Chapter 2 Surprise Visit

880 Words
Chapter 2 TOHOM KEIRA BUNGANGANG mala-armalite ni Mama ang nagpagising sa akin isang umaga. Here she goes again, kada umaga kulang na lang kumuha siya ng radyo at i-play na lang ang tape recorder "aba donya, tanghali na wala ka bang balak mag-enrol at nakahilata ka pa diyan?" see, sabi ko na nga ba. Paulit-ulit lang yan na linyahan niya. Wala naman akong nagawa kundi ang bumangon, to prepare myself going to school to enrol. Finally, last year of being a Psychology student. Nakakadrained din ng brain cells. Bago pa man ako makalabas sa aking kwarto narinig ko na ang boses ni Clyde Kenly, bunso kong kapatid na mas bata sa akin ng tatlong taon at nakadungaw ito sa loob ng kwarto ko habang nakaakbay ang isang kamay sa balikat ni Mama. "Paanong di tatanghaliin ng gising yan Ma, nagtelebabad lang naman sa kausap at magdamag atang nakipagdut-dotan sa katext niya" rinig kong sabi nito at tinignan ko ng masama. Pasmado talaga bunganga nito kahit kailan, ang sarap lagyan ng duct tape. He smirked at me at talagang bumelat pa. I silently cursed him. "Diyan ka napupuyat kaka-cellphone, daig mo pa ang nagta-trabaho sa call center sa magdamag na pakikipag-usap mo diyan". segunda ulit na sabi ng aking ina, aba ang aga-aga pinagtutulungan nila ako ha. "Confiscate her phone para walang rason" isa din itong si Kuya Clive Kelsey na galing din sa kwarto nito at bihis na bihis na. Siguro papasok na sa trabaho nito. Mas matanda din sa akin si Kuya Clive ng limang taon at isa itong Junior Engineer sa aming munisipyo. Napasimangot ako at di na lang ako sumagot para hindi na rin humaba pa ang usapan. Dahil ending nyan mawawalan ako ng sasabihin kung 3 versus 1 ang labanan. Idagdag mo pa ang Tatay ko na hindi rin kakampi sa side ko kapag sa mga ganitong paksa ang usapan. Isa pang rason, ayaw kong mabuking at malaman ng mga magulang ko na talagang may katawag atkatext ako. Almost eight months, that Khian and I are exchanging sweet messages. With that almost eight months span of time, he would always called or texted me asking me how my day went. He would always made sure, if I already ate my food on time. And he never failed to remind me to take care of myself everyday. Na tanging si Clyde lang ang nakaka-alam dahil nabasa niya ang palitan namin ng mga mensahe, minsan siyang nakitulog sa kwarto ko. Hindi nagtagal ang panenermon ni Mama at sabay-sabay silang tatlo na umalis sa kwarto, dahil nag-aantay ang aming ama sa hanag para mag-almusal. Sitting in our six seater table, with inventory papers on his hand, the mighty Kristoff Avila, of Avila family is waiting for us for breakfast. Nang maramdaman niyang sabay-sabay kaming dumulong sa lamesa ay bigla siyang nag-angat ng tingin sa amin at agad sumilay ang ngiti sa mga labi nito. I was the first one who greeted him "good morning" kasabay yun ay ang paglalambing kong magpatimpla ng kape ko. "Magkaka-boyfriend ka na nga, di mo pa alam magtimpla ng sarili mong kape" parinig ni Clyde, at talagang linakasan pa niya kaya napatingin sa akin si Papa. Matamaan niya akong tinignan, urging me to speak and confirm or defend myself sa sinabi ng kapatid ko. Hindi ako nagsalita at napayuko lang. "Sinabi ko na sayo Keira, magtapos ka muna ng pag-aaral mo bago ka mag-boyfriend. Kung uunahin mo iyan, mabuti pang huwag ka nang tumuloy na mag-enrol kahit pang-huling taon mo na sa kolehiyo. Nineteen ka pa lang yan, hindi yan ang dapat na priority mo" matatag na sabi nito sa akin. Napipi ako bigla, halata rin sa akin na kabado ako. Magsasalita pa sana ulit siya, ngunit pumagitna na si Mama. "Mamaya na yan, nasa hapag-kainan tayo" malumanay na sabi nito sa kanya. Di na rin ito umimik at tumayo para magtimpla ng request kong kape. Tahimik kaming mag-anak na kumakain nang almusal, walang balak magsalita ang isa sa amin. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig. Ganoon ang senaryo sa lamesa nang bigla may kumatok sa aming main door. Ako ang nag-kusang tumayo para buksan ang pintuan at makita kung sino ang nasa labas, nang ganitong oras. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang napag-buksan ko ng pinto. Si Khian. Sa likod nito ay ang pinsang kong si Kuya Zyann Lander. "What are you doing here?" gulat at halos pabulong na sabi ko sa kanya, sabay lingon sa aking likuran. "To surprise you, I guess?" ngiting sagot niya pabalik sa akin. Before he handed me a bouquet of flowers. Aminado akong kinilig ako, for the second time, Khian Jace Real in front of me in flesh. At the same nagrigudon ang puso ko sa sobrang kaba dahil nandito ang buong pamilya ko. Di ko tuloy malaman kung papapasukin ko ba siya o pagsasarhan ng pintuan. Nakatayo pa rin ako, hawak ang bulaklak ng sumingit si Kuya Zyann at bumati sa akin. Nakangisi pa ito at nagmandong luwagan ko ang pinto at papasukin sila. Mas lalo lamang akong di nakakilos nang bigla may nagsalita sa likuran ko "bakit di mo papasukin, sino ba yan" boses ni Papa na nagpanginig sa buong katawan ko. Patay tayo nyan piping usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD