Chapter 25 Spotlight

2129 Words
Chapter 25 TOHOM KEIRA I CAN hear the loud buzzing sound from the karaoke the moment I step foot inside from our gate. Ginabi na rin kasi ako ng uwi dahil sa overtime na nangyari sa accreditation ng company. Finally, after a busy and a tough month the company certification body operates according to international standards organization was alreary approved. We did great and we absolutely made it through. Nagkayayaan pa kanina ang mga taga back office na magdinner sa labas pero hindi na ako sumama. Isang dahilan may family dinner celebration din kami dito sa bahay. Dahil wedding anniversary ng mga magulang ko. Ako ang rason kung bakit hindi natuloy na sa labas sana kami kakain, dahil hindi ko rin alam kung anong oras ako makakauwi. Selebrasyon din ng kapatid kong si Clyde dahil kakapirma lang niya ng anim na buwan na kontrata bilang junior engineer ng barko. Tatlong araw matapos ang graduation niya tinawagan siya ng navy ship kung saan siya nag-on the job trainee dati. Gusto ko ring bumawi sa kanya dahil ako lang ang wala na umattend noong graduation niya. I just locked our gate when I saw Khian's car here in our backyard. Dalawang araw na, na hindi rin kami nagkikita dahil dumating ang mga magulang niya. Sinusulit nila ang araw na nandito sila sa pamamasyal. Hindi ko magawa ang sumama sa kanila kahit gustuhin ko man dahil kasagsagan ng pag-finalize sa lahat nga mga dukumento sa accreditation na nangyari kanina. Siya kasi ay talagang nag three days leave siya para makasama niya ang mga ito. As if in a cue the main door of our house opened. Iniluwa no'n si Kuya Clive na palabas ng bahay. Binati ko lang ito at tumango naman siya. Nang makapasok ako sa bakuna ng pintuan ay nakita ko silang lahat sa sala namin. Si Clyde ang may hawak ng mic na kumakanta. Sa isang sofa nakaupo si Mama at ang Nanay ni Khian seryosong nag-uusap na parang nagbubulongan. Sa kabilang sofa naman ay ang asawa ni Kuya. Malayong nakaupo sa tabi nito si Papa at ang Tatay ni Khian. Lalapitan ko sana sila para bumati ay ganoon na lamang ang pagtili ko ng may mga palad na tumakip sa mga mata ko. "I missed you, bb", bulong sa tainga ko. Sabay halik sa pisngi ko. Boses pa lang kilalang-kilala ko na. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino. "OT na naman?." Tanong niyang may pagtataka ng pumunta siya sa harapan ko. Hinampas ko siya sa dibdib niya dahil nagulat ako sa ginawa niya. Kita ko ang lapad ng mga ngiti ng mga nanay namin. Tumango lang ako at binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Ngumiti siya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo ko. Kinuha niya sa akin ang bag ko at siya na mismo ang naglapag sa maliit na mesa sa gilid ni Clyde na kumakanta. Dumiretso agad ako sa mga magulang niya para mag-mano. Binati ko silang lahat ng magandang gabi. Umupo ako saglit at nakipag-kumustahan. Tumayo naman Mama nang sagutin ko ang tanong niya kung kumain na ba ako. "Di ka na naman inantay dahil nakakahiya sa mga magulang ni Khian.", paliwanang niya habang papunta kaming lamesa. "Okay lang naman po, Ma. Saka paanong nandito sila?", tanong kong pabalik. Wala akong kahit na anong binanggit kay Khian tungkol sa dinner namin. "Ewan ko kung ano ang ginawa nila ng Papa mo kanina. Kaya inimbitahan ko na lang sila." Paliwanang niya pero ang mga mata ay nakaiwas sa akin. "Kaya ko na, Ma. Balik ka na lang po doon." sabi ko ng makita kong ipaghahain niya ako ng pagkain ko. "Let me. Baka sa mga susunod na araw, di na ako gagawa nito sayo." May pagtataka sa isip ko ang sinagot ng aking ina. Pero di niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa paghain. Matapos niya akong ipaghain, iniwan niya ako sa lamesa. Mag-isa aking tahimik na kumain. Nagpupunas ako ng kamay ko ng pumasok naman si Papa, tumayo siya sa harap ko saka niya ako biglang kinabig ng yakap na mahigpit. "Feels like I'm losing my baby girl." Bulong nito. May pagtataka ulit sa isip ko sa mga salita niya. "Ang weird niyo ni Mama. Anniversary niyo lang ganyan na kayo." Pabiro kung sabi ng pakawalan niya ako sa pagkakayakap. "Wala naman, baby. Tapos ka na?" Tanong niya. Tumango ako saka niya hinawakan ang kamay ko. Iginaya niya ako sa upuang hindi kalayuan sa bandang sala namin. Umupo din siya sa tabi ko. Patuloy pa rin ang kwentuhan ng mga nanay namin ni Khian kasa ang hipag ko. Pasimpleng kung inilibot ang mga mata ko para hanapin siya, pero walang mababakas na kahit anino ng Khian sa loob ng bahay. Sobra ang pagtataka ko sa kinikilos din ni Papa. Umiikot ang aking isipan at hindi ko maintindihan. Nakaupo lang kami pareho ni Papa ng biglang nagdilim ang paligid ng buong bahay. "Baka may na-fused", sambit niya. "Hindi nakapagbayad si Mama ng kuryente", sigaw yon ni Clyde. Tatayo na sana ako ng may ilaw galing sa malaking flashlight na nakatutok sa mukha ko. Kasabay ng pag-alis ni Papa sa tabi ko ang pagplay ng kantang "If you're not the one" sa karaoke. Wondering, I held my head up to see around and there Khian walking towards me holding mic on his hand and he started singing. If you're not the one then why does my soul feel glad today? If you're not the one then why does my hand fit yours this way? If you are not mine then why does your heart return my call? If you are not mine would I have the strength to stand at all? Katulad noong 1st anniversary namin na hinarana niya ako, hindi mawala wala sa akin ang tingin niya. He was just smiling at me the whole time while he was singing. "KJ" Mas lalong lumawak ang ngiti niya ng makalapit siya sa inuupuan ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong kulay pulang maliit na box. Napa-angat ako ng tingin sa kanya at napansin kong seryoso siya. Nasa akin ang buong atensiyon niya habang may halong kaba na rin dahil sa pagbigkas niya sa lyrics ng kanta. Mas lalong hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Ang bilis na rin ng t***k ng puso ko. I'll never know what the future brings But I know you're here with me now We'll make it through And I hope you are the one I share my life with Bumalik ang ulit ang liwanag ng paligid sa buong bahay. Kasunod noon ay biglang pagluhod si Khian sa harap ko. Nanginginig ang kamay na inilahad sa akin ang pulang box at tumambad ang isang kulay gintong solitaire engagement ring. "In front of your family and my parents. I told you before, you're the one I'm gonna marry." He tooked out the ring from the box. "Alam kong napaaga since I know that you still have dreams to fulfill, pero hayaan mong samahan kitang tuparin ang mga iyon. Let me be your wings, while you're flying to the next level in chasing your dreams." Hindi ko maipaliwanag at hindi ko mahanap ang tamang mga salita na makakapaglarawan sa nararamdaman ko. Mix emotions that I do not know if I'm going to cry or to smile. Isama mo pa ang mas mabilis na pagtibok ng puso ko, at ang kabang hindi nagpapakalma sa akin. " Will you do me the honor of becoming my Mrs. Khian Jace Real for the rest of our lives?" he asked me with a tear in his eyes. At ang lahat sa kanya ay sumisigaw ng purong sinseridad. I cannot phantom the right words. Because I felt that I was strucked dumb with surprise. "bb", his voice was shaking. Despite the astonished and tears, I manage to nodded and smiled at him "Lifetime and beyond ends." Lumawak ang ngiti sa mga labi niya kasabay ng pagsipag-laglagan ng luha sa mga mata niya. He slowly slid the ring on my finger where his promise ring was. And our family members inside our house are cheering for our engagement. Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos niyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Inalalayan na rin niya akong tumayo. Hinayaan ko ang sarili kong yumakap at dumikit sa kanya. I close my eyes feeling his warmth. I hugged my other half of me tighter , while he's giving me soft kisses on my head. "Nang-aagaw ng spotlight si Kuya.", tumatawang hayag ni Clyde sa tabi ko. Natawa kaming lahat dahil kanina pa ito nagrereklamo. Nandito kaming lahat sa sala matapos ang unexpected proposal ni Khian. At least on my part hindi ko expect at wala akong alam talaga. Isa-isa nila kaming binati ng congratulations. Katabi ko siya, hawak niya ang kamay kong may mga singsing at nilalaro-laro ng mga daliri niya iyon. Nalaman ko din sa mga magulang namin ang buong plano niya bago niya ako alokin ng kasal. Nasagot ang pagtataka ko sa kinikilos ng mga magulang ko kanina. "Kailan niyo balak magpakasal?." Tatay ni Khian ang bumasag sa saglit na katahimikan. Nasa amin ang lahat ng tingin nila. "As soon as possible po, Tay." sagot dito ni Khian. Tinignan niya ako, nag-aantay ng maging sagot ko. "Pag-uusapan pa po namin. Total, ayoko ko po ng bonggang kasal.", mahinang pahayag ng saloobin ko. Ramdam kong natigilan si Khian sa ginagawa niya sa kamay ko. Napa-awang din ang mga labi ng mga magulang niyang nakatingin sa akin. "Dito sana sa amin gaganapin, balae, kung papayag kayo." singit ni Papa. "Kung saan gusto na mga bata, balae, wala namang problema sa amin." Si Nanay Kamilla. "Alam naming babae ang amin, na siya dapat ang mag-adjsut pero iyon din sana ang gusto ko balae." Si Mama na parang nakikiusap ang mga mata. "Okay po. Settle na. Dito po sa Ilocos kami magpapakasal." Pinal na sabi ni Khian. Matamis akong ngumiti sa kanya dahil sa agarang pinal na desisyon na sinabi niya. Handa siyang iadjust ang lahat para sa kagustuhan ng pamilya ko. "Salamat", mahinang bulong ko dito. Tuloy-tuloy ang naging pag-uusap ng mga magulang namin tungkol sa kasal na magaganap. Sumasagot lang kami ni Khian kung may mga suhestiyon sila na ayaw ko. Never in my dream, I imagine myself being a bride in a pompous wedding. Though it is a every girls dream. I'm just being practical because I know, once we get wed that is the start of our true beginning. Mas marami pang bagay na paglalaanan ng pera kaysa sa isang araw ng gagastos ka ng bonggang-bongga. Para sa akin iyon. Wala namang masama kung maging bongga ang kasal lalo na't kaya namang i-finance ng dalawang partido. Dahil sabi nga nila, minsan ka lang ikasal dapat yon talagang kasal na pangarap mo. "Dito muna si Kei, Khian." Protesta ng ama ko ng ipag-paalam ako ni Khian na isasama niya ako sa kanilang pag-uuwi sa apartment niya. Napapailing na lang kaming tatlo nila Mama sa turan ng aking ama. Hindi naman ipinilit ni Khian ang gusto niya. "Kahit bukas na sana kita papakasalan kung papayag ka." sabi nito sa akin, habang palabas kami ng bahay para ihatid ko sila sasakyan niya. "Hindi ka na ba makapag-pigil." Ngising biro ko na ikinangiti niya. Umakbay pa siya sa akin para sabayan ako ng paglakad. "Baka lang naman." Pasaring niya. Napangiti ako. Hinayaan ko lang siyang nagdadaldal hanggang makarating kami sa sasakyan niya. "Mag-iingat po kayo, Tay, Nay." sabi ko bago sila pumasok sa pintuan ng sasakyan. Tumango lang sa akin ang Tatay niya at yumakap naman sa akin Nanay niya. "Thank you, anak. Excited akong maikasal na kayo ng anak ko." kinikilig sa sabi nito matapos akong pakawalan sa pagkakayap niya. Ngumiti naman ako sa kanya na parang nahihiya. "I see you soon, Nay. Ingat po kayo sa biyahe niyo ni Tatay bukas pauwi." "Salamat, anak. Pumasok ka na para makapag-pahinga ka. Kaya na namin" "Good night po" Matapos silang makaupo sa loob ng sasakyan. Sinara ni Khian ang mga pintuan saka niya ako hinarap. "We're going, bb. Thank you so much for this night.", he sincerely said. "I love you, my soon to be husband", I told him. Naging kulay kamatis agad ang mukha niya sa sinabi ko. "Kinikilig ako. Minsan ka lang bumanat sa mga ganyang lingya mo pero nanunuot sa puso at buong katawan ko." masayang hayag nito. "Nambola ka na naman. Dali na Real, may nag-aantay sayo." sabi ko na lang. "I love you more." Malawak ang ngiti niya at puno ng pagmamahal na sagot. Humalik siya sa labi ko bago siya tuluyang sumakay sa passenger seat. Pinagbuksan ko sila ng gate. Kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang pinatakbo ni Khian ang sasakyan niya. Pumasok ako sa bahay na hindi nawala ang ngiti sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD