Chapter 9
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala ang asawa ko sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Wala nga akong katabi.
Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili galing sa hinihigaan kong kama habang nakasuporta ang isang kamay ko pataas samantalang ang isang kamay ko naman ay nakaperme lang sa hita ko dahil paminsan-minsan itong kumikirot. Hindi lang yata simpleng pasa lang ang nangyari rito.
Inabot ko ang lampshade sa maliit na mesang katabi ng kama namin at binuksan ito. Hinanap ng mga mata ko si Tyrone.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon kanina ay umalis siya ng bahay. Gusto ko pa sana itong hintayin ngunit tila'y hinihila na talaga ako ng katawan ko patungo sa kwarto namin. Kaya nakatulog ako.
Bahagyan akong tumingala at nakitang alas dos na pala ng madaling araw. Napakunot ang noo ko. Hindi pa siya umuuwi? Nasaan siya?
Dahil sa dami ng tanong na bumabagabag sa utak ko, nahanap ko na lang ang aking sariling bumaba sa kama at lumabas ng kwarto namin.
Gamit ang ilaw na nanggagaling sa cellphone ko, naglakad ako pababa ng aming hagdan at nagtungo sa sala upang buksan ang ilaw.
Nang sa wakas ay nasakop na ng liwanag ang ang buong sala, hinanap ka agad ng mga mata ko ang asawa ko. Still, no signs of him. Kahit anino man lang nito ay hindi ko makita.
Naglakad ako papuntang kusina. Hinanap ko na rin ito sa mini bar nito kahit na alam kong ayaw niya akong pumasok doon. Pero wala pa rin. Wala rin ito sa likod-bahay namin na kung saan doon niya nakahiligang tumambay.
Isinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking sariling mga daliri. Saan ba siya nagpunta?
Sobra ko ba siyang nagalit kanina? Kung galit man siya sa akin. Hindi niya naman nakahiligang umalis ng bahay at maabutan pa ng alas dos ng madaling araw.
Kung mayroon man itong kinakasamang babae. Paniguradong iuuwi niya na naman ito rito sa pamamahay namin. Pero ngayon ay laking ikinagulat ko. Hindi ito gawain niya.
Wala sa sariling humigpit ang pagkakahawak ko sa suot kong pantulog nang may kung anong ideyang hindi ko nagustuhan ang sumagi sa isip ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling upang mawaksi ang mga iyon.
Hindi! Hindi mangyayari iyon. Walang masamang nangyari sa kaniya! Siguro'y nakituloy lang siya sa mga kaibigan nito o di kaya'y umuwi muna ito saglit sa kanilang bahay dahil sa inis sa akin. Tama! Naiinis lang siya sa akin! Kaya there's no way na may nangyayari sa kaniyang masama. Stop being paranoid, Samantha!
Inangat ko ang cellphone ko nang napagtanto kong hawak-hawak ko pala ito. Hinanap ko ka agad ang pangalan ng asawa ko sa contacts at denial ito.
Paniguradong magagalit 'yon dahil tinawagan ko siya. Pero bahala na, ang importante ay mapanatag ang loob ko. Gusto kong marinig boses niya at makumpirmang okay lang talaga siya.
Nakatatlong ulit ako sa pag-dial dito dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi naman naka-off ang cellphone niya dahil nagri-ring ito.
Napabuntong-hininga ako. Sa huling pagkakataon ay sinubukan ko itong tawagan. And thank God, he finally answered me.
Humigit muna ako ng isang hininga bago ko tuluyang itapat ang cellphone ko sa tainga ko, "Hello, Tyrone?"
Ngunit ka agad ko rin namang nailayo nang biglang bumungad sa akin ang sobrang ingay na tugtog at sigawan ng mga tao sa kabilang linya.
"Hey, who's this?" Napaawang ang mga labi ko nang marinig ko ang boses na iyon.
"Wait—putangna! Huy! Gumising ka dyan!" rinig ko ulit na sigaw ng isang lalaki sa kabilang linya.
Hindi ko naman kilala ang boses na iyon. Pero panigurado'y isa sa mga kaibigan niya iyon. So, nasa bar siya ngayon?
Mayamaya pa'y may narinig akong mahinang pag-ungol sa kabilang linya. Goodness! It's Tyrone!
"Someone's calling. Unknown naman. Baka isa sa mga kalandian mo 'yan!" Natatawang sigaw ng lalaki dito. Narinig ko na naman ang isang nakakabinging ingay na tila ba'y ibinagsak ang cellphone nito.
"I'm still sleeping." Tyrone's husky voice made my whole body quiver.
"Tangna, wala akong pake. Alangan namang ako ang kakausap dyan. Baka mamaya magulang mo pala 'yan."
Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanilang usapan. Hindi naman talaga nila ako makikilala. Tyrone never introduce me as his wife to his close friends. Kaya nga hindi na rin ako nagulat nang malamang hindi pala naka-save itong number ko sa cellphone niya.
"Hindi ako tatawagan ni mommy sa mga oras na 'to. Hindi siya 'yan."
"Puta, pre. Baka babae niya 'yang tumatawag sa kaniya. Papuntahin mo na lang dito at nang magkasarapan tayo. Maganda 'yan, knowing Tyrone. Mapili sa mga babae 'yan. " After that, they all laughed in chorus.
Napasinghap ako sa mga narinig ko. I'm his wife! Anong magkasarapan ang sinasabi niya?!
"Hello, miss." A guy who answered the call said.
"Asawa niya ako." I immediately answered. Alam ko naman kasing mababastos ako ng mga ito kapag hindi ko sinabing asawa niya ako.
"Oh, freakin' hell!" A guy cussed.
"Pare! May asawa ka na pala! Bakit hindi mo sinabi sa amin?!" Natatawang wika nito.
Pareho silang nagtawanan lahat doon. And there, I realized. Sikreto lang pala ang kasal namin. Sa huwis lang kami nagpakasal. Walang inimbitang kahit na sino kundi ang mga kamag-anak lang namin.
"Where is he? Gusto ko siyang makausap." tanong ko na lang.
"Woah, woah! FYI, miss. Wala pang asawa si Tyrone. Isa ka ba sa mga nilandi ng kaibigan namin?" Nainis naman ako sa pang-iinsulto nito.
"Hindi ako nagbibiro. Now, answer me. Nasaan ang asawa ko?" Kunot-noong wika ko.
"Easy!" For the second time, they all laughed.
"P—Please, I'm not joking. Nagmamakaawa ako." I pleaded when I again heard him moan. He's obviously drunk! Gusto kong sunduin siya doon at iuwi dito.
Hindi ko alam kung bakit ito naglalasing. Wala naman akong nabalitaang may problema sa kompanya nila o baka niyaya lang ng kaniyang mga kaibigan.
"Well, to answer your question—Tyrone's oh so called, wife. . ." he paused and let out a chuckle, "Kasama namin siya. Lasing lang siya. And I guess, he badly needs your help—"
Hindi ka agad nito natapos ang pagsasalita ng lalaki at napalitan iyon ng natatawang pagreklamo. Napansin kong may parang humablot ng cellphone at mayamaya'y narinig ko na lamang ang biglaang pagputol ng linya.
Ibinaba ko ka agad ang cellphone ko, inilagay ko ito sa sopang nasa tabi at kumaripas ng takbo papalabas ng bahay.
Naglakad ako patungo sa garahe at nakitang nakabukas nga ito. Wala na doon ang isang kotse ng asawa ko at naiwan ang luma nitong kotse. Nagmamadaling lumapit ako dito at pumasok ka agad doon.
Wala nang taxi o di kaya'y jeep ngayon panigurado. Kaya mabuti na lang at marunong akong magmaneho. Alam ko namang magagalit iyon. But knowing that he's already drunk, wala na iyong sapat na lakas para manakit. Basically, hindi na niya kayang umuwing mag-isa.
Gusto ko nang ilampas sa limitasyon ang bilis ng pagpapatakbo nitong boses, wala na naman kasing gaanong mga sasakyan. Pero ang kinatatakutan ko lang ay ang ma-aksidente. Hindi pa ako ganoon ka dalubhasa sa pagmamaneho kaya mas minabuting hindi ako magpapatakbo ng mabilis.
Hindi ko naman alam kung nandito ba siya sa pupuntahan kong bar na pinakamalapit sa aming bahay. Pero bahala na. Papasukan ko lahat ng bar dito sa lugar namin kung kinakailangan.
Nang sa wakas ay makarating na ako. Lumabas ka agad ako sa kotse at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa suot kong roba nang makitang maraming nakaparadang kotse doon. Galing din dito sa labas ay naririnig ko na ang ingay sa loob.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at humugot ng lakas-loob bago magsimulang humakbang papasok.
"Welcome." Nakarinig ako ng boses ng babae pagkapasok na pagkapasok ko sa entrada. I just gave her a smile. Humarap na ako sa mga tables na nandoon.
Napangiwi pa ako nang maamoy ko ang halo-halong amoy ng sigrailyo at mga alak kaya bahagyan akong napatakip sa aking ilong.
May nagkakantahan sa mini stage habang ang mga tao naman sa baba ay nawiwili nanonood samantalang, ang iba naman ay nagsasayawan na para bang wala na sa sarili.
"Woah!"
Naagaw ng atensyon ko ang grupo ng kalalakihang nagkantiyawan. Napabaling ako sa kinaroroonan ng mga ito.
"I won! Woah! Now, Simon. Go and fck that ugly big ass b***h!" And they all laughed. If I'm not mistaken, he is the guy answered my call awhile ago.
Lumipat naman ang mga mata ko at wala sa sariling napasinghap nang makita ang katabi nitong lalaki na ngayo'y bagsak na ang katawan na natutulog sa mesa kung saan sila nakaupo.
Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. He really needs someone's help! Bakit hindi man lang nila tinulungan ang kaibigan nila?! Bakit hindi man lang nito hinatid pauwi?! Kulang pa ba ang mga nakikita nila para hindi ito ihatid man lang para makapagpahinga?!
Huminto ako sa harapan nilang lahat. And there, I caught their attentions. Napahinto ang mga ito sa pagsasalita at pagtatawa nang makita ako. Ang isa ay nakabitin pa sa ere ang kaniyang baso na para bang akmang iinom ito nang bigla akong makita.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at lumapit na sa asawa ko upang gisingin ito. He seemed so tired and looks like he doesn't want someone to disturb his sleep.
"T—Ty.." I tried to wake him up. But I received no response.
"Are you his self proclaimed wi—"
"I'm his wife. I don't need your insults." I automatically cut his words.
"Tyrone, wake up. Uuwi na tayo. Lasing na lasing ka na." Sinubukan ko ulit itong gisingin, ngunit sa pagkakataong ito ay bahagya ko nang niyuyugyog ang balikat nito.
"Asawa mo ba talaga 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa pang lalaki sa likuran ko.
"Oo." I simply answered.
"Then how come ginigising mo siya? Alam mo, ang paggising sa kaniya ang pinakaayaw niya." he then laughed.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Ayaw niyang ginigising siya? N—Nagagalit siya pag ganoon?
"H—Hindi ko siya kayang buhatin." Napalunok ako matapos.
"Then, you should've just told u—"
Hindi ka agad nito naipagpatuloy ang pagsasalita nang makita ang bahagyang pagkilos ni Tyrone. Inangat nito ang kaniyang ulo, napangiwi pa ito nang masilaw sa ilaw.
"T—Tyrone." I called. Hindi naman ako nabigo at naagaw ko ang atensyon nito. Tumingala ito at tiningnan ako.
Mariin kong nakagat ang ilalim ng aking pang-ibabang labi nang mabasa ang gulat sa mga mata nito. Tila ba'y isa lang akong panaginip at ninanais niyang magising na lang.
"Dude! You're awake. Hindi mo naman sinabi sa aming kasal ka na pala."
Hindi niya pinansin ang natatawang komento ng kaibigan nito at patuloy lamang sa pagtitig sa akin. His eyes were bloodshot. Namumula rin ang mga tainga nito pati ang kaniyang leeg. At ilong.
"Uwi na tayo. Lasing ka na. A—Alas dos na ng madaling araw." nauutal kong wika dito.
Dahil sa sinabi kong iyon ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napansin ko pa ang pagkuyom ng kamao nito na ngayo'y nasa ilalim ng mesa. Galit siya.
"Ty, come on. Hindi ka namin pipigilan. Samahan mo na ang asawa mo at mukhang hindi pa kayo nag hone—"
"Shut up, Simon!" Pareho kaming napapitlag sa malakas nitong sigaw. Inaasahan ko ang pagkakabuhol-buhol ng mga salitang lalabas sa kaniyang bibig. Akala ko ay hindi niya kayang sumigaw ng ganoon kalakas dahil sa sobrang kalasingan nito. Pero nagkakamali ako.
"A—Aray, Ty!"
He's so fast! Hindi ko man lang namalayang nakatayo na pala ito at ngayon ay marahas ako nitong hinihila papalabas ng bar. Hindi na nito pinansin ang mga taong nababangga niya, ang mga upuang naitumba niya.
"T—Tyrone, nasasaktan ako." reklamo ko dito habang pilit na kumawala sa kaniyang mga kamay. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa aking pulsuhan kaya ganoon na lamang ang nararamdaman kong panlalamig sa kamay ko.
Hindi ako nito pinansin hanggang sa makarating kami sa kotse nito. Binuksan niya ka agad ito at marahas akong itinulak papasok. Pabagsak nitong sinara ang pinto ng kotse nito nang sa wakas ay makapasok na ito sa driver's seat.
"Tyrone! Y—You can't drive!"
"Fcking shut up or I will cut your tongue out from your fcking mouth!" Napasinghap ako sa sinabi nito.
Umaapoy na ito sa galit! At parang kaya na nitong pumatay ngayon mismo! Naiiyak na ako rito sa gilid. The way he gripped the stirring wheel, the way he stepped on the car's dead pedal. Nanuhay bigla ang takot sa puso ko. Pinilit kong alisin ang mga posibilidad na sumasagi sa isip ko. No! Ayaw ko! Natatakot ako!
Hindi ko namalayang nakarating tumigil na pala ang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Dahil sa nerbyus ko, inunahan ko na itong lumabas. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas ng kotse.
Ngunit hindi pa lang ako nakatatlong hakbang ay naramdaman ko na naman ang mahigpit nitong pagkahawak sa aking pulsuhan. Hinila ako nito papasok ng bahay.
"Tyrone, ano ba?! Nasasaktan na ako!" I cried.
"Potangina, tumahimik ka kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo nang hindi ka na makapagsalita!" he yelled.
Ilang sandali pa'y ginamit nito ang kaniyang nakahawak na kamay sa aking pulsuhan upang hilahin ako paharap sa kaniya. Kaya ngayon ay mas malapitan ko nang natitingnan ang kaniyang galit na galit na mukha. Madiin nitong ipinagdikit ang kaniyang mga labi na para bang nanggigigil na ito sa akin.
"Bakit ka ba nangingialam ah?!" sigaw nito.
Hindi ko ito magawang sagutin. Masyado na akong pinangunahan ng takot kaya mas nangingibabaw ang pag-iyak ko kung kaya't hindi na ako makakapagsalita.
"At ang kapal kapal ng mukha mong magpakilalang asawa ko sa kanila kanina?! 'Diba sabi ko, walang ibang makakaalam ng putangnang kasal na 'to?!" dagdag nito.
Bakit? Asawa niya naman talaga ako! Ano bang mali sa ginawa ko?!
"Stop crying! Hindi ako naaawa sa mukha mong 'yan, Samantha! Nakakainis!"
"Tyrone, I'm just doing my part! Ano bang mali sa ginawa ko?!" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas-loob para sabihin ang mga katagang iyon.
Ngunit, hiniling ko na lamang na sana'y hindi ko na lang iyon ginawa dahil mas lalo ko lang pala itong nagalit.
"Your part?! Para ipahiya ako?! Gusto mong ipaalam sa kanila na ikaw ang asawa ko?! Isang desperadang hayop na may gana pang mangaliwa samantalang siya naman ang nagpumilit ng kasalang ito?!" he shouted. Mas lalo lamang humigpit ang pagkahawak nito kaya mas lalo lamang akong naiyak.
"T—Tyrone, please."
"Tigil-tigilan mo ako sa pisteng pagmamakaawa mong 'yan, Samantha! Hindi na ako natutuwa!" Bumabakat na naman ang mga ugat nito sa kaniyang leeg dahil sa pagsigaw.
Sinubukan ko ulit na kumawala sa pagkakahawak nito sa aking kamay, ngunit wala! Sadyang mas malakas lang talaga ito sa akin kaya hindi ko man lang kayang galawin kahit ang isang daliri nito.
"Don't do it again! Try me, Samantha! Try me!"
Sunod-sunod lang akong umiling dito bilang tugon. Baka kung ano pa ang magawa nito kung mas pipiliin kong magpaliwanag dito. I'm afraid, he could kill me right here, right now.
Ngumisi naman ito sa naging tugon ko, "Good." he whispered. Ngunit ang kasunod nitong ginawa ay hindi ko inasahan.
"A—Ah!"
Napaliyad ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng likuran ko sa isang bagay dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa akin. Mas lalo lamang akong nataranta nang may kung anong matalim na bagay ang naramdaman ko sa aking likuran dahilan upang mangmanhid ang buong katawan ko.
Sinubukan ko pang tingnan si Tyrone upang sana'y humingi ng tulong ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
•ohmy_gwenny•