Chapter 13 TOHOM
KEIRA
NAKAKAPAGTAKANG maaga akong nagising kinabukasan. Bumangon ako saka ako dumiretso sa banyo. Pagkalabas ko ng banyo napansing kong wala na si Khian sa sofa kung saan siya natulog kagabi. Tulog na tulog pa ang mga kasama namin. Lumabas ako at dahang-dahang tinungo ang maliit na kusina ng cottage.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Khian nakaupo doon. Tahimik lang itong sumisimsim sa tasang hawak niya.
"Bakit nandito ka ka-aga?" Tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at ngumiti sa akin. Inilapag ang tasa sa lamesa at naglakad papunta sa kung saan ako nakatayo.
"Good morning, bb" bati niya sa akin.
"Morning, too" ngumiti ako.
"Bakit ang aga mong nagising? Did you have a good sleep?" tanong ni Khian sa akin bago niya ako hapitin sa baywang at iginaya papunta sa lamesa. Pinaghila niya ako ng upuan, saka siya tumalikod sa akin at kumuha ng tasa. Noong pagharap niya, hawak na niya ang tasang may lamang kape.
"Thank you, bhie". Nginitian ko siya. "I slept well. Maaga lang talaga akong nagising ngayon", natatawang sabi ko sa kanya. "Anong iniinom mo?" tanong ko bago ako sumimsim sa kapeng ibinigay niya.
"Plain black tea."
Pinag-patuloy ko lang din ang paghigop sa kape ko.
"After you had your coffee, let's walk outside and watch the sunrise" he told me
"Sige" sagot ko sa kanya.
Matapos kong maubos ang kape ay tumayo na muna ako para magbanyo ulit. I did my early daily routine, I changed also my pyjama's with my white thin blouse and my pink shorts.
Pagbalik ko sa lamesa ay nandoon pa rin si Khian. Nakakunot ang noo na lumingon sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya bago muling umupo.
"Ang nipis ng suot mo", sabi niya sabay tumingin sa akin.
Napalabi ako.
"Wait me here" he said before he stood up and went to the room.
Pagbalik niya sa lamesa, may dala na siyang kulay itim at pulang varsity jacket. Sa likod noon ay may naka-print na "REAL" . Bitbit rin niya ang camera sa kabilang kamay niya.
Lumapit siya sa akin at pinatayo niya ako. Sinunod ko ang sinabi niya. Nang makatayo ako , sinuot niya sa akin ang jacket bago niya ako dinampian ng halik sa labi ko.
"Malamig pa sa labas dahil maaga pa, baka lamigin at sipunin ka. Tanggalin mo na lang mamaya kapag mainit na. Tara na" sabi niya bago hinawakan ang kamay ko at iginaya palabas ng cottage.
Walking the path from our cottage towards the sea, Khian put his one hand on the other side of my shoulder, with my left hand on his waist as we walked slowly to the sea. It communed us with the cool air and the sound of the waves crashing over the shore.
Tahimik at dahan-dahan kaming naglalakad na binabaybay ang pampang ng dagat. Medyo madilim pa talaga sa kalangitan. Nakaakbay pa rin sa balikat ko ang isang kamay ni Khian, habang ang isang kamay ko rin ay nasa baywang niya.
"Are you ready to conquer Manila?" tanong ni Khian sa akin na ang tingin ay nasa madaraanan sa harap namin.
"Physically and mentally, yes. But slightly not emotionally". Sagot ko sa mahinang boses.I told him honestly. It's not my first time in Manila, but this is my first time to be away from my family. From him. Two months, mahaba -habang panahon din yon na mapapalayo ako sa kanila.
"Sobrang mamimiss kita" sabi niya na may lunggot sa kanyang tono.
"Di bale sixty days lang naman. Di natin namamalayan ang oras at araw tapos na." Natatawa kong sagot sa kanya.
Tumigil siya sa pag-lalakad at medyo lumayo siya na humarap sa akin. Medyo nakalayo na rin kami ng konti sa may resort. Ang sarap lang pagmasdan ang buong kapaligiran ng dagat. Tahimik at payapa.
"Sixty days lang? Nilalang mo lang yon, bb? Isang araw nga lang na di kita makita namimimiss na kita, yon pa kaya. Tapos ang layo mo pa? Halos sampung oras din ang biyahe" mahabang reklamo ni Khian sa akin.
Natatawa naman ako sa inasta niya. Inilahad ko ang aking mga kamay, "Come here"
Lumapit sa akin si Khian na nagdabog.
"Ang baby damulag ko", pinanggigilan ko ang mga pisngi nito. "Tatawag ka naman palagi di ba? Makakapag-usap pa rin naman tayo"
"It's not enough, bb" he softly said.
"Di naman ako mag-aabroad. Huwag kang mag-alala, pagbalik ko mahal pa rin kita". Paglalambing kong sabi.
Khian blushed and looked away. Ang cute lang niyang kiligin.
"Haisst.! This is just the start of your real battles, and I will be with you all the way, bb". The feeling of serenity and calmness filled in his voice to what he said.
"I will hold on to that" I told him before I hugged him tight.
Yes, life will be gave us an unending battles. But even if there are problems that come our way, there’s always someone that makes living bearable. Life is too short not to appreciate.
Humalik din siya sa noo ko bago siya nagsalita "nag-uumpisa ng sisikat ang araw. Turn around and will we watch together" .
Dahil sa sinabi ni Khian, kumalas ako sa pagkaka-yakap sa kanya. Humawak naman ito sa mga balikat ko bago niya ako pinihit patalikod sa gawi niya paharap kung nasaan ang araw na nag-uumpisang sumikat.
Tahimik lang kaming dalawang nakatayo sa gitna ng pampang ng dalampasigan. Parang biglang tumigil ang mundo para sa aming dalawa. Nakayakap siya sa likod ko at ang baba nito ay nakapatong sa balikat ko. Humawak naman ang mga kamay ko sa braso niya nakayapos sa akin.
Slowly the orange and the yellow bright ball begin to appear like the color orange. The sun began to rise higher and higher very slowly and the colors became more vibrant. Until the light began to shine brighter and brighter to eliminate the darkness.
"Ang sarap sa pakiramdam ang ganito, you and me plus the sunrise. This opportunity has made us appreciate how wonderful nature is, and taught us to appreciate the little things in life." I slowly told him.
There are a number of battles ahead. But by just watching the vastness of the shore, listening to the soothing waves of the disputed West Philippine Sea, and breathing in the fresh air from the mountains, give me a sense of tranquility and freedom beside him. Such basic and unadorned beauty of life is more than enough to make me smile.
Pinaharap niya ulit ako sa kanya, at marahang titig na titig ang mga mata ni Khian sa akin.
"Tama ka." pagsang-ayon niya. "I hope someday, if you will ever wanted someone who will watch with you every sunrise, I pray that you will find in me until the sunset of your life." His words made my pulse race fast. Sa mga salita niya, pinapahiwatig niyang, hanggang sa kahu-huliang masilayan ko ang pagsikat ng araw. Mananatiling siya lang, walang iba.
Pagkatapos sa mga binitawan niyang mga salita, hinawakan ni Khian ang aking baba at inangat niya ang aking mukha . His eyes never left his contact on mine.
Unti-unti niyang binaba ang mukha niya sa aking labi para bigyan ako ng magaang halik. Noong una akala ko ay dampi lang, hanggang naging unti-unting marahang gumagalaw ang mga labi niya. I smiled against his lips, opened my lips and kissed him back with the same intensity. Kusang kumawit ang mga braso ko sa leeg ni Khian habang tinutugunan ko ang mga halik niya.
Ako ang unang bumitaw sa halikan namin dahil hindi ako makahinga. Inilayo ko kunti ang mukha kong pulang-pula na.
Mas lalong humigpit ang yapos ng mga braso ni Khian sa baywang ko. Binigyan niya pa ako ng halik sa aking ulo bago siya magsalita. "That was first bb. Passionate kissed under the sunrise with you".
"I love you" I shyly told him.
"I love you twice as much" he answered me back while his eyes were all on me, that I couldn't look away.
He gave me one more soft kissed on my forehead, before he let me go "pose there, let the beauty of sunrise be your background" Khian said before he clicked his camera.
I did not posed only once, I made a pose also with different angles with the sun behind. He took also another shoots with the two of us together.
"Tama na. Nakakapagod ngumiti" sabi kong natatawa kay Khian. Sa dami ng mga kuha niya sinong di mangangalay ang panga. Nginisihan lang ako nito sabay abot sa isang kamay ko.
"Let's go, baka gising na mga pinsan mo" at nagpatinaod naman akong naglakad kasabay siya.
Pagbalik namin ni Khian sa cottage, maliwag na maliwag na ang buong paligid. Sa mga nakikita ko mas lalo akong namamangha sa lugar.
The landscape is spectacular and that you will be forever be in awe. From the view of the sea and mountain. It was a feast for tired eyes. Everywhere you looked, you could only see greens and blues. The beach it had a calming effect, what with the sound of the strong waves, and the feel of the coarse sand and cool breeze. Very serene and quiet. Indeed an ideal place to disconnect from all distractions and just enjoy nature at its best.
"Andito pala kayo, ang aga niyo atang naglakad-lakad" sabi ni Kuya Zyaan ng makasalubong namin sila sa may restaurant sa harapan ng dagat.
"We watched the sunrise" sagot naman ni Khian dito. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Bumati din ako sa mga pinsan ko at kay Chamy. May tudyong pagngisi lang ang ganti nila sa akin. Mga demonyo.
"Mag-breakfast na tayo. Pagkatapos maglaro tayo" suhestiyon ni Zareen na sumisimsim ng hot chocolate. Nakaupo na sila sa mesa at may mga pagkaing na ring nakahain.
"What you want to eat, bb?" baling na bulong ni Khian sa akin habang pinaghila niya ako ng upuan sa tabi ni Jam. Dalawang bakanteng upuan ang nasa kabila niya.
"Kung ano ang sayo" ngiti kong sagot pabalik.
Umupo naman ako habang siya ang kumuha ng pagkain.
"Anong oras kayo nagising?" tanong ko sa mga pinsan ko.
Nagkibit-balikat lang si Zareen bago sumagot, "pass 8 na, pero wala kayong nabungaran namin".
Umikot naman ang mga mata ni Jam na ikinatawa ni Chamy. Si Kuya Zyann nakatitig lang sa akin.
"Bakit ganyan mga reaction niyo? Nag-sunrise lang namin kami" napalabing akto ko sa kanila. Kung makatingin akala mo gumawa ka na ng kababalaghan.
Pagbalik ni Khian may hawak na siyang tray na may mga pagkain. Ibinaba niya sa lamesa at umupo. Una niya akong binigyan ng pagkain bago ang para sa kanya. He got white bread, moringa omellete, pancakes with mullberry jam. Hot chocolate also for me and lemongrass tea with taragon leaves for him.
And we ate silently.
"Ano unang lalaruin natin" tanong bigla ni Kuya, pagkatapos ng almusal at dumiretso kami sa may tabing-dagat.
"Chess boards" si Jam na natatawa.
"You're no fun. Nasa buhanginan ka chess board". Banat ni Zareen, minsan tong Jam na to parang palaging nakalutang.
"Football, hiram ka ng bola bro" si Khian ang nagsalita din, talagang inutusan ang pinsan ko.
Sumunod naman si Kuya. Pagbalik niya bola naman ng pang-volleybal ang hawak niya. Tumaas ang kilay ko sa nakita ko.
"Eto lang ang available na bola, may naunang gumamit kaysa sa atin" pagpapaliwanag niya.
"Pwede na, bola pa rin naman yan" si Khian ulit na natatawa.
"Common ladies, let's play. Kung sino matatalo sa kanila nakasasalay ang tanghalian natin". Paghamong sabi ni Kuya Zyann.
"Di kami marunong" sabay na sagot ni Jam at Zareen.
"Kami ang maglalaro, taga-score kayo" Si Kuya Zyann ulit hawak pa rin ang volleyball. Nag-thumbs up naman ang dalawa.
Dahil ayaw ni Zareen at Jam ang sumali. Kami apat ang tumayo. Si Kuya Zyann, si Chamy, Khian at ako.
"You know how to play that" bulong tanong ni Khian.
"Yeah.. piece of cake" mayabang na sagot ko na nagpatawa sa kanya. At hinila niya ako sa tabi niya.
Nagkanya-kanyang pwestuhan kami. Napangiti ako dahil ang seseryoso nila. Kala mo nasa totoong paligsahan.
Si Kuya Zyann ang nagkusang gumuhit ng malaking hugis bilog sa buhangin. Humakbang palayo at gumuhit pa ng isa. Linagyan pa niya ito ng linya sa gitna.
"Eto ang field goal" sabay turo sa ginuhit niya.
"Okay, game na" saad nito .
"We are the Team ZyMy" parang batang sigaw ni Kuya Zyann. Na humawak sa kamay ni Chamy.
Nagkatinginan naman kami ni Khian.
"What are we" tanong ko Khian.
"Team Real" he shouted, with full of conviction. I rolled my eyes only to what he said.
"Walang forever, sakit niyo sa mata tang*na" sabi ni Jam the bitter. Natawa kami ni Zareen sa sinabi niyang yon.
Khian and Kuya Zyann faced each other. They shook their hands and did the toss coin. After just a few seconds Khian shouted.
"Bb bilis, kick the ball" sigaw ni Khian ng malakas.
Umpisa palang parang pinag-pawisan na kami agad. Sa sikat ng araw na rin at sa pagtakbo. Pabalik-balik pa lang ang bola ng umipisa. Silang dalawang lalaki ang nagpapalitan sa pag-kicked ng bola. Hanggang sa tuloy-tuloy na nabantayan nito ang mga kilos ni Khian sa pagsipa. Kuya Zyann kicked it to the field goal.
"ZyMy 1 point, Team Real habol" sigaw ni Jam. Scorer talaga ang datingan.
Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa next round. Pinagpapawisan na kami talaga dahil paulit-ulit lang na nagtatakbuhan ulit. We are laughing dahil nagkakabanggaan kami at animo'y matutumba kami.
The next thing we knew, Khian was able to score a point. Nag-apiran pa kami.
Narinig namin ulit ang boses ni Jam. "1 ZyMy, 1 Team Real. 1-1" pagsigaw niya.
Last round kung sino ang unang maka-goal at makascore siya ang tatanghaling manalo. Para kaming nasa totoong kumpetisyon. Walang gustong magpatalo.
"Babe, ikaw ang taya sa lunch bill natin kapag natalo tayo" sabi ni Chamy kay Kuya Zyann. Ngumiti naman si Kuya Zyann at sinabing "hindi yan. Mahina sila sa ganito" may pagmamayabang sagot niya kay Chammy.
Tuloy ulit ang laro, nauna ulit nakasipa si Kuya Zyann, na naagaw ni Khian. Sinipa ulit ni Kuya Zyann ang bola patungong direkyon ni Chamy na mas malapit sa field goal. Di napansin ni Chamy nakalapit si Khian, nakuha ni Khian ang bola at sinipa patungo sa akin. Sinipa-sipa ko ang bola. Kami ni Kuya Zyaan ang nagpapalit-palit, hanggang ako ang nakadala ng bola sa field goal.
"Team Real for the win" sigaw ni Jam at Zareen na nagsabay.
Napatigil akong napayuko kasi hinihingal ako. Habol habol ko ang bawat hinga ko ng maramdaman kong may humapit sa baywang ko at bigla na lang akong umangat sa buhanginan. Binuhat na pala ako ni Khian.
"We won" natatawa niyang sabi.
He was just laughing his heart content habang buhat-buhat niya ako.
"Put me down, bhie" natatawa ko ring sigaw.
He never listened, akala mo ay nag-eenjoy siya sa pagbuhat sa akin. Umikot pa ng dalawang beses.
"Nahihilo na ako" reklamo pa ring sabi ko, para naman siyang naalarma kaya binaba niya kaagad ako sa buhanginan.
"You okay?" naniniguradong tanong niya sa akin. I just nodded my head before he gave a swift pecked on the lips.
After the football, bumalik kami sa may harapan ng resto. Kumuha din sina Khian ng bottled water.
"Ano next na gagawin natin?" tanong ko kay Zareen.
"Tanong natin sa mga boys kung ano gusto nila" sagot naman niyang hinahawakan ang buhok ni Jam. Si Chamy nagpupunas ng pawis.
"Tignan niyo ang dalawa mukhang tanga" banat ni Jam. Lumingon din kami ng sabay-sabay sa direksiyon ng dalawang lalaki. Napailing na lang ako ng makita kong magka-akbay si Kuya Zyann at Khian, tapos nagsusubuan ng ice cream. Parehong may bitbit na bottled water sa mga kabilang kamay.
Kuya Zyann distributed the bottled water. Binuksan naman ni Khian ang bottled water bago niya inabot sa akin para makainom ako. I mouthed him "thank you" bago ako uminom.
Uupo na sana ako sa tabi ni Chamy at Jam ng hawakan ni Khian ang braso kong walang hawak na bottled water.
"Wait a second, bb" pagkasabi niya yon naramdaman ko na lang na nilalagyan na niya ng towelette sa likod ko. I smiled at him and said "love you", he smiled back and kissed my head.
Ang plano nilang mamitas sana ng mulberries sa mulberry marm ng resort ay di natuloy. Most of us doesn't want to walk for a 30 minutes nature walk, because its a muddy walk up to see the farm.
We ended up in a beach to swim. The waves and current was strong but it did not stop us to take a dip and to enjoyed the sun. The beauty of the beach is the river that runs through it. We always experienced swimming in a warm salt water but this beach was heaven. Just a few steps down the shore you could dip in fresh, cold vibrant spring water. The black and white river rocks are beautiful, making this place unique.
"Kei, pagitna ka. Bakit nadyan ka lang?" boses ni Chamy na nagtatanong. Ako lang kasi mag-isa dito sa may pampang. Si Zareen at Jam kasama ni Chamy. Si Kuya Zyann at Khian naghahabolan sa paglangoy.
"Ayaw ko baka malunod ako" natatawang sabi ko. Dahil totoo. Di ako marunong lumangoy. Di ako katulad nila Zareen na marunong.
"Jam and Ate Zareen can accompany you, lika na" aya ulit ni Chamy.
Ilang beses akong inaya ni Chamy at Jame pero di ko pa rin sila pinaunlakan. Matamaan ko lang silang pinapanood ng lumalangoy.
"Di ka maliligo, bb?" tanong ni Khian.
"Ayos lang ako dito, natatawang sabi ko. Nakasuot nga ako ng short sleeve rash guard swimsuit with shorts pero dito lang ako sa pampang.
Kumuha naman si Khian ng chips at tumabi sa akin.
"Alam ko, mas okay sa akin dito kapag nasa tabi mo" ngumiti ako ng tipid at umiling.
Hindi nagtagal na naligo ay umahon din sila. Late na kasi ang oras para maglunch. Dahil uwian na rin pagkatapos.
We had our delicious lunch in the middle of the garden. We tried to tasted their Ilocos bread sandwich with crispy Vigan longanisa, cucumber and kale with tamarind dressing, and their signature pancit sisig with banana blossom.
Sakay na kami ni Khian sa sasakyan niya pauwi. Hindi pumayag na isa kina Zareen at Jam ang sumama sa amin. Katwiran nila moment daw namin ni Khian na sulitin dahil dalawang buwan kaming hindi magkikita.
Habang nasa biyahe kami kami, hawak hawak ni Khian ang kamay ko na para bang may mag-aagaw sa akin mula sa kanya. Mula kasi nang umalis kami sa Pannzian Beach ay hindi na nito binitawan ang kamay ko. Another three hours drive again going back home.
"Aren't you hungry bhie?" tanong ko sa kanyan. Halos dalawang oras na kami sa biyahe. Tumitigil lang kami kapag gagamit ng comfort room.
"Busog pa ako, bb" sagot niya.
"Sige, but please, magsabi ka kong nagugutom ka, huh? May isang oras pa ang biyahe natin" saad ko.
"Opo" sagot niya. At nakafocused lang ang mga mata sa daan.
Ang isang oras ay hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong pinapaulanan ako ni Khian ng halik sa buong mukha ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa tapat na kami ng aming gate sa labas ng bahay.
"Dito na tayo" mahinang sabi niya, pero patuloy pa rin siyang humahalik-halik. Naglalambing pa ito sabi ng isip ko.
"Uuwi ka na? Di ka na ba bababa?" nagsunod-sunod na tanong ko kay Khian. Di na kasi kami magkikita bukas. Dahil next day biyahe na ako papuntang Manila.
"Hindi na siguro bb, para makapag-pahinga ka na rin" sagot niya na nakatitig sa akin.
"Okay, mag-iingat ka pag-uwi mo. Drive safely" mahabang saad ko bago ako yumakap at humalik sa noo niya.
"I'll see you in two months. I love you" madamdaming pahayag ni Khian bago niya ako hinalikan sa noo ko, pababa sa tungki ng ilong ko hanggang marating niya ang mga labi ko.
"I love you"
It wasn't long after I uttered those words when I felt his lips on mine. I kissed him back. At first it was a light soft kiss. Khian stop kissing me for a few second and he blew a deep breath. He bent his head to claim my lips once again. And it was the opposite of the first time. He suddenly became needy.
We were both catching our breaths. As I looked into his eyes, I saw longing that in a snap he will cry. He gently rested his forehead against mine "I am going to miss you so much, bb" he whispered as he hugged me tight.