Chapter 11 CELEBRATE

2606 Words
Chapter 11 TOHOM KEIRA "CONGRATULATIONS Ms. Avila" sunod-sunod na rinig kong pagbati sa akin ng mga naging Committee/Panels sa katatapos lang na thesis final defense. Nginitian ko sila isa-isa at pinasalamatan. Dahil kung wala naman sila na naging guide ko, hindi rin magiging matagumpay ito. Makaka-hinga na rin ako nang maluwang dahil tapos na ang pagsusunog ko ng kilay. Finally, after almost five months, thesis defensed done. Iba ang sayang hatid nito sa akin. Hindi lang dahil magiging maluwag ako sa oras, kundi nakikita ko ng mas malapit na ako sa mga pangarap ko. All the restless days, sleepless nights are well paid off. Stressful experienced but also a rewarding one. One down, one more to go. "Congrats Kei" biglang sulpot na pagbati ni Maddie sa likuran ko. "Thank you, congrats din" balik kong sabi. Kami ang 2nd batch na nagdefend. Sa mga susunod na araw pa si Pristine. "Tapos na sa thesis, OJT naman" nakabusangot na sabi nito sabay bagsak ang katawan para maupo. Nandito pa rin kami sa AVR kung saan ginanap ang defense. "Ok lang yan, at least yon na lang naman na ga-graduate na tayo" sabi ko habang dinadampot ko isa-isa ang mga papel na humiwalay sa folder ng manuscript ko. "Sabagay, any plan after this?" tanong niya. "Ano pa ba? Di uuwi na" natatawang sagot ko naman na ikina-irap niya. I-eedit ko din pa kasi ang mga may errors, at idadagdag ang mga suggestions ng panel para mas gumanda ang kalabasan ng research ko. Hindi na ako nagtagal sa AVR. Pagkatapos kong makuha lahat ng gamit ko ay umalis na ako. Habang naglalakad ako sa may hallway ng CAS building, kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko. I wanted to messaged Khian and told him the good news. Di ako makapag-hintay na hindi siya imessage. Khian was one who made a huge part also to my thesis research. Kahit naging sobrang busy siya sa nagdaang buwan na halos wala na rin siyang oras sa akin, sinisigurado niya palagi kung kumain na ako at palagi niyang pinapaalala sa akin na kailangan ko pa rin ng sapat na tulog. At noong nalaman niya na itong buwan na to ang defense ko bumawi siya sa akin ng todo. Nandiyan siya palagi na driver ko kapag kanakailangan kong magpa-print ng soft copies. Nandiyan siya palagi na sinasamahan ako tuwing may checking schedules sa adviser at critic ko. And two days before my final defense, kahit pagod din siya galing sa trabaho niya dumaan siya talaga sa bahay. Siya ang nag-pulidong tumapos sa slide presentation ko. Wala akong ibang ginawa noong gabi na yon kundi mag-pahinga lang sa tabi niya. Alam niyang ngayong araw na to ang final defense ko dahil siya ang sumundo sa akin kaninang umaga. He even told me, "You have worked so hard on your thesis and I know you will do an amazing job defending it. All the best bb." To: KJ❤️❤️❤️ I made it bhie. ? After I typed my message, I sent to him right away. Nag-patuloy ako sa pag-lalakad palabas ng campus. Nang halos marating ko na ang exit gate, I received his reply. Not only one message, but two in a row. From: KJ❤️❤️❤️ I know you will do well. Congras bb ? From: KJ❤️❤️❤️ Let's celebrate later, after my work. Be ready. I love you. I stopped walking and smiled to his message. Sweet ni air supply. Nag-reply pa rin ako sa huling mensahe niya. To: KJ❤️❤️❤️ Thank you bhie. I love you.❤️ Matapos ang huling reply ko sa kanya binalik ko na ulit ang phone ko sa bag ko. Nag-abang ako ng trycicle pauwi sa bahay. ***** Katahimikan ang sumalubong sa akin sa buong kabahayan pagka-bukas ko ng aming pintuan. Ganito naman palagi kapag lunes hanggang biyernes. Kadalasan ako lang ang nandito. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa may sofa. Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Umupo ako sa aking kama at nag-iisip ng gagawin. Isasantabi ko muna ang pag-eedit. Minsan nakakabagot kapag ganito, iba din pala ang advantage kung magala kang tao. May choice kang magliwaliw kung may extra kang oras kaysa maging taong bahay ka. Dahil wala akong ibang gagawin, lumabas ako ulit ng kwarto ko at tinungo ang sala. Manonood sana ako ng noontime show pampalipas oras nang maisipan kong puntahan si Mama sa maliit niyang tindahan. Nakabukas ang pintuan ng tindahan niya pero wala akong makitang tao na nagbabantay sa loob. Saan kaya naki-marites yon bulong tanong ng isip ko. Minsan kasi kapag ganitong oras nakiki-chika yon sa kapit-bahay, o kaya kapit-bahay ang dadayo para makitsismis. "Dumating ka na pala Kei" sabi ni Mama na bigla sumulpot sa gilid ko. Hindi ko siya tinignan, "kanina pa Ma, saan ka galing?" tanong ko. "Diyan sa kabila, kumusta ang defense?" "I passed" proud na sagot ko. "Passed o failed" ang tono ng boses niya parang ayaw maniwala. "Luh. Wala kang tiwala na papasa ako sa defense" pag-mamayabang ko ding sagot sa kanya. "Di Practicum na lang, marami pang pera" gusto ko sanang ikotan ng mata pero wag na lang. Nambubuga to ng apoy eh. "Yaps Ma, after sem break. Manila ako nun 2 months" sabi kong kumukuha ng monde lemon square na cupcake sa tindahan niya. Pumasok naman siya sa loob at umupo sa rocking chair niya. Binuksan niya muna ang electric fan saka siya nagsalita " may ilalaan ba ang University na boarding house niyo doon?" kapag-kuwan ay tanong niya. Binuksan ko ang cupcake na hawak ko saka ko siya sinagot "meron, pero bed space lang ata, pero kung may kamag-anak ka na matutuluyan doon okay lang naman. Basta malapit sa Center kung saan ka maa-assign" Simpleng "Okay" lang ang naging katugon sa paliwanag kong iyon. Tipid na tipid sumagot, pero kung papagalitan ka daig pa ang isang buong bond paper na essay ang sasabihin sayo. Napailing ako. Hindi na ako ngsalita pa. Nang maisip ko ang pag-aya ni Khian kanina sa text ay naisipan kong pagkakataon ko nang mag-paalam. "Ma, labas pala kami ni Khian mamaya" mahinang sabi ko. Binalingan niya ako bago siya sumagot " saan daw kayo pupunta" See? Mag-paalam ka na lang kasi Kei, incomplete details pa. Alam mo naman ang nanay mo dapat complete information palagi. "Wala man siyang sinabi" sagot ko "Kung susunduin ka niya pagkatapos ng trabaho niya, alas nuebe dapat maihatid ka na niya dito sa bahay" curfew always, what's new. "Okay po" bago ko linisan ang tindahan niya para makaligo na ako. Walang akong sinayang na sandali, diretso akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang aking tuwalya. Lumabas para maligo sa banyo. After 20 minutes, natapos ko ang aking pagligo. Napili kong suotin ang fushcia pink na above the knee na dress at tinenorhan ko ng flat dollshoes na kulay itim. Sinuklay ko ang aking buhok at hinayaang nakalugay lang. Nagwisik dun ako konti ng pabago. Sinuot ang aking relo bago humarap sa salamin. Nang masipat ko ang ayos ko na okay na ay kinuha ko lang ang cellphone ko saka ako lumabas ng kwarto. Di baleng ako na lang ang mag-aantay sa kanya. Hindi nga nagtagal na nakaupo ako ay pumasok si Khian. May hawak itong kulay puti na square box sa kanyang kanang-kamay. Tumayo din ako para salubungin siya. Nang makalapit ako sa kanya ay bigla niya akong hinapit sa baywang ko at yumakap siya. Yumakap din ako pabalik. "Congrats. So proud of you bb" mahinang pagkakasabi niya sa akin pagkuwan ay naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Mas humigpit naman ang yakap ko bago ako nagsalita " Thank you. Some credits are due to you also. Thank you so much, bhie" tugon ko ding pasasalamat. Humiwalay ako sa kanya ng sinabi niya ilagay ko sa fridge ang dala niyang nakabox. Sinunod ko ang sinabi niya. Pagbalik ko sa sala ay titig na titig siya sa akin. Parang ine-examine ang buong kabuuan ko. "Inlove ka na naman diyan Real" natatawang tudyo ko. Ngumisi siya bago nag-iwas ng tingin, pero bigla ding bumalik ang pagkatitig sa akin. "Nakakapanibago ka ngayon. Mas lalo kang gumanda sa paningin ko" pakiramdam ko pulang-pula na ang buong pagmumukha ko dahil sa kanya sinabi. "Tssskkk" sabay lapit ko sa kanya at sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. "Uuuyy si Real, inlababo" tudyo ko ulit pero ang totoo hiyang-hiya ako. "Dapat lang na bumagay ako sa kagwapuhan mo" segway kong sabi. He's still handsome kahit normal lang naman na longsleeve shirt na nakatupi hanggang siko niya. With his black slacks and brown leather shoes. "Baka isipin ng mga nakakakita sa atin nakababatang kapatid mo lang ako" patuloy kong sabi saka ko siya inirapan. Tawang-tawa naman ito sa mga sinabi ko. "You are the most beautiful Panda in the whole wide world" banat niyang sabi bago siya humalakhak palabas ng bahay. Air supply na to. Sumunod agad ako sa kanya palabas. Dumaan kami sa tindahan ni Mama at nag-paalam. Pagkalapit namin sa sasakyan niya ay pinag-buksan niya agad ako ng pintuan. Hinawakan pa niya ang ulo ko pagkapasok ko. Nang maisara niya pinto ay agad din siyang lumiko papunta sa may driver seat. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt kon Habang binabagtas namin ang daan kung saan niya balak mag-celebrate ay may tanong akong naisip para sa kanya. "Bhie, may tanong pala ako. Nakakalimutan ko kasi palagi." Tumingin siya sa gawi ko bago nagsalita at balik na nakatutok ang mga mata sa daan "fire away". "Bakit hindi na ang motor mo ang ginagamit natin?" Bigla siyang natawa sa tanong ko. "Di ka kaya magsisisi kapag nalaman mo ang rason? " balik-tanong niya na may nakakalokong ngiti. "Then tell me the reason why" biglang seryoso ko sabi. "Ipinalit ko kay Tatay ang motor ko dito sa kotse niya, kasi nga po, muntik ka nang malaglag noong bumi-byahe tayo dahil inaantok ka" dahil sa binigay niyang dahilan , napaface-palm ako. Biglang rumehistro sa utak ko kung kailan yon. Iyon ang time na dinala niya ako sa NOAH. Nandoon pa tin sa mukha niya ang ekspresyon niya kanina. "Nakakainis ka talagang air supply ka" parang batang turan ko. "What? Nagtanong ka, sinagot lang kita" talagang tuwang-tuwa siya. Di na ako nagsalita, baka mainis na naman ako sa kanya. Napansing kong tumigil na siya sa pag-mamaneho, senyales na nakarating na pala kami. Bumaba siya at pinag-buksan niya ako ng pinto Inalalayang makababa at magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob. It's not a kind of extravagant restaurant but its fine. Dahil ilang beses naman na din kami nagawi dito ng pamilya ko. Masasarap ang mga pagkaing inihahain nila dito. We are in Panganan. Panganan is a great place to satisfy your cravings for Filipino and Ilocano cuisine. With a wide selection of dishes from their menu. Sikat sila sa mga seafoods at sa tinatawag nilang "Kamayan" but its literally boodle fight. Humanap si Khian ng pang-dalawang mesa. Pinaghila niya ako ng upuan saka siya nagpaalam na siya na ang mag-oorder. He ordered for us a KATSU . Katsu is a Japanese dish consisting of a piece of meat, usually chicken or pork, covered in bread crumbs. It is known as one of the most authentic dishes of the world, which consists of deep-fried pork cutlet or chicken cutlet served with some shredded raw cabbage and special sauce. Nag-order din siya cheesy baked bangus , it is a Filipino dish of pan seared milkfish topped with tomato, onion, special sauce and cheese mixture. One of his favourite. Tahimik lang kaming kumain hanggang matapos kami. Minsan sinusubuan niya ako na malugod ding tinatanggap ng bunganga ko. He hates chatting while eating. He always told me, proper etiquette in table manner. Nang matapos kaming kumain ay inaya niya akong pumunta sa likod ng restaurant. Sabi niya may videoke na pwede kang kumanta doon. Walang pag-alinlangan ding akong sumama. Tama nga ang sinabi niya, may mga nakaupo sa kani-kanilang lamesa. Pagdating namin may kumakanta. Pinaghila niya ulit ako ng monoblock chair saka ako umupo. "Hiramin ko lang songbook nila" paalam niyang sabi. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi naman nagtagal bumalik siya sa pwesto kung saan ako nakaupo. Tumabi siya sa akin at seryosong naghahanap ng kanyang kakantahin ng magsalita ako. "Di kaya uulan kapag kumanta ka na?" Umangat bigla ang ulo niya at tumingin sa akin. "Don't underestimate a Real bb, baka mapahiya ka" mayabang niya sagot. "Malalaman ah" patutyadang sagot ko. Nang makapili siya ng kanta ay tumayo siya at lumapit sa videoke. Nagpindot siya sa mga numero. Saka siya bumalik. Pagbalik niya hawak na niya ang mikropono. Inayos pa niya ang wire noon. Tumayo siya sa medyo malayo kunti sa akin. Sinulyapan niya muna ako ng mag-umpisang mag-play ang kakantahin niya. "Para sayo" sabay kindat niya at nag-finger heart pa . Your Love by: Alamid You're the one that never lets me sleep To my mind, down to my soul, you touch my lips You're the one that I can't wait to see With you here by my side, I'm in ecstasy I am all alone without you My days are dark without a glimpse of you Now that you came into my life, I feel complete The flowers bloom, my morning shines, and I can see Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa pagsilay habang tinititigan ko si Khian na kumakanta. Paghanga. Yon ang tamag maglalarawan sa nararamdaman ko ngayon, dahil totoo naman, hindi ko akalaing magaling pala siyang kumanta. He's not a singer, pero sa umpisa pa lang ng kanta he's hitting already the right notes. I pressed my lips together to restrained myself from giggling when he reached to sing the chorous. He attentively looking straight to my eyes with so much love. Habang ako ay pakiramdam ko parang mas lalong nahulog ang puso ko. Your love is like the sun that lights up my whole world I feel the warmth inside Your love is like the river that flows down through my veins I feel the chill inside After the chorous part, he stand closer beside me. Para bang sinasabi niya na sa lyrics ng kanta that in any obstacles and struggles, parehong kami ang bubuo sa pagkatao ng isa't-isa. Every time I hear our music play Reminds me of the things we've been through In my mind, I can't believe it's true But in my heart, the reality is you I am all alone without you My days are dark without a glimpse of you But now that you came into my life, I feel complete The flowers bloom, my morning shines, and I can see Your love is like the sun that lights up my whole world I feel the warmth inside Your love is like the river that flows down through my veins I feel the chill inside Your love is like the sun that lights up my whole world I feel the warmth inside Your love is like the river that flows down through my veins I feel the chill inside Hindi na niya tinapos ang kanta. Binaba na niya ang hawak niyang mikropono at tumayo ng tuwid sa harapan ko. He slowly leaned his head to gave me three soft kisses to my forehead, and he silently whispered "One step closer to your dreams, someday, I'm going to marry you bb" finality and sincerity was evident on his voice. Napaawang ang mga labi ko at bigla akong nanigas sa kanyang mga salita. Shuta, yong kilig ko hanggang sa fallopian tube ko. Hindi agad ako nakareact na magsalita dahil sa mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD