Chapter 4 TOHOM
KEIRA
IT HAD been sixteen days since the last time I saw him. Isang linggo na din simula ng mag-umpisa ang klase ko. And today was friday again, and based to what Khian told me last night, he will be busy. Magiging busy ito ngayon dahil bibisita ang Area Manager nila to check the inventories of the cars in their respective branch. Tumawag lang kaninang umaga sa akin to remind not to skip my meals, and starved myself to death kahit magiging busy daw ako para sa thesis writing ko. Parang gusto ko na lang mag-skip ng klase ko sa isang araw para ako naman ang bibyahe papunta sa kanila to surprise him. Pero siyempre, hindi naman ako aabot sa ganoon. Malaman pa ng tatay ko, di patay ako. Tsaka the last time I check, wala pa rin naman kaming "KAMI" , because I ignored what he asked the day that he visited me.
"uy Kei nagmamadaling umuwi?" si Irish at kasama niya si Dianne, isang kaibigan din namin from Architecture program.
Kumaway pa silang pareho sa akin bago makarating kung saan ako huminto ng tawagin ako nito.
Nakatayong palinga-linga ako sa paligid para tignan kung nasa labas na ng campus si Papa na susundo sa akin.
"Hoy"
Napalingon ako kina Pristine at Maddie nang tinawag nila ako. Tumatakbong lumapit sila sa akin dahil galing sila sa library. Halos magkaka-sunod lang sila nila Irish na makalapit sa akin. Magkaka-kilala naman sila kaya tamang ngiti lang ang ginawa nila sa isa't-isa bilang pagbati.
"May title proposal ka na?" si Maddie ang nagtanong. I just nodded my head to answer her question.
"Bwisit talaga yang Prof. Benzon na yan, parang palaging may pupuntahan, palaging nagmamadali" pagalit na saad ni Pristine, pero tinawanan ko lang ito. Prof. Benzon is our thesis Adviser, ura-urada kasi din ang isang iyon sa pagpapa-submit ng mga titles namin for thesis title defense.
Meron naman na kasi akong title and introduction for the oral defense, kaya di ko na kailangan pang tumambay sa library to scan some books for the background ideas to input to my thesis.
Di rin nagtagal nagpaalam din ang mga ito na tatambay pa daw sila sa quadrangle. Sisilip lang naman sa mga Varsity players ang dalawang yon.
"Sama ka sa sunday? Birthday ni Former Chairman." tanong ni Irish, nilalaro pa nito ang strap ng ID niya habang naghihintay ng sagot ko.
"Kung papayagan ako, oo. Pero kung hindi di kayo na lang" nakangiti kong sagot kanya.
"Ang daya, palagi na lang ikaw ang wala. " nakasimangot na sabi pa niya. "Kaya nga, bahay, church at eskwela ka na lang always, loosen a bit you know" pasecond the motion din naman ni Dianne.
Totoo naman kasi sila, kung wala akong pasok, nasa bahay lang naman ako naglalagi. Tuwing sabado na may music team practice, sa church naman ako pati din linggo. Hindi naman sa extrovert akong nilalang, mas pinipili ko lang sa mga lugar na aking nakasanayan.
"Basta magsabi ka pag sasama ka ha, para sabay-sabay tayo. Malay mo doon makakakita na ako ng pantasiya ko" kinikilig at excited na turan ni Irish. Siraulo pa ito sa lahat ng siraulo eh.
"Oo na nga. Nakaunli ka? Paulit-ulit ka eh" natatawang sagot ko.
Inirapan lang naman ako ng bruha. Pag eto talaga sinaniban ng kalandian, di mapirmi ang k**i. Natatawang nasa isip ko.
Nagsalita ulit siya at tumapik sa braso ko "sama ka na lang sa amin , bibili kami ng regalo. Para settle at sure na may bitbit tayo kapag makakasama ka."
I smiled at them, sabay iling. "I can't. Baka nasa labas na si Papa naghihintay." simpleng sagot ko. Di ako pwedeng sumasama na lang sa kanila kung walang prior knowledge ang mga magulang ko kung may biglang magyaya sa akin na gagala o may pupuntahan.
"Sabi mo eh, mauuna na pala kami kung di ka sasama. Basta sa sunday ha. Nako Keira sasabunutan ko bulbol mong nasa ibaba kung magdadahilan ka na naman kahit payagan ka nila Tito at Tita," gaga to may pangblack mail pa.
"HAHAHAHAHA, funny Irish," sabi ko na lang at tuluyan na nila akong tinalikuran at iniwan.
Habang naglalakad ako palabas ng campus, i fished out my cellphone to check kung may new message ba si Khian. Ganon na lang ang paglaylay ng balikat ko na kahit isa ay wala. Maghapon kasing di nagparamdan ang air supply.
Binalik ko na lang ulit ang phone sa bulsa ko at patuloy na naglalakad palabas sa may gate.
Nasa gate na ako, di mapirmi ang mga mata kong lumilinga-linga. Hindi ko kasi makita si Papa at ang trycicle nito na siyang palaging gamit niya tuwing ihahatid at susunduin ako.
Patuloy pa rin akong nakatanaw sa kalsada baka sakaling late lang siya o kaya naman parating na. Pero napahinto ako bigla sa hindi inaasahang mahagip ng mga mata ko sa di kalayuan. Khian standing beside his motorcycle, smiling to my direction. Busy ha, air supply talaga.
I was trying hard to supress my smile, habang papalapit akong naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Khian. I averted my gaze nang makita ko itong ibinuka ang dawalang mga kamay, urging me to walked faster towards him. Tuluyan na rin akong napangiti. Isang dangkal na lang ang pagitan namin ng salubungin ako ni Khian ng mahigpit na yakap. Whe I looked at him and I froze when I felt his lips kissing my forehead.
"Damn.! I'm controlling myself not to come over here during weekdays, but f**k, I missed you so badly my Keira" I bit my lip to stop myself from smiling ng narinig ko ang sinabi nito.
"Ang higpit ng yakap mo" I said chuckling. It feels so light, dahil ang totoo I missed him too. Pero hindi ko isinatinig sa kanya, baka mamaya lalaki pa ulo niya at mas lalala ang pagiging air supply niya.
"I missed you." Pag-uulit niya at hindi mawala- wala ang tingin sa akin. Instead he huggged me tighter. Wala din namang salitang namutawi sa mga labi ko.
"C'mon, I will take you home, ako ang nagprisinta sa Papa mo na susundo sayo." Sabi pa niyang ulit at kinuha sa akin ang mga hawak kong libro. Gentle dog ang KJ niyo.
Kumilos naman ako agad, sinuot niya sa akin ang helmet at inalalayan niya akong maka-anglas. As we are heading to our house nagparinig ako "busy pala ha"
I heard him chuckled, "hindi ba pwedeng mag-dahilan para di ka makatunog? Ang lakas pa naman ng radar mo." Kinurot ko tuloy ang tagiliran niya. Mapang-husga din to ha.
We are just talking about non sense things na hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay. Bumaba ako at sumunod din ito. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at pasigaw akong nagsabing "im home".
Nadatnan namin sa sala si Mama na nanonood sa paboritong niyang noon time show. Bumati si Khian sa kanya at gumanting nakangiti lang din ang aking ina. Ibinaba ko rin ang mga gamit ko sa sofa. Di rin nagtagal nagpaalam rin agad si Khian na uuwi na siya sa bahay ng pinsan ko. Kung saan siya tumutuloy kung magawi siya dito sa amin.
"Hatid ko lang siya sa labas, Ma." Paalam ko kay Mama ng biglang sumingit si Khian. "No need, I can manage. Just prepare yourself tomorrow morning, I will take you out." Mahinang sambit niya na tama lang sa pandinig ko.
Magtatanong palang sana ako when he cut me off from talking, "naipag-paalam na kita sa mga magulang mo. Nothing to worry" he smiled at me.
Tumango lang ako ng marahan ng hawakan niya ang ulo ko only to give me a long pressed kiss on my forehead before he left our house.