Chapter 12 TOHOM
KEIRA
SIMULA ng gabing ipinagdiwang namin ni Khian ang tagumpay ng aking final defense ay di na kami lumalabas. Katwiran niya, ipahinga ko raw ang katawan ko at bumawi ng maraming tulog sa mga gabing puyat na puyat ako, para mas handa akong sumabak sa aking practicum. Tama naman siya total ay sembreak naman.
Kaya ang nangyari sa mga nagdaang araw , dito lang ako sa bahay maghapon. Kain, tulog pagkatapos ko sa mga gawaing bahay. Dumadalaw naman siya dito kapag gabi bago siya uuwi sa tinitirhan niyang apartment. Noong isang gabi nga bago siya umalis, sinabihan niya ako na lalabas kami bago ang araw na aalis ako pa-Manila.
"Huy Kei" boses ni Jamine ang biglang nagpalingon sa akin. Sinabayan niya ng paghampas sa akin ng unan. Nakakaperwisyo to ng pag-nanap, pero kanina pa ako gising. Its already passed 5 PM.
Naguhuluhang tumingin ako sa kanya "anong ginagawa mo dito? Tsaka sino kasama mo?"
"Isa sa Diyosa mong pinsan" may halong pagkasarkasmo ang boses nitong sumagot.
Napalingon ulit ako sa pintuan, bumangon ako at umupo na maayos sa ibabaw ng kama ko. Sumulpot doon si Zareen.
"Sarap buhay ah. Donya porket sembreak". Umikot ang mga matang sabi nito habang naglalakad papasok. Si Zareen sy bunsong kapatid ni Ate Zia at Kuya Zyann. Mas matanda lang ng isang taon sa akin pero di ko tinatawag na ate. Graduating ng kursong Civil Engineering. Maldita din yan.
"Baka puyat na puyat" biglang sabad na naman ni Jamine at naupo sa tabi ko. Si Jamine ay kasing edad ko. Graduating din ng kursong AB Tourism sa ibang school dito lang din sa amin.
"Taray, may pa-couple picture." Pansin niyang tukoy sa picture namin ni Khian na naka-frame sa bedside table ko.It was our picture together the night we celebrated the success of my thesis defense. Nakakahiligan na niyang mag-piktyur kami if we had a chance to be together. Katabi noon ay ang family picture namin. Na may naka-ukit na "Avila Family".
"Stop nosing nga Jamine". Saway ko dahil nag-iikot na naman ang mga mata nito sa buong sulok ng kwarto ko. "Bakit ba kayo nandito" tanong kong humarap sa kanilang dalawa.
Talagang nagturuan pa sila kung sino ang sasagot sa tanong ko.
"Beach getaway tayo" si Zareen.
"Overnight" pagdudgtong ni Jam.
I looked at them frowning. "Sinu-sino mga ibang sasama at tsaka saan?" sunod-sunod kong tanong.
Napansin kong sumiko si Zareen kay Jam. Kaya napa-isip ako baka sila ang may plano na naman nito.Sila lang naman kasi ang magaling sa galaan. Bawat may pagkakaton na long weekend hindi sila mapirmi.
"Plano ni Kuya to kaya si Kuya Zyann at Chamy lang kasama natin. Sa Pannzian Beach tayo"
Pinag-taasan ko sila pareho ng kilay.
"Tayu-tayo lang? Kailan yan?" tanong kong nakapirmi ang tingin sa kanila. Bago ako sinagot ni Zareen.
"Yes, ayaw sumama ang iba. Unless gusto mong mag-alaga ng mga pasaway isama natin sila." natatawang sagot nito. "Bukas sana. Pero aalis tayo after lunch. Then babalik din tayo kinabukasan ng hapon." Sagot niya kaagad, urada-urada ang target day na plano nila.
"Nagsabi na kami kay Mamu Crista kung iyan na naman ang inaalala mo" Sabi ni Jam na may kasamang tapik sa balikat ko. Bigla kasi akong natahimik sa araw sinabi nilang pag-alis.
"Okay. Basta pumayag sila" maikling sagot ko.
Hindi naman sila nagtagal at umalis din sila kaagad.
Kinagabihan, matapos akong maghugas ng mga pinag-kainan namin ay nakinuod din ako ng TV sa sala namin kasama ang mga magulang ko. Bigla ding dumating si Khian, ng tinanong ko kung kumain na ito, sinabi naman niyang tapos na siya. Talagang sadya niya ang pumarito. Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung matutuloy kami sa lakad na sinasabi niya bago ako mag-practicum sa Manila.
"Anong gumugulo sa isip mo" tanong ni Khian sa akin ng samahan niya ako dito sa veranda. Nanonood pa sila Papa at Mama ng paborito nilang PrimeTime bida shows kaya lumabas ako. Di ko naman akalain na sumunod pala ito.
"Huh" kumunot ang noo kong napalingon sa kanya at nagtataka.
"You seemed bothered" sabi niya bago siya umupo sa upuang nasa tabi ko. "Is it because of your OJT" diretsong tanong ni Khian.
Di naman iyon ang iniisip ko. Iniisip ko kung paano ako magpapa-alam sa kanya sa gusto na mga pinsan kong overnight beach gateaway. Tsaka pati siya, wala pa naman siyang binabanggit sa lakad kuno na sabi niya. Imposibleng di niya maalala.
"Bakit ko naman proproblemahin yon?" tanong kong pinag-taasan siya ng kilay.
Binigyan lang ako nito ng maliit na ngiti at nagkibit-balikat. Kinuha niya ang isang kamay ko at marahan niyang pinipisil.
"What is it then? I'm just here to listen bb" , ngumiti ulit siya bago niya kinintalan ng halik ang ulo ko.
Humugot naman ako ng isang malalim na hininga bago ako nagsalita. "Wala naman akong problema, hindi ko lang alam paano ako magpapaalam"
Napatitig na lang siya sa akin saka nagtanong, "paalam para saan? They are not still aware that you will be staying in Manila for two months?". Ang OA nito. Naisip niya yon.
"Ang OA mo ah. Mas nauna pa silang nakaalam kaysa sayo" sabay hampas ko sa kamay niyang nakahawak sa isang kamay ko.
Inayos niyang maigi ang upuan niyang paharap sa akin, "Kung hindi iyon, para sa anong rason kung bakit ka mag-papalam?"
Sinagot ko ang tanong niyang napapikit ang aking mga mata "mag-papaalam sayo, may plano ang mga pinsang kong mag-overnight sa beach, di ba sabi mo lalabas tayo".
Hinihintay ko ang reaksyion niya.
"Bukas hanggang sabado? Kasi sa linggo church at impake ka ng mga gamit mo. Di ba lunes ka luluwas?" sunod sunod na tanong niya.
"Oo, yun ang sinabi nila." sagot sa mahinang tono ko. Baka nga nakalimuta na niya. Di ko na lang sana pinaalala.
"Pinayagan ka naman ba"
"Oo, pinag-paalam ako nila Zareen" sagot ko ulit
"Then go with them. Wala naman palang problema kina Tita"
"Sige" maikli at mahinang sagot ko.
"It's getting late bb matulog ka na, uuwi na rin ako" tayo niyang sabi.
"Mag-iingat ka" tipid kong sagot.
Hinalikan niya ako sa aking noo bago siya bumulong, "Good night. I love you.
"Good night" sagot kong pabalik. Not minding to answer his I love you.
"Susunod ako bukas, after my meeting" inirapan ko siya. Hinayaan ko na lang na umalis din siya. Di ko na nga siya hinatid sa may gate na dati ko namang ginagawa.
Pumasok na ako sa loob ng hindi hinintay na makaalis talaga siya. Nang makapasok ako sa kwarto ko doon ko lang narinig ang ugong ng sasakyan nito palayo. Pumasok ako sa banyo, nagsipilyo at naghalf-bath. Nagpalit ako ng aking pyjamas saka gumapang sa aking kama para matulog na.
*****
Kinabukasan kahit alam kong ngayong araw ang alis namin ng nga pinsan ko hindi pa rin ako gumising ng maaga. Naisip ko wala pa pala akong damit na nakahanda na dadalhin kaya bumangon na ako. Naligo at mag-impake. Kinuha ko sa aking kabinet ang Le pliage travel bag na gagamitin ko at paglagyan ng mga gamit ko. Since overnight lang naman tamang pang-isang araw lang na pampalit ang dala ko. Naglagay pa rin ako ng extra. Just in case. Nilagay ko rin ang extra tsinelas ko.
Nang maisara ko na ang aking bag, kinuha ko ang cellphone to check kong may message si Khian. Nag-good morning lang naman ito, nireplayan ko pa bago ko nilagay sa sling bag ko saka lumabas na ako sa kwarto ko. Binaba ko ang mga gamit ko sa sala at nagtungo sa kusina.
"Alis ka na? Akala ko tulog ka pa" salubong sabi ni Mama na katatapos lang sa paghuhugas.
"Opo. Deretso ako sa bahay nila Zareen, Ma". sagot ko bago ako umupo sa lamesa.
"Kumain ka muna, bago ka aalis. Antayin ka na lang daw nila sa labas ng bahay nila. Sinundo pa ata kasi ni Zyann ang nobya niya" mahabang sabi niya habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. Inilapag naman niya yon sa harapan ko.
"Thank you, Ma" pasalamat ko. Di naman siya nanatili sa kusina at umalis na. Inumpisan ko na ring kumain.
Pagkatapos kong kumain, bumalik pa rin ako sa banyo at nagsipilyo. Pagkatapos saka ko sinuot ang flat sandas ko, kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay. Dumaan lang ako sa tindahan ni Mama at mag-paalam.
"Alis na ako, Ma" sabi ko. Nakatayo ako sa harap ng tindahan niya.
"Mag-iingat kayo" bilin naman nito.
Pagkatapos sa paalaman, lumabas na ako ng bahay at naglakad na akong tinungo ang bahay nila Kuya Zyann.
Pagkarating ko sabay ng pinsan ko nadatnan kong nakatayo sa labas si Zareen at Jam. Nagtatawanan.
"Dito na pala si Bruha" bungad na bati ni Jam. Pasalamat to wala ako sa mood. Binanatan ko na naman sana.
"Wala pa sila?" tanong ko na lang. Habang sumisilip sa bahay ng pinsan ko.
Si Zareen ang sumagot sa akin, "wala pa si Kuya Zyann sinundo si Chamy.
Tumango lang ginawa ko.
Hindi nagtagal ay dumating ang sasakyan ni Kuya Zyann, kasama sa harap niya si Chamy. Girlfriend niyang nursing student na school mate namin.
"Lagay niyo sa trunk mga bag niyo" sabi niya ng makababa siya galing passenger seat. Nanatiling nasa loob si Chamy.
Ako ang nagkusang maglagay ng mga gamit namin sa trunk. Pumasok naman si Kuya Zyaan sa harap, sumunod si Jam, tapos si Zareen ako ang huling pumasok.Sa backseat pinapagitnaan namin ni Jam si Zareen.
"Hello Cham" bati ko kay Chamy at nginitian ko siya. Bago ko ilock ang pinto ng sasakyan.
"Hello Kei, congrats pala" sagot nitong pabalik.
"Thank you" pasalamat ko saka ko binalingan si Kuya Zyann. "Matutulog ako Kuya, pakigising ako kapag malapit na tayo."
"Di pa nga tayo nakaka-alis matutulog ka na?" tanong niyang nagtataka.
"Inaantok pa ako, at tsaka anong oras na?" sagot ko.
"Almost two PM. Kung magugutom kayo may mga pagkain dyan sa side mo Kei. Iyong nakalagay sa plastic bag" sabi pa niya bagi niya pinaandar ang sasakyan niya. Nakita kong mga chichirya yon, may mga in can drinks din. Tatlong oras ang biyahe papuntang Pannzian Beach. Kaya mainam na matulog muna ako.
Hindi ko namalayan kung ilang oras ako nakatulog. Nagising lang ako sa pagyugyog ni Zareen sa balikat ko.
" Kei, gising daw sabi ni Kuya Zyann " yugyog niyang sabi. Tulog din si Jam sa kabila niya.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at tumingin sa labas ng sasakyan "ano?" malumanay na tanong ko.
Si Kuya Zyann ang nagsalita. Nakahawak sa isang kamay niya ang cellphone na parang may kausap habang nagdidrive. Tulog din si Chamy sa tabi nito.
"Malapit na tayo. Where's your phone?" he asked me
"In my bag, bakit?" walang gana kong sagot.
Inabot naman niya sa akin ang cellphone niya "kausapin ka raw".
Inabot kong kinuha ko ang cellphone niya sa kamay niya. Baka si Khian ang nasa linya.
"Hello?" bungad kong sabi
"Tinatawagan kita di ka sumasagot, ang dami ko ding message sayo bb" malumanay na sabi ni Khian sa kabilang linya.
"Nakatulog ako sa biyahe. Sorry" hinging paumanhin na sagot ko.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya "susunod na ako."
"Okay, drive safely" sagot ko.
"Answer me immediately , please" hinging paki-usap niya.
Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ko ang cellphone. Ang dami nga niyang sunod-sunod na messages at calls.
"Balik ko na kay Kuya ang phone niya" sabi kong paalam. Hindi ko na inantay ang sagot niya inabot ko na sa pinsan ko ang phone. Kinuha niya sa akin at nagsalita "malapit na tayo, 30 minutes na lang siguro, gusto niyong stop-over sa CR?."
"Huwag na kuya, deretso mo na" si Zareen, na excited din.
Nakahawak pa rin ako sa cellphone ko na may bagong message si Khian.
From: Khian❤️❤️❤️
On my way na bb. You want something, I can grab to Mini Mart"
To: Khian❤️❤️❤️
Just bring your self, safe and sound. Love you.
From: Khian❤️❤️❤️
On it bb. I love twich as much❤️
Di na ako sumagot at isinilid ko ulit ang cellphone ko sa bag ko.
Bago mag alas singko ng makarating kami sa Pannzian Beach and Mountain Resort.
Dala ang kanya-kanyang mga bay ay pumasok kami sa reception area nila. Kuya Zyann was the one who approached the ceception staff. Narinig ko rin kay Zareen na si Kuya Zyann at Khian ang nagbayad sa cottage na tutuluyan namin.
Pannzian Beach and Mountain Resort is nature at its best, a dynamic blend of sights and experiences from the unpopulated beach, blue waters, to towering mountains, and cold breeze. Picturesque beachfront with streaks of orange light during sunset. Gurgling river over rocks. Bonfire and marshmallows at night. Mulberry fruit for the picking. Pocket areas for meditation. Delicious food for the weary.
Pagkatapos makuha ni Kuya Zyaan ang susi ng cottage kung saan kasya kaming anim, inakay kami ng isang staff.
The outside of the cottage welcomed us with nature view, balcony viewing vast sea. Kuya Zyann open the cottage, there was a welcome tray with lemongrass tea and organic cookies waiting for us in our room. The room was minimalist, the temperature was perfect when we came in. We roamed around, inside was a room with 1 double deck and 2 bunk bed, 2 bathrooms with one shower and small kitchen.
Linibot namin ang buong cottage pagkatapos ay kanya-kanyang latagan sa kama ng mga dalang gamit. Nauna akong umupo sa pangalawa bunk bed. Sumunod si Kuya Zyann sa unahan, si Zareen na umupo sa baba ng double bed.
"Diyan na lang kami ni KJ sa double deck. Dalawahan na lang kayo sa 2 bunk bed" si Zyann na inaayos ang gamit nila ni Chamy.
"Pwede naman kami ni Zareen sa double deck, kayong couples sa dalawang bunk bed" suhestiyon ni Jam. Ngumisi, bigla silang tumingin sa gawi ko ni Kuya Zyann.
"No way, matutulog na lang ako sa lapag" exxagerated kong sabi na nagpatawa sa kanilang apat.
"I will not allowed that too" sagot ni Kuya. Strikto din to sa amin katulad ni Kuya Clive. Mas lalo kong iniripan si Jam.
Alas siyete na maisipan nilang maligo na dahil nakapag-pahinga naman na ng lahat. Unang pumasok sa banyo si Kuya, nagsunod-sunod kaming naligo, ako ang pinakahuli. Nang makalabas na ako ng banyo bihis na bihis na sila at tahimik silang nagkakalikot ng kanya-kanyang cellphone. Nakaharap ako sa may vanity table na magsusuklay pa lang sana ng magpaalam si Kuya Zyann na susunduin daw niya si Khian sa may parking area. Naiwan kaming apat na babae sa loob.
"Kei, ilang buwan mo ng boyfriend si Kuya Khian" tanong bigla ni Zareen, nakaupo sa kama at may nakapatong na unan sa mga hita.
Tumingin ako sa gawi niya bago ako sumagot " going six na, bakit?"
"Wala naman, natanong ko lang. Akalain mo yon di nag-change of heart" sabi niya na ipinagtaka ko.
"Anong di nag-change of heart" tanong kong balik. Wala akong nakuhang sagot dahil pumasok si Kuya Zyann, sa likod nito si Khian.
Wearing his denim pants, white polo and rubber shoes with bagpack, he came from my direction. May bitbit itong isang brown paper bag na galing sa isang sikat na coffee shop.
"Hi" bati niya. Lumapit siya sa akin bago siya humalik sa noo ko. Biglang nanunot sa ilong ko ang pabango niya.
Lumayo siya sandali sa akin para ilapag ang bagpack niya kung saang kama naroon din ang bag kong dala. Bumati din sa mga kasama namin sa loob. Saka siya bumalik sa pwesto ko.
Nang mapansing niyang nakatingin ako sa bitbit niya ay inabot niya sa akin yon at kinuha sa kamay ko ang suklay.
"Para sayo" sabi niya. At tumayo siya papunta sa likuran ko. Siya na ang nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok ko. Binuksan ko naman ang ibinigay niya at nakita kong my favourite drink beverages ang laman noon.
"Thank you" nakangiti kong sabi. Alam na alam ang kahinaan ko.
Malawak na ngumiti sa akin "anything for you, bb"
"Kain tayo bago, tayo magbonfire" sabad bigla ni Zareen. Walang umimik pagkatapos.
Iyon din nag naging desisyon ng lahat. Ang kumain. Lumabas kami sa cottage at tinungo ang restaurant nila. Ang dalwang lalaki ang nag-order kami naman ang humanap ng pwesto.
Hindi nagtagal 2 of their staff placed our food in the table. They ordered hermit crab paella, monggo dish, fish lumpia and pinakbet. With 1 extra cup on the side. It is a Ilocano dishes with some twist. All raw ingredients were amazingly harvested from their own land.
Khian was the one who put food on my plate. Kinuha niya ang plain rice na extra saka siya naglagay ng ulam ko.
" Alam kong may allergy ka sa seafoods, that's why I ordered plain rice" sabi niyang nagsasalin ng monggo sa maliit na mangkok sa tabi ng plato ko.
I mouthed thank you afterwards. We ate silently, pero nakikita kong sinusubuan din ni Kuya Zyann si Chamy. Nagbubulongan din naman sa tabi ko si Jam at Zareen.
After our food, they served as a drink, a wine called Bugnay. Since I never taste any, I opted to. Khian gave me buko juice with mint instead. Their food was amazing, to say the least.
"Loving their good and healthy food" komento ni Zareen na hinihimas pa ang tiyan. Everyone agreed to what she said.
Tumayo kami at naunang kami mga babae na lumabas sa restaurant. Dumiretso kami sa labas kung nasaan ang may bonfire. Sumunod naman si Khian at Kuya Zyann na may hawak na nakaboteng alak. Umupo kaming paikot sa may buhangin, tamang layo lang kung nasaan ang bonfire.
"Mag-iinoman tayo? Gusto ko yan" masayang hayag ni Jam at Zareen.
"Tig-isang botelya lang kayo" sagot ni Kuya Zyann sa kanila. Binuksan niya na rin at isa-isang inabot sa mga babaeng pinsan ko.
Tumingin naman siya kay Chamy at tinanong. Chamy shook her head only. Sa tabi ko, nagbukas din si Khian ng isang bote.
"Don't drink too much bhie" bulong kong nakahilig sa balikat niya.
"I will. No worries bb" sagot niyang humalik sa ulo ko.
"Laro tayo, Truth or Dare" si Zyann yan.
Spin the bottle pa nga.
"Wala ng magpapalit ng pwesto? " tanong niya sa amin. Ang puwesto namin ay pabilog. Si Khian, ako, Cham, Zyann, Zareen at Jam.
Wala namang umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "One simple rule. kung kanino tumapat ang bote, siya ang gagawa kung truth or dare. Ang matapat naman ng kabila ay magbibigay ng dare. Ang di gagawa ng dare mapapahiran ng uling. Kukuha ako doon". pagpapaliwanag niya sabay turo sa may bonfire.
"Game" sabay-sabay naming sagot.
Pinaikot ni Kuya Zyann ang bote at tumapat kay Zareen, ako ang magbibigay ng dare.
Nginisahan ko ito at nagtanong. "Truth or Dare?"
Itinaas niya ang kamao niya sa akin bago sumagot " Umayos ka sa tanong mo. Truth"
Napaayos ako ng upo. Bigla akong lumayo sa pagkakahilig ng ulo ko sa balikt ni Khian. "Game, eto ang tanong sa truth mo. Naka-ilang boyfriend ka na?". Tanong ko sa kanya na nagpalaki ng mata niya. Mga kasama namin napatingin sa kanya.
Bumulong pa ng mura bago sumagot "tatlo", mahinang sagot niya biglang nagpa-react kay Kuya Zyann. "Seryoso ka diyan, tatlo? Si Scott lang nameet namin".
Tinignan ako ni Zareen with nakakamatay na tingin. Tumawa lang ako ng mahina.
Inikot ni Zareen naman ang bote, tumapat kay Khian, si Jam mag-bibigay ng Dare.
"Truth or Dare" si Jam.
"Truth" mabilisang sagot ni Khian.
Natawa si Zareen na bumulong kay Jam. " Pang-ilan din na girlfriend mo si Kei" tanong niya kay Khian na nagpalipat-lipat tingin sa aming dalawa.
Napansin kong ngumisi si Kuya Zyann na kinurot naman ni Chamy.
Khian held my hand and squeezed it, before he turned his face to gave a pressed on my cheek. "First and last sana kung nakalusot dati. Second" sagot niya na tumingin sa gawi ni Kuya Zyann.
Tumaas naman ang kilay ni Kuya "What? Sasabihin mo na namang kontrabida ako sa lovelife mo? Girlfriend mo na nga di ba?" sabay tungga sa hawak niyang bote.
Tinaas pa nito ang middle finger niya. "UNGAS" maikli bulong ni Khian.
Ako lang ata ang walang alam sa sinabi niya, dahil pagtataka ang lumarawan sa mukha ko pero hindi ako nagtanong.
Muli ay pinaikot ni Khian ang bote. Sa akin tumapat iyon at si Chamy ang magtatanong.
"Mag-truth ka please." saad bigla ni Zareen.
Di pa ako tinatanong ni Chamy, nag-truth agad ako.
"Takot sa dare, baka biglang utusan na gawin ang 3 minutes lips to lips kissing." nang-aasar na sabi ni Zareen.
Umikot ang mga mata ko sa kanya saka ako tumingin kay Khian.
"Eto na. First boyfriend mo si Kuya Khian, di ba? Bago mo siya naging boyfriend may manliligaw ka ba, or nagustuhan? Crush mga ganun?" mahabang lintanyang tanong niya. All their attention was on me. Nahiya bigla ako. Mas humigpit naman ang pagkaka-hawak ni Khian sa kamay ko.
Humugot pa ako ng malalim na hininga bago sumagot. "Merong dalawang nanligaw pero hindi ko pinansin. May super crush din ako" napayuko ako sa huling sinabi ko.
Tumawa bigla si Kuya Zyann "Kaya pa bro" sabi niya kay Khian.Tapos humalakhak ulit.
Tawanan ang mga kasama namin. Mas dumikit naman sa akin si Khian at bumulong, "sino? Buhay pa ba yon?" sabay kagat sa balikat ko. Siniko ko siya ng slight dahil sa ginawa niya. Hindi lang niya alam na si JLC pala yon. John Lyod Cruz.
Nagpatuloy lang kami sa paglalaro na hindi namamalayan na gumagabi na pala. Alas onse na ng maisipan naming pumasok sa cottage. Kanya-kanyang evening routine bago gumapang sa ibabaw ng kama. In one bed I was with Zareen, Jam and Chamy on the other bed. Kuya Zyann stayed in 1st bed of the double deck. Dahil ayaw ni Khian ang umakyat, pinagkasiya niya ang sarili niya sa sofa.
He even tucked me in bed, pressed a kiss to my lips and said good night, before he doozed off also himself to sleep.