Chapter 1 TOHOM
KEIRA
NAKATAYO ako sa basketball court ng aming barangay, gabi - gabi kasi dito namin ginagawa ang praktis sa nalalapit na street dancing competition ng aming lungsod. Bilang isang kasapi ng Sangguniang Kabataan, required na kami ang magmonitor sa bawat gabing may praktis.
"Laway mo tumutulo na" sikong sabi sa akin ni Irish, isa din siyang SK kagawad, na di ko man lang namalayan na nakatayo na pala ito sa gilid ko na parang kinikilig.
Tumingin ako sa kanya na nakabusangot ang mukha sabay inikutan ko ito ng aking mga mata. Paano ba naman kasi parang kiti-kiti na hindi mapakali na animo'y parang giraffe na humahaba ang leeg.
"Pinagsasabi mong bruha ka, baka ikaw diyan, k**i mo kumakaway na" sagot ko na kinabanas niya. Pero di maalis - alis ang tingin ng kanyang mga mata sa iisang direksiyon.
"Ay siswang, can't you see what I see? " pakanta pa niyang sabi sa akin , sabay tingin din ako kung saan nakatutok kanina pa ang mga mata nito. Bigla din namang akong natameme dahil first time ko din makita ang pagmumukha na yon dito sa amin.
"Tumigil ka nga diyan, makita at marinig ka sasabihin pang pinagpapantasyahan mo siya" irap ko ulit sa kanya. Garampingat din ang isang to eh.
"Sus kunwari ka pa sinulyapan mo din naman eh" may tudyo ang boses na sabi nito sa akin. Sabunutan ko kaya to. "Siswang, ikalma mo ang mani mo uy, pasulyap sulyap ka pa kunwari diyan. Crush mo no?" talagang ipipilit nito ang pang-aalaska nito sa akin.
Well, di ko naman ikakaila dahil medyo gwapo naman ang lalaking nakita niya. Pero slight lang ah. Average lang ba.
"Kanino kayang kamag-anak yan dito no?" patanong pa niyang sambit pero di ko na siya pinansin. Dahil ang lalaking tinitignan namin ay naglalakad papunta sa amin kung saan kami nakatayo ni Irish, bitbit ang isang di kalakihang speaker.
"Hi, sino sa inyo si Keira?" tanong niya ng nakalapit na siya at nagpalipat-lipat ng tingin niya sa amin ni Irish. Para naman biglang nakulong ang aking dila dahil hindi ko agad nasagot ang tanong nito, nahiya bigla ang kaluluwa ko, hanggang magsalita siya ulit.
"Ipinabibigay kasi ni Zyann ito sa pinsan niya, ikaw ba si Keira?" tanong niya na di maalis ang mga mata sa akin. I nodded and smiled at him. Hinamig ko ang aking sarili na nakatingin sa kanya. Habang ang bruhang nasa tabi ko ay siko nang siko sa akin.
Bigla siyang napatingin sa paligid at nagsalitang muli "saan ko ba ito ilalagay?" Bumaling ulit ang tingin niya sa akin, at kumindat pa ito.
"Mahabagin" biglang naisahimig ko sabay baling kay Irish na may pagngisi sa akin. Nakita din pala nito ang pagkindat ng lalaki akin.
Matapos mailagay ang speaker sa dapat na pwesto ay tumayo siya ng tuwid sa harapan ko at naglahad sa akin ng kanyang palad. "I'm Khian Jace, my beautiful young lady"
Napangiwi ako sa panghuli niyang sinabi "Czerina Keira, kung maka-young ka naman akala mo your too old to my age" and he laughed at that.
"I like you" bulong na sabi niya pero di nakatakas yon sa pandinig ko.
"Po?" namilog ang mga mata ko at inirapan ko ito.
Tumawa ito at tumango "your blushing, just so you know, I already got your number to Zyann" sabay talikod at naglakad paalis sa kinatatyuan namin. Naiwan naman akong napanganga sa sinabi niya na parang what the heck. Majojombag ko ang bullseye nang Zyann Lander na yon kung talagang totoo ang sinasabi ng air supply na lalaking yon.
Napanguso akong bumaling kay Irish matapos akong iwan ni Khian Jace na nakanganga. Ngising-ngisi din sa kin ang bruha na parang nanunudyo ulit ang mga mata at labi. She's even humming with a teasing voice. Gaga talaga.
Humarap kaming sabay sa mga participants ng sayaw at pinapanood silang prenteng nakikinig sa Dance Trainor na nagbibigay sa kanila ng mga dance steps na dapat nilang pagsunod-sunurin at ikabisado. Halos hindi maalis ang tingin ng nawiwili kong mga mata sa panonood kung hindi bigla-bigla ulit magsalita si Irish sa tabi kong nakaupo sa may bleachers.
"Umiilaw cellphone mo, baka may tawag ka. Panigurado yan si Tita Crista na naman at pinapauwi ka na" sabi nito sabay dukot sa aking bulsa ang cellphone ko.
Malamang sa malamang baka nga si Mama at pinapauwi na ako. Anong oras na din naman na, dahil kahit napapayagan akong lumalabas gabi-gabi dahil sa praktis ay may curfew hour pa din ako. 11PM sharp dapat nasa bahay na ako dahil kung hindi mabubugaan na naman ako ng apoy. Ganoon na lamang ang panlalaki ng matang nakatitig sa hawak kong cellphone na hindi tawag iyon kundi sunod-sunod na messages na galing sa iisang number.
Kay Khian.
And since that night, we became constant in enchanging messages.