CHAPTER 7
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang sarap nga ng tulog ko pero ang sakit naman ng nararamdaman ko. Kanina lang pagkatapos kong linisin ang buong katawan ko ay hindi ko na naabutan ang asawa ko rito sa kwarto, kaya natulog na lamang ako.
Malalim ang pagtulog ko, ngunit ramdam ko ang paghirap ng paghinga ko dahil sa kakaiyak ko kanina.
Iminulat ko ang mga mata ko nang tuluyan nang magising ang sarili ko. Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid. Anong oras na ba?
Napabuntong hininga ako nang maglaro ulit sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Nagkasagutan kami ni Tyrone. Sa buong taon naming pagiging kasal, iyon ang unang beses na nasagot ko siya at inilabas lahat ng saloobin ko. I felt relieved but at the same time, kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka paglabas ko ngayon ay bubungad sa akin ang galit nitong mukha.
Inangat ko ang sarili ko sa higaan at bumaba sa kama upang lumabas ng kwarto. Sandaling napahinto pa ako sa pagkilos nang maramdaman ko ang kirot sa aking katawan lalo na sa aking braso. Mayamaya pa'y kumilos ulit ako upang umalis sa silid na iyon.
Nang makalabas na ako ay iginala ko ka agad ang mga mata ko sa buong bahay. Wala siya. Napahinga ako ng maluwag. Umalis siguro siya.
Tahimik akong bumaba sa hagdan at nagtungo ka agad sa kusina upang maghanap ng puwedeng makakain. Nagugutom ako. Ilang oras ba akong nakatulog?
Lumapit ako sa fridge at naghanap doon. Nahagip ng mga mata ko ang isang supot na may lamang tinapay. Wala naman akong kai-ideya kung kanino 'yon kaya kinuha ko ang supot at nagtungo sa mahabang lamesa upang doon kumain.
Bahala na. Mukhang wala pa rin naman siya. Saka, kailangan nang magkalaman ang tiyan ko dahil pakiramdam ko ay hinihigop na lahat ng sistema ko doon.
Pero ilang sandali ang makalipas ay bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko kaya napahinti ako sa pagkain.
Bigla ko na lang naramdaman ang kabang kanina ay bumabalot sa aking puso. Hindi ko hinayaan ang sarili kong kumilos, pinakiramdaman ko siya sa aking likod nang makahanda ako sa sunod niyang gagawin.
Takot? Oo, takot ako. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil walang araw na hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay o di kaya'y sisigawan.
"Ano 'yan?" Napapitlag ako nang marinig ko ang sobrang lalim nitong boses na mas lalo lamang nagpabilis sa pagtibok ng aking puso.
Gusto kong tumakbo, patungo sa kwarto namin at magtago na lamang doon para hindi niya ako makita. Nagtalo ang buong sistema ko sa nais kong gawin.
Pero sa huli ay mas pinili ko pa ring labanan ang takot ko at hinarap siya. His eyes were bloodshot na para bang kagagaling lamang nito sa pag-inom at paglalasing.
"A—Ah, sorry kung kinain ko. G—Gutom na kasi ako. Pangako bibili na lang ulit ako ng bago." nauutal kong sagot.
Sandali ako nitong tinitigan pagkatapos ay bumaba ang mga mata niya sa pagkain sa lamesa. Napalunok ako nang bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
"Bakit tinapay lang ang kinain mo? Marami naman dyan. Maghanap ka." Wika nito at humakbang papalapit sa akin. Akmang aatras pa ako nang makita kong kinuha nito ang supot sa lamesa at tumingin ulit sa akin.
"You can't eat these." he said.
Bakit? Nag-aalala ba siya sa akin?
Lumundag ang puso ko sa naisip. Ayaw niya akong pakainin ng simpleng tinapay lang at gusto niya akong mabusog dahil nag-aalala siya sa akin?
"Ipapakain ko na ito sa mga walang may-aring aso sa labas. Nilagay ko lang ang mga 'to sa fridge para bukas."
Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa kasunod nitong sinabi. Gusto kong isuka lahat ng mga iyon galing sa tiyan ko, ngunit mas pinili ko na lamang ngumiti sa harap nito.
"A—Ah, pasensya na. Kalahating piraso pa naman ang nakain ko." sagot ko dito. Mabuti na nga lang at hindi ko naubos ang isang piraso. Baka sasakit ang tiyan ko pag nagkataon.
Hindi ito nagsalita. Wala na rin naman akong puwedeng sabihin sa kaniya, "A—Ah, excuse me. Akyat muna ako." sabi ko na lang dito at nagmamadaling tumalikod dito para umalis na ngunit hindi pa lang ako nakatatlong hakbang ay narinig ko itong magsalita.
"Akala ko ba gutom ka? You should eat."
"Salamat na lang. Nabusog na rin naman ako sa tinapay." palusot ko pa.
"You can't fool me, Samantha. Pupunta ako sa kwarto, huwag mo akong sundan." Anito kasabay ang paglakad para lampasan ako. Sinundan ko ito ng tingin. Umalis ito sa kusina at umakyat na sa hagdan.
Naiwan akong mag-isa doon. Humugot ako ng hininga bago ako nagtungo sa water dispenser upang uminom ng maraming tubig. Is that even new to me para ipaalam pa niya sa akin?
He is Tyrone. At sa tuwing siya ang unang pumapasok sa kwarto namin ay ayaw niya akong papasukin, not unless lumabas siya o di kaya'y tulog na siya.
Mayamaya pa, nagluto ako ng kaunting ulam na puwedeng kainin. Dalawang hotdog lang naman at isang itlog. Hindi na rin ako nagsaing dahil may naiwan pa naman doon, kaya iyon na lang ang pinagtiya-tiyagaan kong kainin.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa sala upang doon muna magpahinga saglit. Alas sais na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Sana pala pinagluto ko na lang din si Tyrone ng hapunan niya.
Nakaupo lamang ako doon. Ayaw ko namang manood ng telebisyon dahil paniguradong hindi ko magugustuhan ang mga palabas. Hindi naman ako mahilig sa TV.
Hinilot ko ang braso habang nakaupo pa rin doon. Sinilip ko ang bandang medyo mahapdi at doon nakita ko ang pasa na nagiging kulay lila na. Sana pala chineck ko muna 'to kanina, edi sana hindi 'to magiging ganito kalala tingnan.
"Samantha." Tila ba nahuli akong nangungupit at mabilis na kumilos ang kamay ko pabalik sa posisyon nito kanina.
"T—Tyrone." pabalik kong tawag dito.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala ito ng kwarto namin dahil sa sobrang tutok ko sa aking braso. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
"You're done eating?" Hindi ko inaasahang tanungin niya ako.
"Ah, oo. Ikaw, gusto mo bang paglutuan kita ng hapunan. Nagtira ako ng kanin do'n. Pero puwede rin akong magsaing ng panibagong kanin kung gusto mo." Natatarantang sagot ko dito kasabay ng aking pagtayo galing sa upuang iyon.
Umiling lang ito sa sinabi ko, "I'm done." maikling sagot niya. Bahagya nitong ikiniling ang kaniyang ulo at bumaba ang mga mata nito. Sinubukan ko namang kumilos kung sakali ay may tiningnan siyang bagay na siguro'y nahaharangan ko.
Ilang segundong nanatili ang mga mata nito sa isang bagay habang nakakunot ang noo. Mayamaya'y ikinagulat ko nang makitang nagsimula itong maglakad pababa ng hagdan.
Napapraning na naman ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Nagsimula na namang maglaro sa aking isipan ang posibleng gagawin niya sa akin ngayon.
Palihim akong napasinghap nang makitang patungo ito sa direksyon ko. Doon na nagsimulang gumulo ang buong sistema ko. Pati sa paghinga ko ay nahihirapan na ako dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Humakbang ulit ako patungo sa gilid ko upang maiwasan ito. Pero kasi, parang walang silbi ang ginawa kong pag-usog dahil sa direksyon ko pa rin ito patungo.
Akmang hahakbang pa sana ako nang maramdaman ko ang kamay nito sa aking pulsuhan at hinigit ako paupo sa sopa.
"T—Tyrone!" tarantang sabi ko dito.
Ngunit hindi ako nito pinansin. Iginala nito ang kaniyang mga mata sa buong kamay ko at tumigil ka agad sa parte ng braso ko kung saan nagkapasa dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito kanina.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang kaba. Anong gagawin niya?
•ohmy_gwenny•