Chapter 3 TOHOM
KEIRA
CAREFULLY, I opened the door. Marahas akong nagbuga ng hangin. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbisita ni Khian, kahit halos magdamag kaming magka-usap kagabi. Inaya ko siyang pumasok sa loob kasama ni pahamak na Zyann at iginaya sila sa aming sala.
Nakasunod naman ito sa aking likuran, pero ang feel at home na pinsan ko inunahan pa kaming makapasok at dumiretso siya sa kusina. Rinig ko pang pasigaw siyang nagtanong kung ano ang nakahain. Kapal talaga ng mukha.
Prenteng nakaupo sa mahabang sofa ang hari ng aming tahanan pagkarating namin ni Khian sa sala. Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa takot. Takot na mapagalitan at mapag-sabihan ulit, di pa nga ako nakakapagbanlaw dahil sa nangyari kani-kanina lang, masasabon na naman ako. Call and text pa more. Thanks to Sun Cellular for the unlimited texts and calls.
Pagkakita ni Khian kay Papa sa sala ay agad siyang bumati dito " magandang umaga po" napatingin ako sa kanya. Aba, nawalan ata ng hangin sa katawan ito at animo'y naging isang mahiyaing tupa bigla.
"Umupo ka" paturong turan ni Papa kay Khian para maupo siya sa single sofa, katabi lang kung saang sofa kami naka-upo.
"Salamat po" ganting sagot nito bago umupo.
"Sino at taga-saan ka ba hijo?" si Papa ulit ang nagsalita.
Ngumiti naman si Khian sa kanya bago niya sinagot ang tanong nito. "Khian Jace Real po, taga- Moncada".
Sa sagot ni Khian na yon bigla akong liningon ni Papa na parang may gustong itanong din sa akin pero mas pinili na lamang niya ang ituloy ang pagtatanong kay Khian.
"Moncada?" di nakapaniwalang sambit niya. "Ang layo mo dito sa amin hijo. More than six hours drive hanggang dito sa Villamarites" patuloy pa ring sabi niya.
Napakamot bigla ng ulo si Khian, di malaman kung ano ang sasabihin sa aking ama. Nang hindi ito agad nakapag-salita, nagsalita ulit si Papa.
"Ano pala ang sadya mo dito at ang aga mong nadayo?"
"Bibisita po sana kay Keira" mahina at medyo nahihiyang sagot nito.
"Wala namang sakit ang anak ko na kailangan mong bisitahin" sa sinabi na yon ni Papa, gusto kung humagalpak ng tawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hagikhik ni Clyde na nakadungaw mula sa kusina ang narinig naming pareho. Gago talaga ang mapang-asar na to.
"Ahm, gusto ko din po sana kasing personal na ipag-paalam ang panliligaw ko kay Keira" mahinang tugon nito na siyang nagpapikit ng mga mata ko ng mariin. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.
"Liligawan ba kamo? Ilang taon ka na ba?" May maipapakain ka na ba sa anak ko?" sunod-sunod na tanong nito. For Peter's sake, ligawan pa lang ipapakain na agad. Advance yarn, naisa-isip kong sabi.
"23 na po ako Tito. Automotive Service Assistant Manager by profession, but future Policeman by ambition." malumanay ngunit nahihimigang proud na sagot nito.
Di na rin nagsalita ulit ang aking ama pero ang awra nito ang naninimbang. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mas lalo lamang ang kagustuhan kong mapatawa ng malakas ng makita ko ang itsura ni Khian. Itsurang parang natatae na ewan, dahil sobrang pinagpapawisan siya.
Saglit na naghari ang katahimikan. Timing din naman na pumasok si Mama sa sala kung saan kami nakaupo.
"Oh, anong ginawa niyo sa bisita natin? Kulang na lang manginig sa takot ang itsura" medyo natatawa ding sabi nito at napatingin kay Khian.
"Wala naman, di naman siguro masama ang magtanong sa mga bagay-bagay lalo na't may kinalaman sa anak nating babae ang pakay niya" si Papa ulit, bago ito tumayo at nagpaalam ng papasok siya sa maliit naming printing shop na siyang pinagkaka-abalahan nito araw-araw.
Hinarap din ako ni Mama at sinabihang maliligo na, dahil may enrollment pa akong lalakarin. Sinabihan din niya si Khian na antayin na lang ako sa sala na tanging tango lamang din ang ginawa niya. Dahil magbubukas din ito sa maliit niyang tindahan.
"Kung ilalabas mo ang anak ko, make it sure by 5 PM sharp nandito na yan sa bahay," huling bilin ni Papa bago tuluyang lumabas ng bahay.
Napapailing kong tinignan si Khian na nakangiting humarap sa akin. Nagpaalam din akong maliligo lang saglit.
Pumasok naman na ako sa aking kwarto at kumuha ng susuotin ko. Di rin ako sobrang nagtagal sa pagligo dahil alam kong may nag-aantay sa akin sa sala. Wearing may skinny jeans, with flat white sandals and my organizational t-shirt, im ready to go. I just tied my hair in a bun and get my sling bag together with the papers that I needed in enrolment above my bed, before leaving my room.
Pagdating ko kung saan ko iniwan si Khian ay wala na ito doon. Lumabas na ako ng bahay only to find out that he's already with my cousin waiting for me in his motorcycle. Two helmet on his both hands.
Nagpaalam muna kami kay Mama bago tuluyang umalis ng bahay. Wala namang pagtutol ito ng sinabi kong sasamahan ako ni Khian na mag-enrol, pinaalala lang niya na dapat alas singko ng hapon nasa bahay na ako.
"Kuya Zyann, sa iyo ako makikisakay" pairap na sabi ko. Loko talaga to, at talagang declined niya ako sa sinabi ko.
"Ayaw ko. Kay KJ kana maki-angkas, baka makita ka pa ng girlfriend kong nursing pagselosan ka na naman at aawayin ako" mahaba niyang lintanya. I don't have any other choice than to be with Khian on his motorcycle. Ibinaba niya muna ang isang hawak niyang helmet bago siya humarap sa akin at isuot sa aking ulo.
"Masikip ba o tama lang?" tanong niya sa akin ng mailock ito. "Tell me so that I can adjust it" dagdag pa niyang sabi.
Umiling lang ako at sinagot ko syang okay lang kasi hind naman masikip, hindi maluwang.
Isunuot din niya ang kanya bago niya ako inalalayan para makasakay. Nang masipat niyang komportable na akong naka-upo saka din siya umangkas. Sinabihan lang din siya ni Kuya Zyann na sundan lang namin ito.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa University kong saan ako nag-aaral ay nagsalita ito. "Huwag ka sa likod kumapit. Mahihirapan akong magmanuever. Baka masemplang tayo," di rin naman ako nagpaawat dahil alam ko na ang kasunod noon.
Nang hindi ko sinunod ang sinabi niya ay bigla niyang itinabi ang motor niya sa gilid ng kalsada at ito na mismo ang kumuha sa dalawang kamay ko at ipinalibot niya paikot sa kanyang baywang. "Much better," he muttered before he start the motor again.
Twenty minutes its not that long to drive, entering UP of the North. Nauna siyang bumaba bago niya kinalas muli ang suot kong helmet at inalalayan niya akong makababa sa motor nito.
Nagpaalam na din ang pinsan kong pupuntahan niya ang girlfriend niya. At magkikita-kita na lang kami bago umuwi. Nauna na akong naglakad papunta sa building kung saan ako mag-eenrol. I'm walking towards College of Arts and Sciences building when Khian suddenly grabbed my right hand. Nagulat ako ng pinagsiklop niya ang aming mga palad habang naglalakad. Oh di ba..Holding hands while walking ang peg namin. Masyado ding PDA ang taong to. Paki-hanap nga muna ang label.
Pinag-titinginan kami ng mga estudyanteng nakapila ng makapasok kami sa loob. Di pa rin binibitawan ni Khian ang kamay ko. Mainggit kayo, piping sabi ng isip ko.
Saka lang ako ang unang kumawala sa magkahugpong naming mga palad nang kumuha ako ng enrollment form. Siya na rin ang nakipila para magbayad sa mga fee's na dapat kong bayaran bago pumunta sa Registrar's Office to submit my form para matatakan ito ng Officially Enrolled. Hindi ko na rin kinailangan pang makipili sa pagbabayad ng tuition fees. Di naman sa ipinagmamayabang, that is perks of being a constant Dean's Lister. Yes, libre ang tuition fee ko since I enter college with my choosen course. Waiting for my officially enrolled form, Khian was busy typing something on his phone. I glanced at him, nagtatanong kung sino ang katext nito. He only replied that he's searching over internet browse kung ano ang showing ngayon sa cinema. Di na ako umimik pa hanggang tinawag na ang pangalan ko para kunin ang form at class card ko.
Sakay ulit ang motor niya, niyaya ko siya sa plaza bago kami manood ng on showing na pelikula. Pinatikim ko sa kanya ang isa sa mga Vigan's best, ang empanada. Sarap na sarap siyang kumakain habang ako'y nakatitig lang sa kanya. Puteks, daig ko pa ang palaging naistar struck sa kanya. Bigla siyang napa-angat ng mukha at may sumilay na ngiti sa kanyang labi.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito sabay kindat. Ayan na naman ang pakindat ng air supply na to. Hindi ako umimik hanggang dinugtungan niya ang sinabi niya na nagpapula malala sa buong mukha ko. "Don't tell me in love ka na" .
Napanganga ako ng bongga, muntikan ko na ring hindi mapigilan ang aking dila para sagutin ito. "Uy Mr. Real, don't wait for me to tell you the three magic words first. Ano ka swineswerte?" may pang-uyam na turan ko dito.
"So? If I will be the first one who will tell I love you, may katugon ba ang three magic words na yon?" balik tanong niya sa akin at nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Lord, don't tell me he will kiss me in a public place. Sambit ng isip ko. But my heart suddenly melt in an instance whe he gave me three kisses on my forehead.