Chapter 24 TOHOM
KEIRA
KINABUKASAN maaga kaming nagcheck out at gumayak ni Khian pabalik ng Ilocos. Dumaan lang kami sa bahay nila at doon kami nananghalian dahil yon ang hiling ng nanay niya. As usual parang fiesta ulit ang buong kabahayan. Minsan-minsan lang daw kami magawi doon na magkasama kaya talagang pinaghahandaan nila. Kumpleto pa ang buong pamilya niya. Nag-request pa sa amin ang mga magulang niya na magpalipas kami ng kahit isang gabi doon pero hindi kami pumayag ni Khian pareho, dahil may mga trabaho kami. Kahit gusto namin silang pagbigyan. We cannot just make an absent without prior notice to our management. Sinabi na lang ni Khian na susunod na buwan sila naman ang magagawi sa amin para makapasyal din sila ng Ilocos.
Gabi na rin ng makarating kami sa bahay. Pagkahatid sa akin ni Khian at nakapag-pasalamat siya sa mga magulang ko ay umuwi na din agad siya. Dahil kung pagod ako si biyahe ay higit siya lalo, dahil ilang oras kami sa daan na siya lang ang nagmaneho. He never let me drive his car, kahit sinabi kong salitan kami para makapagpahinga din siya. Bagkus binigyan niya ako ng pamatay na banat niya, "Ayaw kong napapagod ang Reyna ko" na siyang mas ikinasiya nga puso ko. Khian and his words really, that always melted my heart.
Sa mga sumunod na araw dahil balik trabaho kami pareho ni Khian nag-back to normal din ang routine namin. Mas marami siyang tambak na trabahong dinatnan kaysa sa akin kaya instead na ihahatid niya ako sa hapon ay pinagsabihan ko siyang wag na. Uwi na lang siya diretso pagkatapos ng trabaho niya para makapag-pahinga siya ng mas maraming oras. Ayaw niya noong una at pumalag siya pero wala siyang nagawa ng sinabi kong tatanggapin ko ang alok ni Papa na bibilhan nila ako ng service kong motorcycle.
"Keira, tapos ka na sa mga papers?", tanong ni Shirley na nakaupo sa working space niya.
Napa-angat ako ng ulo ko at tumingin sa pwesto niya saka ko siya sinagot.
"Oo, ikaw naman ang final touch nito. I-print ko lang", sagot kong balik. For accreditation kasi ang company kaya dito ako naging abala sa mga nakalipas na araw. Kami ni Shirley bilang Admin ang mas na naging busy dahil sa mga preparasyon sa mga papeles na kakailanganin.
We worked together on the quality management system documents that report the internal processes, procedures and standards of the company.
"Paki-iwan na lang dito sa mesa ko, Kei. Aayusin ko na lang ng bongga sa Monday.", bilin niya.
"Sige".
"Di pa ba kayo uuwi? Sa Lunes na mga iyan uy, masyado niyong dinidibdib", si Jen yan na ready na namang uuwi.
Di sana all na lang petiks minsan. Sabay-sabay nga silang nagsipag-tayuan. Tinapos ko lang din lahat ng pini-print ko at inayos na nilagay sa sliding folder bago ko inilapag sa mesa ni Shirley saka din ako sumunod sa kanila para makapag-out na.
Nang makalabas ako sa opisina ay dumiretso ako sa Mercury drug store para bumili ng gamot para sa lagnat. Natawagan ko na rin kanina si Mama na di ako didiretsong uuwi pagkatapos ng trabaho dahil pupuntahan ko si Khian sa apartment niya. Di siya pumasok at hindi niya ako nadaanan kaninang umaga dahil nag-message itong may sakit siya. Nag-aalala din ako simula kaninang hapon dahil wala akong narinig na ako kahit ano galing sa kanya kung kumusta siya. Though I told him to eat his food on time and drink his medicines.
Pagkatapos ko sa drug store ang nag-abang ako ng tricycle papunta sa apartment niya. Minuto lang ang lumipas nasa harapan na ako ng pinakamain gate ng mga nangungupahan.
I fished out from my bag my own key to his apartment. Binigyan niya ako dati ng duplicate key niya para anytime na gusto kong pumunta dito di ko na kailangan pang kumatok. Never ko pa namang ginawa yon. This is the first time na ako mismo ang magagawi dito without his knowledge and without him knowing.
I inserted the key on the door knob and unlocked it. Slowly I opened the door at nakakabinging katahimikan sa loob ang sumalubong sa akin. I placed my bag on his small table on the sala and went straight to his room. Bukas ang pintuan ng kwarto niya at nakita kong payapa siyang natutulog sa ibabaw ng kama niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kinahihigaan niya at mahina ko siyang niyugyog sa braso niya.
"B-bhie", may pag-aalalang tawag ko.
Tatlong beses ko siyang tinawag na may kasamang pagtapik sa braso niya.
"Hmmm", mahinang ungol niya.
Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at parang di makapaniwala kung totoo akong nasa harapan niya o baka nananaginip lang siya.
"Kumain ka ba at uminom ng gamot mo?" , mahinahong tanong ko.
Umiling ito at isinara niya ulit ang mga mata. Nanghihina ang itsura niya. Idinampi ko ang palad ko at sinalat ang noo at leeg niya. Napabuntong hininga ako dahil ang init niya. Mas lalo akong nilukob ng pag-alala.
Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa fridge niya para tignan kung may makakain siya. Alam kong hindi nawawalan ng laman ang fridge niya dahil katulad ko siya na mas prefer ang lutong bahay kaysa sa mga pagkain na galing fast food. Dahil wala akong makitang left-over pinagpasyahan ko siyang lutuan ng vegetables soup. Para kahit papaano magkalaman ang tiyan niya bago ko siya painumin ng gamot.
I prepared, washed and chopped the vegetables before put them together in a small pot. I also put salt and five peppercorn mix to add taste on the soup. I increased the heat and high the soup to boil. Once I'm done placing in the stove to cook, I called my mother to ask permission to stay in Khian's apartment for tonight.
"Sige. Sabihan ko lang Papa mo at dadalhan ka diyan ng magagamit mo ngayong gabi. Magpapadala din ako ng pagkain niyo pang-dinner para hindi ka na magluto", mahabang payahag ni Mama sa kabilang linya.
"Thanks, Ma. You're the best" , i told her as I cut the line.
25 minutes later from simmer, the vegetables became tender. I off the stove and transfered the soup in a bowl. I placed it in a small tray and took dessert spoon. I filled the glass also with water. I took the medicine I bought from the drugstore before I went back to Khian's room.
Nilapag ko ang tray sa may bedside table bago ko siya ginising ulit.
"I cooked soup for you, can you seat and have it?"
Pilit ang ngiti ang isinagot niya sa akin, kaya naman inalalayan ko siyang bumangon.
"Bakit nandito ka? Mahahawaan ka" , mahinang sambit niya. Pati rin sa boses niya halatang may iniinda siya.
Gusto ko siya irapan, pero di ko na lang binigyang pansin ang sinabi niya.
"Nag-alala ako. Hindi ka kasi sumasagot sa mga text messages at tawag ko", sabi ko habang umayos din ako ng upo sa harapan niya saka ko kinuha ang mangkok na may soup.
"I'm sorry, bb. I feel asleep"
"I'm okay now. At least I know you get rest"
Nakatitig siya sa akin saka siyang nag-iwas ng tingin.
"Just a fever"
"Kahit na. Nag-alala pa rin ako."
Kahit pagod din akong maghapon sa opisina, hindi ko ininda dahil sobrang nag-alala din ako talaga. Masiguro ko munang okay siya, bago ang pagod ko.
"Okay lang ako, bb. Umuwi ka na rin para makapag-pahinga ka", pilit niyang sabi sa mahinang boses, na hindi makatingin sa akin. Ang hina na nga ng itsura niya may lakas pa siyang itaboy ako.
"Dito muna ako, I want to take care of you."
Sinulyapan niya lang ako, parang di makapaniwala sa sinabi ko.
"Kaya ko naman na"
Umikot ang mata ko sa pilit niyang sinasabing maayos lang siya. But seeing him he's so weak.
"No, let me take care of you, even just for tonight. Kapag okay ka na bukas, uuwi din ako. And dont argue with me", matatag kong sabi. Napabuntong hininga lang ito.
Kalaunan, natahimik si Khian. Nag-iisip siguro siya kung tama ba ang naririnig niya sa akin o baka nagbibiro lang ako.
Hindi na siya nagsalita at nakipagtalo. Nagsimula na akong subuan siya.
"Ubusin mo lahat to ng makainom ka ng gamot mo"
"Opo Nurse", sabi niyang sumaludo pa.
Ayos din talaga to, nakukuha pa niyang mag-paimpressed.
Nang maubos niya ang niluto kong soup, binalik ko ang mangkok sa tray at sinunod ko ang gamot at tubig na binigay sa kanya. Agad niya ininom bago niya binalik ang baso akin.
"Thank you, bb", sabi niya saka niya ako hinila. Sumubsob siya sa leeg ko. Pinaulanan niya agad iyon ng maliliit na halik na siyang nagpatawa sa akin dahil sa nakikiliting nararamdaman ko.
"Akala ko ba mahahawaan mo ako?" tanong kong sabi at tumaas ang kilay ko.
"Hindi ko mapigilan"
"Sabihin mo, umaandar na naman pagiging clingy mo"
"What to do, I missed you everyday"
"Style mo Real, kaninang umaga lang na di mo ako nakita."
"Pero parang magaling na ako, ngayong nakita na kita, nasa tabi ko pa", banat niyang sabi. Napangiti ako pero nagkunwari akong di ko nagustuhan ang sinabi niya kaya tinampal ko ang isang braso niya.
Inayos ko ang mga unan at nilagay ko sa likod niya para makasandal siya ng maayos. Ako naman ay nakaupo sa gilid niya habang nag-sscroll ako sa sss news feed ko.
Nagkukuwentuhan kami tungkol sa nangyari sa araw ko sa opisina ng tumawag si Papa at sinabi niyang nasa labas siya ng main gate. Nagpaalam ako kay Khian at sinabi kong kukunin ko ang mga dala ni Papa.
Hindi nagtagal ng makabalik ako sa loob dala ang mga gamit ko ay pinagpahinga ko ulit ito. Masunurin naman siyang sumunod sa sinabi ko. Nakaupo lang ako sa tabi niyang nakahiga habang ang isang kamay niya ay nakapalibot sa bandang tiyan ko.
Nang pumatak ulit ang oras para sa pag-inom niya ng gamot ay ginising ko ito at pinakain. Pinapalitan ko rin ang suot nito t-shirt para mas presko siya.
I had my dinner alone in his kitchen table. Matapos akong kumain, hinugasan ko lahat ng hugasin at lininis ang buong kusina niya. Saka din ako bumalik sa kwarto niya para magpahinga na rin.
I set my phone on alarm mode para sa time gap ng pag-inom ng gamot niya. I laid my back beside him and he automatically scooted to sniff on my side. I gently brushed his hair until I felt that he dozed to sleep again. I looked at him and smiled before I kissed him in his head.
Nagising ako kinabukasan na nakaunan na ako sa dibdib ni Khian, habang ang isang braso niya ay nakapalibot sa aking katawan. Tanging paghinga lang namin ang naririnig sa buong kwarto nito. Hindi ko pinahalata na mulat na ang mga mata ko, dahil ninanamnam kong pinapakinggan ang t***k ng puso nito. Tilang naging musika sa aking pandinig. Na hindi lang tumitibok para sa sarili niya kundi para sa akin din.
Nang hindi ako makatiis iniyakap ko din ang isang braso ko the same what he did on me. I entertwined my one leg on him and I accidentally touched his buddy. I heard him groaned that made me chuckle.
"Good morning, bhie", I greeted him, not looking on his face.
"You're such a tease, palagi mo na lang pinapasakit ang puson ko", sabi niya habang hinahalik-halikan niya ang ulo ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit ka kasi nagpipigil" sambit ko na may halong biro saka ako mas dumiin sa katawan niya.
"Antayin mong maging Mrs. Real ka, buong isang linggo kang hindi makakalakad", pagbabantang sabi niya. Napairap ako. Khian is a man of control, pwede na siyang bigyan ng gantimpala sa pagtitimpi. Masyado talagang mataas ang respeto niya sa akin na hindi siya nagtatake-advantage kahit ilang beses na kaming magkatabing matulog sa iisang kama at kwarto.
"Oh.! Pwede namang trial natin ngayon", hamon kong may kasama tawa. But of course, I will not do that "thing" outside marriage. Kahit sabihin pang nasa 20th century na, na hindi na uso ang pagiging Maria Clara. I still do believe that virginity is the best gift you could give to your spouse on the first night of your lives as a husband and wife. At tsaka ayaw kong sirain ang tiwala ng mga magulang ko na ibinigay nila sa amin ni Khian kaya kami napupunta sa ganitong set up minsan. Makakapag-antay iyan sa tamang oras at panahon, huwag madaliin kung kaya pa namang labanan ang bugso ng damdamin. Huwag gagawin dahil lang sa kuryusidad para maiwasan ang pagbubuntis na wala sa oras at wala sa plano. Lalong lalo na kung hindi ka handa sa responsibilidad na dulot nito.
"No, thanks bb. Makakapag-antay pa naman kami ng Leon ko. Babawi na lang ako kapag mag-asawa na tayo", sabi nito. Bumaba ang ulo niya at marahang hinahalik-halikan ang balikat ko saka siya sumubsob sa leeg ko. Mas maramdaman ko rin ang humigpit ang yakap niya sa tiyan ko.
Napangiti ako sa sinabi niya. Simple words with respect coming from him, made my heart explode any moment. Mas lalo ko siyang minamahal kahit sa pinaka-maliit at pinaka-simpleng salita niya.
Kusa akong lumayo kaunti sa kanya para makita ko ang mukha niya. I kissed him in the lips na ikinamulat ng kanyang mga mata. Gulat na namula ang buong mukha niyang napatingin siya sa akin.
"I love you so, so much", hayag kong di umalis ang mata ko sa kanyang mga mata. Mas lalo naman siyang namula sa sinabi ko. Minsan-minsan lang na ako ang unang mag-i- i love you sa kanya kaya nagugulat siya. Hindi ko maiwasang matawa palagi sa reaksyon ng mukha niya.
"I can't wait to wake up like this every morning with you everyday", madamdaming sabi niya. Ngumiti siya saka siya humalik sa noo ko. We are sailing in the same boat. Pero tiis muna, hanggang alam kong maging stable na rin ang kapatid ko. Saka ko na patulan ang pagpaparinig niya.
Umupo ako sa kama saka ko inayos ang buhok ko. Tumayo ako at inipon ko ang mga ginamit kong towels sa kanya kagabi ng pinangpunas sa katawan niya kapag pinagpapawisan siya. Nakatitig lang si Khian sa bawat galaw ko.
"Get up, bhie. I'll cook breakfast for us", sabi kong nakatayo sa gilid ng kama.
Umiling naman siya, inunat ang dalawang kamay niya sa akin.
"I'll cook for us. Ikaw itong napuyat kagabi sa pag-alaga sa akin. Every four hours kang nagigising at palagi mong sinisigurado na di ako matutuyuan ng pawis", laban niya at napalabi siya.
"Ako na, baka mabinat ka mas mahirap yon. Mas lalo akong mag-aalala kapag nagkataon", laban ko, na para akong kumakausap sa bata. Hindi na siya nakipagtalo at tumango na lang. Kulang ako sa tulog, pero mas kailangan niya ng mas maraming pahinga. Kaya hindi ko hahayaan na pagsilbihan na naman niya ako. Sa mga ganitong paraan lang naman ako nakakabawi sa kanya.
"Okay, you're the boss", sukong sabi niya.
"How do you feel, by the way?", I asked him while I placed my palm on his forehead.
"I'm good now, my Nurse is well trained in taking care of me last night", he answered me with wide smile and relief on his face.
Yumuko ako sa kanya sako siya hinalikan sa tungki ng ilong niya bago ako tumalikod. Nagpunta ako sa closet para kumuha ng isang t-shirt na pamalit niya. Ibinigay ko sa kanya iyon at sinabing magpalit muna siya. Nainam ng sigurado na hindi siya matutuyuan ng pawis sa likod niya. Kinuha ko ang plangganita at mga towel saka ako tuluyang lumabas sa kwarto niya at dumiretso sa kusina.
I was cooking simple breakfast for us, when Khian hugged me from behind.
"Anong niluluto mo?" ,tanong nito kasunod ng paghalik niya sa pisngi ko.
Natigilan ako sa ginawa niya. Kapagkuwan ay napangiti ako.
"Scrambled eggs and hotdogs", sagot ko at pinatay ang stove bago ako humarap sa kanya.
Tumayo naman ito ng tuwid, saka pumalibot ang mga kamay niya sa katawan ko. He palnted a kiss on my temple. Nagtagal ang mga labi niya ng ilang segundo bago maramdamang pinisil niya ang puwet ko.
"Bhie" , I hysterically told him. My good ness, its too early for his flirtatious move.
"I love you", humalakhak na sabi niya. Saka siya bahagyang lumayo sa akin.
"Magaling ka na nga, nanghaharot ka na eh", sabi ko saka ko siya tinalikuran papunta sa lamesa.
Muli siyang napahalakhak sa inakto ko. Lumapit siya sa akin at pabiro niyang tinapik ang ulo ko saka niya ipinalibot ang kamay sa balikat ko.
"Tigress alert mood ka na naman", sabi niya. Napasimangot ako.
"Ang manyak mo minsan", napanguso ako.
Ang lakas ng tawa niya sa sinabi ko na lalong kong ikinanguso. Pigil ang pagtawa ang ginawa niya bago ako pinaghila ng upuan at pinaupo. Akala ko susunod siyang umupo sa tabi o harapan ko pero hindi. Kundi pinagtimpla muna niya ako ng kape ko bago niya ako sinaluhan sa lamesa.
Ako rin ngayon ang nag-asikaso sa kanya kulang na lang subuan ko ulit siya. Ngiting-ngiti naman ang damuho habang nag-eenjoy sa ginagawa ko sa kanya.
"Susunduin ako ni Papa pagkatapos nating kumain", sabi ko. Natigilan siya sa akmang pagsubo niya saka napasimagot. Mahina akong natawa sa reaksyon niya. Makaganti man lang.
"Pwede bang mamayang hapon ka na lang umuwi?" , hirit niyang tanong. Nagpapacute pa ang mga mata.
"Tapos na ang duty ko, Real", sagot ko.
Mahina siyang bumulong. Ni hanggang sa paggalaw ng mga labi niya ay hindi ko nasundan kung ano ang binigkas niya.
Tahimik kaming dalawa na nagpatuloy na kumain hanggang sa matapos kami. Kahit noong matapos akong magligpit ng pinag-kainan namin at nakapag-hugas na rin. Matamaan ko lang pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Inaantay kung may sasabihin siya.
Panaka-naka naman niya akong sinusulyapan. Ako ang unang nakiramdam na nagtatampo ito. Tumayo ako sa harapan niyang nakaupo pa rin sa kusina. Pinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya.
"Bhie.! Dito na nga ako nagpalipas ng gabi, alangan namang dito pa ako maghapon", pagpapaliwang ko dito.
"So?", medyo mataray niyang sabi. Kung di ko lang alam na nagtatampo ito tatawanan ko siya.
"Bakit mo pinipigilang tumawa? Tumawa ka lang, nahiya ka pa", pansin niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili kong napaburangit sa pagtawa. Kinalas ko na rin ang mga kamay ko.
"Saya mo ah", parinig niya ulit. Nakita kong pwede ng sabitan ng kaldero ang nguso niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.
"Let's just have video call, when I got home", I trailed off.
He didn't say anything. Para ayaw pa rin niya ang deal ko. Manunuyo ako nito na wala akong kasalanan ha.
"Ano pala ang gusto mong mangyari? Let me hear it, then will meet in the middle", malambing na sabi ko.
"Ayaw ko pang umuwi ka", nahihiyang sagot niya.
"Hindi naman yon pwede. Ayaw naman nating pareho na mamihasa sa mga magulang ko sa kalayaang binibigay nila sa atin", tugon ko. Napansin ko ang pagkasiphayo sa mukha niya. Totoo naman, hindi porket binibigyan ka ng kalayaan ay abusuhin mo na. Lahat ng bagay may limitasyon. Kahit nga libre may limit din.
"Arrrgh"
Napapailing na lang ako. Mabuti na lang nadala siya sa panunuyo at paglalambing ko. Umalis ako sa apartment niyang hindi siya nagtatampo. Magaan ang loob niyang hinatid niya ako sa may pintuan saka tuluyang lumabas.
Kinumusta nila Mama si Khian pagkarating namin ng bahay ni Papa. Natatawa pa silang pareho noong kwinento ko ang rason sa tanong ni Papa na bakit mag-isa akong lumabas hanggang sa main gate nila. Tinotoo ko din ang sinabi kong magvivideo call kami kapag nakauwi na ako. Khian being Khian, he's being clingy lately. Hindi na lang ako umaalma dahil minsan nagugustuhan ko din ang side nga na ganun.