindi kayo mag-tugma. Pero sana, sinadya man o hindi ang rason, alam at matuto sana kayong intindihin ang isa't-isa. Kahit gaano pa kayo kasaya't kaperpekto laging may lapses. Laging may parte na hindi ninyo maiiwasan na may hindi pagkakaintindihan", mahabang aniya at ngumiti ito sa akin. Parang alam mo na kung saan patungo ang mga sinabi niya. Unti-unti naman akong tumango saka ngumiti at niyakap ko siya. Yumakap din siya sa akin ng marahan saka humarap sa akin at hinawing inayos ang nakatakas na buhok aa aking mukha. "Tara sa veranda", ani Mama at nagtataka akong nagpahila ulit sa kanya. Pinatayo niya ako sa gitna ng aming na veranda saka niya sinabing huwag akong aalis sa aking kinatatayuan bago niya ako iwang mag-isang nakatayo. Tumingin ako sa direksiyon kung saan siya pupunta at nakita kong sa tindahan niya. Binuksan niya ang pintuan ng tindahan at ang iniluwa noon ay si Khian na nakatayo, naka-red tshirt at nakapantalon iti ng kulay itim. May hawak ang kamay nito na isang malaking sunflower sa kabilang kamay naman ay may hawak na gitara habang kinakabahang nakangiti sa akin. Inilagay niya muna ang sunflower sa likod ng bulsa ng pantalon niya bago siya tuluyang lumabas sa pintuan. He strummed his guitar and slowly walked towards me while singing. Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit Sorry na talaga sa aking nagawa Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo sorry na "Alam mo baby" ani ni Papa na galing sa likuran ko. "Dinadamay ako ng boyfriend mo", dagdag na sabi niya. Napalingon ako sa kanya. "Pero alam mo ring gagawin ni Papa ang lahat para sa ikakasaya ng nag-iisang prinsesa niya", ngiti nito sa akin at hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Nang matapos niya akong halikan, tumayo siya sa gilid ko at umakbay ang isang kamay niya sa aking balikat. Pinaharap niya ako sa kay Khian na kumakanta pa rin habang naglalakad papunta sa amin. Mahal kita sobrang mahal kita Wala na akong pwedeng sabihin pang iba Kundi sorry talaga di ko sinasadya Talagang sobrang mahal kita wag kang mawawala Sorry na Nang makarating siya sa harapan namin ni Papa ay binitawan niya muna ang gitara at nilagay sa top rail ng balustrade. Hinugot niya ang sunflower sa likod saka hinawakang mahigpit ang kamay ko. Binigay niya sa akin ang hawak niya at tinanggap ko naman saka siya sumenyas na tumingin ako sa tindahan. Sinunod kong tinignan kung ano ang ibig niyang sabahin. Mula sa pintuan ng tindahan nakatayo si Mama doon na halos hindi mapuknat ang ngiting nakabalatay sa kanyang mga labi. May hawak ito na maliit na white board. Napansing kung iyon ang ginagamit niyang pinaglilistahan sa presyo ng mga gamot na tinda niya. At ang nakasulat doon ay "I'm so SORRY, bb". Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay ni Papa sa balikat ko at ang pag-alis niya. "I dont want you to angry and upset at me for a long time", aniya niya. Pumulupot pa ang mga braso niya paikot sa baywang ko bago niya ako pinaharap sa kabilang direkisyon. Patalikod kung nasaang direksiyong nakatayo si Mama. Doon nakita ko naman si Papa na may hawak din at ang nakasulat sa hawak niya ay "FORGIVE ME, PLEASE". Napailing si Papa at ngumisi sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya. I was shocked a bit when Khian hugged me tight. Making sure that I will not going to slip away. Isinandal niya ang aking noo sa kanyang balikat. Naramdaman ko pa kung gaano kabilis ang t***k ng kanyang puso. "Tanggap ko na maling mali ako wag ka na sanang magtampo, sorry na" may pagsisising hayag nito at mas niyakap pa ako ng mahigpit. "KJ", sambit ko dahil hindi na rin ako makahinga sa higpit ng yakap niya. "I cannot live another day again, knowing that you're still mad, bb", aniya at mabilis pa rin ang paghinga niya at kabadong-kabado siya. "Huwag mo na ulit uulitin iyon", mahinang paalala ko. "I promise", huminga ito ng malalim. "A-am I forgiven?", nauutal na tanong nito sa akin at sumubsob ako sa dibdib niya nang marinig ko ang pagtikhim ni Papa. "Ahem.! Andito pa ako", marahang sabi ni Papa. Napa-angat ako at nakita kong winawagayway nito ang hawak niya kanina. Dahil doon napansin kong karton pala ng sigarilyo ang pinagsulatan ni Khian sa salitang "FORGIVE ME, PLEASE". Napairap ako sa kawalan dahil parang bigla akong nahiya. Naging PDA na kaming dalawa ni Khian sa harapan ng mga magulang ko. Lumapit si Papa sa amin pero ang tingin ay diretso kay Khian. "Ngayon alam mo na gaano kahirap suyuin ang isang Avila, mas malala pa ang gagawin mo, taon na ang bibilangin mo", tawa ni Papa kay Khian ay tinapik pa niya ito sa kanyang balikat. Tumango at ngumiti lang si Khian sa sinabi ng aking ama. "Bati na tayo?", tanong niya sa akin na may kasamang paawa effect. "Anong bati na tayo?", inalis ko ang mga kamay niya sa baywang saka ako ngmartsa papasok sa loob ng bahay. Nakasunod naman agad ito sa akin. "Bb, sorry na", paglalambing niya, habang nakaluhod sa harapan kong nakaupo sa sofa ng sala. Dito ako dumiretso noong pumasok ako. Still no reaction from me. "Bb please. You don't love me anymore?", he sounded like whining. Hinuli niya ang mga mata ko at nagpaawa. "Hindi mo ako madadala sa ganyang itsura mo"! Bahagya siyang natawa sa sinabi ko pero agad ding nagseryoso noong makita niyang tumaas ang isang kilay ko. "Awww, my beautiful tigress", he teased me, trying to lighten my mood. Mas sinamaan ko siya ng tingin kaya mas umayos siya. "I'm so sorry, forgive me please." "Kapag ikaw uulit pa, ibabalik na kita sa sinapupunan ng nanay mo", sabi kong nagpatawa sa kanya. Napatayo siya saka siya umupo sa tabi ko at inangat niya akong paupo sa kandungan niya. Agad pumaikot ang mga braso siya sa baywang ko. "Let's kiss and make up, bb. I missed you so much, you know", naglalambing na sabi niya. Bago pa ako pumalag, hinawakan na niya ang mukha ko hinalikan niya ako. Magaan, maingat at sumusuyo. Gumanti din ako ng halik sa paraang ginawa niya. Nagpalitan lamg kami ng halikan, ayaw paawat ang isa sa amin kung sino ang unang bibigay. Siya ang unang humiwalay sa halikan namin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko, pagkuwan ay hinahalik halikan niya ang balikat ko. "Bhie", tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako. "Dito ka lang", sabi nito at mas lalo akong hinapit. "Mahal kita", bulong niya sa tainga ko. Naramdaman kong nag init ang mukha ko. Ano ba to. "Mahal kita", bulong kong pabalik. "Sorry for treating you that way". "I'm sorry also for being neglectful, bb". I glared at him and I puched his stomach. Pinaalala ulit niya. Nanatiling nakaupo lang ako sa kandungan ni Khian. Ilang beses akong nagtangkang umalis pero palagi niya akong pinipigilan. Pinapatunog ko ang aking mga daliri ng agawin ni Khian ang atensyon ko. "Bb", tawag niya. "Hmmm" "Maaga pa, labas tayo" Panasulyap ako sa braso niyang may pambisig na relo at tinignan ko ang oras. Wala pang alas kwatro. Umiling ako "ayaw, tinatamad ako", sagot ko at dinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya. Bahagya siyang natawa sa sagot ko. "Tinatamad pala ang isang tigress", nanlaki ang mga mata ko sa tawag niya sa akin. Dalawang beses ko nang narining sa kanya. "Anong tawag mo sa akin?", masama ang tingin na tanong ko. Natatawang nakatingin lang si Khian sa akin. At malambing na niyayakap ako. "I love you, kahit tigress ka", bulong niya. Napairap ulit ako sa kawalan at agad akong nag- iwas ng tingin para hindi niya mapansin ang pag-iinit ng mukha ko. I do not need to delve more, because he always showed me the deepest of his soul. He always proudly showed how much he loves me. Khian started kissing the side of my head, down to my cheek to my neck. When I felt that his kisses wants to go down more, I gently pushed him and I stood up from sitting on his lap. Napahalakhak siya sa ginawa ko. Pareho kaming marupok ni Khian sa isa't-isa, kung hindi ako magpigil ay baka kung saan na mapunta ang paglalambingan namin. Sumunod din naman agad siya at natatawang pinisil niya ang ilong ko at humalik siya sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD