TOTBW CHAPTER 8

1629 Words
CHAPTER 8 Hindi ako nito pinakinggan at nanatili lang ang mga mata sa braso ko. Kinakabahan ako. Paniguradong magagalit na naman ito at baka mayamaya'y uulitin na naman nito ang ginawa niya sa braso ko. Napalunok ako sa sariling naisip. Ilang segundong nanatili ang kaniyang mga mata sa braso ko pagkatapos ay binitawan na ito. "Wait here." Maikling sabi nito at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin. Ginusto ko mang tumakbo at magtago sa kwarto namin. Mas pinili ko na lang na manatili doon sa sopa. Humalukipkip ako doon. Ilang minuto pa ang nakalipas, nakita ko na itong naglalakad patungo sa direksyon ko habang bitbit ang isang puting lagayan. Ano ang gagawin niya? Obvious naman na first aid kit ang dala niya. Pero, tama ba ang iniisip ko? Bago ko pa man maipagpatuloy ang pag-iisip kong iyon. Nagbalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pag-uga ng katabing inuupuan ko. Napalunok ako nang makita ko ang mukha nito ng malapitan. Abala ito sa paghahalukay ng mga gamit doon sa lalagyan kaya malaya ko itong napagmamasdan. Nakakunot ang noo nito. Ang hahaba ng mga pilik mata niya. Umaalon pa ang itim at makapal nitong buhok sa tuwing kumikilos ang kaniyang ulo. Ang sarap sigurong hawak-hawakan ang malambot nitong buhok. Nang mapansin ko na ang unti-unting pag-angat ng mukha nito, ka agad akong nag-iwas ng tingin. Madiin kong kinagat ang ilalim ng pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mapangiti. "Come closer." Nahigit ko ang hininga ko nang marinig ko ang malalim at magaspang na boses nito. Diyos ko. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin. Lilingunin ko ba siya? Aalis ba ako? Kakausapin ko ba siya-Hindi, naiirita lamang siya sa tuwing naririnig niya ang boses ko. "Nakikinig ka ba?" "H-Ha?" Mabilis na kumilos ang ulo ko nang marinig ko ang sabi nito. Napalunok ako nang makita ang nakakunot nitong noo. Nagalit ko siya! "I told you, come closer!" he blurted that made me flinched. Dahil sa nerbyus na nararamdaman ko. Natatatantang sinunod ko ang utos nito. Hindi ko siya pwedeng galitin. I don't want to see his hands formed into fists anymore. I saw him smirked. Seconds after, started moving. Bumaba ang tingin nito sa aking braso at marahan iyong hinawakan. Inilapit niyo ito sa kaniya. Thank God. Hindi niya ginawa ang kanina pa bumabagabag sa aking isipan. Hindi niya ako sinaktan! I'm surprised. "Ah!" I blurted all of a sudden when I felt something on my arm. Nang tiningnan ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Hawak nito ang cold compress at maingat itong pinagdampi-dampi sa parte ng braso kong may pasa. Hindi ko namalayang bahagya ko palang nailayo ang braso ko rito dahil sa gulat. "My bad." Matipid nitong wika habang patuloy pa rin sa ginagawan Gusto kong magreklamo at dumaing dahil sa sakit, ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik at hayaan na lamang ang asawa ko sa kaniyang ginagawa. Pakiramdam ko ay namamaga na ang parteng iyon dahil sa kirot ng nararamdaman ko sa tuwing dumidikit ang bagay na iyon sa akin. "Does it still hurts?" he asked. Umiling lamang ako rito bilang sagot. Syempre, masakit. Sobrang sakit. Alam kong alam niyang nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa pasang iyon, kundi pati na rin sa dibdib ko. Nasasaktan ako sa mga pinapakita niya ngayon. Panigurado naman kasing mamaya, mawawala na naman ang ugali niyang ito at bigla-bigla na lang akong sasaktan nang hindi ko alam ang dahilan. Kaya hindi ako dapat na umasa. Mayamaya pa, napansin ko ang pamamawis nito. Hinahawi rin niya ang kaniyang buhok na tumatakip na sa kaniyang mukha. "K-Kaya ko na 'to, Ty." Sinubukan kong bawiin ang hawak nitong cold compress, ngunit iniwas lamang nito. "Stop talking." Nanahimik na lang ako. Madiin kong ipinagdikit ang mga labi ko upang huwag magsalita. Nag-iwas ako rito ng tingin. Nakahawak ang kamay nito sa aking pulsuhang habang abala naman ang isa na may hawak na compressor. Nakakahiya. Ang awkward kasi masyado. Parang kanina lang, galit na galit siya sa akin. Ang mas nakakahiya pa ay unang beses ko itong sinagot ng ganoon. "Done." Kung hindi ko lang narinig ang sinabi niya. Sigurado'y hanggang ngayon ay nakatanga pa rin ako sa harap dahil sa sobrang pag-iisip. Nahihiya ko itong tiningnan at binawi ka agad ang kamay kong may benda na pala. Hindi ko man lang namalayang nilagyan niya ako nito. Mabuti na rin 'yon. Kaysa naman, matulad kaninang nainis siya dahil nagreklamo pa ako. Akmang magpapasalamat ako rito nang bigla itong tumayo at naglakad papalayo sa akin habang bitbit ang lagayang iyon. Kaya hangga't wala pa ito. Binaba ko ang mga mata ko upang tingnan ang braso ko. Hinawakan ko ang pulsuhan kong kanina ay hinawakan niya. Ang init. Naiwan pa rin doon ang init na hatid ng kamay niya at ang sarap sa pakiramdam. Lumipat ang paningin ko sa nakabenda kong braso. I didn't know he has this skill. Ang galing niyang gumamot. Upon looking at him awhile ago, kung hindi ko lang talaga siya kilala. Paniguradong mapagkakamalan ko siyang isang paramedic, nurse o di kaya'y isang doktor. I smiled with that thought. How I wished he could do that to me. Every day. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ulit ang mga hakbang ng paa nito. Pero hindi katulad kanina, sa direksyon ko papunta. Mukhang lalabas ito patungong likod-bahay namin. Hindi ko na ito sinundan. Tumayo ako at naglakad patungo sa kusina upang i-check ang mga naiwan kong pagkain doon. Nakalimutan ko pala iyong iligpit. Nandoon pa naman ang tinapay na 'yon at nakabukas pa ang supot. Baka makita iyon ni Tyrone. Saka, kailangan ko ring iligpit ang mga pinggan na inihanda ko doon. Akala ko kasi ay hindi pa kumain ang asawa ko. Nagtira pa naman ako ng kanin at ulam doon. Magluluto pa nga sana ako. Pagkarating ko roon, nahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya makita ko siyang nakaupo sa upuan habang abala sa pagbabasa ng dyaryo. Wala na rin doon ang mga hinanda kong pinggan. Pati ang supot ng tinapay ay wala na roon. Bumalik ang paningin ko sa kaniya. Hindi niya yata ako napansin. Baka nagugutom siya. Baka gusto niya ng kape. Dahil sa pag-iisip kong iyon, nahanap ko na lang ang aking sariling naglalakad papalapit dito. Nang sa wakas ay napansin niya na ako, nakataas ang kilay na tiningnan ako nito. "G-Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita." nauutal kong saad dito. "No," maikling sagot nito. "Ah, gusto mong kumain? Ipagluluto kita ng makakain-" "H'wag na." he cut my words. But he did helped me. I can't just go upstairs and rest. Gusto kong ibalik ang tulong na ginawa niya sa akin, kahit sa ganitong paraan man lang. Bahala na. Tahimik akong naglakad patungo sa gilid at binuksan ang cabinet upang kumuha ng tasa na pagtitimplahan ko. "What do you think you're doing?" Nasa gitna pa ako ng pagtitimpla ng kape, nang bigla kong marinig ang boses nito sa likuran ko. "Ipagtitimpla ka ng kape." Saglit akong tumingin dito at nginitian siya. "I told you, I don't want a coffee." he said. Hindi ko na lamang ito sinagot at aabutin na sana ang lalagyan ng powdered coffee nang bigla akong makaramdam ng kirot sa braso ko. Huli na nang mapagtanto kong si Tyrone pala ang may gawa no'n. Napadaing ako nang buong pwersa ako nitong hinila palayo roon. "A-Aray." Sadyang traydor lang talaga ang bibig ko dahil kahit anong pigil ko sa pagsalita ay kusa talaga iyong lumalabas sa bibig ko. Bumuhay bigla ang kaba sa aking dibdib nang makita ko ang galit nitong mukha. Ang sakit. Parang kanina lang ay ginagamot niya ito, ngunit ngayon ay makikita ko na lang siyang walang pagdadalawang isip na hawakan ang parte kong iyon. "You're making me mad, Samantha." madiin nitong wika. Napangiwi ako. Pakiramdam ko'y dumadaloy ang sakit na galing sa braso ko patungo sa buong katawan ko. "T-Tyrone, masakit." Kumilos ka agad ang isang kamay kong kanina ay nakatukod sa likuran ko at sinubukang ilayo ang kamay niyang nakahawak sa braso kong may benda. Ngunit mas lalo lamang iyong sumakit. "T-Ty." I almost whispered. Naiiyak na ako. Nanguna na ang kaba sa aking puso. Natatakot ako sa galit nitong mukha. Ilang segundo kaming nagkatitigan doon. Sinubukan kong magmakaawa sa kaniya gamit ang tingin ko. Nagbabaka-sakaling maaawa siya sa akin. Laking pasasalamat ko nang dininig ng Panginoon ang panalangin ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkahawak nito sa kamay ko. Ngunit ay mas ikinagulat ko ay ang paglambot ng mukha nito. Napagtanto kong naglaho na pala ang galit sa mukha nito at napalitan ng malambot na ekspresyon. Mabilis nitong inilayo ang kaniyang kamay sa akin na tila ba'y ikakapaso niya kung mananatili ang mga kamay nitong nakahawak sa akin. "I told you, I don't need a coffee." Nag-iwas ito ng tingin sa akin. "Sorry." Napatungo na lamang ako. "Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo mo?" may himig na pagka-inis ang boses nito. "G-Gusto ko lang namang ibalik ang tulong-" "Tss, I don't care about that damn exchange!" he exclaimed. Napapitlag ako sa ginawa nito. "Hindi ka sana masasaktan kung hindi ka nagmatigas, e! Nakakainis kasi 'yang katangahan mo. Pwede bang limitahan mo naman?" dagdag pa nito. I remained silent. It's just so damn hurt hearing those words from him. Paulit-ulit naman, simula una. Bakit ba kasi hindi pa ako nasanay? "Alam mo. Mas magugustuhan ko pa siguro kung magpasalamat ka." wika pa nito. "You should be grateful, Samantha. Kasi kahit papaano ay may natira pa akong konsensiya para sa'yo. . ." he paused. Nakapamaywang itong naglakad patalikod sa akin. "Kasi kahit gaano pa kahayop 'yong pinanggagawa mo. Kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo. Hindi ko pa rin mababago ang pisteng katotohanang, isa kang babae." He continued and started to walk away. •ohmy_gwenny•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD