Chapter 15 Her Day

1416 Words
Chapter 15 TOHOM KHIAN "Bro, hindi ka nag-leave?" Zyann said. "Ano sa tingin mo?" balik kong tanong sa tanong sa kanya. "Gago, di ka pupunta?" naniniguradong tanong ng ungas. "I won't be missing it for the whole world", I said and looked at him smiling. Tinignan lang naman ako nito at binigyan ng tipid na ngiti. Ilang buwan na ba? Mahigit limang buwan simula ng mag-OJT siya sa Manila. Two months away from her, nakakabaliw sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Hindi sapat sa akin na boses lang niya ang naririnig ko. Naging advantage lang sa akin nang maging busy ako sa sunod-sunod na pagcater ko mga kliyente ng kompanya. Halos kada linggo din kung magkaroon ako ng roundtrip meeting sa mga karating na branch. Kahit papaano naibsan ang labis na pangungulila ko sa kanya. Not until one night that she called "Di ka sumasagot" bungad niyang sabi, ni wala man lang hi o hello. "I was still in the meeting that time, bb" mahinahong paliwanag kong sabi kay Kei. "Meeting o nambababae ka na" parang sigurado na sa boses niya ang paratang niya. Saan nanggaling yon? Simula nga noong araw na umalis siya, trabaho at apartment lang ako. Nagtatampo na nga sa akin ang pinsan niya na hindi na daw niya ako maisturbo. Ngunit kahit malinaw sa mga binigay kong paliwanag, nagdududa siya. Inintindi ko. Unang beses din niya akong binabaan ng telepono na hindi di niya yon ginagawa kahit naaasar o naiinis siya sa akin. Dahil ayaw ko ring lumipas ang gabi na hindi kami maayos, sinuyo ko siya. Kahit malinis ang konsensiya ko na wala akong ginagawa na makakasira sa amin. Wala eh, mahal na mahal ko. "Sana hanggang mag-asawa na kayo, ganyan pa rin ang effort mo", tumatawa si Zyann na tinapik ang balikat ko. "Mahal ko eh, at tsaka hindi ako magsasawa at mapapagod na magpaalila sa kanya" sabi ko kay Zyann na inangasan ko pa. Todo ang effort ko ng makauwi siya galing Manila. Hatid sundo ko siya palagi simula ng magpracticum siya sa educational psychology setting ng OJT niya. Kahit out of way sa trabaho ko, wala akong reklamo. Dahil iyon din naman ang gusto ko. Makita ko lang siya tuwing umaga, makasama sa daan at mayakap pag papasok siya, buo na ang araw ko. "I'll go ahead bhie. I love you" she always said that. Tuwing iiwan niya ako dito sa sasakyan kapag mapagbuksan ko siyang lalabas na siya. Hahalik lang ako sa noo niya bago ko siya pakawalan. On her third setting, she was assigned in WXY Group of Companies, doon mas nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kapagod sa araw-araw na may OJT siya. May time pa na parang naglalakad siyang parang wala siya sa sarili niya. Nang makapasok kami pareho sa loob ng sasakyan ko, doon bumuhos ang mga nagbabadyang luha niya. Bigla akong umusog na lumapit sa kanya para yakapin siya. Hirap na hirap ako para sa kanya nang umiyak siya sa dibdib ko dahil sa pagod. Parang pinipiga ang puso ko. "Tahan na, kunting tiis na lang", mahinang bulong ko, habang hinahagod ko ang likod niya at hinahalikan ko ang tuktok ng ulo niya. That was the first time that she bursted out in tears. Dala siguro sa deretsong duty niya. Kaya mas lalo ko siyang inintindi. Palagi na din siyang humihindi kapag niyayaya ko siyang mag-date kami. Hindi sa nagrereklamo ako, gusto ko lang malibang siya na hindi puro sa practicum niya ang iniisip niya. "Pahinga ka na, ako na tatapos nito. I-check mo na lang bukas", bulong ko sa kanya habang nakaupo kami sa sala nila. Imbis na dadaan lang ako para makita siya, dahil walang siyang duty, tinapos ko na lang ang review data presentation niya. Inalalayan ko pa siyang tumayo at inihatid sa kwarto niya. "Mahal kita, sobra" sabi ko bago ko siya halikan sa noo niya at bumalik sa sala nila. Kahit pagod din ako sa trabaho ko, hindi ko inintindi. Biglang nawala lahat ng iyon nang makita ko si Kei na palabas sa campus nila. Last day ng graduation rehearsal niya. "I love you" niyakap ko siya. "I love you", sagot niya na tumingkayad pa siya para mahalikan ako. Kasalukuyang akong nandito sa flower shop para magpagawa ng bouquet para sa kanya, bago ako pupunta sa University niya. "Matagal pa ba?" tanong ni Zyann. Di makapag-antay to makikisakay na nga lang. "Magbabayad na lang, ungas" sagot ko na ikinatawa niya. May hawak itong maliit na paper bag. Para kay Chamy, gagraduate din. Nasa sasakyan na kami nang magsalita si Zyann habang nagkakalikot sa cellphone niya. "Message ni Chamy, malapit na raw mag-umpisa ang program" Tinignan ko lang siya at hindi na ako nagsalita. Hindi naging matagal ang biyahe namin nasa bungad na kami ng gymnasium. "Zyann" tawag ni Clive sa pinsan niya. "Bakit nandito ka?" tanong ni Zyann kay Clive. "Mainit, maraming tao" sabi ni Clive kay Zyann at tumango sa akin. "Pasok na kayo, dito lang muna ako", taboy ni Clive sa amin. I nodded my head, and we strode the way to gymnasium. Madami nang tao, karamihan mga kamag-anak ng mga magtatapos. Pero dahil c*m laude si Kei may nakalaan na upuan para sa kanya. Nakita ko si Tita Crista at Tito Kristoff katabi ni Clyde, bunsong kapatid niya. "Good afternoon po Tita, Tito" bati ko sa mga magulang ni Kei. "Kararating mo lang?", Tita Crista asked "Opo" tipid kong sagot at ngumiti. "Nasaan ate mo?" tanong ko kay Clyde pagkatapos kong sagutin ang tanong ni Tita Crista. "Backstage" Tumango lang ako at naupo. Mamaya pang konti lumabas si Kei galing backstage. Nakasuot na siya ng kanyang academia regalia. Light blue ang kulay ng kanyang academic hood degree. Ang simple niya talaga, magmamartsa na siya lahat-lahat halos di mo man lang mapansing may make-up siya sa mukha. Her black straight her was down. Nang makalapit siya sa amin, sumilay agad ang ngiti sa aking mga labi. Hinalikan ko siya sa noo niya ng tatlong beses. "Akala ko ba di ka makakapunta", may halong pagtataka sa boses nito. "Ito papalagpasin ko?", sabi ko. Ngumisi lang si Clive at ngumiti ang mga magulang niya. She rolled only her beautiful eyes before she went to the stage. Kung saan nakaupo ang mga awardees. Tahimik lang kaming nakaupo nang magpaalam siya. Di naman naalis ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa kinaroonan namin. She smile at me and I mouthed "I love you". "Avila, Czreina Keira y Llanza - c*m laude" tawag sa pangalan niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya. Nasa gitna na siya ng stage habang inaantay ang pag-akyat di ng mga magulang niya. My eyes glued to where she's standing. Proud was understatement to described what I'm feeling for her right now. I saw how much she exerted efforts in coming this far. I saw her sacrifices, hardships and her hardwork to reached her dreams slowly. She'n an inspiration, not for her achievement but rather for being someone who went after her goals and never gave up. Nang makarating ang mga magulang niya sa stage, tumayo din naman akong lumapit. Kahit may hinire na official photographer ang university nila, nagvolunteer din akong kukuha rin ng mga litrato para sa kanila. I dont know how many clicks I did, hanggang maisuot ng mga magulang ni Kei ang kanyang medalya. Hinintay namin hanggang matapos ang graduation. Nang makita ko siyang pababa na siya sa stage ay sinalubong ko siya habang hawak-hawak ko ang bulaklak na para sa kanya. Nakangiti naman siyang nakatingin sa akin nga makita niya akong palapit. Binuksan niya ang kanyang mga kamay para ako'y salubungin ng kanyang yakap. "Congratulations, bb. I'm so proud of you" hinalikan ko siya sa kanyang kabilang pisngi. "We made it, bhie" sabi niyang nakayakap pa siya sa akin. Nang humiwalay siya saka ko naman inabot sa kanya ang bulaklak. Inakay ko siya palabas ng gymnasium habang nakawak ang isang kamay ko sa likod niya. "Tayo kayo diyan, pipiktyuran ko kayo" sabing bigla ni Tita Crista ng makalabas kami. Nasa harapan kami ng Graduate School. Tinanggal niya ang suot niyang cap at sinuot sa aking ulo, umakbay naman ang isang kamay ko sa balikat niya at pumulupot ang isa niyang braso sa baywang ko. We went straight to their house, for her celebration. Pumasok agad siya para makapagpalit ng damit niya. According to her, close friends and family lang ang invited. Ayaw nga niyang may selebrasyon pa pero hindi pumayag na hindi nagluto si Tita Crista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD